DAHIL nag-anunsiyo na si Sam Versoza na tatakbo siyang alkalde ng siyudad ng Maynila, walang dudang si Isko Moreno ang isa sa mahigpit niyang makakalaban sa eleksyon sa Mayo sa isang taon.
Sa tanong namin kay Sam kung magkakilala ba sila ng personal ni Isko, ang sagot ni Sam ay…
“Ilang beses na rin kaming nagkasabay, mga awards night. Sabay kami na pinarangalan.
“Nagkasama rin kami nung magtayo ako ng E-skuwela sa Maynila para sa mga kabataan noong pandemya.
“Pumunta si Isko. May pictures kami.
“Marami kaming pictures ni Isko so masaya ako, nakilala ko siya at nakatulong kami na magkasama.
Samantala, happy si Sam sa kanyang recent Ayuda Na Hindi Trapo event dahil mataginting na “Mayor” na ang tawag sa kanya ng mga taga-Barangay 128, Zone 10 sa Smokey Mountain.
“Ngayon lang siguro nangyari ito sa buong Barangay 128,” kuwento ni Sam o SV.
“Buong Tondo, sabi ko lahat ng pamilya dito, gusto kong mabigyan ng biyaya.Walang uuwing malungkot.
“Lahat uuwing masaya, may ngiti sa mukha at may pag-asa.”
Kaya kahit abala bilang isang businessman via Frontrow, TV host (with his GMA show Dear SV) at Tutok To Win Party-list Representative, nais ni Sam na paglingkuran ang mga mamamayan sa Maynila.
Iyong ayuda raw na dalawang libo kada buwan para sa mga senior citizens, sisiguraduhin niya na lahat ay mayroon at hindi na kakailanganin pang pumila, bagkus ay kusa ng papasok sa ATM card na bawat senior.
At kung nasanay na raw ang marami sa ayudang murang noodles at sardinas, Spam at bigas at gatas na Ensure ang pangako ni Sam.
***
ARGENTINIAN ang ama, Pinay ang ina, parehong nasa Pilipinas ang mga magulang ni Chanty Videla; sa katunayan, kasama niya ang mga ito sa mediacon ng kinabibilangang youth-oriented show, ang MAKA ng GMA.
Miyembro ng South Korean girl group si Chanty, ang Lapillus ay may anim na miyembro na kinabibilangan rin nina Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun.
Pinagkuwento namin si Chanty kung paano siya naging member ng Lapillus.
Aniya, “Well, our company decided to create an international group.
“The company that handles our group, our management.”
Ang MLD Entertainment na nangangalaga sa kanyang career at ng Lapillus ang tinutukoy ni Chanty.
Pagpapatuloy niya, “Decided to create an international group, kaya po napasali yung mga foreigners just like me na half Pinay and Argentinian.
“Nag-audition din po ako and meron din po kaming members na Japanese and Chinese- American and the rest are Korean.
“So medyo we’re a mix of different countries.”
Si Chanty lamang ang nag-iisang may dugong Pinoy sa grupo.
Gaano katagal na ang Lapillus?
“We are two years old pa lang po. Bago pa lang po talaga.
“Yes, we debuted last 2022 and we debuted with our song called Hit Ya! And Korean song po siya. And nakatatlo na po kaming songs so far and hopefully, meron po kaming newer songs po in the future and that’s what we’re praying for.”
Nakilala na ni Shanty si Sandara Park o Dara na miyembro ng 2NE1.
“Na-meet ko po si Ms. Sandara po sa promotion po sa Korea, kasi nagkasabay kami ng promotion one time.”
Nakausap niya si Sandara?
“Yes, naka-meet… nakausap ko po siya.”
Nag-Tagalog raw sila pareho.
“Nag-Tagalog po kami. Nag-TikTok pa po kami together, so sobrang saya po ng experience po.”
Sparkle artist na si Chanty ngayon pero hindi siya umalis sa Lapillus.
Sa MAKA, nabanggit ni Chanty na hindi man siya all-out bully bilang si Chanty Villanueva pero medyo may pagka-bully siya sa show.
Nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.
Bida rin sa MAKA si Romnick Sarmenta kung saan kasama rin ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano, sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol.
(ROMMEL L. GONZALES)