• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2024

Barbers nanawagan sa DOJ magsampa ng murder charges laban kay Garma, Leonardo sa lalong madaling panahon

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni House Quad Comm Leader at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) na mag samoa ng muder charges laban kina retired police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo kaugnay sa pananambang nuong 2020 laban kay retired police Gen. Wesley Barayuga.

 

 

Ayon kay Barbers mayruon silang close coordination sa DOJ at mayruon silang mga representatives na nagmomonitor sa kanilang pagdinig lalo at kanilang ibinubunyag ang isang krimen.

 

 

Tinukoy ni Barbers ang naging rebelasyon ni Police Lt. Col. Santie Mendoza ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at Nelson Mariano, na isang drug informant ni Mendoza na sina Garma at Leonardo ang nasa likod sa pagpatay sa dating Lotto official.

 

 

Giit ni Barbers sa mga nasabing rebelasyon dapat gumalaw na ang DOJ at sampahan na ng kaso sina Garma at Leonardo.

 

 

Sa pagdinig ng Quad Comm nuong nakaraang Biyernes iminungkahi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na isama sa committee report ang rekumendasyon na sampahan ng kaso sina Garma at Leonardo.

 

 

Una rito, naglabas ng pahayag ang PMA Matikas Class of 1983 at pinuri ang Quad Comm sa paglabas sa likod ng asasinasyon ni Barayuga.

 

Si Barayuga ay miyembro ng PMA Class 1983. (Vina de Guzman)

Quad Comm kay Roque:’Sumuko ka na lang’

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang House Quad Comm kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque na sumuko na lamang matapos pinawalang bisa ng Supreme Court (SC) ang kaniyang apela kaugnay sa inilabas na detention order ng komite.

 

 

Ginawa nina Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panawagan kasunod ng pagtanggi ng SC sa hiling ni Roque.

 

 

Si Roque ay nauugnay sa iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) na itinuring na person of interest.

 

 

Naghain siya ng petisyon para sa writ of amparo, isang protective writ na inilapat niya para makatakas sa detention habang iniimbestigahan ng Quad Comm ang kanyang pagkakasangkot sa mga iligal na gawain ng mga POGO.

 

 

Ayon kay Fernandez hindi na ito ang panahon para magpalusot, dapat narin niyang harapin at sagutin ang mga alegasyon.

 

 

Hinimok ni Barbers si Roque na makinig sa rule of law at makipagtulungan sa patuloy na imbestigasyon, na nagbunyag ng nakababahalang koneksyon ng mga POGO sa iba pang ipinagbabawal na gawain, kabilang ang mga sindikato ng iligal na droga at extrajudicial killings.

 

 

Sa desisyon ng SC, na ibinaba noong Oktubre 1, nilinaw na ang writ of amparo ay para sa mga kaso ng extrajudicial killings o enforced disappearances, mga sitwasyong hindi nalalapat sa kaso ni Roque.

 

 

Hinikayat ni Barbers si Roque na respetuhin ang ang legal na proseso. (Daris Jose)

Pangandaman ginawaran ng Gawad Kapayapaan Award

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGKALOOB kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang prestihiyosong Gawad Kapayapaan Award nitong Setyembre 30.
Ang naturang pagkilala ay iprinisinta ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Kinilala ang kontribusyon ni Secretary Pangandaman sa kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Bilang co-chairperson ng Intergovernmental Relations Body (IGRB), pinangunahan ni Pangandaman ang pagsisimula ng pitong mekanismo ng IGRB sa loob lamang ng isang taon at iprinisinta ang 3rd Progress Report to the President nitong Hulyo 31.
“As a proud daughter of Mindanao, this mission holds a deep personal significance for me. The vision of peace and development in BARMM is something that lives in my heart—a flame that burns brightly. I have seen first-hand how conflict can scar communities, but I also know that hope and peace can transform lives,” ayon sa Budget Chief sa kanyang acceptance speech.
Isa ring key figure si Pangandaman sa paglulunsad ng Marawi Compensation Board (MCB), na nagtulak sa pagbangon ng ekonomiya sa rehiyon. (Daris Jose)

Belmonte, mga kaalyado sa Quezon City naghain ng COC

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“HIGIT na palalakasin ang mga premyadong programa tulad ng social services, health, education at shelter kapag pinalad na maging alkalde muli ng Quezon City sa darating na May 12 election sa susunod na taon.”

 

 

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte kasabay ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) pasado ala-1 ng hapon kahapon sa Amoranto Sports Complex, Quezon City para sa muling pagtakbo nito bilang alkalde ng lungsod.

 

 

Sa tanong ng media kung anong masasabi nito na “unbeatable” siya at walang lalaban sa kanya, sinabi ni Belmonte na unang araw pa lang naman ng filing at hindi pa alam kung talagang walang makakalaban sa mayoral race.

 

 

Si Mayor Joy ay sinamahan ng kanyang ama na si dating Speaker at dating QC Mayor Sonny Belmonte, Kit Belmonte at iba pang kapamilya sa kanyang paghahain ng COC.

 

 

Kasabay ni Mayor Belmonte na nag-file ng COC sina QC Vice Mayor Gian Sotto para sa kanyang re-election bid.

 

Sinabi ni Vice Mayor Sotto, ang mga programang pangpamilya ang prayoridad na ipatutupad kapag nasungkit ulit nito ang puwesto sa halalan.

 

 

Kabilang pa sa mga nag-file ng kandidatura sa pagkakonsehal ang mga kaalyado ni Mayor Belmonte na sina City Councilors Charm Ferrer, TJ Calalay, Bernard Herrera, Gabriel Atayde, at Majority floor leader Doray Delarmente mula sa District 1.

 

 

Mula sa District 2, sina City Councilor Fernando Michael “Mikey” Belmonte at Candy Medina at sa District 3 ay si City Councilor Gelyn Ge Lumbad, Wency Lagumbay at baguhang nais pumasok sa pagkakonsehal sa District 3 na si Chackie Antonio.

 

 

Nagsampa rin bilang re-electionist sa District 4 sina Councilors Nanet Daza, Irene Belmonte at Egay Yap, habang sa District 5 sina Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez, at tatakbo ring konsehal ang artistang si Enzo Pineda. (Vina De Guzman)

Ex-PBA star player, naghain ng kandidatura bilang konsehal sa Maynila

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) star player na si Paul “Bong” Alvarez bilang “aspirant councilor” sa ikatlong Distrito sa Lungsod ng Maynila nitong Miyerkules, Oktubre 2.

 

 

Kilala si Alvarez sa tawag na “Mr. Excitement” dahil sa bilis at liksi nito sa paglalaro ng basketball noong dekada 90.

 

 

Si Alvarez ay nasa partido ng Aksyon Demokratiko kung saan nagsisilbing Presidente nito si dati at magbabalik na Alkalde sa lungsod ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso.

 

 

Bukod kay Alvarez ay naghain din ng kandidatura si Manila 5th District Councilor Bobby Espiritu para sa kanyang ikalawang termino sa ilalim din ng Aksyon.

 

 

Kasama ni Espiritu ang kanyang pamilya gayundin ang kanyang ama na si dating Manila City Administrator Felix Espiritu.

 

 

Ilan pa sa mga “re-electionist” na naghain ng kanilang kandidatura sa pagka-konsehal ay sina 1st District Niño Dela Cruz (Asenso Manileño) at Irma Alfonso (Aksyon); 3rd District Tol Zarcal (Aksyon) at Fa Fugoso (Asenso); 5th District Mon Yupangco (Aksyon); 6th District Caloy Castañeda, Lou Veloso at Elmer Par na pawang nasa ilalim ng Aksyon. GENE ADSUARA

DMW, DFA at OWWA, sanib-puwersa sa pagpapauwi sa mga OFWs na naipit na sa tumataas na tensyon sa Lebanon

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PUWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.

 

 

Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba sa Dahieh, malapit sa MWO, kung saan may 63 OFWs ang namamalagi.

 

Ang lahat ng OFWs ay ligtas mula sa kamakailan lamang na pag-atake at kagyat na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery, Lebanon para sa pansamantalang pamamalagi sa mas ligtas na lugar.

 

Mayroon din na 16 overseas Filipino ang pansamantalang nanunuluyan sa nirentahang pasilidad sa Beit Mery para tiyakin ang kanilang kaligtasan at seguridad.

 

Ang patuloy na kanselasyon ng outbound flights ng mga pangunahing airlines ay bunsod ng kamakailan lamang na pagsabog sa Beirut , nakapag-paantala sa pagpapauwi sa 15 OFWs na original na nakatakda sanang iwan ang Lebanon noong Setyembre 25, 2024.

 

“Three among the batch (one with medical condition) are rescheduled to go home on October 11, 2024, while the remaining 12 OFWs will join the other 17 OFWs who are set for repatriation on October 22, 2024, barring unforeseen circumstances,” ayon sa ulat.

 

Inaayos din ng MWO-Beirut ang pagpapauwi sa karagdagang 63 OFWs na may kompletong dokumentasyon at clearances na iwanan ang Lebanon.

 

“As there is a temporary suspension of operations in some offices in Beirut due to the recent explosions, there are more than 100 OFWs awaiting clearance from the immigration authority, before they will be scheduled for repatriation,” ayon pa rin sa ulat.

 

Ang Whole-of-government assistance at suporta ay pagkakaloob naman sa OFW repatriates sa kanilang pagbabalik, gaya ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

Ang lahat ng ito ay kaagad na makatatanggap ng financial assistance mula sa DMW AKSYON Fund at OWWA.

 

Sa ngayon, mayroong 430 OFWs at 28 dependents ang napauwi na sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DFA, DMW, at OWWA.

 

Samantala, may isa namang contingency plan ang inaayos para tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng OFWs sa Lebanon sa anumang pagkakataon. (Daris Jose)

VMayor Along naghain na ng COC

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central.

 

 

Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si Congressman Oscar “Oca” Malapitan, ang Team Aksyon at Malasakit slate, at mga tagasuporta.

 

 

Naghain din ng kani-kanilang COC sina Vice Mayor Karina Teh at Team Aksyon at Malasakit District 2 councilors.

 

 

“Nagpapasalamat po ako sa pagbuhos ng suporta sa akin at sa aking buong team mula noong aming proclamation rally. I’m overwhelmed with the massive support from Batang Kankaloos,” pahayag ni Mayor Along. (Richard Mesa)

Sa gitna ng VAT sa foreign DSPs: Pagtaas sa monthly subscriptions, ‘minimal’ lang -BIR

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING asahan ng publiko ang ‘minimal’ price increase sa kanilang monthly subscriptions.

 

Kasunod ito ng paglagda sa batas na magpapataw ng value-added tax sa foreign digital service providers.

 

Sa press briefing sa Malakanyang, tinanong kasi si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. kung mararanasan ng mga consumers ang price increase sa kanilang monthly subscriptions kasunod ng pagpirma sa bagong batas.

 

Ang naging tugon ni Lumagui ay depende ito sa service providers, sakali man aniya ay ‘minimal’ lamang ito sa oras na magdesisyon sila na itaas ang bayad.

 

 

”As to whether magkakaroon ng price increase, it does not necessarily follow… of course, it will also depend… it’s a business decision by the service providers but again, nag-aano naman ‘yan eh, nagbabayad naman talaga dapat sila from the very beginning so they should have incorporated that,” ayon kay Lumagui.

 

 

”Puwedeng magkaroon ng price increase but again I think it would be minimal. hindi naman ‘yan 12% automatically magi-increase sila, also commensurate the same rate,” aniya pa rin.

 

 

Kumpiyansa naman si Lumagui na makokontrol ng non-resident digital service ang price increase upang sa gayon ay hindi mawala ang kanilang mga subscribers.

 

 

”So, in the end if they will increase their prices by so much they will also lose their customers at the same time – so, I’m sure they will not do that, it’s not a wise business decision that’s why they will also implement and they will also control their price increase because they will lose subscribers. So, in that sense, that’s economics working as a protection of the prices,” ang paliwanag ni Lumagui.

 

 

Sinabi pa ni Lumagui na wala namang dapat na ipag-alala ang publiko ukol sa bagong batas dahil “this will equalize the playing field between registered and paying digital service providers as well as the foreign ones.”

 

 

Nauna rito, pormal na nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12023 o VAT on Digital Services Act.

 

 

Sinabi ng Chief Executive na walang bagong batas ang ipapataw kasunod ng pagpirma sa batas.

 

 

“The new law strengthens the BIR’s authority to collect value-added tax on digital transactions and clarifies how the DSPs can comply with the VAT requirements imposed under the National Internal Revenue Code,” ang sinabi ni Lumagui.

 

”This is a welcome support for the bureau’s efforts to collect what is due to the government. Digital service providers render services subject to value-added tax during their trade or business much like their counterparts in the brick-and-mortar’s establishments,” ang paliwanag nito.

 

”This law promotes fair competition ensuring that both local and foreign DSPs compete on equal footing, and in doing so, we create a more competitive market place where consumers will ultimately benefit from improved services and fairer pricing,” aniya pa rin.

 

Samantala, sinabi ng Department of Finance, na ngayon at nasa ayos na ang VAT sa foreign digital service providers, inaasahan na makakakolekta na ang gobyerno ng P102.12 billion mula 2025 hanggang 2029. (Daris Jose)

Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatomagmatic eruption – Phivolcs

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ng phreatomagmatic eruption ang Phivolcs sa Taal Volcano bandang alas-4:21 nitong Miyerkules ng hapon.

 

 

Ito ay mas malakas na pagsabog na maaaring maglabas ng malaking volume ng volcanic materials.

 

 

Inaalam pa ang ibang detalye ng nasabing development.

 

 

Una rito, limang phreatic eruption events ang Phivolcs sa Taal sa nakalipas na 24 na oras.

 

 

Ang steaming plume nito ay may 2,100 metrong taas.

 

 

Katamtamang pagsingaw na ito at napadpad sa hilagang-silangan at silangan-hilagang-silangan ng bulkan na matatagpuan sa Batangas.

 

 

Maliban dito, mayroon ding anim na volcanic tremors, kung saan 2-10 minuto ang itinagal ng mga ito.

 

 

Ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) naman ay umabot sa 1,354 tonelada / araw.

 

 

Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na indikasyon ng patuloy na abnormalidad.

 

 

Nakitaan din ng ground deformation ang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.

 

 

Nananatili naman ito sa alert level 1 at posible pang masundan ang naturang volcanic activity. (Daris Jose)

Value Added Tax on Digital Services Law, may malaking impact at pabigat sa mga ordinaryong Pilipino

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARIING kinondena ni dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate ang nilagdaang Value Added Tax on Digital Services Law na may malaki umanong impact at pabigat sa mga ordinaryong Pilipino.

 

 

“The imposition of a 12% digitax on digital goods and services is not the way forward. This measure will unfairly impact ordinary citizens, who will bear the brunt of increased subscription fees on platforms like Netflix and Spotify,” ani Zarate.

 

 

Maging aniya ang mga digital platforms na ginagamit bilang suporta sa edukasyon tulad ng Canva at Zoom, ay kasama sa naturang buwis maliban lamang kung gagamitin sila ng mga accredited educational institutions.

 

 

“Bakit pass on charges like VAT na end users o consumers ang tinatamaan ang pinapasa ng Marcos admin? Bakit hindi i-certify as urgent ang Wealth Tax na ipapataw sa mga oligarchs at bilyonaryo na nagpapasasa ng limpak-limpak na profits galing sa ating ekonomiya?” pagtatanong ni Zarate.

 

 

Iginiit nito ang pangangailangan ng mga alternative revenue-generating na panukala tulad ng wealth tax, nas mas patas at epektibo.

 

 

Sa halip aniya na digitax ay iginiit nito ang kunsidersyon para sa wealth tax na inaasahang makakakolekta ng nasa P98 billion sa pagpataw ng buwis sa top 20 billionaires.

 

 

“This should be the focus of our attention,” pahayag ni Zarate. (Vina de Guzman)