• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2024

Operators ng tanker na lumubog, kinasuhan ng administratibo

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo.

 

 

Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis sa kaligtasan at pag-alis sa daungan nang walang pre-departure inspection at clearance mula sa PCG.

 

 

Parehong mga paglabag sa ilalim ng PCG Memorandum Circular (MC) 05-12 at MC 07-12, ayon sa pagkakasunod. Kasalukuyang nakadaong ang MV Mirola 1 sa Diving Industry Shipyard sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan, at kasalukuyang nanatili sa kustodiya ng PCG Station Bataan.

 

 

Inatasan ang operator ng nasabing barko na magsumite ng katibayan ng ownership bilang bahagi ng due process

 

 

Sa kabilang banda, ang MTKR Jason Bradley ay nakadaong sa Orion Dockyard sa Orion, Bataan.

 

 

Matapos matagumpay na napalutang noong Setyembre 25 at sumakay ang PCG, National Bureau of Investigation, at Bureau of Customs (BOC) para sa oil sampling.

 

 

Nakipag-ugnayan ang PCG Station Bataan sa BOC para matiyak ang tamang imbentaryo at makakuha ng warrant of seizure at detention para sa barko.

 

 

Nasaksihan din ng Vessel Safety Enforcement Inspection at Marine Environmental Protection ang proseso ng imbentaryo.

 

 

Ang MTKR Jason Bradley ay kasalukuyang nanatili sa ilalim ng kustodiya ng PCG unit sa Orion, Bataan. GENE ADSUARA

Shelter cluster sa Luzon, binuhay ng DHSUD

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ISYU si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region, upang bigyang-buhay muli ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Julian.

 

 

Sabi ni Acuzar, dapat lagi pro-active para maibigay ang tulong kung kailan ito kailangan ng ating mga kababayan.

 

 

Kasabay nito ay naatasan ang mga concerned regional directors na i-monitor ang kani-kanilang area of responsibility at bilisan ang emergency response at humanitarian assistance sa ilalim ng memorandum.

 

 

Inatasan din ang mga ito na magsumite ng daily situational reports para tiyakin ang napapanahon at akmang aksyon.

 

 

Ang mga hakbanging ito ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s Memorandum 244, S. 2024, na nagsasabing dapat nakahanda na ang mga disaster response cluster para sa bagyong Julian.

 

 

Samantala, inaprubahan na ng DHSUD ang mahigit sa P30 milyong tulong para sa mga biktima ng bagyong Carina at sunog sa Bacoor City, Cavite at iba pang bahagi ng bansa.

 

 

May ilang biktima ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program ng ahensya.

 

 

Layon ng programa na magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P30,000 para sa mga ‘totally damaged houses’ dahil sa kalamidad, man-made o natural, at P10,000 para sa may partially damaged houses. (PAUL JOHN REYES)

Pangulong Marcos, VP Sara bumaba trust, approval ratings

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PAREHONG bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte.

 

 

Sa pinakabagong Pulse Asia Survey, bumagsak ng 9% ang approval ni Duterte na 60% na lang noong Set­yembre kumpara sa 69% noong Hunyo.

 

Habang sa trust rating ay 10% ang ibinaba ni Duterte mula sa 71% ay nasa 61% na lang.

 

 

Ang survey ay ginawa Setyembre 6 hanggang 13.

 

 

Samantala, bumaba naman ng 3% ang approval ni Pangulong Marcos mula sa 53% noong Hunyo ay nasa 50% na lamang noong Setyembre.

 

 

Bumagsak din ng 2% ang trust ng Pangulo mula sa 52%, naging 50% na lamang sa parehong period.

 

 

Nasa 60% naman ang approval rating ni Senate President Chiz Escudero mula 69% noong Hunyo, naging 56%.

 

 

Bumagsak din ang approval rating ni Speaker Martin Romualdez ng tatlong porsyento mula sa 35%, naging 32 porsyento na lamang noong Setyembre. Bumagsak din ang kanyang trust rating ng apat na porsyento mula sa 35 at naging 31%.

Ads October 4, 2024

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments