TINANONG namin si Alex Gonzaga, sa launch niya bilang endorser ng Chef Ayb’s Paragis Tea and Capsule kung anong bashing ang nasaktan o naapektuhan siya.
“Hindi ako nasaktan personally. Pero tingin ko kailangang mag-stop yung kapag sinasabihan kang baog.”
“Sa gender, very sensitive na po tayo ngayon. Even sa body shaming. Pero bakit sa babae, kapag walang anak, bakit parang very loosely ginagamit ‘yung nalaglag, baog?“We really have to be sensitive about it. Sa akin, kaya ko, puwede naman. What if may mga taong very sensitive talaga sa kanila yung ganung issue?
“May mga ganun talaga akong kilala na they can’t even talk about it. Naisip ko, we have to be careful na gamitin yung words na yun sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang mga babae na hindi natin alam,” lahad ni Alex.
At para makasiguro mna mahinto ang mga ganito kahit papaano….
“Mayroon akong nademanda diyan. Ngayon, maglalabas na siya ng kanyang statement. Hindi ito para sa akin na nasaktan ako, pinapaayos lang namin yung apology.”
“But because gusto kong maging conscious na tayo para lang hindi na dapat ginagamit yung salitang baog, nalaglag.”
Pinatawad ni Alex ang naturang basher pero kailangan raw na maglabas ito ng maayos na apology.
Kasama ni Alex na endorser ng Paragis Tea and Capsule by Chef Ayb ang mga magulang niyang sina Mommy Pinty at Daddy Benoy Gonzaga.
“Nakaka-proud na suportahan ang isang brand na Filipino made. Nakakatulong pa tayo sa mga tao. Lahat ng blessings na ito ay galing sa Kanya.”
***
CUTE at kinaaliwan online ang viral video ni Zia Dantes sa concert ni Olivia Rodrigo.
Super happy ang unica hija nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo na noong kawayan it oni Olivia habang kumakanta sabay-sabing, “Hi up there!”Tuwang-tuwa naman si Zia na nagsabing, “Mama, she said hi to me.”
Nagkuwento si Marian tungkol sa panonood nila ng concert.
Lahad niya, “Actually, yung pagbili nga, hindi namin alam kung makakakuha kami, e. Kasi di ba, random yun tapos maghihintay ka?
“So nagbakasakali kami. E pinalad naman.
“E di okay. E di pila. E di hintay. E di upo. Alam mo yung ganun? Yung tipikal.”
At tulad ng lahat ng dumalo sa concert, pumila rin sina Marian, Zia at Dingdong.
“Kasi ginagawa namin ito for her, e. Kasi request niya talaga ito dati pa.”
Samantala, nasa cloud nine si Marian ngayong may nationwide screening na ang ‘Balota’, ang pelikula niya na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival nitong August kung saan wagi siya bilang Best Actress.
“Nakakakilig. Kasi sabi ko, bakit ngayon lang? Dapat after, di ba?”
Nauunawaan raw niya raw kung bakit na-delay ang showing ng Balota dahil nag-premiere muna ito sa 44th Hawaii International Film Festival noong October 6.
“Kasi si Hawaii, ayaw nila na mauna dito sa Manila. Kailangan dun muna sa kanila.”
Excited na si Marian na mapanood ng mas maraming viewers ang Balota ngayong October 16.
(ROMMEL L. GONZALES)