• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 18th, 2024

Napatunayang maling-mali ang mga balita… JESS, hangang-hanga sa husay at kabaitan nina DINA, PINKY at CARMINA

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA pagtatapos sa Sabado ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ere, tinanong namin kay Jess Martinez, isa sa mga cast members ng serye bilang si Diwata, kung kumusta ang naging journey niya sa naturang GMA teleserye.

 

Lahad niya, “Yung expectations ko kasi before is parang it’s gonna go well lang, kasi nga I’m with the senior stars, and now I’m very much grateful kasi yung expectation ko na-meet yung reality, which is ginagabayan talaga ako ng mga senior stars, especially sina Ms. Wilma, Ms. Carmina, Ms. Dina, Lola Susan, si Ms. Dexter [Doria], and everyone naman on the set.

 

“So I’m very much happy na we’re all going well… I mean doing well, and when it comes to the story naman ng Abot Kamay, pakaabangan because sobrang exciting na ng mga nangyayari and even me na parang… nanonood kasi talaga ako ng Abot Kamay pero ang masasabi ko is yung mga scenes na mangyayari is mas intense na at mas kaabang-abang.”

 

Kahit baguhan pa lamang sa showbiz si Jess ay nakapalagayang-loob agad niya ang mga veteran stars sa show, tulad nina Dina Bonnevie at Pinky Amador.

 

Kuwento ni Jess, “Yes, first and foremost with Miss Dina muna, kasi I really, really appreciate Ms. Dina, because most of the time, kami yung ka-roommate ni Ms. Dina and whenever she would like see na wala akong dalang food or something, she would offer.

 

“I remember one time, na-notice niya na wala akong dalang food, so she offered her salmon, which is like one lang and then she would half it para she can share it to me, and even the pancit, like the entire pancit, she gave it to me, like that’s how generous and kind she is.”

 

Kaya ipinagtataka raw ni Jess ang tsikang mataray si Dina.

 

“That’s why I don’t understand talaga some of the rumors saying that she’s mataray,” pakli niya, “because I was like, when I met her, she was already super kind and she would offer stuff to me even if I’m like, baguhan pa.”

 

Papuri rin ang mga tinuran ni Jess para kay Pinky.

 

“Yes, si Ms. Pinky, she’s also mabait sa akin kasi I remember the first time I met her sa tent, she already called me anak.

 

“So kahit na hindi pa kami nakapag-bond or kahit bago pa lang ako, she would treat me the same way with the other people na matagal na dito sa set.”

 

Maganda rin ang mga sinabi ni Jess tungkol kay Carmina Villarroel.

 

“About Ms. Carmina, alam mo to be honest, hindi ko talaga naiintindihan yung mga rumors na mga maldita sila or like ma-attitude, kasi even with Ms. Carmina, sobrang welcoming niya.

 

“The first time I met her naman, kinausap niya na ako agad and I feel really welcomed kasi nagtatanong lang siya ng mga random things like, ‘How are you? Where are you from?’

 

“You know, kasi kahit ganun lang ka-basic yung mga questions but the thought and the fact that she’s Ms. Carmina but she’s like talking to me, na parang wow, di ba? It’s an honor,” ang nakangiting sinabi pa ni Jess.

 

Bida sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Jillian Ward kasama rin sina Richard Yap, Allen Dizon, Kazel Kinouchi, Andre Paras, Eunice Lagusad, Chuckie Dreyfus, ang South Korean actor na si Kim Ji-soo at marami pang iba.

 

Samantala, bukod sa pagiging artista ay endorser si Jess ng Skinlandia Skin Care clinic ni Noreen Divina at ng Medicare Plus.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ngayong pinasok na ang pagiging producer: LOVI, grateful sa support na nakukuha sa Regal Films

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GUMAGANAP na Atty. Alexis Miranda si Lovi Poe sa pelikulang ‘Guilty Pleasure’ kasama bilang leading men sina JM de Guzman at Jameson Blake, at sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards.

 

Mula ito sa direksyon ni Connie Macatuno at panulat ni Noreen Capili.

 

Palabas na ito sa mga sinehan, mula sa Regal Entertainment Inc. at C’est Lovi Productions na pag-aari mismo ni Lovi.

 

Ano ang mayroon sa ‘Guilty Pleasure’ para i-produce ito ni Lovi .

 

Pahayag niya, “Well first of all, working with Regal… I’ve been a Regal baby since I started and so to be honest it’s really is an honor for me to be working with Regal and Ms. Roselle, Mother Lily because you know, they’re a very established production company.

 

“And they’ve been here so many years and the fact that they are here to support me in this new venture, I’m just really, really grateful.

 

“The fact that I can even call Ms. Roselle and ask for advise on like random days so it’s not even a matter of what made me say yes, I absolutely would want to be part of actually anything with Regal, that’s one hundred percent.

 

“And aside from that it’s the story, I remember when I read the script it was something that… I was like, ‘This should be risky!’

 

“Kasi it’s a story that’s never been like talked about, I believe.

 

“So parang ako, of course we’re always there, to entertain you know, with these films, we’re there to entertain, make people happy, magpakilig, but this one, we’re here to spark a conversation.
“And that for me, I was already blown away!” (ROMMEL L. GONZALES)

Kumalat na tatakbong congressman o councilor: ARNOLD, nagpasaring sa mga kandidatong walang plano pero gustong manalo

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MONTHS before the filing ng COC para sa mga lakahok sa midterm elections ay isa sa lumutang na pangalang tatakbo raw sa District One ng Tondo ay ang kapusong newscaster na si Arnold Clavio.

 

Lehitimong taga-Tondo si Arnold, kung si Isko ‘Yorme’ Moreno ay ipinagmamalaki ng mga taga-Tondo High School alumni ay very proud nama siyang alumnus ng Emilio Jacinto High School.

 

Tahimik na tumutulong si Arnold sa mga parents and students ng EJHS.

 

When in fact sa tuwing merong affair ang school lalo na kung need nila ng tulong ay isa si Arnold sa naiisip ng mga parents and students na nilalapitan nila agad.
Kaya kumalat ang tsikang tatakbong congressman o kunsehal ng district one.

 

Pero dahil marahil sa dinapuan ng sakit si Arnold kung kaya tumahimik ang tsikang tatakbo si Arnold sa pulitika.

 

Pero nagpasaring naman ang sikat na GMA news anchor sa lahat ng mga kakandidato sa 2025 midterm elections.

 

Ito ay para sa lahat na gustong manalo sa halalan pero wala naman daw konkretong plano para sa bayan o sa posisyon kanilang nilahukan.

 

 

Sa isang Instagram post binigyan ng “scientific name” ni Igan ang mga kandidatong wala naman daw plano pero gustong manalo sa eleksyon.

 

 

“CACATUA MANGMANGUSAMUS (Noun),” banggit pa ni Arnold, huh

 

 

“Scientific name ng mga kandidatong gustong manalo pero walang plano,” dagdag pa ng GMA anchor.

 

***

 

MARAMI ang natuwang mga netizens sa pagiging lola ni Sylvia Sanchez.

 

Pinakita ng aktres ang mga pinamili niya para sa kanyang unang apo kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

 

Sa ipinakita niyang video at larawan ay naparaming nakaparadang paper bag na very obvious na pinamili ni Sylvia sa isang sikat na department store.

 

Ipinakitang karga karga ni Sylvia ang apo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasilayan ng publiko ang mukha ng baby.

 

Kasabay ding ipinakita ang mga pinamili niya para sa panganay na apo.

 

Siyempre marami ang nagsasabi na suwerte raw ni Zanjoe dahil sa mother-in-law niya na handang gunastos para sa apo, huh!

 

“Stress-free day with my little Boss and Daddy Z @onlyzanjoemarudo,” caption ni Sylvia sa post niyang inulan ng puso ng kanyang followers.

 

Aminado pa rin ang premyadong aktres na magiging spoiled sa kanya ang anak nina Zanjoe Marudo and Ria Atayde.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Mylah Roque nasa Singapore

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASA Singapore si Mylah Roque, misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para magpa-checkup sa karamdaman nito sa nasabing bansa.

 

Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules ni Quad Comm Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers base sa report at rekord ng Bureau of Immigration (BI).

 

 

“I cannot judge kung bakit siya umalis; meron kasi siyang letter sa amin sinasabi niya na nagpa-checkup yata siya sa Singapore,” ani Barbers kung saan ay hindi na bumalik ang misis ni Roque.

 

“I hope nothing serious is happening to her kasi sa ganun katagal. We don’t know; we just hope and pray na walang serious medical issue,” giit nito.

 

Si Mylah ay ipinatatawag ng Quad Comm dahilan ito ang pumirma sa Biancham Trading ng mister nitong si Harry. Ang nasabing kumpanya ay iniuugnay sa ni-raid na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga dahil sa isyu ng human trafficking.

 

Samantala si Harry ay iniuugnay rin sa Lucky South 99 matapos matagpuan ang ilang mga dokumento mula sa bangko at iba pang mga papeles na may lagda nito.

 

Si Roque rin ang nagsama kay Katherine Cassandra Li Ong, incorporator sa Whirlwind Corp. na nagpaupa ng lupain sa nasabing Pogo sa Porac at tumulong para sa pagsasaayos ng mga bayarin sa Whirlwind sa PAGCOR.

 

Ang mag-asawang Roque ay kapwa pinatawan ng contempt at ipinaaresto ng Quad Comm. (Daris Jose)

Sa isyu ng war on drugs ni Duterte at Sen Bato… ‘Desperate diversionary tactic’, paniniwala ng mambabatas

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang paniniwala ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ng motu proprio investigation sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.

 

Naniniwala pa ang mambabatas na ang planong imbestigasyon ay upang mailayo ang atensiyon sa pagkuha ng tunay na accountability.

 

“Sino ang iimbestigahan niya, sarili niya? This planned investigation by Sen. Bato, who himself was accused of playing a central role in Duterte’s war on drugs, is nothing but a biased attempt to sanitize their involvement,” ani Brosas.

 

Ayon kay Brosas, hindi dapat gamitin ang pondo ng bayan sa imbestigasyon para lamang umano na maka-absuwelto sa halip na lumabas ang katotohanan.

 

Ang pahayag ay ginawa ng senador matapos magpahayag si Senador Bong Go nang kahandaan na maghain ng resolusyon para sa imbestigasyon, sa kabila na may ginagawa na ang House quad committee ng pagdinig ukol dito.

 

“The Filipino people deserve accountability and justice for the thousands of lives lost and families shattered by this bloody and anti-poor war on drugs. This Senate probe, spearheaded by those deeply implicated, cannot be expected to deliver that,” Rep. Brosas emphasized.

 

“Wala na sanang paghuhugas kamay na maganap. Matagal nang nananawagan ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaya panahon na para harapin ito ng mga akusado,” dagdag ni Brosas.

 

Naniniwala naman si Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng Quad Committee na nagiimbestiga sa extrajudicial killings (EJKs) noong panahon ng dating Duterte administration, na ang planong paglulunsad ng senate inquiry ay isang malinaw na “conflict of interest.”

 

Tinuligsa rin ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, ang naturang hakbang na ito dala na rin sa naging papel ni dela Rosa bilang dating Philippine National Police (PNP) chief sa kontrobersiyal na anti-drug campaign.

 

“Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to lead a probe into the very operations he designed and implemented,” ani Fernandez. (Vina de Guzman)

Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation.

 

 

Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal na batayan at, ang kanyang CONA, ay ginawa ng mga hindi awtorisadong tao.

 

Iginiit din ng WPP na ang kontrobersyal na lider ng relihiyon ay hindi miyembro ng partido o guest candidate.

 

Ang petisyon laban sa kandidatura ni Quiboloy ay matapos na pinirmahan umano ni Matula ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nito bagay na itinanggi naman ng Labor leader.

 

Dagdag pa, sinabi ng WPP na si Quiboloy ay “pinagsasamantalahan lamang ang proseso ng elektoral bilang isang smokescreen para ilihis ang atensyon mula sa mabibigat na kasong kriminal na kanyang kinakaharap.

 

Samantala, naghain din ng petisyon ang kampo ni Quiboloy na pinadedeklara si Matula bilang nuisance candidate. GENE ADSUARA

1,000 pulis, ipapakalat sa Manila North Cemetery

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG mahigit 1,000 pulis ang ipapakalat ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa Manila North Cemetery (MNC) at South Cemetry sa Undas 2024.

 

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Arnold Thomas Ibay, ito ay upang masiguro na walang magiging problema sa buong lungsod lalo na ang mga magtutungo sa sementeryo.

 

Ang mga nasabing pulis ay hindi lamang tututok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo kungdi sa mga chekcpoints.

 

Ipapakalat din sila sa mga istasyon ng pampublikong transportasyon, mga pasyalan, malls at iba pang matataong lugar.

 

Dagdag pa ni Ibay, nakabantay ang mga pulis mula sa araw ng paglilinis Hanggang sa pagtatapos ng Undas sa nabanggit na mga sementeryo.

 

Inaasahan kasi ng opisyal na milyun-milyun indibidwal ang magtutungo sa mga sementeryo sa Maynila lalo na sa MNC na ang iba ay mula pa sa kalapit na lungsod at probinsiya. GENE ADSUARA

3 drug suspects kulong sa P160K shabu sa Malabon

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45, alyas Bosho, 36, at alyas Bok, 50, pawang residente ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-11:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Camus Street, Brgy. Ibaba.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23.7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P161, 160.00 at buy bust money.

 

 

Ayon kay Co. Baybayan, bago ang pagkakadakip sa mga suspek ay unang nakatanggap ng impormsyon ang SDEU hinggil sa kanila umanong ilegal drug activities kaya isinailalim sila sa validation.

 

Matapos magpositibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Baybayan at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong nagpapakalat sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

Grade 8 student, timbog sa baril sa Malabon

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG Grade 8 na estudyante ang arestado matapos mabisto ng security guard ang dalang baril sa loob ng kanyang bag habang pumasok sa kanilang paaralan sa Malabon City.

 

Papasok na sa gate ng kanilang paaralan sa Arellano University Jose Rizal Campus sa may Gov. Pascual St. Brgy. Baritan ang 15-anyos na estudyante alas-11 ng tanghali nang suriin ng security guard na si Alenn Olorosa ang laman ng kanyang dalang bag at nakita sa loob nito ang isang kalibre .38 revolver na may kargang isang bala at isang basyo sa chamber.

 

Inireport ng security guard sa Malabon Police Sub-Station 7 ang pangyayari, kaya agad silang nagresponde upang kumpiskahin ang baril at isama sa presinto ang estudyante para sa wastong dokumentasyon bago siya ipasa sa pangangalaga ng Bahay Sandigan.

 

Ayon kay Malabon City Police Chief P/Col. Jay Baybayan, nagsimulang maghigpit ang pamunuan ng bawa’t paaralan sa lungsod matapos mapaulat ang insidente ng umano’y pagpapaputok ng baril ng isang Grade 7 na estudyante sa loob ng kanilang paaralan sa Dumaguete City, Negros Oriental, noong Biyernes na mariin namang itinanggi ng principal ng paaralan sa kabila ng mga nakuhang ebidensiya at testimonya ng pulisya.

 

Sinabi ni Col. Baybayan na iniutos niya sa kanyang mga tauhan na dalhin ang nakumpiskang baril at bala sa Northern Police District (NPD) Forensic Unit upang isailalim sa ballistic examination. (Richard Mesa)

 

 

NAGSAGAWA ng clean-up operations ang mga tauhan ng Caloocan City Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) at City Environmental Management Department (CEMD)

Posted on: October 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng clean-up operations ang mga tauhan ng Caloocan City Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) at City Environmental Management Department (CEMD) sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod para paghandaan ang nalalapit na All Saints’ at All Souls’ Days.

 

Binigyang-diin ni Mayor Along Malapitan na maaga pa lang ay may mga plano na ang pamahalaang lungsod para maagapan ang pagdagsa ng dami ng mga bibisita sa kanilang nakalibing na mga kaanak saka matiyak ang ligtas at maayos na paggunita sa panahon ng Undas. (Richard Mesa)