• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 30th, 2024

Dating Bamban Mayor Alice Guo, kinasuhan ng misinterpretation

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo.

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kauganyan sa Section 262 ng parehong code .

 

Ito ay ang paghahain nito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Okt.1,2021 kaugnay sa May 9, 2022 National and Local Elections sa munisipalidad ng Bamban,Tarlac.

 

Ayon sa Comelec, kusa at labag sa batas na gumawa ng material misrepresentation sa paghahain ng kanyang kandidatura sa pagiging Mayor ng Bamban,Tarlac si Guo at ang pagdedeklara na siya ay karapat-dapat para sa posisyon na hinahangad na mahalal sa kabila na siya ay Chinese citizen at residente ng Fujian, China.

 

Si Guo ay sentro ngayon ng mga pagdinig sa Senado matapos ito maaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa sinalakay na POGO hub sa Tarlac. GENE ADSUARA

4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 4.5 milyong mga pasahero ang da­dagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas.

 

 

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals.

 

Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.

 

 

Kasabay nito, pinapayuhan ni Bautista ang mga bus operators na iwasan na munang ibiyahe ang mga bus patungo sa Bicol region dahil nasa 30 kilometro na ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon.

 

 

“Ang LTO just issued a memorandum, informing mga buses, bus ­operators po sana na huwag munang magbiyahe doon sa Bicol, lalung-lalo na iyong pupunta doon sa Matnog, dahil napakahaba pa nung queue. In fact, kanina, I heard a radio report na almost 30 kilometers daw iyong pila nung mga sasakyan doon.Kaya we are encouraging iyong mga bus operators na siguro i-monitor iyong situation doon before allowing their buses to ply to those destinations,” ani Bautista. ( Daris Jose)

Betrayal of public trust, graft ­ batayan sa impeachment vs VP Sara

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

Sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairman ng Blue Ribbon panel na, ang mga natuklasan gaya ng paggastos ng P125 milyong confidential funds ng OVP na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022 ay sapat na upang magdulot ng mga pagdududa kung tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.

 

 

Noong Agosto, naglabas ang COA ng Notice of Disallowance sa kuwestyunableng paggamit ng P73.28 ­milyon na bahagi ng P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022.

 

 

Ang tanggapan ni Duterte ay nakatanggap din ng P500 milyon confidential fund noong 2023 at sa halagang ito ay P375 ­milyon ang nagastos. Hindi na ginamit ng OVP ang nalalabing P125 milyon.

 

 

Ang P15 milyon sa confidential funds ng DepEd na ginamit umano sa pagbabayad ng reward sa mga impormante at P16 milyon na ginastos ng OVP sa renta ng mga safehouse sa loob ng 11 araw noong 2022.

 

 

Gayundin ang paggasta ng P15-M sa Youth Leadership Summit kung saan lumilitaw na sumakay lamang ito sa programa ng Philippine Army at walang inilabas na pondo kahit singko. ( Daris Jose)

Ex-Pres. Duterte, personal na dumalaw sa burol ng mga nasawi sa Batangas landslide

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na nagtungo sa Talisay, Batangas si dating Pangulong Rody Duterte.

 

 

Dito ay nakiramay siya sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Kristine na namatay mula sa landslide noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.

 

 

Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division at Public Assistance Division para magbigay ng Burial Assistance para sa mga apektadong pamilya.

 

 

Sumali rin siya sa Relief Operations ng OVP Disaster Operation Center sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

 

 

Si dating Pangulong Duterte kasama ang mga opisyal ng OVP sa pangunguna nina Director for Operations Norman Baloro at G. Eyemard Eje, hepe ng OVP-DOC, ay nag-abot ng burial assistance sa mga pamilya ng mga biktima ng landslide.

 

 

Nakiisa rin si FPRRD sa relief operations ng OVP-DOC sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

 

 

Mahigit 1,400 pamilya ang nabigyan ng relief bags sa mga nasabing lokalidad sa Batangas. (Daris Jose)

Valenzuela, nasungkit ang 8th Galing Pook Award para sa Child Protection Initiatives

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ika-8th Galing Pook Award para sa programa nitong Safe Spaces and Safeguarding Children: at Strengthening LGU-Led Community-Based Child Protection, sa ginanap na awarding ceremony sa Samsung Hall, Taguig City, noong Oktubre 24.

 

 

Isa sa top 10 awardees mula sa pool of 18 finalists, ang Valenzuela City ay kinilala para sa namumukod-tanging local governance program nito, na nagpapakita ng mga positibong resulta, mahusay na paghahatid ng mga programa, innovation, scalability, at aktibong community engagement sa pagprotekta sa mga bata.

 

 

Ang Child Protection Center (CPC) na pinumunuan ng Valenzueka ay itinatag noong Hulyo 2017, isang LGU-led, community-based center na isang multidisciplinary team (MDT) na binubuo ng mga doktor, nars, women and child protection specialists, mga social worker, psychometrician, at mga imbestigador ng pulisya na nagbibigay ng suporta sa 6,000 mga bata, kabilang ang mga nasa risk at mga conflict with the law.

 

 

Sa pamamagitan ng CPC’s integrated model, kailangan lang ng mga bata na isalaysay ang kanilang mga karanasan para mabawasan ang trauma. Gumagana nang 24/7 sa ilalim ng isang bubong, pinahuhusay ng MDT ang pag-access sa hustisya at pagpapagaling sa mga batang ito na tinitiyak ang kanilang kaligtasan.

 

 

Kaugnay nito, pinarangalan ni Mayor WES Gatchalian ang tagumpay ng programa sa matibay na pakikipagtulungan nito sa mga National Government Agencies, Non-Government Organizations, paaralan, at komunidad kung saan binigyang-diin niya na ang pagprotekta sa mga bata ay nakakasiguro ng mas ligtas na kinabukasan para sa Valenzuela City.

 

 

Ang nakamit na Galing Pook Award ng Valenzuela ay isang special citation sa Participatory Governance para sa pagpapakita ng malakas na pakikilahok sa komunidad. Ang mga stakeholder ng lungsod ay patuloy na nagtutulungan upang lumikha ng isang ligtas na kanlungan para sa lahat ng mga bata sa Valenzuela. (Richard Mesa)

‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Que­zon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod.

 

Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na ma­ging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28.

 

 

Ayon kay Buslig, naglagay ng 273 Police Assistance Desks (PADs) sa iba’t ibang paaralan kung saan nagsagawa rin ng 171 security activities. Nagpakalat din ng 481 personnel ang QCPD para sa police visibility at para masiguro ang kaligtasan ng mga mag aaral.

 

Personal ding binisita ng QCPD personnel ang 179 paaralan upang masiguro na naibibigay ang suporta at pangangailangan ng mga estudyante at mga guro.

 

 

“Our officers are here to support and stand alongside our students and teachers. With every PAD we set up and every school we visit, we reinforce our pledge to the welfare and security of our youth, ” ani Buslig.

‘Lies of the highest levels’ ang pahayag ni Grijaldo ayon kay Rep. Dan Fernandez

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARIING itinanggi ni Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety ang naging pahayag ni Police Col. Hector Grijaldo sa senado na pinilit siya nina Quad Committee co-chairs Reps. Fernandez at Bienvenido “Benny” Abante Jr. na pumirma sa isang affidavit.

 

Ayon kay Grijaldo, noong October 22 pinapirma umano siya sa isang affidavit na sumusuporta sa pahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ukol sa umano’y insentibo na binibigay sa anti-drug operations.

 

Inihayag pa ng opisyal sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na dinaluhan ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, na pakiramdam niya ay “corrupted to make that statement” sa ilalim ng pressure mula sa mga mambabatas.

 

Sinabi ni Fernandez na ang pahayag ni Grijaldo ay “lies of the highest level” at isang pagtatangka na papanghinain ang ginagawang imbestigasyon ng quadcom sa alegasyon ng extrajudicial killings sa anti-drug campaign ng dating administasyon.

 

Iginiit nito na hindi pinilit ng komite si Grijaldo na suportahan ang anumang pahayag at ang ginagawang imbetigasyon ay bahagi ng mas malawak na pagtatangka na makakuha ng hustisya sa libong buhay na nawala sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.

 

“Lies ‘yan. Pinatawag siya [Grijaldo] because the lawyer of Col. Garma told us na may alam siya sa reward system. We never asked him to sign any affidavit. This is their way to discredit the Quad Committee, but the truth will bail us out. Nothing will prevent us from pursuing justice for all the lives lost,” ani Fernandez.

 

Paliwanag ni Fernandez na mismong si Garma ang nagsuwestiyon kay Grijaldo sa paniniwalang may alam ito sa umano’y reward system.

 

Itinanggi rin ni Abante ang alegasyon ng pamimilit kasabay nang pagtuligsa sa pagiging biased ng pagdinig ng senado.

 

“There is no truth to the accusations that I forced anyone to sign any affidavit in exchange for favors or the possibility of promotions,” pahayag ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights. (Vina de Guzman)

Navotas humakot ng multiple awards sa exemplary governance

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga lokal na pamahalaan na nanguna sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).

 

Ito’y matapos makatanggap ang Navotas ng Highly Functional rating para sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children and Anti-Drug Abuse Council; High Performing rating for its Peace and Order Council, at Ideal mark para sa Local Council for the Protection of Children nito.

 

 

Kinilala din ang lungsod bilang Child-Friendly Local Government; top performer in the Informal Settler Families Cluster for the Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP); at Highly Compliant LGU sa MBCRPP.

 

Bukod diro, nakuha ng Navotas ang pangalawang puwesto sa Fisheries Compliance Audit (FishCA) at ginawaran ng SubayBAYANI Award para sa excellence, innovation, at good governance practices sa pamamahala ng lokal imprastraktura.

 

“These awards serve as a testament to our dedication to uphold the safety, inclusivity, and sustainability of our city,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“Each recognition is a victory for our citizens, inspiring us to strive even harder to make Navotas a hub of opportunity, security, and progress,” dagdag niya.

 

 

Kasama ni Mayor Tiangco si City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano at Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport na tinanggap ang mga award at dumalo din sina Dr. Vonne Villanueva, Special Assistant to the Navotas Anti-Drug Abuse Council chairperson and Disaster Risk Reduction and Management Officer; City Environment and Natural Resources Office head Yzabela Bernardina Nazal-Habunal, at Assistant City Engineer Dyan Lyka Pavia.

 

Ipinagdiriwang ng Urban Governance Exemplar Awards ang pambihirang kontribusyon at tagumpay ng mga LGU sa Metro Manila, kasama ang mga nanalo na napili ng DILG batay sa isang comprehensive regional assessment at validation ng iba’t ibang mga programa at proyekto ng mga LGU.
(Richard Mesa)

Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang masi­guro ang kaligtasan sa mga transport terminals, lansa­ngan at sementeryo ngayong Undas.

 

Ayon kay PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang plano at sistema ng PNP sa Undas kabilang ang inaasahang pag­dagsa ng mga dadalaw sa sementeryo.

 

“Kasama sa 18,802 na ide-deploy ang itatalaga sa mga police assistance desk sa mga memorial parks, at sa mga sementeryo, at pati na rin po sa mga transport terminals tmake sure po na maalalayan po natin ‘yong mga kababayan natin na ine-expect po na magbabiyahe,” ani Fajardo.

 

Nilinaw ni Fajardo na nasa kamay na ng mga regional directors kung dapat na i-adjust ang alert level sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kani-kanilang nasasakupan.

 

Paalala ni Fajardo, maging maingat at siguraduhin na naka-lock ang mga bahay at gumamit ng alarm system kung kinakailangan. Makabubuti aniya kung iiwasan ding mag-post sa anumang social media platforms ng “at the moment” activities upang maiwasan na mabiktima ng “akyat bahay” o anumang criminal group.

 

Sa Metro Manila, una nang intasan ni NCRPO chief PMaj. Gen. Sidney Hernia ang kanyang mga chief of police na siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng mga tao sa loob at labas ng mga sementeryo.

Presyo ng kandila at bulaklak, mataas na

Posted on: October 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak , ilang araw bago ang paggunita ng Undas.

 

Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 .

 

Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large ay P50 ang kada isang piraso.

 

Kada dalawang piraso naman ng extra large na kandila ay pumapatak ng P150 kung saan nasa P60 kandila na nasa maliit na baso.

 

Sa bentahan naman ng bulaklak, ang presyo ng radus ay nasa P250 ang bundle, P200 ang carnation, P150 ang malaysian mums at P180 ang stargazer.

 

Halagang P800 Hanggang P2,500 mabinili ang bulaklak na may stand depende sa disenyo at sukat .

 

Inaasahan na tataas pa ang mga presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang Undas Hanggang sa mismong araw sa Nob.1 at 2. GENE ADSUARA