• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 1st, 2024

2 drug suspects kulong sa P70K tobats sa Navotas

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jomboy”, 31, ng Tondo, Manila at alyas “Bibe”, 37, ng lungsod.

 

Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap nilang impormaston hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.

 

Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng SDEU matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:51 ng gabi sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagatdagatan.

 

 

Ani Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.42 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,856.00 at buy bust money.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign.

 

“Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for human life. It’s appalling that he continues to hide behind the facade of a tough-on-crime persona while leaving a trail of bloodshed in his wake,” ani Acidre.

 

Sa ginanap na pagdinig kamakailan ng senado, inamin ni Duterte na inatasan niya ang isang grupo ng mga maton para tapusin ang mga pinaghihinalaang panganib. Sinabihan din nito ang mga pulis na udyukan ang mga suspek para magkaroon ng komporntasyon upang mabigyang hustisya ang pagpatay.

 

Tinataya na mahigit sa 6,252 katao ang nasawi sa ilalim ng drug war, sa kabila na sinasai ng ilang human rights organizations na ang aktuwal na bilang ay mas malaki pa dito.

 

Iginiit ni Acidre ang pangangailangan ng isang transparent inquiry, kung saan ang pagbibigay hustosya sa mga biktima ang pangunahing prayoridad.

 

“We must hold Duterte and his enablers accountable for the senseless violence they unleashed on this nation. The Filipino people deserve justice, not hollow excuses and justifications from a leader who has caused nothing but chaos and suffering,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)

NHA, sisimulan nang ipatayo ang Progreso Village sa Valenzuela para sa benepisyaryo

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking para sa ipapatayong Progreso Village sa Barangay Marulas, Lungsod ng Valenzuela, nitong Oktubre 29, 2024.

 

 

Ang bagong proyektong pabahay na ito ay isang medium-rise building na bubuuin ng siyam na gusali na may 11 palapag bawat isa, ito ang magiging bagong komunidad ng 1,530 kwalipikadong benepisyaryo kapag natapos. Magkakaroon din ng commercial space ang mga ground floor ng bawat gusali.

 

 

Kasama sa mga pasilidad ng housing site ang mga parking space, mga ilaw sa kalye, sewage treatment plant, guard house, konkretong bakod, at central park.

 

 

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni GM Tai na ang proyektong ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay ng abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan, isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

“Gaya ng pangalan nito, makakaasa kayo na ang Progreso Village ay maituturing na progresibo, sinisiguro po namin na ang bawat proyektong pabahay ng NHA ay matibay, ligtas, komportable at may kasamang iba’t ibang pasilidad,” saad ni GM Tai, kung saan binigyang-diin din niya ang pangako ng NHA sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga benepisyaryo nito.

 

Kasama ni GM Tai sa seremonya sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Garry de Guzman, na kumatawan kay Secretary Jose Rizalino Acuzar; Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian; Vice Mayor Lorena Natividad Borja at NHA North Sector Office. (PAUL JOHN REYES)

TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

 

 

“This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga pondo ng pampublikong kalusugan ay dapat na gamitin lamang sa kalusugan at kagalingan ng mga Pilipino.

 

 

“We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people,” dagdag niya.

 

Ang utos ng Korte Suprema ay kasunod ng tatlong petisyon na nagsasaad na ang transfer ay magpapahina sa sektor ng kalusugan. Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting na habang pinipigilan ng TRO ang nasabing paglilipat, ang mga pondong na-transfer na sa Treasury ay hindi awtomatikong maibabalik. Nitong Oktubre, ang Department of Finance (DOF) ay naglipat na ng P60 bilyon, at isa pang tranche ang inaasahan sa Nobyembre.

 

 

Ang desisyon ng Korte Suprema, sabi ni Go, ay ayon sa kanyang patuloy na panawagan na pangalagaan ang mga pondong inilaan para sa pangangalagang pangkalusugan.

2,550 sekyu, TNVS drivers, janitors tumanggap ng ayuda sa AKAP

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 2,550 Navoteño security guards, Transport Network Vehicle Services o TNVS drivers, at janitors ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP.

 

Binisita at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng tulong pinansyal kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P3,000.

 

Pinasalamatan naman ni Mayor Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang Department of Social Welfare and Development dahil sa handog ng programang ito na malaki aniya ang naitutulong sa mga mahihirap. (Richard Mesa)

PBBM sa PCSO: Mag-donate ng 2 patient transport vehicles sa bawat LGU

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tuparin ang pangako nito na mag-donate ng dalawang patient transport vehicles (PTVs) sa bawat local government unit (LGU) sa buong bansa.

 

Ginamit ni Pangulong Marcos ang isinagawang seremonya ng pag-turnover ng 90 PTVs sa LGUs sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila para manawagan sa PCSO.

 

Kumpiyansa naman ang Pangulo sa kakayahan ng PCSO na mabibigyan ng dalawang sasakyan ang bawat munisipalidad.

 

“Kaya’t magpasalamat tayo sa PCSO sa kanilang patuloy na trabaho para sa pag-deliver ng mga emergency vehicle at ipagpatuloy natin itong programang ito,” aniya pa rin.

 

“Sana pagka-tuluy-tuloy itong programa na ito ay hindi lang 100 percent ang mabubuo natin. Ipinagmamalaki ng PCSO, kaya daw nilang mag-deliver ng tigalawa. Kaya’t gagawin daw nating 200 percent. Kaya nasabi na ‘yan kaya’t pangako na ‘yan. Hindi na natin puwedeng [bawiin]. Kailangan matupad ‘yan. Mapapahiya ako rito,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Bilang bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO, nag-donate ang PCSO ng 90 PTVs sa mga alkalde mula lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Occidental, at Northern Samar.

 

Natapat naman ang naturang event sa 90th anniversary ng PCSO at tanda ng unang paggunita ng National Day of Charity, itinatag sa pamamagitan ng Proclamation 598 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong June 13, 2024.

 

Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga LGU beneficiary na alagaang mabuti ang PTVs, sabay sabing ang dinonate na emergency vehicles ay ‘good model’ at madaling gamitin.

 

“Ang maganda rito sa pagpili naming ng modelong ito, madaming piyesa ito, madaling ayusin. Kahit saan, makakahanap kayo. Kahit sinong mekaniko, kayang ayusin itong mga emergency vehicle na ito. Kahit saan madaling makahanap ng piyesa,” aniya pa rin.

 

Sa ilalim ng programa, layon ng PCSO na ihatid ang Type II Advanced Life Support Ambulances, PTVs, at Sea Ambulances, partikular sa mga ‘underserved regions’ sa bansa.

 

Ang PCSO, bilang pangunahing charitable agency ng bansa, nag-donate ng PTVs para palakasin ang healthcare access sa remote at underserved communities sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis na pagtugon at episyenteng patient transport sa panahon ng emergency. (Daris Jose)

Bagong Maersk mega-facility, palalakasin ang PH logistics system-PBBM

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong mega distribution facility logistics giant na Maersk, nakikita ito na magpapalakas sa import at export activities ng bansa at dalhin ang logistics system ng Pilipinas para maging “a powerful force.”

 

 

“With the grand opening of the Maersk Optimus Distribution Center, our logistics system will be a step closer to become a powerful force – bridging our islands, breathing life into our industries, our businesses, bringing together our people on a path towards sustained development,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang paglulunsad ng Maersk Optimus Distribution Center sa naturang lungsod.

 

“As one of the largest logistics centers in the country, the Maersk Optimus Distribution Center is poised to bolster import and export activities in Southern Luzon, especially in Bicol and Calabarzon,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Ang logistics sector ng Pilipinas ay nasa ranggong 43rd mula sa 139 bansa sa 2023 Logistics Performance Index (LPI) ng world Bank.

 

“A notable improvement from its 60th rank in 2018,” ayon sa Pangulo.

 

“Our gains in customs efficiency, infrastructure quality, on-time deliveries made this rank improvement possible,”ang tinuran pa rin ni Pangulong Marcos.

 

Nagsimulang mag-operate ang Maersk Philippines sa bansa noong 1974, mayroon lamang itong 11 tanggapan, kabilang na ang corporate office sa Mall of Asia Complex sa Pasay City at main distribution center sa Cainta, Rizal.

 

Ang P4.8 billion, 10-hectare investment facility sa Laguna ang itinuturing na largest Maersk distribution center sa Pilipinas at magsisilbing transport hub para sa southern Luzon at Bicol region.

 

Pagdating naman sa ’employment opportunities’, inaasahan ng Maersk na makakapag- employ ito ng 1,000 personnel sa loob ng unang dalawang taon ng operasyon nito habang nakaalalay din sa napakaraming small and medium enterprises (SME) vendors, lumilikha ng indirect employment para sa 1,000 indibiduwal.

 

Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang Maersk Philippines para sa pagtanggap sa ‘environmentally sustainable practices’ at pagsuporta sa inisyatiba ng pamahalaan tungo sa ‘cleaner at greener’ na Pilipinas.

 

“From utilizing solar power to reduce its grid consumption by 30 percent to deploying electric vehicles for last-mile services, it is committed to earning a Gold Certification under the Leadership in Energy and Environmental Design. Environmental stewardship is a cornerstone of this administration’s agenda, and it is heartening to see the private sector partners echoing this commitment,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Progreso Village, itatayo sa Valenzuela

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase 1 ng Progreso Village, isang pangunahing proyekto sa pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

 

Ang flagship initiative, na idineklara sa ilalim ng Executive Order No. 34, ay isang pagtutulungan sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Pag-IBIG Fund, at ng pamahalaang lungsod, na naglalayong magbigay ng marangal at abot-kayang pabahay para sa mga residente ng Telecommunications Office (TELOF).

 

Ang proyekto ay matatagpuan sa Tampoy, Barangay Marulas na may lawak na 20,008-square-meter property na itinalaga sa ilalim ng pagmamay-ari ng gobyerno. Ang lupaing ito na dating ginamit ng TELOF, ay dumaan sa ilang hamon, kabilang ang mga insidente ng sunog. Orihinal na nakalaan para sa mga layunin ng istasyon ng radyo sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 451 noong 1953. In 1996, sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 770, ang ari-arian ay binuksan para sa disposisyon para sa mga opisyal, empleyado, at bonafide occupants ng TELOF.

 

Ang Phase 1 ng proyekto na ito ay bubuuin ng dalawang eleven–storey buildings na magkakaroon ng 340 units, bawat isa ay may sukat na 27.50 square meters. Kapag nakumpleto na ang buong proyekto ay maglalaman ito ng siyam na gusali na may kabuuang 1,530 units na mayroon central park, parking facilities, streetlights, a sewerage treatment plant, guard houses, at concrete perimeter fencing na tinitiyak ang isang secure at accessible na kapaligiran para sa mga residente.

 

“Ang araw na ito ay makasaysayan hindi lamang para dito sa TELOF, kundi para sa buong lungsod, dahil for 28 years, ngayon natin masasabi na tuloy na ang proyektong ito. Tatlong sunog po ang pinagdaanan nito kaya naman ang araw na ito ay simbolo ng katuparan ng ating mga pangarap. Maswerte po tayo dahil ang Marulas ay isa sa mga napiling lokasyon ng 4PH, kaya naman tatawagin natin itong Progreso Village, dahil ang bagong bahay ay simbolo ng ating progreso sa buhay.” pahayag ni Mayor Wes.

 

Kasama ni Mayor WES at NHA General Manager Tai sina DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, Rovin Feliciano na kumakatawan kay Undersecretary Alvin Feliciano, NHA Regional Manager Jovita Panopio, Pag-IBIG Fund Department Manager Jacqueline Constantino, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilors Niña Lopez at Sel Sabino-Sy. (Richard Mesa)

Ads November 1, 2024

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments