• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 5th, 2024

NBA legend Yao Ming nagbitiw na bilang CBA head

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBITIW na bilang namumuno Chinese Basketball Association (CBA) si NBA legend Yao Ming.

 

 

Sinabi nito na sa pitong taon niyang pamumuno ay hindi naging maganda ang performance ng nasabing national team.

 

 

Nananatiling sikat ang larong basketball sa China kahit na noong ito ay nagretiro na sa paglalaro sa Houston Rockets noong 2011.

 

 

Dagdag pa nito na hindi niya nakamit ang inaasam na tagumpay ng kaniyang mamamayan.

 

 

Noong nakaraang taon ay inako ng 44-anyos na dating NBA ang hindi pagpasok ng China sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Ipinalit naman sa kaniyang puwesto si vice chairman Guo Zhenming.

Phil. team nakasungkit na ng 2 silver at 4 na bronze medals

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING maganda ang pagsisimula ng pambato ng bansa sa ICF Dragon Boat World Championships.

 

 

Sa ginanap kasi na torneo sa Puerto Princesa, Palawan ay nakakuha agad sila ng dalawang silvers at apat na bronze medals.

 

 

Nagtapos kasi ang junior contestants ng bansa sa oras ng 10 minutes at 15.51 segundo sa 2,000 meter small boat event.

 

 

Ayon kay national coach Duch Co na isang magandang pagsisimula ito lalo na nitong Agosto lamang sila nagsimulang magsanay.

 

 

Ang koponan ay binubuo nina Fiona Reign Minsing, Carla Joy Cabugon, Maria Kristina Mane, Chanal Maglasang, Ronen Estoque, Ivan Ercilla, Dirk Quinones, Jordan Jurado, Doree Rill Blanco, Angelo Osin, John Rex Senora, Jessa Mery Divine Dinampo at John Brix Caasi.

 

 

Sa women’s masters ng 2,000 meter small boat event ay nakakuha rin sila ng silver medal matapos na magtala ng oras ng 14:04.67.

 

 

Ang mga bronze medals naman ay nakuha sa mga events ng junior men’s, women’s open, 40+ Open at 50+ Open races sa 2,000 meter small boat events.

 

 

Kasalukuyang nasa number 8 ang Pilipinas kung saan ang top 10 na bansa ay tiyak na ang pagsabak sa World Games na gaganapin sa China.

Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGPASOK ng Kapas­kuhan ay inalok ni da­ting Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na sina Elaiza.

 

 

 

(ikalawa mula sa kanan) at Eldrew (kanan). Nagkaroon ng sigalot ang pamilya Yulo simula noong nakaraang taon. Lalo pa silang nagkalayo nang manalo si Carlos ng dalawang gold medals sa Paris Olympics.

 

 

Sinabi ni Singson na walang katumbas na tagumpay ang maaaring pumantay sa pag-ibig at respeto para sa kanyang pamilya. Ayon kay Singson, ang pagpapatawad, pag-uunawaan at pagmamalasakit ang dapat mangibabaw sa mga pamilyang Pilipino. At sa papalapait na Kapaskuhan ay sinabi ni Singson na ipinagdarasal ng sambayanan ang muling pagsasama-sama ng mga Yulo.

 

 

Nauna nang binigyan ni Singson ang pamilya Yulo ng isang pre-Yuletide present na P1 milyon.

Paddington Returns to the Amazon Rainforest in a Thrilling New Adventure, “Paddington in Peru”

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE marmalade-loving bear with an insatiable sense of wonder is back! “Paddington in Peru,” the highly anticipated third installment in the Paddington series, sees our beloved bear heading to the vibrant Amazon jungle in search of his Aunt Lucy. This time, he’s not just visiting but embarking on a quest that will have audiences on the edge of their seats. The official trailer is out now, giving fans a glimpse into the lush landscapes, endearing characters, and exhilarating moments that await.

 

 

After discovering his Aunt Lucy has mysteriously vanished from the Home for Retired Bears, Paddington, accompanied by the Brown family, sets off to the depths of Peru. Their only lead?

 

 

An enigmatic map that hints at her whereabouts. In a thrilling mix of adventure and humor, Paddington’s journey unfolds through the stunning rainforests of the Amazon, where he unearths clues that could not only reveal his aunt’s fate but also lead to one of the world’s most legendary treasures.

 

 

With a cast brimming with talent, including the return of Ben Whishaw as the iconic voice of Paddington and new faces Olivia Colman, Antonio Banderas, Hugh Bonneville, and Imelda Staunton, “Paddington in Peru” promises to captivate both longtime fans and newcomers alike. With every moment packed with Paddington’s signature charm and slapstick humor, it’s an adventure that speaks to all ages.

 

 

The film, directed with a flair for whimsy and wonder, features an ensemble cast that brings depth and charm to this magical story. The list of notable talents includes Emily Mortimer, Julie Walters, Jim Broadbent, Carla Tous, Madeleine Harris, Samuel Joslin, Olivia Colman. Their performances bring the jungle and all its mysteries to life, making “Paddington in Peru” a heartwarming, laughter-filled experience for the whole family.

 

 

The film, directed with a flair for whimsy and wonder, features an ensemble cast that brings depth and charm to this magical story. The list of notable talents includes Emily Mortimer, Julie Walters, Jim Broadbent, Carla Tous, Madeleine Harris, Samuel Joslin, Olivia Colman. Their performances bring the jungle and all its mysteries to life, making “Paddington in Peru” a heartwarming, laughter-filled experience for the whole family.

 

 

Don’t miss out on the adventure—watch the trailer now and join Paddington as he ventures into the heart of Peru to uncover mysteries, rediscover family bonds, and remind us all why he’s one of the most beloved characters around the world.

 

 

Mark your calendars! “Paddington in Peru” hits Philippine cinemas on January 29, 2025. Get ready to embark on an unforgettable adventure full of mystery, laughter, and a few surprises as Paddington takes the big screen by storm once again.

 

 

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Parehong pasok ang movie nila sa ’50th MMFF’: ARJO, tumindig talaga ang balahibo nang malamang makakasama si JUDY ANN sa ‘The Bagman’

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA Amerika na naka-base ang sikat na OPM singer na si Ella May Saison.

 

 

Kuwento niya, “I live with my 2 dogs, I live there peacefully, my life there is so simple, sa Dallas Texas.

 

 

“Gusto ko yung life na ganun, nakakapag-contemplate ako, nakakagawa ako ng songs, nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay positively, yun lang ang buhay ko dun.

 

 

“I moved to the US in 2001, I moved to LA first and then I moved to Texas 3 years after.”

 

 

May singing career raw doon sa US si Ella May.

 

 

“Oh yes! I still get to do my passion as a singer, mostly mga special occasions, mga ganun.”

 

 

Noong 2020 ay may concert dapat si Ella May dito sa Pilipinas…

 

 

“I was here in 2020, mismo yung pandemic, the concert didn’t push through kasi iyon yung medyo chaotic na e, so I wasn’t able to do the show, but I was able to stay.

 

 

“Nag-lockdown talaga, so I was just with my family, yun lang, I was with my mom, my brothers, my sisters, yun lang, nasa bahay lang kami and then, you know, just to be with them, okay na ako dun.

 

 

“I stayed here…mga 7 months, actually. Pinatapos ko lang yung pandemic and then I went and left.”

 

 

Pero sa ngayon ay balik-Pinas si Ella May.

 

 

“Yes, parang blessing in disguise din e. Actually, I was just… my sister just called me before I went here and she said if I wanted to do a show, and I didn’t know pa kung ano yun, but I just said yes, kung sino yun.

 

 

“And then I found out na I’m going to do a show with South Border. Sabi ko, ‘Bakit hindi? Why not, di ba?’”

 

 

Magkakaroon ng concert sina Ella May at ang grupong South Border sa pangunguna ng male vocalist nitong si Jay Durias, ang Soundtrip Sessions Vol. 3 sa November 9 sa The Theater at Solaire, alas otso ng gabi.

 

 

Ano ang aabangan dito ng kanilang mga tagahanga?

 

 

“Actually, we’ll make you in love again, we’ll make you cry again. So abangan ninyo yan,” ang sinabi pa ni Ella May.

 

 

***

 

 

DREAM come true para kay Arjo Atayde na makatrabaho si Judy Ann Santos at ito ay sa upcoming series na ‘The Bagman.’

 

 

Noon pa man ay ikinukuwento na ni Arjo na bata pa lamang siya ay hinahangaan na niya si Judy Ann; magkasama ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez at Judy Ann sa ABS-CBN teleserye na ‘Esperanza’ na umere noong 1997 hanggang 1999.

 

 

Tumindig raw ang balahibo ni Arjo nang nalaman niya na makakasama niya si Judy Ann sa ‘The Bagman.’

 

 

“Sabi ko, ‘Oh my God!’

 

 

“Parang nag-360 yung aking karera. Ever since I started, one of the reasons why I kept saying this, Esperanza days kasi with Mommy, di ba the script I used to kopya, sabi niya, ‘Bakit mo kinokopya pambabae yang script na yan?’

 

 

“But then they understood it kasi it was drama, and mimicking and copying, siguro back in the days, they didn’t notice it directly, it became an influence to me, and then later on, nandito nga ako.

 

 

“Then after how many years, coming from that beginning, and then starting in showbiz, and then bigla na lang makakatrabaho ko din pala siya in one big project.

 

 

“So when I found out to be honest, goosebumps, everything else, mixed emotions, I was happy, I was crying!

 

 

“I was just very emotional to be given the opportunity to work with her, kasi it’s one of my goals talaga,” ang masayang pahayag pa ni Arjo.

 

 

Incidentally, parehong pasok sa 50th Metro Manila Film Festival (sa December 25) ang respective movies ng dalawa; ang hard action movie na ‘Topakk’ ni Arjo mula sa Nathan Studios na kumpanya ng mga Atayde at ang horror film na ‘Espantaho’ ni Judy Ann na ang isa sa mga producers ay ang Purple Bunny Productions na pag-aari naman ni Juday.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Para sa release ng newest Christmas album: LEA, na-feature sa latest issue ng People magazine

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAYA pala hindi napapanood sa GMA morning show na ‘Unang Hirit’ si Matteo Guidicelli dahil kasalukuyang nasa Harvard Business School in Boston, Massachusetts.

 

 

Sa Instagram pinost ni Matteo: “Here at Harvard Business School, diving deep into learning with some of the best professors—truly inspiring stuff! “Spent hours behind the desk with my books and pen, connecting with classmates from all over the world and across so many industries. Built amazing relationships and took away experiences I’ll always remember. Definitely one for the books! #changingthegame @harvardhbs”

 

 

In-upload ni Matteo ang pag-present niya ng G Productions Incorporated, ang studio na pag-aari nila ng misis niyang si Sarah Geronimo.

 

 

Noong 2023 ay naka-graduate si Matteo sa University of San Jose-Recoletos in Cebu City with a course in Marketing Management.

 

 

Huling napanood si Matteo sa Kapuso actionserye na ‘Black Rider.’

 

 

***

 

 

SA tumitindi na mga eksena sa ‘Pulang Araw’, nakasanayan na raw ito ni Barbie Forteza.

 

 

“Noong una, aaminin ko, katulad ni Alden (Richards), medyo may adjustment na nagaganap kasi mabigat nga ‘yung materyal namin eh. Pero ngayon, medyo nasasanay-sanay na kami,” pahayag ng aktres.

 

 

Natutunan na raw niya kasing bumitaw sa kanyang karakter sa pagitan ng mga eksena nito.

 

 

“I try my best to get out of the character the moment the director says ‘cut.’ Pero while I’m in the scene, while we’re doing the scene, grabe ‘yung epekto sa ‘kin ng bawat eksena,” lahad ni Barbie.

 

 

Masaya din daw siya sa suporta ni David Licauco na madalas niyang maka-eksena.

 

 

“Iba rin ‘yung binibigay niya sa akin. Talagang full of love and very delicate talaga ‘yung pag-approach namin sa eksena,” bahagi niya.

 

 

Marami pa daw dapat abangan sa pag-usad ng kuwento ng ‘Pulang Araw.’

 

 

***

 

 

NA-FEATURE sa latest issue ng People magazine ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga para sa release ng kanyang bagong Christmas album titled ‘Sounding Joy’.

 

 

Noong 2001 pa ang huling Christmas album ni Lea na The Christmas Album. After 23 years, panahon na raw na gumawa siya ng bagong Christmas album.

 

 

Ayon sa Tony Award-winning actress, 2020 pa dapat na-release ang album. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natapos ang album dahil sa sarado ang lahat ng recording studios.

 

 

“We had gotten more than half of the songs recorded, at least the principal vocals. Andthen, you know, the Philippines, like the rest of the world, went under lockdown after COVID-19. So I wasn’t able to go back into the studio to complete the main vocals until 2024.”

 

 

Natapos daw ni Lea ang recording by March or April ng taong ito.

 

 

“We really did our due diligence as far as making sure everything sounded right and that everything was right for this album. I think all of us are finally relieved and happy that it’s coming out,” sey ni Lea.

 

 

Kabilang sa album ang sariling version ni Lea ng “Last Christmas”, “All I Want For Christmas Is You”, “I’ll Be Home For Christmas”, “River” at isang duet with American Idol Season 2 runner-up Clay Aiken sa song na “Angels We Have Heard (Glory Be).”

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Marami siyang resibo kung pagtulong ang pag-uusapan: VILMA, naging biktima rin ng paninira sa kasagsagan ng bagyong Kristine

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIKTIMA rin ng paninira ang Star for all Seasons at magbabalik gobernador ng Batangas na Vilma Santos-Recto.

 

Ginawan ng isyu na Hindi man lang nagparamdam si Gov. Vi sa kanyang mga constituents nung kasagsagan ng bagyong Kristine.

 

İsa kasi ang Batangas sa malaking naapektuhan sa katatapos na Bagyo.

 

Sa totoo lang, bago pa man nanalasa si Kristine ay kuntodo na ang preparasyon ni Ate Vi at ng buong staff niya.

 

Series of meetings sa lahat ng namamahala ng buong nasasakupan ng lalawigan.

 

At nung mismong bagyo at after ng delubyo ay umiikot si ate Vi kasama ang mga anak niyang vice Gov. Luis Manzano at soon to be congressman sa mga iba’t ibang Barangay para personal na iabot ang kanilang mga tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

When in fact, alas singko ng umaga ay nasa site na ang buong grupo nina Ate Vi.

 

And sa totoo lang din hindi si Ate Vi ang tipo ng pulitiko na need na may coverage every time na namimigay ng ayuda.

 

Pero sa totoo lang pagdating sa pagtulong lalo na sa mga biktima ng anumang sakuna ay mabilis ang pag tulong ang isang Vilma Santos.

 

At kung gusto n’yo resibo meron ang award-winning actress.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Binata na wanted sa statutory rape, nasilo sa Navotas

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas “Jhayr”, residente ng lungsod at nakatala bilang Top 8 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD).

 

 

Sa kanyang report kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Liga, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Tangos South.

 

 

Agad inatasan ni Col. Cortes ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-7:45 ng gabi sa Bagong Kalsada. Brgy. Tangos South.

 

 

Si ‘Jhayr’ ay binitbit ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court Branch 9, Navotas City na may petsang September 30, 2024, para sa kasong statutory rape.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 

 

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)

2 anak, ginawang ‘reserba’… Mag-ama, mag-inang Umali, laban-laban sa Nueva Ecija

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng grupong Novo Ecijano: Bantay Boto Movement (NE: BBM) ang umano’y ‘circus’ sa pulitika sa lalawigan ng Nueva Ecija, kung saan tila buong angkan na umano ni Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali ang tatakbo sa Halalan 2025.

 

 

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), anim na Umali ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa matataas na elective positions sa Nueva Ecija.

 

 

Muling tatakbo sa pagka-gobernador si Umali, pero naghain din ng kandidatura sa pagka-gobernador ang kanyang 23-years old na anak na si Patricia Marie Umali. Makakatapat ng mag-amang Umali si dating General Tinio Mayor Virgilio Bote sa pagka-gobernador.

 

 

Sa pagka-vice governor naman, tatakbo ang nakatatandang kapatid ni Governor Umali na si Gil Raymond Umali at makakatapat nito sa posiyon ang dating vice governor ng lalawigan na si Edward Joson.

 

 

Isa pang mala-circus na tagpo ang paghahain ng COC ng asawa ni Governor Umali na si Czarina Umali at kanilang 25-years old na anak na si Gabrielle Umali. Makakalaban ng mag-ina sa pagka-kongresista ng 3rd District si dating Cabanatuan City Mayor Jay Vergara.

 

 

Ayon sa grupong NE: BBM, malinaw ang dahilan ng mag-asawang Oyie at Czarina Umali na gamitin bilang ‘reserve candidates’ ang dalawa nilang anak upang maging “insurance” sakaling i-disqualify sila ng Comelec dahil sa kasong katiwalian.

 

 

Ang mag-asawang Oyie at Czarina Umali ay sinuspinde kamakailan ng Office of the Ombudsman at inirekumendang matanggal sila sa pwesto dahil sa malisyosong pag-isyu ng 205 quarry permits nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang diumano’y hindi pagbabayad sa mga lokal na pamahalaan ng kanilang bahagi mula sa mga nakolektang buwis.

 

 

Samantala, ang nakababatang kapatid naman ni Governor Umali na si Vice Governor Emmanuel Anthony Umali ay tatakbong mayor ng Cabanatuan City at makakatapat nito ang kasalukuyang alkalde na si Myca Vergara.

 

 

Giit ni Ruben Aquino, convenor ng NE: Bantay Boto Movement (BBM), kasuklam-suklam at hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagkapit sa poder ng mga Umali para lamang masiguro ang paghahari sa Nueva Ecija.

 

 

Kinondena rin ng grupo ang mag-asawang Oyie at Zcarina Umali dahil pati umano ang mga ‘musmos’ nilang anak ay maagang kinaladkad sa pamumulitika.

 

 

“Normal na sa ating bansa ang mga naglalaban-laban na magkakapamilya sa pulitika dahil hindi sila magkakasundo. Pero iba dito sa Nueva Ecija, ang mga Umali ay hindi nag-aaway away pero magkakalaban sila sa election. Ibig sabihin, hindi sila totoong magkalaban sa election, kundi ito ay kanilang istratehiya para hindi sila mawala sa political landscape ng probinsya. Ginawa nilang insurance candidates ang kanilang mga anak. This is very disgraceful. Nakakahiya,” ani Aquino.

 

 

“Niloloko at paulit-ulit na tayong pinagsasamantalahan ng mga gahaman sa kapangyarihan. Bigyan naman natin ng kaunting respeto at dangal ang ating probinsya. Reject Umali! Enough of their greediness,” dagdag nito. (PAUL JOHN REYES)

P120K damo, nasabat sa 2 drug suspects sa Caloocan

Posted on: November 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P120K halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestong mga suspek na si alyas “Lubay”, 24, at alyas “Jen”, 25, kapwa residente ng Bulacan.

 

 

Ayon kay Col. Doles, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sampaguita Street, Libis Camarin Barangay 175, matapos umanong bintahan ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani P/Lt. Restie Mables na nanguna sa operation, nakumpiska nila sa mga suspek ang 1001 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,120.00, buy bust money na isang P500 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money at isang motorsiklo na gamit nila.

 

 

Sinabi ni Lt. Mables na bago ang pagkakaaresto sa mga suspek, nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y sa pagbebenta ng mga suspek ng marijuana kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Caloocan Police sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)