• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2024

Kian Bill inihain sa Kamara

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN sa Kamara ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act na naglalayong magpatupad ng makataong solusyon sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal.

 

 

Ayon kay Cendaña, ang kaniyang panukala ay magsisilbing 180 degree turn mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatupad ng bloody drug war na ikinasawi ng libu-libong pinaghihinalaang drug personalities.

 

 

“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. The proposed law bans the use of Tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war,” anang solon.

 

Magugunita na ang noo’y 17-anyos na si Kian de los Santos ay napas­lang sa anti-drug operations sa Caloocan City noong Agosto 2017 kung saan matapos ang ilang taon ay nahatulan ng murder ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa nasabing binatilyo.

 

 

Sa depensa ng mga pulis nanlaban umano ang biktima pero pinasubalian ito ng CCTV footage na nakitang hinila ito sa madilim na lugar sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima saka pinagbabaril.

 

 

Ang Kian Bill ay may counterpart na panukala sa Senado na inihain ni Sen. Risa Hontiveros. (Vina de Guzman)

PAOCC spox, sinibak sa puwesto; sumasailalim ngayon sa administrative probe

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Filipino national sa isinagawang pagsalakay sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bagac, Bataan.

 

 

Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na “explain actuations in writing.”

 

May isa kasing footage si Casio kung saan sinampal nito ang isang POGO worker sa isinagawang pagsalakay sa (POGO) hub sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31.

 

Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum nagbigay ng mandato sa kanya na magsulat ng isang written explanation sa loob ng 24 oras.

 

Ipinalabas din ng memorandum kay Casio na sya ay “relieved of [his] responsibilities as spokesperson for PAOCC effective immediately and until the completion of the investigation.”

 

“The incident occurred following the execution of a Search Warrant at that location and is reported to have been documented, with the footage now circulating on social media platforms,” ang nakasaad sa memorandum.

 

“Your immediate response is crucial, as it will significantly influence the Office’s consideration of any subsequent actions. It is critical for you to comprehend that any failure to provide your explanation will be deemed a waiver of your right to contribute to this process,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Lalaki na nagwala habang may bitbit na baril sa Navotas, kulong

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umubra sa mga pulis ang pagiging siga-siga umano ng isang lalaki matapos magwala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril sa Navotas City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “John”, 26, residente ng lungsod.

 

Ayon kay Col. Cortes, habang nagsasagawa ng covert operation ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Luis Rufo Jr sa Taganahan St., Brgy., BBN nang matiyempuhan nila ang suspek na nagwawala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril na nagdulot ng labis na takot sa mga residente sa lugar dakong ala-1:10 ng madaling araw.

 

Maingat na pinalibutan ng mga tauhan ni Capt. Rufo ang suspek bago sinunggaban saka kinumpiska sa kanya ang hawak na isang revolver na kargado ng apat na bala at isang belt bag.

 

 

Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay walang maipakita ang suspek kaya pinosasan siya at binitbit ng mga operatiba ng SIS.

 

 

Himas-rehas ang suspek sa custodial facility unit ng Navotas police habang mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 of RPC at R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Tiangco brothers, nagpasalamat kay PBBM sa paglagda ng RA 12052

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng kanilang pasasalamat sina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglagda nito sa Republic Act No. 12052, na nagbibigay daan para sa pagtatatag ng tatlong karagdagang sangay ng Regional Trial Court at dalawang sangay ng Metropolitan Trial Court sa Navotas.

 

 

“We thank President Ferdinand R. Marcos, Jr. for signing Republic Act No. 12052, which paves the way for the establishment of three additional Regional Trial Court branches and two Metropolitan Trial Court branches in Navotas. This legislation will significantly enhance the delivery of justice for our residents by reducing case backlogs and ensuring quicker resolution of legal matters that impact their daily lives”, ani Mayor Tiangco.

 

“This milestone is especially meaningful, as when I was in Congress, I also filed House Bill 3013 to address the need for more accessible and efficient justice services in our city”, dagdag niya.

 

“These additional court branches are a significant and much-needed step toward easing the heavy caseloads faced by our existing courts. This will help ensure more timely justice and greater efficiency in resolving cases for our community”, pahayag naman ni Cong. Tiangco.

 

“The original House Bill 3013 was filed by then-Congressman and now Mayor John Rey Tiangco. We re-filed it to address the needs of our growing community and to help prevent delays in the resolution of cases in our local courts”, dagdag ng mambabatas.

 

 

Ipinaaabot din ni Mayor Tiangco ang kanilang pasasalamat kay Cong. Tiangco at iba pang mga kasosyo na nagtulak at sumuporta sa inisyatiba na ito. Aniya, Sama-sama tayo na magtatayo ng mas maliwanag, mas makatarungang kinabukasan para sa Navotas City. (Richard Mesa)

Trafficking ng mga Pinay para gawing surrogate, pinaiimbestigahan

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALA na rin sa nakakaalarmang ulat ukol sa mga Pilipina na iligal na nire-recruit at pinadadala sa ibang bansa para magsilbing surrogate mothers, pinaiimbestigahan ni OFW Party List Rep. Marissa Magsino ang naturang isyu.

 

Layon ng House Resolution 2055 na malaman ng mambabatas na matukoy at matugunan ang gaps sa labor recruitment, migration policies, at anti-human trafficking laws upang mapigilan ang eksploytasyon ng mga kababaihan.

 

Base sa huling imbestigasyon, nasa 20 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-engganyo ng isang local agency na magtrabaho sa Thailand, subalit pinuwersa sa infant-trafficking scheme sa Cambodia.

 

Labing-tatlo sa mga ito ang sinasabing buntis sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan at nakaharap sa human trafficking-related na kaso habang ang natitirang pitong ofw ay nanganganib na mapa-deport dahil sa paglabag sa immigration laws.

 

“Surrogacy must not come at the cost of our women’s dignity and rights. These women were promised legitimate jobs, only to find themselves victims of a heinous trafficking scheme. We must take immediate action to protect them and ensure such exploitation is curbed,” anang mambabatas.

 

Layon din ng imbestigasyon ang implikasyon ng trafficking schemes, na isang paglabag sa karapatang pantao partikular na laban sa karapatan ng mga babae at bata.

 

Habang minomonitor ng Department of Justice (DoJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (IACAT) ang naturang mga kaso, isinusulong ng resolusyon na masiguro na hindi na magiging biktima ang mgapinay sa mga ganitong panloloko sa hinaharap. (Vina de Guzman)

Duterte, negatibo sa drugs

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITO ay batay sa ipinalabas na resulta ng tanggapan ni Davao City Rep. Paolo Zimmerman Duterte sa isinagawang hair follicle drug test ng Hi-Precision Diagnostics Center na ginawa noong Oktubre 23, 2024.

 

Ang test na kilala bilang “Hair 7 Drug Panel Test,” na ginawa sa nakuhang hair sample mula sa mambabatas, ng Omega Laboratories, isang certified testing facility.

 

Kasama sa naging screening ang ilang drugs tulad ng Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Extended Opiates, Phencyclidine (PCP), THC Metabolite (Marijuana), at Benzodiazepines.

 

Lahat ng ginawang pagsusuri ay lumabas na negatibo, na nagpapakita na wala ni isa sa mga naturang substances ang nakita sa sistema ni Duterte.

 

Nakalagay sa official document, na may petsang October 28, 2024, na sinertipikahan ng Hi-Precision Diagnostics, ang ginawang screening process gamit ang advanced techniques tulad ng ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) para sa initial testing at GC/MS (gas chromatography/mass spectrometry) o LC/MS/MS (liquid chromatography/tandem mass spectrometry) para sa confirmation. (Vina de Guzman)

2 timbog sa baril, shabu, marijuana oil at kush sa Valenzuela drug bust

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Deputy Chief P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jepoy”, 45, ng Bagong Barrio, Caloocan at alyas “John”, 39, Lazada motorcycle rider ng Brgy. Marulas, Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbibenta ni alyas Jepoy ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station (SS3) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Robin Santos ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Elysian St., Brgy. Marulas dakong alas-3:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 22.18 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,824, pitong pirasong disposable vape na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil na nagkakahalaga ng P49,000, nasa 6.8 grams ng umano’y kush hybrid marijuana na nagkakahalaga ng P9,420, at buy bust money habang ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala ay nakuha kay ‘Jepoy’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive law on Firearms and Ammunation ang kakaharapin pa ni alyas Jepoy.

 

 

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang pinagkukunan ng mga ito ng naturang ilegal ba droga. (Richard Mesa)

Quezon City LGU tuloy sa pamimigay ng ELSAROC boxes

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pamamahagi ng Quezon City LGU ng earthquake at landslide search and rescue boxes (Elsaroc) sa lungsod katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office ng lokal na pamahalaan.

 

 

Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, sinabi ni QC District 1 Councilor Charm Ferrer na patuloy ang kanilang pamamahagi ng ELSAROC boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang paghahanda sa ka­lamidad at emergency.

 

Pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Barangay Masambong, San Jose at Balingasa.

 

Sinabi ni Ferrer na ang laman ng bawat ELSAROC boxes ay gamit sa pagsagip at pag-rescue sa panahon ng lindol at landslide.

 

 

Sa pamamagitan aniya ng mga ito, pinalalakas ang kahandaan ng mga barangay sa mga hindi inaasahang kalamidad na tatama sa QC.

NLEX connector nagtaas ng toll

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAAS ng toll fee ang NLEX Connector matapos payagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang petisyon sa pangungolekta ng updated toll rates sa nasabing elevated expressway.

 

 

Sa ilalim ng updated toll matrix, ang motorista na gagamit ng Class 1 na sasakyan o ang mga regular na sasakyan kasama ang SUVs ay magbabayad ng P119 mula sa dating toll na P86.

 

 

Ang Class 2 o ang buses at small trucks kasama ang Class 3 na sasakyan o ang large trucks ay kailangan magbayad ng P299 at P418 flat rates, respectively sa mga sumusunod na klaseng sasakyan mula sa dating rates na P215 at P302.

 

 

“The toll adjustment is part of the program to collect the opening toll for the NLEX Connector on a staggered basis to cushion the impact to expressway users,” wika ng NLEX.

 

 

Noong 2023 ipanatupad ang initial rates, matapos ang apat na buwan ng pagbubukas ng Caloocan-Espana Section noong March.

 

 

Sa pagbubukas ng Section mula Espana hanggang Magsaysay Boulevard noong October 2023, sinabi ng kumpanya na ang NLEX Connector ay nanatili sa dating discounted rate kung saan ang mga motorista ay nagkaroon ng mahabang panahon sa loob ng isang taon na walang toll adjustment.

 

 

“Full rates will be implemented once NLEX Connector Project is completed. The connector has significantly improved the travel experience of motorists heading to Manila from the north and vice versa by reducing travel between C3 in Caloocan and Magsaysay Boulevard in Manila to just seven minutes,” saad ng NLEX.

 

 

Ayon sa kumpanya, ang NLEX Connector ay siyang kauna-unahang expressway sa Philippines na gumagwa ng barrierless system at gumagamit ng 100 porsientong RFID upang magkaron ng mas mabilis na transaksyon sa mga toll plazas. LASACMAR

Gamutan sa pabalik-balik na sakit, sagot na ng PhilHealth

Posted on: November 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SAGOT na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pabalik-balik na pagpapagamot at pagpapaospital dulot ng kaparehong sakit sa loob ng 90 araw.

 

 

Ito naman ang magandang balita ng PhilHealth kung saan nagsimula na ito noong Oktubre 1, 2024 matapos na alisin ang Single Period of Confinement o SPC rule.

 

 

Nabatid na ipinatupad ang SPC noong panahon ng Medicare, kung saan limitado lamang sa isang beses ang bayad para sa mga pasyenteng paulit-ulit na nao-ospital dahil sa parehong sakit o operasyon sa loob ng 90 araw.

 

Dahil sa polisiyang ito, ang mga miyembro ng PhilHealth ay napi­pilitang magbayad ng buo sa kanilang hospital bills o kaya ay hindi nababayaran ang mga hospital claims.

 

Ayon kay PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr., matapos ang masusing pag-aaral, inalis na nila ang naturang polisiya upang lalong matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo para sa mga pasyenteng may pabalik-balik na sakit.

 

“Ang hakbang na ito ay pagtupad sa aming pangako na lubusin ang mga benepisyo para sa miyembro na kailangan nila sa kanilang pagga­ling,” aniya.

 

 

Ayon kay Ma. Celia Buñag, Supervising Administrative Officer ng Quezon City General Hospital, malaking tulong ang pagtatanggal ng SPC dahil karamihan sa mga pasyente ay may recurring illness tulad ng pneumonia o chronic obstructive pulmonary disease.

 

Samantala, ipinaalala naman ng PhilHealth sa mga miyembro na maaaring magamit ang anumang benepisyo sa loob ng 45 araw sa buong taon, maliban sa hemodialysis benefits package dahil mayroong nakalaang hiwalay na 156 sessions sa bawat taon para dito.