• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 9th, 2024

Ke Huy Quan Takes the Lead in ‘Love Hurts’, Fil-Am Jonathan Eusebio’s directorial debut

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FROM Hollywood’s celebrated Fil-Am stunt coordinator Jonathan Eusebio—known for his groundbreaking work on Black Panther, the John Wick franchise, The Matrix Resurrections, and more—comes a pulse-pounding debut as he steps into the director’s chair with Love Hurts, a gritty tale of love and retribution.

 

 

The film, starring Ke Huy Quan in his first major lead role alongside Academy Award winner Ariana DeBose, is already sparking buzz as the official trailer just dropped. The film arrives in Philippine cinemas in February 2025.

 

 

An Unforgettable Story of Wrath, Reckoning, and Unfinished Business

 

From the powerhouse producers of 87North—the team behind action hits like Nobody, Atomic Blonde, Bullet Train, Violent Night, and The Fall Guy—Love Hurts follows Marvin Gable (Ke Huy Quan), a seemingly average realtor in Milwaukee with a hidden, violent past. But when a blood-red envelope appears from his ex-partner-in-crime Rose (Ariana DeBose), his past threatens to erupt, plunging him back into a dark, unforgiving world of ruthless hitmen and heart-stopping action sequences.

 

 

Love Hurts paints Marvin’s life as a spiral of revelations and revenges that draws in his estranged brother Knuckles (Daniel Wu), a volatile crime lord with vengeance on his mind. From open houses turned warzones to allies and enemies lurking in every corner, Marvin must confront the demons he tried to escape—and the sins he left unburied.

 

 

With Ke Huy Quan and Ariana DeBose leading the charge, the film boasts a diverse, high-energy cast, including:

 

 

Marshawn “Beast Mode” Lynch (Bottoms, 80 for Brady), Super Bowl champion turned actor;

 

Mustafa Shakir (Emancipation, Luke Cage);

Lio Tipton (Crazy, Stupid, Love., Lucy);

Rhys Darby (Jumanji: The Next Level, Yes Man);

André Eriksen (Violent Night, The Trip);

Sean Astin (The Lord of the Rings trilogy, Perry Mason).

 

In addition to his storied work behind Hollywood’s most acclaimed stunts, Jonathan Eusebio directed Love Hurts with the cinematic expertise of someone who knows action choreography from the inside out. Working alongside an award-winning creative team, including 87North producers Kelly McCormick and David Leitch, Love Hurts is written by Matthew Murray, Josh Stoddard, and Luke Passmore, and produced by Guy Danella (Violent Night). Together, they promise audiences an action-packed, emotionally charged cinematic experience.

 

 

Experience the thrilling chase and emotional stakes when Love Hurts lands in Philippine theaters this February 2025.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

May payo sa mga baguhang artista: JAKE, aalis lang ng network ‘pag naramdamang ‘di na kailangan

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT dalawampung taon na rin sa showbiz si Jake Cuenca.

 

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin naman sa showbiz ang Kapamilya ng aktor.

 

Kung si Jake ang tatanungin ay kailangang magkaroon ng pagmamahal at dedikasyon sa trabaho kung nais nitong magtagal sa mundo ng pelikula at telebisyon.

 

“I believe when I started 23 years ago, I still believe it today. What stays true is your passion and dedication to your work.

 

“So, even at the highest of high winning awards or stuff like this. The next day, what grounds you is your dedication and your commitment to work,” pahayag pa niya sa ABS-CBN News.

 

Dagdag pa ni Jake na hindi na raw kinakailangan na maging bida palagi sa mga ginagawa niyang project.

 

Ang importante lang daw ay mai-portray mo nang mabuti at pagbutihin nang husto ang trabaho as an actor.

 

Ayon pa sa magaling na aktor kahit maliit o maiksi lamang ang karakter na gagampanan ay kailangan pa rin umanong paghusayan ang ginagawa.

 

“Sa totoo lang naman the smaller the role is, the more you have to elevate it, the more you have to shine through and make an impact.

 

“Kahit may maliit kang role na nagagawa when you’re starting out, you put so much weight on that. Make it like your biggest project ever.

 

“Believe me, you will shine through. That’s how I did for the past 23 years and I’m still here,” pagmamalaki pa ni Jake.

 

Proud din naman si Jake sa pagiging kapamilya at sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng aktor sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa patuloy na tiwala sa kanya at hindi siya nawawalan ng proyekto.

 

“You always have to constantly show them something new. Show them how good you really are. Just as long as ABS-CBN needs me, I’m here.

 

“But the day na feeling ko na hindi na nila ako kailangan, I would gracefully exit. Gracefully bow out and exit myself,” seryosong pahayag pa rin ng premyadong aktor

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Netizens, nag-agree at papasa rin daw na magkapatid: KC, hiyang-hiya nang mapagkamalang boyfriend si GABBY

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG compilation video ng bonding moments nila ang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang Instagram, bilang pagbati sa kanyang daddy na si Gabby Concepcion, na nag-birthday noong November 5.

 

Caption niya, “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love!” (smiling with sunglasses emoji)
“I thank God everyday for our effortless bond, and the chance He gave us to be closer than ever as father-daughter.

 

“Always grateful for the parents God chose for me. I love you [white heart emoji].”

 

Pahabol pang mensahe ni KC ang isang rebelasyon tungkol kay Gabby…

 

 

“People abroad sometimes think he’s my boyfriend when they catch us talking on video call, nakakahiya! Hahah.” @concepciongabby

 

Maraming netizens ang nag-agree na parang vampire si Gabby dahil hindi raw ito tumatanda. Kaya may ilang nagsabing para lang silang magkapatid.

 

“I thought napagkakamalan kayong siblings [grinning face with sweat emoji].”

 

“Just like twins [fire emoji] so good looking both of ya Kayce.”

 

“Pogi naman kasi ng tatay mo noh! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis]”

 

“Vampire kasi ang most handsome actor ng Philippine cinema! [red heart emojis]”

 

“May pinagmanahan ka sa pagka-vampire miss face.”

 

“Kasi naman….Gwapo talaga ni Mr. Concepcion!!! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis] Yes to Wellness [clapping hands, fire, red heart emojis].”

 

“Your dad is iconic. Handsome then and now.”

 

“KC still a very lucky girl. Grape na Rabat pa ang tatay.”

 

“Grabe naman kasi ‘di halata sa mukha age eh ‘di tumatanda. Happy birthday!”

 

Noong October 2023 huling nagkasama sina Sharon Cuneta, Gabby at KC dahil sa reunion concert na ‘Dear Heart’, na ngayon ay mag US-Canada tour na nag-start noong October 26.

 

Kaya wish ng isang netizen, “sana sumunod ka dito sa concert tour, chance to be with them alone.”

 

***

 

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang listahan ng mga pelikulang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon para sa linggong ito.

 

Rated G (General Patronage) ang “Swan Lake,” mula sa desisyon nina Board Members Angel Jamias, JoAnn Bañaga, at Jerry Talavera. Ibig sabihin, ito ay pwede sa lahat ng manonood.

 

PG (Patnubay at Gabay) naman ang ibinigay ng Board sa mga “Abner,” isang lokal na pelikula na pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Rosanna Roces, at Mygz Molino, at ang “Red One,” na may pampaskong tema na kasama ang mga kilalang Hollywood actors na sina Dwayne Johnson at Chris Evans.

 

Sa PG, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang edad 12 at pababa sa sinehan.

 

Ang animated na pelikulang “My Hero Academia: You’re Next,” na hango sa isang sikat na anime series, at ang romantic-drama na “We Live in Time,” ay rated R-13, na tanging mga 13 gulang at pataas lang ang pwedeng manood.

 

R-16 o pwede lamang sa edad 16 at pataas ang mga pelikulang horror na “Pusaka: The Heirloom,” mula Indonesia at “Decade of the Dead.”

 

Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga nakakatanda na patuloy na gabayan at ipaliwanag sa mga batang kasama ang pelikula na kanilang papanoorin.

 

“Iminumungkahi rin natin sa mga magulang at sa pamilyang Pilipino na maging responsableng manonood at gawing gabay ang mga angkop na klasipikasyon na ibinigay ng MTRCB sa mga pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Opisyal nang pumirma bilang host ng ‘Face to Face: Harapan’: KORINA, sanay na mag-referee sa pagitan ng mga nag-aalitang panig

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang pumirma si Korina Sanchez-Roxas bilang host ng ‘Face to Face: Harapan,’ isang bagong yugto para sa iconic program ng TV5.

 

 

Simula Nobyembre 11, mapapanood ang ‘Face to Face: Harapan’ mula Lunes hanggang Biyernes, alas-4 ng hapon, bago ang ‘Wil to Win’ sa TV5.

 

 

Ang award-winning journalist na si Korina Sanchez-Roxas ang siyang magdadala ng naiibang authoritative perspective sa programa. Malugod siyang tinanggap ng mga MediaQuest at TV5 executives, kasama sina Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng MediaQuest Holdings, Cignal TV, at MQuest Ventures; Guido R. Zaballero, President at CEO ng TV5; at John L. Andal, Group Finance Officer ng MediaQuest Holdings.

 

 

Sa produksiyon ng MQuest Ventures at Cignal TV, nananatili ang ‘Face to Face: Harapan’ sa orihinal na tema nito habang bibigyan ng mas malalim at balanseng pagtalakay sa mga tunay na isyu ng buhay.

 

 

Bukod sa pagdinig sa mga panig ng Sa Pula at Sa Puti, bibigyan din ni Korina ng sariling evaluation ang bawat episode, batay sa narinig mula sa magkabilang panig at sa payo ng Harapang Tagapayo.

 

 

“Bata pa lang po ako, hanggang dito sa aking karera, malapit po ako sa masa. Ang aking pong hinahanap na mga kwentong buhay ay ang mga kwento ng mga totoong tao,” pahayag ni Korina sa contract signing. Dagdag pa niya, “At ako po ay sanay na mag-referee sa pagitan ng mga nag-aalitang panig. That led me to say YES!”

 

 

Nagustuhan din niya ang format ng programa. “I think it’s something that can still grow and improve. And malay n’yo, magka-spinoff pa ito, right? But again the brand is all about quality, consistency, and authenticity.”

 

 

“We welcome our newest Kapatid, Korina Sanchez-Roxas, as the new host of Face To Face: Harapan,” sabi ng TV5 President at CEO na si Guido Zaballero. “Her ability to connect with people and tackle complex issues make her the ideal person to lead the show into this new era.”

 

 

Pahayag naman ni Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng MediaQuest Holdings, Cignal TV, at MQuest Ventures, “Korina has long been one of the most recognized faces of Philippine media, with her remarkable history as a journalist. She definitely adds fresh dynamics to Face To Face: Harapan. I’m sure our Kapatid viewers will pick up some life lessons while enjoying the show.”

 

 

Sa pamumuno ni Korina Sanchez-Roxas, asahan ang mga engaging na kwento at insights sa ‘Face to Face: Harapan’ na siguradong kagigiliwan ng mga manonood tuwing hapon sa TV5.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

GSW head coach Steve Kerr, hangad ang tagumpay ni Trump sa susunod na 4 na taon

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Bagama’t hindi pumabor sa inaasahan, nirerespeto umano ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr ang resulta ng 2024 US Presidential Elections.

 

 

Maalalang isa si Steve Kerr sa mga masugid na sumuporta kay Democratic presidential candidate, VP Kamala Harris.

 

 

Ayon kay Kerr, naniniwala siya sa demokrasya. Dahil sa nagsalita na ang mga mamamayan ng US, wala umano siyang ibang hangad kundi ang magtagumpay si Trump sa susunod na apat na taon.

 

 

Giit ng batikang coach, nais niyang magtagumpay ang US kayat nais niyang maging matagumpay ang pamumuno ni Trump.

Kylian Mbappe hindi na isinama sa Nations League double-header match

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ipinaliwanag ni France fooball manager Didier Deschamps ang hindi nila pagsama kay Kylian Mbappe para sa Nations League double-header match.

 

 

Sinabi nito na kaniyang nakausap ang Real Madrid forward na hindi na sumama sa mga laban nila sa Israel at sa Italy.

 

 

Dagdag pa nito na kagagaling lamang kasi ng 25-anyos na footballer mul sa injury.

 

 

Si Mbappe na World Cup winner noong 2018 ay nagtala ng 48 goals sa 86 na paglalaro sa France.

Pagbati bumuhos sa paghakot ng medalya ni Eldrew Yulo

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati matapos na makakahakot ng kabuuang apat na gintong medalya at dalawang silver medals ang kapatid ni 2-time gold medalist Carlos Yulo na si Karl Jahrel Eldrew Yulo.

 

 

Kabilang kasi ang nakakabatang Yulo sa ginanap na 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships kung saan ang Pilipinas ay mayroon kabuuang 21 Golds, 9 silvers at apat na bronze medals.Streaming service

 

 

Nakakuha si Yulo ng apat na gold medals sa mga kategorya ng still rings, vault, floor exercise, Individual All-Around at silver naman sa parallel bars.

 

 

Dahil dito ay maraming mga Pinoy ang nagsasabing hindi malayong magagawa din niya ang tagumpay ng kaniyang kapatid sa Olympics.

 

Una ng sinabi ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na isasama nila Yulo sa listahan na isasabak sa 2028 Los Angeles Olympics.

Pinas, dadalhin ang alyansa sa Estados Unidos sa ‘greater heights’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump- DFA

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASIGASIG ang gobyerno ng Pilipinas na dalhin ang alyansa nito sa Estados Unidos sa “even greater heights” sa ilalim ni President-elect Donald Trump.

 

Sa katunayan, looking forward si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na makatrabaho ang kanyang American counterparts sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

“The Philippines reaffirms its commitment to continue working with the United States to advance Philippines-US relations. I look forward to working with our counterparts in bringing our alliance to even greater heights under the administration of President-elect Donald Trump,” ang sinabi ni Manalo.

 

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pagbati si Manalo sa Estados Unidos para sa matagumpay na pagdaraos ng presidential elections noong Nobyembre 5, muli nitong pinagtibay ang “robustness of American democratic values and institutions.”

 

Sa ulat, muling makababalik ng White House si US President Elect Donald Trump, matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris nitong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024 (araw sa Pilipinas).

 

Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.

 

Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.

 

Sa muling pagkapanalo ni Trump, ayon sa ulat ng isang international media outlet, isa sa mga nakatakda niyang paigtingin ay ang foreign policy ng Estados Unidos, lalo na raw ang tindig nito sa pagitan ng giyera ng Israel at Hamas, gayundin sa umano’y “strategic independence” nito kontra China. (Daris Jose)

PBBM, tinintahan ang dalawang batas na magpapatibay sa karapatan ng Pinas sa MARITIME Zones nito

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang dalawang batas na magpapatibay sa ‘entitlement and responsibility’ ng Pilipinas sa maritime zones nito.

 

NILAGDAAN ng Pangulo ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, na aniya’y “significant laws that emphasize the importance of our maritime and archipelagic identity.”

 

“With these pieces of legislation, we align our domestic laws with international law, specifically the UN Convention on the Law of the Sea or UNCLOS, improve our capacity for governance, and reinforce our maritime policies for economic development and for national security,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Nakasaad sa Philippine Maritime Zones Act, idineklara ang maritime zones ngPilipinas alinsunod sa pamantayan na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Hangad din nito na I-designate ang archipelagic sea lanes ng bansa, na lilikha ng routes o ruta sa katubigan at airspace ng Pilipinas.

 

Giit ng Pangulo ang nasabing batas ay mahalaga upang tiyakin ang karapatan at tungkulin ng bansa ay ‘well-defined.’

 

“Our people, especially our fisherfolk, should be able to pursue their livelihood free from uncertainty and harassment. We must be able to harness mineral and energy resources in our seabed” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Binigyang diin pa rin ng Chief Executive na ang igiit ang maritime zones ng Pilipinas ay pagpapakita sa international community ng commitment ng Pilipinas na ‘nurturing, cultivating at protecting’ ang maritime domain ng bansa.

 

Samantala, ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, nage-establisa ng sistema ng archipelagic sea lanes at air routes, kung saan ang foreign vessels at aircraft ay dapat na I-exercise ang karapatan ng archipelagic sea lanes passage.

 

“The designated archipelagic sea lanes and air routes aim to facilitate safe passage for foreign ships and aircraft without compromising our national security nor diminishing our capacity for good environmental stewardship,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa rin ng Pangulo na ang dalawang batas ay makaaapekto sa domestic laws at regulasyon sa national at local level.

 

Umaasa naman ang Pangulo na ang mga naturang batas ay pahihintulutan ang bansa na ipagpatuloy na idepensa ang teritoryo nito.

 

“It is my fervent hope that with the help of these two laws, we will continue to pursue and defend our maritime interests and navigate towards a brighter and stronger Bagong Pilipinas,” ang sinabi ng Pangulo. (Daris Jose)

LALAKI, NABANGGA AT MULING NAGULUNGAN SA MAYNILA

Posted on: November 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMATAY sa pinangyarihan ng insidente ang isang 36-anyos na lalaki nang nabangga ng isang motorsiklo at muling nagulungan ang ulo ng isa pang dumaan na nakamotorsiklo sa Tondo, Manila Biyernes ng mandating araw.

 

 

Kinilala ang biktima na si Wilson Mallari, ng 2530 Jose Abad Santos, Tondo, Manila dahil sa malalang sugat sa katawan.

 

 

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa driver ng dalawang motorsiklo na walang side car na parehong tumakas matapos nabangga ang biktima.

 

 

Sa ulat, bandang alas-12:30 kahapon ng madaling araw ng naganap ang insidednte sa norhbound lane ng Jose Abad Santos corner Tecson St., Tondo Manila kung saan naglalakad ang biktima sa nothward sa 2nd Lane ng Jose Abad Santos Tondo, Manila nang nabangga siya ng isang motorsiklo na bumabagtas sa nasabing lugar.

 

 

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang katawan ng biktima sa kalsada kung saan isa pang motorsiklo ang dumaan at nagulungan ang ulo nito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

 

 

Subalit imbes na tumgil ang dalawang driver ng motorsiklo, pinaharuot papalayo ang kanilang sasakyan at iniwan ang biktima. GENE ADSUARA