• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 23rd, 2024

PBBM, inulit ang suporta para sa Ukraine habang ang giyera ay nasa 1,000 araw na

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta nito para sa Ukraine habang patuloy na sinasakop ng Russia ang Kyiv at umabot na ito sa 1,000 araw.

 

“Yesterday marked the 1,000th day since the war in Ukraine began,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa X (dating Twitter).

 

Inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang naging pulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy noong Hunyo 3, kung saan inulit nito ang patuloy na suporta ng Pilipinas para sa soberanya, kalayaan pagkakaisa at territorial integrity.

 

“It is our hope that we will see comprehensive, just and lasting peace in Ukraine. Ukraine is our valued partner, and our relations continue to go from strength to strength,” dagdag na wika nito.

 

Sinabi ni Zelenskiy sa isang parliament session na hindi ikakalakal ng Ukraine ang soberanya nito o bitawan ang karapatan sa teritoryo nito.

 

Tinanggihan din niya ang pagdaraos ng bagong eleksyon hangga’t hindi nakakamit ang kapayapaan.

 

“At this stage of the war, it is being decided who will prevail—whether us over the enemy, or the enemy over us Ukrainians… and Europeans, and everyone in the world who wants to live freely and not be subject to a dictator,” ang sinabi ni Zelenskiy.

 

Itinakda ni Zelenskiy ang “resilience plan” para sa Ukraine bilang domestic foil sa “victory plan” na sinabi niya sa Western allies “It was needed to force Russia to negotiate an end to the war in good faith,” ani Zelenskiy.

 

“Unity is the first point of our internal Resilience Plan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads November 23, 2024

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Mas maraming SEEDLING Nurseries sa bansa para palakasin ang AGRI OUTPUT, CUT RELIANCE sa pag-angkat -PBBM

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpaparami sa ‘seedling nurseries’ sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay mapakikinabangan ng ‘agriculture, food specialty, at food processing industry’ sa bansa.

 

Kabilang ang mga ito sa mga bagong estratehiya na nakikita ng pamahalaan na magagamit para bawasan ang pagsandal sa importasyon ng agricultural goods para matustusan ang local demand.

 

“Nagpulong kami kahapon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kasama ang pribadong sektor. Dito nagmungkahi ng mga hakbang na paramihin pa ang ating mga seedling nursery sa buong bansa para mapa-igting pa natin ang pagtatanim ng mga gulay at bigas,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Bacolor, Pampanga.

 

Nabanggit ang panukala sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Martes, kung saan ang mga unused lands o mga hindi na nagagamit na mga lupaing pag-aari ng State Universities and Colleges (SUCs) ay nakita para muling gamitin para sa seedling production.

 

“Pampanga, known as the Culinary Capital of the Philippines, would benefit from the initiative,” ang tinuran pa rin ni Pangulong Marcos.

 

“Sigurado ako na sa ganitong paraan ay makakatulong ito sa ilang pangunahing industriya ninyo rito sa Pampanga, kagaya ng pagsasaka, specialty food, at ang food processing,” lahad nito.

 

Sa kabilang dako, namahagi ang Pangulo ng 30 na Certificates of Land Ownership (CLOAs) at 2,939 na Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) para sa 2,500 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBS) sa nasabing lalawigan.

 

Sa kabuuan, may 2,487 ARBS ang nakatanggap ng COCROMs habang 28 iba pa ang nakatanggap ng kanilang CLOAs.

 

Sa kaparehong event, kinilala naman ng Punong Ehekutibo ang papel ng Pampanga sa pag-unlad ng bansa.

 

Binigyang diin ng Chief Executive ang partnership sa pagitan ng public at private sector sa lalawigan sa pamamagitan ng Partnership Against Hunger and Poverty Program.

 

“Sa tulong ng Partnership Against Hunger and Poverty Program ng gobyerno, isa sa mga kapuri-puring kontribusyon ng inyong probinsya ay ang patuloy na pagsu-supply ng itlog sa ating mga Persons Deprived of Liberty o ‘yung tinatawag na mga PDL sa mga bilangguan o BJMP na facilities,” ang winika ng Pangulo.

 

“Ang programang ito ay isang halimbawa ng magandang pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pamahalaan,” aniya pa rin.

 

Samantala, ang Pampanga ang nangungunang producer ng mga itlog sa Gitnang Luzon. Ang lalawigan ang bumubuo sa 17.7% ng pangkalahatang produksyon ng itlog sa bansa. (Daris Jose)

PBBM sa Japan: Wala akong alam na anumang seryosong pagtutol sa RAA military deal

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALANG alam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may “any serious objections” sa ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas sa Japan.

 

Nilapitan at binanggit kasi ni Matsuda Kenichi, charges d’affaires of the Embassy of Japan ang ‘pending agreements’ sa sidelines ng isang pagpupulong kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

“I don’t know [of] any serious objections,” ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. kay Matsuda.

 

Sa ulat, isang National democratic activist organization gaya ng Bagong Alyansang Makabayan ang hayagang tumututol sa naturang kasunduan. Sa katunayan, sinabi nito noong November 2023 na ang ilagay o puwesto ang Japanese troops at equipment nito sa Pilipinas para kontrahin ang Tsina “might actually do the opposite-justify even more military actions from China.”

 

Isinatinig din ng Makabayan bloc sa Kongreso ang pagsalungat sa kasunduan, sabay sabing “endangers our population [in exchange for] scraps of their military hardware.”

 

Subalit ang ratipikasyon ng mga tratado ay nangangailangan ng pagsang-ayon mula sa Senado at hindi lamang ng Kongreso, kung saan suportado ng mayorya si Pangulong Marcos.

 

“It’s just that when the budget is in deliberation, everything has to stop because otherwise, we will be [in] 2025 with no budget. It will be very difficult if that happens,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Matsuda.

 

“They will prioritize the budget and then take up all the other business afterwards,” dagdag na wika nito.

 

“The Philippines has been ramping up its engagements with security partners, including Japan, in the face of tension with China over the West Philippine Sea,” ayon sa ulat.

 

Maliban sa RAA, tinatrabaho na rin ng Maynila ang defense agreements kasama ang Paris at Berlin.

 

Matatandaang, Hulyo ng taong kasalukuyan ay pormal nang nilagdaan nina Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro at ni Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa ang RAA.

 

Ginanap sa loob ng Palasyo ng Malacañang ang paglagda sa RAA na sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos, kasama si Department of Foreign Affairs Secretary Ernesto Manalo at Japan Defense Minister Kihara Minoru.

 

Sa ilalim ng naturang kasunduan, pahihintulutan na ang pag deploy ng Japanese forces para sa joint military exercises, at ang palitan ng drills.

 

 

Nabuo ang RAA sa inaugural ng Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong April 2022, sa Tokyo Japan. (Daris Jose)

6 drug suspects timbog sa higit P.2M droga sa Navotas

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang anim na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kina alyas “Rendol”, 33, at alyas “Ranie”, 57, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illega drug activities ng mga ito.

 

 

Dakong alas-12:47 ng hating gabi nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek matapos umanong bintahan ng shabu ang isa nilang kasama na nagpanggap na buyer sa M Naval St., Brgy. San Roque.

 

 

Ayon kay Capt. Luis Rufo Jr na nanguna sa operation, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 10.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P69,836.00 at buy bust money.

 

 

Alas-2:56 ng madaling araw nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa M. Naval Street Barangay Bangkulasi sina alyas “Memel”, 24, fisherman at alyas “Hector”, 30, construction worker.

 

 

Nasamsam sa kanila ang aabot 11.13 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P75,684.00 at buy bust money.

 

 

Sa Badeo 4 Street, Brgy. San Roque, nadakip ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation din dakong alas-12:29 ng madaling araw sina alyas “Cris”, 52, at alyas ‘Ar-ar”, 32, kapwa ng lungsod. Nakumpiska sa kanila humigi’t kumulang 10.16 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P69,088 at buy bust money.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

BAGONG GYM, MULTIPURPOSE BUILDINGS BINUKSAN SA NAVOTAS

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN sa publiko ang bagong pinasinayaan na gym sa Navotas Sports Complex at mga multipurpose building sa Barangay NBBS Kaunlaran, kasunod ng isinagawang blessing ng mga ito sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco.

 

 

Ang mga proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang isang aktibong pamumuhay at magbigay ng maraming nalalaman na pasilidad para sa komunidad.

 

 

“Health and fitness have always been priorities in Navotas. This new gym is a step forward in promoting wellness among our employees and residents. Exercise not only keeps us fit but also makes us happier and more productive,” pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

Binigyang-diin niya ang pangako ng lungsod na isulong ang aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng mga inisyatiba tulad ng aero zumba, fun bike rides, family zone sa kahabaan ng R10 tuwing Linggo, at ang walking path sa coastal dike ng lungsod.

 

 

Pinasinayaan din ang mga multipurpose building, na nagtatampok ng mga basketball court, office space, at function room.

 

 

“These facilities will serve as venues for programs, activities, and sports that promote physical and mental well-being among residents, especially the youth,” dagdag niya.

 

 

Binigyang-diin naman ni Congressman Toby Tiangco ang kahalagahan ng mga imprastraktura na ito sa pag-angat ng kalidad ng buhay sa Navotas.

 

 

“Every project we build is for the betterment of our community. These facilities are more than just structures—they are investments in our youth and in fostering a strong, united community,” pahayag ni Cong. Toby.

 

 

Ang dalawang pinuno ay nanawagan sa mga residente na pangalagaan ang mga bagong pasilidad at gamitin ang mga ito nang may pananagutan upang mapanatili ang kanilang kalidad at matiyak ang mahaba nilang paglilingkod sa komunidad sa mga darating na taon. (Richard Mesa)