• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 7th, 2024

Dennis Trillo and Ruru Madrid star in the inspirational drama “Green Bones,” GMA’s official entry to the 50th MMFF

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FROM the creators of the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Best Picture and Best Screenplay winner “Firefly,” GMA Pictures and GMA Public Affairs proudly present their official entry the 50th MMFF (Metro Manila Film Festival) – “Green Bones.”

 

 

Co-produced with Brightburn Entertainment and distributed by Columbia Pictures for Sony Pictures Releasing International, “Green Bones” promises to be an inspiring cinematic experience in time for Christmas.

 

 

Top-billed by the critically-acclaimed Dennis Trillo who makes his MMFF comeback, and primetime star Ruru Madrid in his first MMFF role.

 

Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Wendell Ramos, and Alessandra de Rossi also star in the movie, with the special participation of Iza Calzado and Nonie Buencamino.

 

“Green Bones” follows the story of soon to be released prisoner Domingo Zamora (Dennis Trillo) who was incarcerated for the murder of his sister. His release is put in jeopardy by newly assigned prison guard Xavier Gonzaga (Ruru Madrid) who makes it his personal mission to keep Zamora behind bars.

 

The inspirational and heart-wrenching drama touches on the belief that finding green bones in a person’s remains is proof of one’s goodness in life. Ruru Madrid’s character Xavier, jaded from the tragic death of his own sister in a senseless crime, does not believe criminals could hold such bone in their body.

 

His suspicions about Trillo’s character Dom Zamora are fueled by the latter’s strange behavior inside the penal complex, even as the prisoner’s reputation is that of an already reformed man.

 

“Green Bones” is directed by award-winning director Zig Dulay, the filmmaker behind “Firefly.” Dulay is also known for his hit TV series “Maria Clara at Ibarra” and “Sahaya”.

 

Based on the original concept of GMA Public Affairs’ senior manager for documentaries JC Rubio, “Green Bones” was written by National Artist Ricky Lee and MMFF 2023 Best Screenplay winner Anj Atienza.

 

Mikoy Morales, Royce Cabrera, Sofia Pablo, Sienna Stevens, Kylie Padilla, Pauline Mendoza, Gerhard Acao, Raul Morit, Victor Neri, Ruby Ruiz, and Enzo Osorio

 

Catch “Green Bones” in theaters beginning December 25.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads December 7, 2024

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Estados Unidos, ibang bansa nababahala sa aksyon ng Tsina sa West PH Sea

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY ILANG embahada sa Maynila ang nagpahayag ng pagkabahala sa kamakailan lamang na agresibong aksyon ng Tsina matapos na muling bombahin ng water cannon ng mga barko ng Tsina ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sa isang post sa X (dating Twitter)., sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na “The PRC’s unlawful use of water cannons and dangerous maneuvers disrupted a Philippine maritime operation on December 4, putting lives at risk.”

 

Sinabi ni Carlson na kinokondena ng Estados Unidos ang nasabing aksyon ng Tsina, tiniyak na kaisa pa rin sila ng Pilipinas kasama ang mga kaalyado mula sa Indo-Pacific region.

 

Paulit-ulit namang sinisiguro ng Estados Unidos ang commitment nito sa Pilipinas, isa sa pinakamalapit na kaalyado sa Southeast Asia, nananatiling “ironclad.”

 

Samantala, sinabi naman ng European Union (EU) na labis sila nababahala sa naging aksyon ng Tsina kamakailan, malinaw na paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 

“Very concerned by China’s aggressive actions against Philippine government vessels near Scarborough Shoal and Sabina Shoal on 4 December,” ang sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro sa kanyang post sa X.

 

“Such behaviour clearly runs counter the UNCLOS and international maritime safety regulations,” aniya pa rin.

 

Itinuturing naman ng New Zealand na “deeply worrying” ang aksyon at presensiya ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship ng Tsina sa WPS. Ang New Zealand ay kasama sa maritime drills ng Pilipinas sa WPS.

 

“These latest dangerous actions by the Chinese Coast Guard towards the Philippines are deeply worrying, as is the presence of PLAN vessels. Water cannons and contact between vessels risk safety at sea and threaten regional stability and international law,” ang sinabi ng New Zealand Embassy sa Maynila.

 

“We again firmly call for peaceful resolution of disputes in accordance with UNCLOS,” dagdag pa nito.

 

Para naman sa Finland, miyembro ng European Union, na nababahala rin ito sa naging aksyon ng Tsina.

 

“Expressing my concern about these dangerous maneuvers and call for respect for international law,” ang sinabi ni Finland Ambassador Saija Nurimen sa kanyang post sa X.

 

Para naman sa mga awtoridad ng Pilipinas, mapanganib ang ginawa ng Chinese Coast Guard kabilang na ang ‘side swiping, blocking, at shadowing.’

 

Inakusahan din nito ang Tsina na nagpadala ng Navy ships para i-shadow ang vessels sa Bajo de Masinloc, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang PLA Navy vessels “came quite near and participated in the blocking or aggressive movements of the Chinese vessels.”

 

Binalaan naman ng Chinese Embassy sa Maynila ang Pilipinas na “immediately halt its infringements, provocations and inflammatory actions” at sinabi na intensyon ng Philippine vessels na magpabangga sa CCG ship.

 

“The Philippines will be held accountable for all consequences arising from this,” ayon kay CCG spokesperson Liu Dejun.

 

Bukod sa Pilipinas at Tsina, ang mga bansang umaangkin din sa WPS ay ang Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei. (Daris Jose)

Critically-acclaimed Pinoy action film, mapapanood na sa Pasko: ARJO at JULIA, walang itulak-kabigin sa husay nila sa ’Topakk’

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG ang media con ng action-packed thriller na ‘Topakk’ last Wednesday, December 4, na kung saan ginanap ito sa isang warehouse na M.H. del Pilar St. sa District 1 ng Quezon City.

 

 

Naramdaman talaga ng nagsipagdalo sa event, ang replica ng warehouse na malaking bahagi ng pelikula, na kung saan maraming matitinding eksena ang naganap na tiyak kaming papalakapan ng mga manonoood.

 

Ang naturang pelikula na may international title na ’Triggered’ na prinodyus ng Nathan Studios, Fusee, at Strawdogs, ay patuloy na gumagawa ng mga eksena sa internasyonal at lokal. Mula sa Cannes hanggang sa world premiere nito sa Locarno Film Festival, opisyal na nga itong entry 50th MMFF (Metro Manila Film Festival). Pinagbibidahan ito nina Arjo Atayde at Julia Montes, na walang itulak-kabigin sa husay nila pagganap, lalo na sa action scenes, na sila mismo ang gumawa. Nagkasugat-sugat at pasa nga sila, sa tindi ng mga eksena.

 

Sa direksyon ni Richard V. Somes, ang ‘Topakk’ ay nakasentro sa isang dating special forces operative na nakikipaglaban sa PTSD, na ang landas nagsalubong sa magkapatid na parehong tumatakas mula sa mga puwersang kriminal.

 

Ang pagganap ni Cong. Atayde ay nakabihag ng mga mahilig sa pelikula sa Cannes; Locarno at Austin, Texas. Na kung saan personal siyang dumalo sa mga screening para kumatawan sa pelikula.

 

Matindi nga ang naging reaksyon ng mga manonood sa mga international screenings, na marami ang pumupuri sa raw intensity at powerful performance ng pelikula.

 

Kakaibang Julia ang mapapanood, punong-puno ng aksyon ang pinamalas niya, na hindi katulad ng anumang nagawa niya noon. Dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Topakk’ ay nakakuha siya ng pagkilala sa kanyang versatility at emotional depth. Puwedeng-puwede nga siyang maging action star, kaya balak na bigyan siya ng Nathan Studios ng follow-up movie next year.

 

Kahanga-hanga rin ang cinematographer na si Louie Quirino na maghahatid ng mga kapansin-pansing visual na nagpapataas sa tensyon at drama ng pelikula, na kinumpleto ng evocative score ni Jose Antonio Buencamino.

 

Ang ensemble cast na nagbigay ng standout performances mula Arjo, Julia Montes, Sid Lucero, Enchogn Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerhard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, at Geli Bulaong – nagbibigay-buhay sa mga kumplikadong karakter ng pelikula.

 

Kaya sa Araw ng Pasko, unahin at maki-topakk sa hard-action movie, na pang-international ang pagkakagawa.

 

Samantala, ngayong Linggo, December 8, abangan ang cast ng movie sa pangungunan nina Arjo, Julia at Enchong sa ’Topakk Damay-damay Tayo sa Davao’, 3 p.m. sa G Mall Davao. Tiyak na masaya ito at punum-puno ng sorpresa at pakulo, kaya sugod na.

 

Para sa mga update sa Topakk, sundan ang Nathan Studios sa Facebook, YouTube, Instagram, at TikTok o bisitahin ang kanilang opisyal na Linktree atlinktr.ee/nathanstudios.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Pang-5 BLOODLETTING drive, isinagawa-DBM

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA araw ng Biyernes, Disyembre 6 ang Dugtong Buhay Movement, isang ang bloodletting activity para makatulong na i- promote ang public health.

 

 

Ang nasabing bloodletting drive ay pangungunahan ng Department of Budget and Management (DBM), na sinasabing pang-lima ng aktibidad.

 

Gagawin ang bloodletting activity sa Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

 

Itinatag at pamumunuan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang Dugtong Buhay Movement ay binubuo ng DBM, Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police.

 

“With over 600 pledges received for the activity, the Dugtong Buhay Movement aims to promote public health by instilling the importance of voluntary blood donation to aid patients in need of medical attention,” ayon sa DBM.

 

Sinasabing ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang University of the Philippines Manila (UPM) ay makikipag-partner sa DBM para sa blood donation drive, kasama ang affiliate organizations nito na UP Pahinungod, Phi Kappa Mu and Mu Sigma Phi Fraternities, at Phi Lambda Delta and Mu Sigma Phi Sororities.

 

Ang mga volunteers mula sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ay magkakaroon din ng bahagi sa aktibidad.

 

Samantala, ang Coca-Cola Philippines ang magsisilbing sponsor ng aktibidad.

 

Itinaguyod naman ng naturang aktibidad ang Republic Act 7719, o National Blood Services Act of 1994, na nagpo-promote sa boluntaryong blood donation upang masiguro ang ligtas at sapat na suplay ng dugo. (Daris Jose)

Megawide kinuha ng SMC upang gumawa ng bagong terminal building sa Caticlan airport

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUHA ng San Miguel Corp. (SMC) ang infrastructure-conglomerate na Megawide Construction Corp. upang sila ang mag develop ng Caticlan airport upang maging isang world-class na airport ito.

 

 

 

Ayon sa Megawide nakuha nila ang kontrata para gawin ang design at ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building sa Caticlan airport.

 

 

Ang Caticlan airport na siyang gateway sa Boracay Island ay pagmaymayari at pinatatakbo ng Trans Aire Development Holdings Corp. na isang subsidiary ng SMC Infrastructure.

 

 

“This will be another exciting opportunity for Megawide – to be able to work with one of the country’s largest and oldest conglomerates, San Miguel Corporation, and help realize its vision of a world-class facility at Caticlan Airport. We hope to impart our engineering excellence and be able to integrate our sustainable methodologies to this landmark development,” wika ni Megawide CEO at chairman Edgardo Saavedra.

 

 

Magkakaroon ng groundbreaking buwan ng December ang pagtatayo ng bagong terminal building sa Caticlan Airport.

 

 

Inaasahan na ang Megawide ay makapagbibigay ng isang efficient at environmentally friendly na proseso sa lahat ng aspeto ng development ng nasabing airport.

 

 

“Our search for a partner contractor who shares our vision of modernizing airports in the country has concluded with our partnership with Megawide. We believe that Megawide’s track record of building key infrastructure through efficient and sustainable practices will help us deliver a world-class facility within our committed deadline,” saad ni SMC chairman at CEO Ramon Ang.

 

 

Sinabi ni Ang nooon pa na gusto niyang matapos ang bagong terminal building sa Caticlan airport ng hindi tatagal ng tatlong (3) taon upang mas dumami ang mga turista sa pupunta sa Boracay at karatig na lugar.

 

 

Ang Megawide ay kilala bilang isang kumpanya na magaling sa paggawa ng vertical-integrated engineering, procurement at construction operations kasama na ang paggawa ng mga precast at construction solutions business.

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng SMC Infrastructure, ang SMC ay nakatuon ang pansin sa paggawa at pagpapaganda ng mga pangunahing airports sa bansa. Isa na rito ay ang Godofredo P. Ramos airport sa Aklan o ang tinatawag na Caticlan airport.

 

 

Ang SMC rin ang gumagawa ng tinatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan kasabay ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport sa Manila. LASACMAR

Japan, naglaan ng P611M halaga ng defense equipment sa Pinas

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKALOOB ang Japan sa Pilipinas ng P611 milyong halaga ng defense equipment, gaya ng surveillance radars at mga bangka, para mapabilis ang kakayahan ng bansa “to deter threats to peace, stability, and security” sa Indo-Pacific region.

 

 

Ang pagpopondo sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) ng Tokyo para sa fiscal year 2024 hanggang March 2025 binigyang diin ang commitment ng Japan sa strategic partnership nito sa Maynila sa panahon ng tumitinding mga salungatan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea, partikular na sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) at sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

 

Saklaw ng nasabing pondo ang probisyon ng surveillance radar systems para sa Philippine Air Force at ang rigid-hulled inflatable boats at coastal radar system equipment at automatic identification systems para sa C-90 aircraft para sa Philippine Navy.

 

“We sincerely hope that the provision of these items will be of great use for our friends facing strategic challenges,” ayon kay Japanese Ambassador Endo Kazuya sa kanyang naging sa signing at exchange of notes sa Maynila kasama si Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo.

 

Dumalo rin si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa seremonya.

 

Nahaharap sa mahalagang sea lanes, habang pinagtatalunang ang South China Sea at Luzon Strait, sinabi ni Endo na ang Pilipinas ay may mahalagang papel sa regional security.

 

“As we strengthen our support towards the Philippines, we also hope to contribute to the security and stability of the region —ultimately driving towards a free and open Indo-Pacific,” ang sinabi ng envoy.

 

Sa kabilang dako, ang Philippine vessels ay makailang ulit na naharap sa agresibo at mapanganib na pagmamaniobra ng Chinese Guard sa loob ng katubigan sa West Philippine Sea, kung saan sinasabi ng Beijing na ang bansa ang dahilan ng mga banggaan at pagkasugat ng mga Filipino personnel.

 

Maliban sa Japan, sina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin, sa isang pulong kasama ang kani-kanilang mga counterparts sa Maynila noong Hulyo, ay nagpahayag na ang Washington ay magkakaloob ng karagdagang $500 million sa military funding para palakasin ang defense capability ng Pilipinas habang ang Washington at Maynila ay nahaharap sa pagkabahala sa umiigting na agresibong ng Tsina.

 

Sa hiwalay na kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang tulong, ang pangalawang OSA simula 2023— sumasalamin sa shared commitment ng dalawang bansa sa maritime stability at regional peace.

 

“It will support the Department of National Defense and Armed Forces of the Philippines’ efforts in securing the Philippines and improving the country’s capabilities to deter threats to peace, stability, and security in the Indo-Pacific region,” ayon sa DFA.

 

Sinabi naman ng Chinese Embassy sa Maynila, nagtangka ang Philippine vessels na pumasok sa Chinese territorial waters ng Huangyan Dao, China’s name para sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

 

Sinasabi na ang CCG force ay “acted lawfully to control the situation.”

 

“China’s increasingly assertive actions in the waters prompted serious concerns and condemnations from several countries, including Manila’s treaty ally, the United States, Japan, the European Union, France, New Zealand, and Finland,” ayon sa ulat.

 

Muli namang inulit ng Japan ang labis na pagkabahala nito sa naging aksyon ng Tsina sabay sabing “opposes any actions that increase tensions” sa lugar.

 

“OSA is a grant aid cooperation framework that provides equipment and supplies as well as assistance for the development of infrastructure for armed forces and other related organizations of recipient countries,” ang sinabi ng Japan’s embassy sa Maynila.

 

“All of these elements are aimed at safeguarding Philippine sovereignty and securing national territory through improving its Maritime Domain Awareness capabilities and monitoring and surveillance capabilities,” ang sinabi ni Endo.

 

“The collaborative spirit embodied in this effort highlights Japan’s determination to ensure that peace and prosperity continue to thrive across the region and beyond for generations to come.” aniya pa rin. (Daris Jose)

Kamara nagdeklara ng ‘full support’ kay PBBM

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ng Kamara ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng pag-isyu ng “Manifesto of Support” kasabay ng pangakong gagawin ang mandato upang pigilan ang anumang pagtatangka ng ­destabilisasyon upang ibagsak ang gobyerno.

 

 

 

Sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, iprinisinta ng mga mambabatas ang House Resolution No. 277 kay Pangulong Marcos sa Christmas fellowship nitong Miyerkules ng gabi sa Malacañang matapos masampahan ng ­ikalawang impeachment complaint si Vice President Sara Duterte.

 

“Guided by the Philippine Constitution as the supreme law of the land, we, the Members of the House of Representatives of the Republic of the Philippines, reaffirm our unwavering commitment to defend the ­democratic institutions and sovereignty of our nation,” sabi sa manifesto.

 

 

Ayon kay Romualdez, ang manifesto na nilagdaan ng mga lider ng Kamara ay inisyu sa gitna ng mga na­ging banta ni Vice Pres. Sara Duterte sa buhay ni ­Pangulong Marcos at ang panawagang pagkilos ng militar ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa gobyerno.

 

“We categorically condemn any attempts to destabilize the ­government or subvert the administration’s programs aimed at advancing national progress. As mandated by the Constitution, we commit to mobilizing all legislative resources to safeguard the Republic against threats to its independence, security and peace,” nakasaad sa manifesto. (Daris Jose)

Mayoral bet Sara Discaya patuloy ang ayuda sa Pasigueño

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.

 

 

Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang ba­lita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

 

“Wala kaming kina­laman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad na­ting kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” ani Discaya.

 

Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.

 

Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.

 

Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.

 

Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.

 

Sa tala ng St. Gerrard Charity Foundation, libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah bukod pa sa medical checkup, mga gamot at wheel chair. (ARA)

8K pulis ikakalat sa Metro Manila – NCRPO

Posted on: December 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni National Capital Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony A. Aberin na magiging ligtas ang holiday season kung saan inaasahan ang dagsa ng mga tao sa mga transport terminal, pamilihan at mga simbahan.

 

 

Ang paniniyak ay kasabay ng pagpapakalat ng nasa 8,000 pulis sa mga strategic na lugar sa Metro Manila.

 

 

Sinabi ni Aberin na malaking tulong pa rin ang pagpapaigting at pagpapatupad ng police visibility laban sa mga kriminal. Aniya, kadalasang umaatake ang mga criminal tuwing holiday season kung saan marami ang abala sa pamimili.

 

Ayon kay Aberin, maglalagay din sila ng mga “Able, Active, and Allied” police sa mga police assistance desk upang agad na maayudahan at marespondehan ang sinumang nangangaila­ngan ng tulong.
Payo ni Aberin sa publiko, agad na maki­pag-ugnayan sa mga pulis at ibigay ang tiwala sa kanila.

 

“Kakampi niyo ang mga pulis at huwag katakutan”, ani Aberin.

 

Aniya, maging ang mga force multipliers ay magiging katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad ngayong Kapaskuhan.

 

Kasabay nito, hini­mok ni Aberin ang publiko na manatiling mapagbantay, lalo na sa mga matataong lugar, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad.

 

Dagdag pa ni Aberin, nais nilang masiguro na maipagdiriwang ng lahat ang Pasko ng masaya at ligtas. (Daris Jose)