• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 10th, 2024

CHITO ROÑO DIRECTS JUDY ANN SANTOS AND LORNA TOLENTINO IN QUANTUM FILMS’ 20th ANNIVERSARY FILM “ESPANTAHO”

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THIS Christmas season, prepare for an unforgettable cinematic experience as Quantum Films brings to the Filipino audiences “Espantaho” for the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024!

 

 

 

“Espantaho,” a gripping horror-drama is helmed by the master of Philippine horror cinema Chito S. Rono. Known for his iconic blockbusters “Feng Shui” (2004), “Sukob” (2006) and “The Healing” (2012), Rono continues to redefine the genre by weaving compelling narratives with bone-chilling suspense.

 

 

 

“Espantaho,” is a Tagalog word that means “scarecrow.” It is borrowed from the Spanish word Espantajo, the root of the word is pantaho or the scrarecrow. In Portuguese, it is called, Espantalho.
“Espantaho” delivers an eerie tale of love, betrayal and mystery.

 

 

The film features the powerhouse performances of Judy Ann Santos (Monet), Lorna Tolentino (Rosa) and Chanda Romero (Adele), bringing together the Queen of Philippine Soap Opera, an award-winning prime star and a veteran icon for a once in a lifetime cinematic ensemble.

 

 

 

This marks the comeback of Judy Ann Santos on the big screen with a promise to push boundaries of Filipino story telling. Meanwhile, Lorna Tolentino reunites with Roño, following their successful projects, “Patayin Sa Sindak Si Barbara” (1995) and “Narito Ang Puso Ko” (1992).

 

 

This is the film that showcases the brilliance of Filipino actors, Judy Ann, and Lorna, and their performances in “Espantaho” elevate the horror genre to new heights along-side acclaimed actors of our time – Janice de Belen, Mon Confiado, JC Santos Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, Tommy Abuel, Archie Adamos and Eugene Domingo.

 

 

The screenplay, written by the brilliant Chris Martinez, perfectly balances horror, drama and social realism, making “Espantaho,” a stand-out entry in MMFF 2024!

 

 

As Quantum Films celebrates two decades of cinematic excellence, “Espantaho” represents their dedication to groundbreaking stories that resonate with Filipino audiences. With this film, they honor the artistry of Philippine cinema while pushing its boundaries.

 

 

According to lawyer-producer, Atty. Joji Alonso, on her Facebook post, “This is also my biggest-budgetted film to date. All because we wanted to give our all, to stay true to the vision of our director

“This would be my 6th horror film in my filmography and I have no doubt that this is the best, to date.

 

 

Don’t miss the haunting tale of Espantaho – a story that will keep you on the edge of your seat and linger in your mind long after the credits fall.

 

 

Catch it in cinemas nationwide this MMFF 2024 beginning December 25!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Buong-buo pa rin ang kuwento ng ‘Topakk’ kahit may tinanggal: SYLVIA, nagdesisyong gumawa ng R-16 at R-18 version para mas lumawak ang makakapanood

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa nakalinya naming panonoorin this coming Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang ‘Topakk.’

 

 

Sa trailer pa lang ng pelikula ay sulit na ang ibabayad mo sa sinehan, how much more kung mapanood mo pa ang kabuuhan ng movie.

 

 

Punong-puno ng aksiyon ang ‘Topakk’, produced by Nathan Studios, Fusee, and Strawdogs.

 

 

Pinagbibidahan ito nina Cong. Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, Enchong Dee at marami pang iba, directed by Richard Somes.

 

Bukod sa award-winning performance ni Arjo sa pelikulang ito ay hindi rin matatawaran ang galing ni Julia na sumubok na rin sa action roles.

 

***

 

TUNGKOL pa rin sa ‘Topakk’ inamin ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na producer din ng pelikula na may dalawang version ang mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2024 na magsisimula na sa December 25, 2024 hanggang January 7, 2025.

 

Nagdesisyon daw silang gumawa ng R-16 at R-18 version para mas lumawak ang audience na makakapanood sa una nilang MMFF movie.

 

Dagdag pa niya, kailangan nilang bawasan ang mga hardcore action scenes sa ‘Topakk’ para makakuha ng magandang classification at rating mula sa MTRCB.

 

Pero kahit binawasan ng ilang madudugo at bayolenteng eksena ang kanilang entry sa 50th MMFF mula sa direksyon ni Richard Somes ay buong-buo pa rin ang kuwento at hindi nag-suffer ang ganda at kalidad nito.

 

Banggit pa rin ni Ibyang na talaga namang super asikaso sa lahat ng nasa grand presscon ng ‘Topakk’, iba rin daw ang ipinalabas nilang Director’s Cut sa sinalihan nilang mga international film festivals.

 

Ipinalabas na rin kasi ang movie sa Cannes, Frances; Locarno, Switzerland at Austin, Texas kung saan umani nga ito ng papuri at ngayon nga ‘coming home’ na ang ‘Topakk’.

 

Iikot ang kuwento ng ‘Topakk’ sa buhay ng dating special forces agent (Arjo) na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) at mai-involve sa karakter ni Julia na hinahanting ng corrupt police death squad na nasa likod din ng isang drug cartel.

 

“I don’t wanna spoil pero nagkasugat-sugat. May mga hiwa-hiwa. May mga pasa. Thank God, hindi nabalian ng buto,” sey pa ni Arjo.

 

“We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story kaya ang hirap mag-no kay direk Richard.

 

“It’s a very well thought of concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with Direk Richard,” dagdag pa rin ng magaling na aktor at politician..

 

At bilang paghahanda sa kanyang super challenging na karakter, “I watched videos sa YouTube about people suffering from PTSD. I studied my role. Nung binigay sa akin ang role, I told direk na mag-send ng videos sa akin and I watched them bago matulog.

 

“‘Yun ang assignment ko. At least once a day, either day or night, make sure to watch these videos,” dagdag pa rin ng aktor.

 

Showing na ang “Topakk” sa mga sinehan nationwide simula December 25 hanggang January 7, bilang bahagi ng MMFF 2024.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Men’s Football team ng bansa tiwalang magtatagumpay sa kanilang pagsabak sa Mitsubishi Electric Cup

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA ang Philippine Football Federation (PFF) na magiging matagumpay ang men’s football team ng nating bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng Mitsubishi Electric Cup.

 

 

 

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzales, na matapos ang paglabas ng pangalan ng 26 line-up para torneo ay agad silang nagsimulang mag-ensayo.

 

 

Aminado ito na hindi man sila ang nasa unang pinagpilian ay nasala naman ang mga ito base sa kanilang mga performance sa kani-kanilang club.

 

 

Magugunitang nababahala si Gonzalesa dahil sa hirap silang maipaalam sa kani-kanilang mga mothers club ang mga pangunahing manlalaro ng koponan.

 

Unang makakaharap kasi nila ay ang Myanmar sa Disyembre 12 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium habang sa Disyembre 18 naman ay makakalaban nila ang Vietnam sa parehas din na venue.

 

 

Bukod sa mga laro sa Pilipinas ay sasabak din ang mga ito sa La National Stadium sa Disyembre 15 na makakalaban ang bansang Laos habang sa Disyembre 21 ay ang bansang Indonesia.

BULACAN PRIDE.

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Batang Pinoy 2024, ipinakita ng mga nagwaging atleta na sina (mula kaliwa hanggang kanan) Alexie Jane Conte, Aretha Paulenco, Gerald J. Esquivel, Aaliyah Arnelle Go, Rizzalyn A. Santos, Yukihiro Funayama, Sean Aldryl Tolentino, at Kiel Vincent E. Aldaba ang kanilang mga pinagsumikapang medalya kasama ang ilan sa kanilang mga tagapagsanay matapos silang kilalanin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa Lingguhang Pagtataas ng Watawat noong Lunes sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Nasa larawan din sina (panlima mula sa kaliwa) Abgd. Nikki Manuel S. Coronel, OIC ng Provincial Youth and Sports Development Office, at (una mula sa kanan) Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino.

Pagbebenta ng P40 kada kilo ng bigas sa buong bansa, pinag-iisipan- DA

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IISIPAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P40 kada kilo ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng “Rice-for-All” program sa kabila ng pagtiyak ng affordable price ng kalakal, at makapagbibigay din ng disenteng kita para sa mga magsasaka.

 

 

 

Sinabi ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra na mas maraming “Kadiwa ng Pangulo” trade centers ang inaasahan na itatatag ng pamahalaan para bigyan ang mga Filipino para makapag- access sa P40 kada kilo ng bigas.

 

“Ang plano po ay palawigin pa at ilagay ang mga Kadiwa ng Pangulo kiosks sa lahat po ng major na palengke nationwide ”aniya pa rin sa isang news forum sa Quezon City, araw ng Sabado Disyembre 7.

 

Nagsimula ang DA na magbenta ng bigas sa halagang P40 kada kilo sa Kadiwa stores sa mga pangunahing public markets sa Kalakhang Maynila, at maging ang MRT at LRT stations noong nakaraang Huwebes, Disyembre 5. Ang bigas ay available tuwing Martes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 5 ng hapon.

 

“DA is hoping to open five more kiosks in other public markets next week,” ayon kay Guevarra.

 

Ang similar arrangements ay gagawin sa LRT at MRT stations sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation, at ang inisyal na lugar ay sa Monumento at LRT North EDSA.

 

Kung matatandaan, inilatag ni Pangulong Marcos sa kanyang campaign promise na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

 

“Kami ngayon ay nakikipag-ugnayan sa aming mga regional counterparts. Ina-identify na po natin iyong ating mga sites na puwede doon sa Kadiwa,”ayon kay Guevarra.

 

 

“At the same time, nakipag-usap tayo sa mga retailer association at sa mga importers. They’re very much willing to help,” ang sinabi pa rin niya.

 

Tinuran din ng DA na maraming tao ang naga-avail ng serbisyo ng Rice-for-All program, na may 30 bags ng 25-kilo ng bigas na nabebenta sa kada oras.

 

Samantala, sinabi pa ng agriculture department na ang ‘balancing efforts’ ay para tiyakin ang affordable rice sa local market at disenteng income o kita para sa mga magsasaka.

 

“Binabalanse po natin ang kagustuhan ng ating mga magsasaka at kagustuhan ng ating mga mamimili,” ang sinabi ni Guevarra.

 

Ayon pa rin kay Guevarra, patuloy na kinilala ng DA ang sentimyento ng mga magsasaka kapag ang presyo ng bigas sa merkado ay mababa.

 

“May ripple effect kapag masyadong binabaan ang presyo ng bigas. Kung nagtatanim ako ng bigas, baka madismaya ako na magtanim pa dahil nga wala naman kikitain kung ganiyan na kababa ang presyo,” ang winika ni Guevarra.

 

Nananatili namang tinutulungan ng DA ang mga magsasaka sa pamamagitan ng ‘banner programs’ ng departamento para tulungan ang rice producing areas na madalas na apektado ng mga baha at bagyo. (Daris Jose)

 

Matindi silang maglalaban sa Best Actress: JUDY ANN, walang panghihinayang na ‘di nakasama si VILMA sa ‘Espantaho’

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA panahon ng Pasko, maghanda para sa isang hindi malilimutang cinematic experience na hatid ng Quantum Films sa mga manonood ang “Espantaho” para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

 

Ang “Espantaho,” isang nakagigimbal na horror-drama na mula sa master ng Philippine horror cinema na si Chito S. Rono.

 

 

Sa naturang pelikula, mamarkahan ang pagbabalik ni Ms. Judy Ann Santos sa big screen pagkalipas ng limang taon.

 

 

Muli namang nakasama ni Lorna Tolentino si Direk Chito, kasunod ng kanilang matagumpay na proyekto, ang “Patayin Sa Sindak Si Barbara” (1995) at “Narito Ang Puso Ko” (1992).

 

Ang “Espantaho” ay naghahatid ng nakakatakot na kuwento ng pag-ibig, pangangaliwa at misteryo. Itinatampok sa pelikula ang napakahusay na pagganap nina Judy Ann (Monet), Lorna (Rosa) at Chanda Romero (Adele).

 

Makakasama rin nila ang mga kinikilalang at mahuhusay na artista sa ating panahon na sina Janice de Belen, Mon Confiado, JC Santos Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos at Eugene Domingo. Nagpakitang gilas din ang award-winning child actor na si Kian Co.

 

 

Muli namang natanong si Juday sa grand mediacon, kung mas gusto niya box-office hit kesa sa acting award.

 

“Well, gusto naman natin lahat, pero bilang co-producer, gusto ko namang makabawi, siyempre gusto mo both.

 

“Pero napakaganid ko naman pag sinabi ko dapat pareho. Sa ngayon, gusto ko ba kumita ang ‘Espantaho’, para makagawa pa nang mas maraming pelikula si Atty. Joji at si Direk Chito ma-inspire pa siyang gumawa ng pelikula.”

 

Dagdag pa niya, “ang ganda kasi ng experience na ito at sana ma-experience din ito ng iba pang artista, lalo na ang mga bagong artista.

 

“Kasi itong set na gugustuhin mo na mapuntahan dahil sa professionalism nila. Ito yung sistema na kailangan mong makita, this is how you work in this industry, kailangan maging professional.”

 

Wala namang panghihinayang si Juday na hindi natuloy ang pagsasama nila ni Vilma Santos, na mas pinili ang “Uninvited” na mahigpit na makakalaban ng movie nila at maging sa acting awards.

 

Paliwanag ng esposa ni Ryan Agoncillo, “naniwala ako sa sinabi ni Ate Vi na may perfect project na mas meant para sa amin.

 

“At naiintindihan ko talaga siya. And when I saw the trailer of ‘Uninvited’, tama lang na yun ang ginawa niya. Dahil ibang element yun compared sa ginawa niya last year sa MMFF.

 

“Hindi naman ako nanghinayang, dahil naniniwala ako sa sinabi niya na may iba pang materyal na puwede naming pagsamahan, na mas applicable para sa amin.

 

“Kaya ‘wag nating ipilit kung hindi naman talaga meant, hindi ba? Imbes na mag-work, baka lalong mas maging questionable pa.

 

“So, tama lang yung naging desisyon niya.”

 

Samantala, pinagdiriwang ng Quantum Films ang dalawang dekada ng cinematic excellence, at ang “Espantaho” ang sumasalamin sa kanilang dedikasyon sa mga groundbreaking story na tumatak sa mga Filipino audience.

 

Ayon pa sa lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso, sa kanyang Facebook post, “This is also my biggest-budgetted film to date. All because we wanted to give our all, to stay true to the vision of our director.

 

“This would be my 6th horror film in my filmography and I have no doubt that this is the best, to date.”

 

Mapapanood ang “Espantaho” sa mga sinehan sa buong bansa na magsisimula sa December 25!

 

 

 

 

 

Celtics star Jaylen Brown, minultahan ng $25-K dahil sa ‘throat-slashing’ gesture

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAN ng $25,000 na multa si Boston Celtics star Jaylen Brown matapos ang ginawang pagkumpas nitong paghiwa sa kaniyang leeg.

 

 

 

Naganap ang insidente ng mag-dunk ito sa harap ni Detroit Pistons forward Isaiah Stewart.

 

 

 

Matapos ang tila poster-dunk nito kay Stewart ay isinagawa niya ang “throat-slashing” gesture na hindi naman ikinatuwa ng NBA.

 

 

 

Hindi na ikinabigla ni Brown ang pagmulta sa kaniya dahil sa alam niya ang maaring kahinatnan ng kaniyang ginawa.

 

 

Si Brown ay pumirma ng limang taon na kontrata sa Celtics na nagkakahalaga ng $304 milyon.

Upang maging ganap na batas: Pagpapalawig sa RCEF, VAT refund para sa non-resident tourists nilagdaan ni PBBM

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang batas na magpapalawig sa buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

 

 

Sa isinagawang ceremonial signing, pinirmahan din ni Pangulong Marcos ang VAT refund para sa mga non-resident tourists.

 

 

Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa pamamagitan ng paglagda sa Republic Act No. 120278 o Amendments to Agricultural Tariffication Act, makatatanggap ang mga local rice farmers ng higit na suporta mula sa pamahalaan dahil sa probisyon ng ‘farm machinery and equipment, libreng distribusyon ng high quality inbred certified seeds, at iba pang interbensyon.’

 

 

Pinalalawak din ng bagong batas ang buhay ng RCEF, na ang pagkukuhanan ay mula sa taripa na kinolekta mula sa rice importation, hanggang 2031.

 

 

Idagdag pa rito, ang pagtaas ng annual allocation sa RCEF ay itatatag, mula sa kasalukuyang P10 billion hanggang sa P30 billion hanggang 2031.

 

 

Sa kabilang dako, sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na sa pamamagitan ng RCEF, nagawa ng bansa na makapag-invest sa ‘high-quality seeds, mechanization, at pagsasanay ng mga lokal na magsasaka, isang hakbang na magga-garantiya na ‘they are equipped with the right skills and tools to increase productivity.’

 

 

”With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program. And this is where this law comes in, extending the program to 2031, and significantly increasing its funding from the original P10 billion to P30 billion annually,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

 

 

”This will enable us to do much more for our farmers, ensuring that they have the resources that they need to succeed and to make the rice industry even more competitive,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa ng Chief Executive na ang bagong batas ay maglalagay ng makabuluhang diin sa pagbabawas sa post-harvest losses.

 

 

”By preventing up to 375,000 tons of milled rice from being wasted annually, we can help feed an additional 3.4 million Filipinos each year for the next six years—improving food security and making rice more accessible to everyone,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang pagpapalawak ng annual allocation ay magbibigay-daan para sa mga bagong inisyatiba gaya ng ‘soil health improvement, pest and disease management, pagtatatag ng solar-powered irrigation systems at maliit na water-impounding projects’ at maging ang pamamahagi ng composting facilities para sa biodegradable wastes.

 

 

Samantala, mapalalakas din ng bagong batas ang regulatory functions ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapanatili ng database para i-monitor ang rice reserves ng bansa.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na bibigyan ng kapangyarihan ang DA na gumawa ng kinakailangang aksyon para patatagin ang merkado, tiyakin na ang presyo ng bigas ay nananatiling ‘affordable at accessible’ sa bawat Filipino.

 

 

”Above all, this law empowers our farmers to thrive and to help our country secure a stable food supply. By increasing investments in agriculture, providing more resources, and creating a more competitive rice industry, we are laying the groundwork for a stronger, more self- sufficient Philippines,” ang tinuran ng Punong Ehekutibo.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na ang VAT refund program para sa non-resident tourists ay dinisenyo hindi lamang para pasiglahin ang mas maraming gastos kundi para i-promote ang Pilipinas bilang isang ‘premier global shopping destination.’

 

 

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga turista ay maaaring mag-refund ng VAT para sa mga goods o kalakal na personal na binili sa accredited retail outlets, iyon nga lamang dapat ayon sa batas ay ‘provided that these goods are taken out of the country within 60 days and meet a minimum transaction requirement of P3,000.’

 

 

”This initiative opens a new chapter in our tourism landscape, allowing the country to compete with other tourism markets that attract tourists who are eager to take home authentic, high-quality Filipino products,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Kumpiyansang ipinahayag ng Pangulo na ang positibong economic impact ng nasabing batas ay mahigit sa 30% increase sa tourist spending.

 

 

”This surge will benefit both large-scale industries and micro, small, and medium enterprises—an important pillar of our local economy,”ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang Department of Finance (DoF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na gumawa ng implementing rules and regulations (IRR) para maging simple, accessible, at culturally inclusive ang proseso ng VAT refund.

 

 

Para naman kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang bagong batas ay makapagbibigay ng mas maraming kita para sa Pilipinas, makatutulong ito sa mga maliliit na negosyo.

 

 

”Mas lalaki pa ‘yung income ng ating small and medium enterprises at mas dadami pa ‘yung trabaho para sa ating mga kababayan,” ang sinabi ni Frasco. (Daris Jose)

Assassination plot laban sa VP, peke

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng isang mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may assassination threat sa kanya.

 

 

 

Ayon kay Assistant Majority Leader Jude Acidre, peke ang alegasyon na ito batay na rin sa pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Padilla at Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na walang banta laban sa vp.

 

 

“The supposed assassination threats against Vice President Duterte are fake—completely unfounded and baseless,” ani Acidre.

 

 

Maihahambing aniya ito sa pinekeng pagkakilanlan nina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” na umanoy tumanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

 

Idinagdag nito na kung mayroon mang pagbabanta ay walang ibang gumagawa nito kundi ang bise presidente umano mismo.

 

 

Tinukoy nito ang kontrobersiyal na pahayag ni Duterte na may nakausap itong indibidwal na targetin sina Presidente Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung sakaling may mangyari sa kanya.

 

 

Nagsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pahayag na ito ni Duterte.

 

 

ikinumpara niya ang alegasyon na ito sa pekeng pagkakilanlan nina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” mga pangalan na nakalagay sa acknowledgment receipts na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit para sa confidential funds ns nagkakahalaga ng P612.5 million.

 

 

Nabunyag na walang pangalan na nakita ang Philippine Statistics Authority.

 

 

Sinabi naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, House Committee on Women and Gender Equality chairperson, na walang basehan ang pahayag na threat sa kanyang buhay.

 

 

“Honestly, wala akong naramdaman o na-perceive na pagbabanta sa buhay ng ating Bise Presidente. Looking at the videos of her threats against the President and her claim na siya ang pinagbabantaan ng buhay, parang ang interpretation ko doon ay parang it’s a call for help,” ani Roman.

 

 

“Maybe naghahanap siya ng simpatiya mula sa kanyang mga supporters. For me, it’s non-existent. Hindi ako naniniwalang may pagbabanta talaga sa buhay ni VP Sara.”

 

 

Hinikayat naman ni Acidre ang vp na magpresenta ng katunayan at ebidensiya kung tunay ang kanyang alegayson.

 

 

“I hope the Vice President considered that before making such statements, they should present evidence that has been examined and confirmed by our police and military,” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)

PBBM, tinintahan ang mga batas na magpo-promote sa MENTAL HEALTH ng mga guro, estudyante

Posted on: December 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang batas na “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”.

 

 

Layon ng batas na gawing institutional ang mental health at well-being programs kapuwa para sa basic education learners at teaching and non-teaching personnel sa pampubliko at pribadong eskuwelahan.

 

Ito’y upang tiyakin na ang mga estudyante at guro ay ’emotionally and mentally equipped to excel” sa gitna ng kinakaharap na modernong mga hamon.

 

“Today, we renew our promise to every Filipino: that they will not only succeed academically but thrive holistically. Together, we envision a Philippines where mental health is prioritized alongside education, fostering a generation equipped to lead with resilience, compassion, and with purpose,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang.

 

“When our learners and school personnel are mentally healthy, academic performance improves, absenteeism decreases, and a culture of compassion and understanding flourishes. Beyond being a safeguard to our youth and school personnel, this law is also an investment in the intellectual, emotional, and social future and development of our nation,” aniya pa rin.

 

Pinahihintulutan din ng batas ang mga eskuwelahan na maging “sanctuaries of learning and of well-being.”

 

Itatatag naman ang Care Centers sa bawat public basic education school, na pamumunuan ng School Counselor, at tutulungan ng School Counselor Associates na magbigay ng counseling at stress management workshops at magpapatupad ng mga programa na makatutulong na mabawasan ang stigma sa mental health.

 

Tinawag din ng Pangulo ang batas bilang ‘urgent at undeniable’. tinukoy kung paano ang mental health challenges ay ‘could cost 16 trillion in losses by 2030 globally.’

 

“Locally, the toll is evident in decreased academic outcomes, burnout, and turnover rates among students and school personnel,” ang winika ng Pangulo sabay sabing ang papel ng batas ay bawasan ang nasabing losses sa pamamagitan ng gawing mas produktibo ang mga estudyante at handa na makapag-ambag sa nation building.

 

Sa nabanggit pa ring event tinintahan ng Pangulo ang Value Added Tax (VAT) Refund for Non-Resident Tourists at Amendments to Agricultural Tariffication Act (ATA).

 

At bago pa matapos ang kanyang talumpati, nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na suportahan at isulong ang tatlong inisyatiba.

 

“Let us safeguard and empower our farmers, uplift our tourism industry, and provide mental health support. Together, let us create a future where every Filipino has the opportunity to succeed, to live a balanced life, to contribute to the collective prosperity of the nation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“These three laws are not just policies— they are commitments. Commitments to the Filipino farmer, commitment to the Filipino worker, the Filipino entrepreneur, the Filipino learner, and to every single citizen who dreams of a brighter, more resilient, and more progressive Bagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)