HINIKAYAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbuo ng mega government task force na siyang maghahabol sa rice price manipulators at ganid na mangangalakal.
“A call to immediate action is needed to force a decrease in rice prices for the benefit of the Filipino consumer,” ani Speaker.
Ang suwestiyon ay ginawa ni Romualdez matapos madiskubre ni House Quinta Comm chairman at Ways and Means Committee chairman Rep. Joey Salceda ng Albay ang nakakaalarmang ebidensiya ng sabwatan at price manipulation sa rice industry, sa kabila ng ulat na mayroong oversupply at pagbawas sa import tariffs.
Ayon kay Romualdez, ang panukalang task force ay bubuuin ng Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), kabilang na ang National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Trade and Industry (DTI).
May kapangyarihan ang task force na magsagawa ng imbentaryo, pagbusisi sa compliance sa tax laws at rules, inspect warehouses at agad magpasara ng mapagsamantalang business establishment.
ipinanukala pa nito ang pagpapasumite ng task force ng buwanang report sa kamara bilang bahagi ng oversight functions nito.
hindi aniya niya maintindihan kung bakit nananatili sa nasa P50 per kilo ang presyo ng bigas sa kabila na may sapat na supply at kabawasan sa importation cost.
“The findings of the Quinta Comm expose a serious betrayal of public trust. The Filipino people are paying unnecessarily high prices for rice, which should now be at P35 to P40 per kilo due to oversupply and tariff reductions. This blatant manipulation is unacceptable,” anang Speaker.
Sa huling pagdinig ng Quinta Comm o Murang Pagkain Super Committee, nabunyag ng mga mambabatas ang pattern ng price-fixing at hoarding sa mga rice importers at traders.
Sa datos na iprinisinta ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumitaw na may oversupply ng bigas, kung saan ang demand-supply ratio ay bumaba mula 82.5 sa 69.4 ngayon taon.
Sa kabila na may sapat na suplay, ini ulat ng PSA na ang presyo ng regular-milled rice ay bumaba ng kaunti mula P50.16 – 50.40 noong October sa P49.44 nitong unang bahagi ng nakalipas na buwan.
Ang quinta committee ay binubuo ng House Committees on Ways and Means, on Trade and Industry, on Agriculture and Food, on Social Services, and the Special Committee on Food Security, with Ways and Means.
naatasan din ang panel na tugunan ang kahinaan sa mga government programs at masiguro ang pananagutan ng mga umaabuso. (Vina de Guzman)