• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 21st, 2024

Malasakit Center beneficiaries: 15 milyon and counting!

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FIFTEEN million beneficiaries and counting.

 

 

 

Ito ang update ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa kasalukuyang estado ng Malasakit Centers Program.

 

 

 

Sa kabila ng bulung-bulungan tungkol sa kahihinatnan ng “one-stop shop for medical assistance,” sinabi mismo ni DOH Sec. Ted Herbosa sa arkitekto ng Malasakit Centers Law at chairman ng komite na si Senator Bong Go, na bubuhusan pa ng pondo ang Malasakit Centers alang-alang sa mga mahihirap na pasyente.

 

 

Ikinatuwa rin ni Go ang garantiya ng DOH na walang tatanggihan kahit na isang pasyente na dudulog sa Malasakit Centers.

 

Matatagpuan sa 166 Malasakit Centers sa buong bansa ang mga kinatawan ng DOH, PhilHealth, PCSO, at DSWD.

 

 

Sa ilalim ng programa ay hindi na kailangan pang magpunta kung saan-saang ahensiya ang mga mahihirap na pasyente para makakuha ng tulong medikal.

 

 

“Bakit pa natin pahihirapan ang mga Pilipino? Pera naman nila ’yan! Napakahalaga po ng ambag (ng mga ahensyang ito). Napakahalaga po dito ng kunsensya ninyo,” ani Go.

 

 

Samantala sa nasabi pa ring pagdinig, ibinalita naman ng DSWD na maaaring makakuha ng medical assistance o guarantee letters ang mga pasyente mula mismo sa Malasakit Centers.

 

Ito ay matapos rebisahin ng ahensya ang Memorandum Circular No. 16 para mas mapakinabangan ng mga ­pasyente ang pondo ng DSWD.

 

 

“Salamat sa DOH at DSWD. ­Malaking tulong po iyan sa mga babayaran ng mga pasyente sa ospital lalo na ang mga mahihirap nating kababayan,” dagdag ni Go.

 

 

Sa nakalipas na pagdinig ng mga komite ni Go, pinasalamatan ng DOH ang senador dahil sa milyun-milyong natulungan ng programa na sinimulan ni Senator Bong Go bago pa man siya maging mambabatas.

956 special permits ipinalabas ng LTFRB para sa Christmas, New Year rush

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 956 special permits ang mga pampasaherong sasakyan na dagdag na maghahatid sundo ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

 

 

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ang approved special permits ay mula sa 988 units na nag-apply para makabiyahe sa labas ng kanilang ruta.

 

Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 956 special permits ang mga pampasaherong sasakyan na dagdag na maghahatid sundo ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ang approved special permits ay mula sa 988 units na nag-apply para makabiyahe sa labas ng kanilang ruta. (Daris Jose)

Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso De Blas ang 40-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

 

Bumuo ng team ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Bonifacio Compound, Paso De Blas.

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong December 13, 2024, para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(D) of the Revised Penal Code (RPC), as amended by R.A. 11648 in relation to Section 5(b) of R.A. 7610, at Acts of Lasciviousness (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang walang sawang pagsisikap ng Valenzuela police at ng mga opisyal na sangkot sa operasyon.

 

“The NPD remains committed to fostering safer neighborhoods in the CAMANAVA area. Guided by the principles of transparency, professionalism, and public trust, we will continue our relentless campaign to maintain peace and order,” pahayag niya.

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 

 

 

 

(Richard Mesa)

PBBM, isinapubliko ang plano sa Pasko

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang plano nito sa darating na Pasko.

 

 

Sa katunayan, magdiriwang ang First Family ng Noche Buena sa Malakanyang at kagyat na pupunta sa Ilocos Norte at Baguio City, kinabukasan, mismong araw ng Pasko.

 

 

“Well, the only usual na ano namin — Christmas eve sa Malacañang, sa Palace. At siguro ang — on Christmas day aakyat ako ng north, go up north. Spend holiday, maybe up north, babalik ako ng Maynila. Depende, very flexible naman ang schedule ko kasi hindi ko maaaring sabihin na hindi aalis. Aalis ako kasi there — you know, baka may mangyari, baka may — kailangan ako, whatever it is I’m always available. But siyempre lahat tayo we could use a little break. So, I will use the time… Ang dami kong libro na hindi pa nababasa. So, babasahin ko silang lahat pagka — habang bakasyon,” ang litaniya ng Pangulo.

 

“On Christmas Day I will be in Manila but I will go to Baguio. But after that, we haven’t really decided sa family. Lahat busy e,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

 

Sa kabilang dako, inamin nito na mahirap nang hilahin ang kanyang mga anak dahil marami ng plano ang mga ito.
“Yung mga anak ko ang hirap hilahin. Meron silang, marami silang mga pinaplano. Maybe the First Lady and I will spend a little quality time together,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Samantala, matapos ang Kapaskuhan ay balik-trabaho na agad ang Pangulo. Iyon ay dahil wala siyang ‘off days.’

“I don’t have off days. Hindi ako kasama dyan. Hindi kami kasama sa bakasyon, sa holiday, sa weekend, hindi kami kasama dyan. We are always on call,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

PBBM inatasan ang legal experts na pag-aralan ang usaping clemency kay Veloso

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso.

 

 

Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malayo pa ang usaping ito sa ngayon, dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating ni Veloso sa bansa.

 

 

Ayon sa pangulo, batid naman nila ang hiling ng pamilya ni Veloso para sa kanyang clemency, subalit maiging mapag-aralan muna nang husto ng legal experts ang sitwasyon ngayon ni veloso para malaman kung nararapat ito.

 

 

Sinabi ng Pangulo na wala namang kondisyon na ibinigay ang gobyerno ng indonesia at ipinauubaya na sa pamahalaan ang pagpapasya.

 

Gayunpaman, hayaan muna aniyang mabusisi ng mga experto ang sitwasyon ngayon ni Veloso.

 

 

Si Veloso ay dumating kahapon ng umaga sa bansa mula sa Indonesia at idiniretso sa Womens Correctional sa Mandaluyong City kung saan siya mananatili.

 

 

“ Hanggang ngayon, malayo pa tayo dun. We still have to have a look at what really her status is and of course we are aware of the request for clemency of her representative and of course her family. And we will leave it to the legal judgment, the judgment of our legal experts to determine whether the provision of clemency is appropriate. So we will have to look at the. Wala namang condition na binigay ang Indonesia so it’s really up to us. But we’re still at a very preliminary stage of her pag-uwi,” pahayag ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Kelot kulong sa pagpalag sa parak at higit P.3M droga sa Caloocan

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tangkain pumalag sa parak at makuhanan pa ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

 

 

 

Sa report ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Barangay 175, Camarin, nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga dakong alas-3:00 ng madaling araw.

 

 

Nang mapansin ng dalawa ang kanilang presensya, nagtangkang tumakas ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas “Tobats”, habang nakatakas naman ang kasama nito.

 

 

Nakuha sa suspek ang isang medium-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 49.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P337,280.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority) at Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan police sa kanilang pagbabantay at dedikasyon. “Their swift action in arresting the suspect and enforcing the law is a testament to the unwavering commitment of the entire police force to making Metro Manila a safer place for all,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Ads December 21, 2024

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DOJ, susuriin ang rekomendasyon ng QuadComm laban kay Digong Duterte-PBBM

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang masusing pagsusuri sa rekomendasyon ng House Quad Committee (QuadComm) na sampahan ng reklamo o ipagsakdal si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at iba pa ukol sa ‘war on drugs’ ng dating administrasyon.

 

 

Inirekomenda kasi ng Quad Comm ang pagsasampa ng reklamo laban kina Digong Duterte, Senador Ronald Bato dela Rosa at Senador Bong Go para sa di umano’y paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

 

“The DOJ will look at it and see if there are— if it is time to file cases, what cases to file, how to produce the evidence, and we will need to actually build the case up,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview

 

“So titingnan pa ‘yan. Marami pa. Kailangan pa i-assess nang mabuti kung ano yung maaaring maging kaso, tama ba yung direksyon ng rekomendasyon ng committees from House,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, bukod kina Digong Duterte, Senador Dela Rosa at Go, inirekomenda rin ng House Quad Committee ang pagsasampa ng kasong “crimes against humanity” laban kina dating PNP Chiefs ret. Oscar Albayalde at ret. Gen. Debold Sinas; dating P/Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo at dating Palace aide na si Herminia “Muking” Espino.

 

 

Si Garma, dating PCSO manager, ang nagbulgar sa Quad Comm, ang Davao model o reward sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na makakapatay ng mga drug personalities, pag-iral ng Davao Death Squad, pagpatay sa mga tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Colony.

 

Ang rekomendasyon ay nakapaloob sa 43 pahinang QuadCom progress report matapos ang 13 pagdinig mula Agosto 16 hanggang Disyembre 12, 2024 kung saan iprinisinta ang mga nadiskubre, nakalap na ebidensya, naging aksiyon at rekomendasyon sa paggawa ng panukalang batas hinggil sa EJK, illegal na droga gayundin ang illegal na operasyon ng POGOs.

 

Sinabi ni Quad Comm chair Rep. Robert Barbers, nang dumalo si dating Pangulong Duterte sa pagdinig noong Nobyembre 13, kinumpirma nito ang Davao Death Squad, ang Davao template o model sa reward system sa mga police officers na masasangkot sa EJK na pinayuhan ang mga pulis na pilitin ang mga drug personalities na manlaban habang inako rin nito ang buong responsibilidad sa bloody drug war.

 

 

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na wala pang natatanggap na rekumendasyon ang DoJ.

 

“Formally, hindi pa. Pero ayon sa proseso, lahat naman ng recommendations naman nila sa committee report ng kahit ano mang committee ng ating Senado at Kongreso ay tatanggapin ng ating National Prosecution Service,” ani Vasquez.
“Titingnan, titimbangin, at isasampa ‘yan, at magkakaroon ng mga kaso, at doon na magkakaroon ng preliminary investigation at due process ang bawat tao,” ang sinabi pa rin ni Vasquez.
At nang tanungin kung ang International Criminal Court (ICC), iniimbestigahan din ang droga, maaaring gamitin ang QuadComm report, inulit ni Vasquez na ang international tribunal ay ‘no jurisdiction’ sa bansa.
“Technically hindi dahil hindi na nga tayo saklaw ng ICC, eh. Pero hindi naman sila pinipigilan, hindi naman sila prevented from using the same witnesses, the same people,” anito. (Daris Jose)

Philippine polymer banknote series, inilabas na ng BSP

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMAMALAKING ipakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series.

 

 

 

Ang FPP Banknote Series ay mayroong apat na denominasyon at nagtatampok ng “smarter, cleaner at stronger features.”

 

 

Kabilang sa mga tampok na bagong uri ng salapi ay P500, P100, at P50 na domination.

 

 

Umani naman ito ng magkakaibang reaksyon mula sa mga grupo at indibidwal.

 

Para sa BSP, naipapakita sa mga banknotes ang mga maipagmamalaking hayop na matatagpuan sa bansa.

 

 

Ngunit sa pahayag naman ng historian na si Prof. Xiao Chua, nakakapanghinayang na dating mga bayani ang makikita sa mga salapi, subalit ngayon ay mga hayop at ibang features na lamang. (Daris Jose)

Jordan Clarkson umaasang makakasama pa rin ng Gilas sa FIBA Asia Cup

Posted on: December 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa rin nawawala ang kasabikan ni Filipino-American NBA player Jordan Clarkson na mapili muli para makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

 

 

Sinabi nito ang isang malaking karangalan ang mapili bilang manlalaro ng sariling bansa.

 

 

Hindi na bago kasi si Clarkson sa Gilas dahil sa sumabak na ito noong 2023 World Cup of Basketball na ginanap sa bansa.

 

 

Naging pamilyar na rin ito sa kasalukuyang Gilas coach na si Tim Cone dahil siya noon ang assistant coach ni Chot Reyes.

 

 

Pinuri ni Clarkson si Cone dahil sa magandang komunikasyon at ang koneksyon nito sa mga manlalaro.

 

 

Giit nito na ang mapili na makapaglaro sa Gilas ay isang napakalaking oportunidad.

 

 

Sa ngayon umaasa pa rin ito na maging isa sa mga naturalized player ng Gilas dahil sa ginagawang paghihigpit ng FIBA.