• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2024

BSP, nilinaw na mananatili sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng bayani

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng mga bayani.

 

 

 

Tugon ito ng BSP sa dumaraming negatibong pagpuna na mas pinag-ukulan na umano ng higit na pabor ang mga hayop kaysa sa mga bayani at makasaysayang personalidad sa ating bansa.

 

 

 

Ilang historian kasi ang hindi naiwasang magbigay ng komentaryo ukol sa paglilimbag ng mga bagong pera na pawang nagtatampok na lamang sa mga endemic na hayop sa bansa kagaya ng Philippine Eagle at iba pa.

 

 

Pero para sa BSP, patuloy na naglalabas ng mga bagong bank notes ang kanilang panig na may mukha ng mga bayani at iba pang natural wonders.

 

 

Tiniyak din nilang patuloy na itataguyod sa mga salapi ang mga sarili nating simbolo ng national pride mula sa mga perang papel, hanggang sa mga coins na lalong magpapakinang sa Filipino identity.

 

 

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reiterates that Philippine paper banknotes featuring the country’s heroes remain in circulation. The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched “First Philippine Polymer Banknote Series,” which showcases the country’s rich biodiversity. The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins. Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” wika ng BSP. ( Daris Jose)

Mga kongresista, tablado: PBBM, walang balak ibalik sa bicam ang 2025 budget bill para amiyendahan: ‘Wala sa procedure ‘yan’

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINABLA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ilang kongresista na nagpahayag ng kahandaan na muling magtipon ang bicameral conference committee para amiyendahan ang panukalang 2025 budget matapos ratipikahan.

 

 

 

Hayagang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview na ang mga mambabatas ay ‘no longer have a hand’ sa panukalang 2025 budget matapos ulanin ng kritisismo ang ginawang pagtapyas ng mga ito sa mga ahensiya na nagbibigay ng serbisyong panlipunan.

 

 

 

“Hindi… Wala sa procedure ‘yan. There is no procedure to return it to the bicam. It’s finished already in the House, it’s finished already in the—it’s finished in Congress. Tapos na,” ayon sa Pangulo.

 

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang budget ay nakasalalay na ngayon sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

 

 

 

“So, it’s up to us now to look at the items and to see what are appropriate, what are relevant, and what are the priorities,” aniya pa rin.

 

 

 

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Pangulo ay maaari at mayroong kapangyarihan na mag-veto ng “[a] particular item or items in an appropriation, revenue, or tariff bill” subalit hindi maaaring magdagdag sa batas na naka-enroll na para pirmahan.

 

 

 

Maaari ring I-veto ng Pangulo ang buong batas, nangangahulugan na muling sisimulan ang legislative process para rito.

 

 

 

Sa kabilang dako, inamin ng Pangulo na hindi siya masaya sa ginawa ng mga kongresista sa pagtapyas sa budget ng Department of Education (DepEd).

 

 

 

Nauna rito, ipinagpaliban ng Office of the President (OP) ang iskedyul ng paglagda sa panukalang 2025 budget bunsod na rin ng mas masusing pagrerebisa habang kinukumpirma na may ilang items ang ibe-veto.

 

 

 

Sa gitna ng pagkaantala, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang batas ay lalagdaan upang maging ganap na batas bago pa matapos ang taon.

 

 

 

Ang kabiguan na lagdaan ang bagong budget law ay nangangahulugan ng reenactment ng 2024 budget, dahilan para ang mga bagong programa at proyekto ay hindi mapondohan sa ngayon.

 

 

 

“I think we’ll be able to do it before the year ends,” anito. ( Daris Jose)

Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers.

 

 

Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers na samahan sila sa kanilang inisyatiba.

 

 

“Hinihikayat namin ang mga organisasyon at indibidwal na gustong tumulong laban sa kagutuman na magtungo lamang sa Walang Gutom Kitchen sa Nasdake Building sa Pasay City para maging volunteer server natin for the day,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nagbukas nito lamang Disyembre 16, tinitingnan ng food bank na pagkaisahin ang public at private sector sa pagbabawas ng basura ng pagkain habang tinutulungan na pakainin ang mga mahihirap.

 

 

Binanggit din ni Gatchalian na sa mga susunod na buwan, plano nila na palawakin ang proyekto sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi nito na bahagi ito ng pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang kagutuman.

 

 

Samantala, tinatayang 22.9% ng Pamilyang Filipino ang nakaranas na ng involuntary hunger, o wala talagang makain kahit pa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations noong September 24.

 

 

“This is 5.3 points above the 17.6% survey results in June 2024 and the highest since the record high 30.7% during the pandemic in September 2020,” ayon sa ulat.

 

 

Maliban sa Walang Gutom Kitchen, ang iba pang non-government organizations ay tumutulong din para labanan ang pagkagutom gaya ng Scholars of Sustenance (SOS) Philippines na nagsimula pa noong October 2022.

 

 

Pinakain naman ng grupo ang daan-daang marginalized communities sa pamamagitan ng milyong food packs. ( Daris Jose)

Taas-presyo ng produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDA ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.

 

 

 

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Sa kanilang pagtaya na maglalaro mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

 

 

Habang tinatayang mula P1.10 Pinaghahanda ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.

 

 

Isa sa mga dahilan ng nasabing panibagong pagtaas ay ang paghina na peso na pumalo na ngayon sa P58.98 katumbas ng isang dolyar.

 

 

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.

VP Sara, nahaharap na sa tatlong magkakasunod na impeachment complaint

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte.

 

 

 

Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19.

 

 

Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite ng naturang complaint.

 

 

Ayon kay Ligutan, inendorso ang naturang complaint nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at House Deputy Minority Leader at AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Colada.

 

 

Aniya, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga simpleng pari at mga simpleng mamamayan, ngunit nais nilang mapanagot ang pangalawang pangulo dahil sa umano’y ilang pagkakasala nito.

 

 

Base sa kopya ng complaint na iprinisenta sa media, ang naging ground o basehan sa kanilang inihaing impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay ang culpable violation of the Constitution, panunuhol, graft at korapsyon at betrayal of public trust.

Ads December 23, 2024

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Bagong polymer banknotes, pagtiyak na ‘secure, durable’ ang PH currency – PBBM

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pag-unveil ng bagong polymer banknotes ay makapagbibigay katiyakan na ang Philippine currency ay nananatiling “secure, durable, and sustainable.”

 

 

 

Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang unang Philippine polymer banknote series mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Disyembre 19.

 

 

 

Ang polymer series ay kinabibilangan ng P1,000 polymer banknote, na ipinakilala noong April 2022, at maging ang bagong polymer denominations na nagkakahalaga ng P500, P100, at P50.

 

 

 

“The first Philippine polymer banknote series, which includes the PHP1,000, PHP500, PHP100, and PHP50 denominations, marks a historic moment for our country. It builds on the success of the PHP1,000 polymer note introduced in April of 2022 and aligns with the global best practice of updating currency features every 10 years,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

 

“Polymer banknotes are designed to keep up with the demands of everyday life. Unlike paper bills, which wear out after about a year, a year and a half, polymer banknotes can last up to seven and a half years—five times longer,” aniya pa rin.

 

 

 

Sa pagpapakilala sa bagong polymer banknotes, hindi na kailangan pa ng pamahalaan na madalas na palitan ang mga ito, tulungan ang bansa na makapag-impok o makatipid ng pera, bawasan ang basura at makagawa ng makabuluhang kontribusyon sa pagprotekta sa kapaligiran.

 

 

 

Winika pa ng Pangulo na sa pag-upgrade Philippine currency, mahihirap an ang mga ‘unscrupulous individuals’ na gayahin ang polymer banknotes, dahil an rin sa ‘advanced security features’ nito.

 

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo, ang makabuluhang pagbaba ng modus ng pamemeke sa mga bansang Malaysia at Vietnam matapos gumamit ng polymer banknotes.

 

 

 

“Another key advantage is security. Counterfeiting has always been a problem for economies around the world, but polymer banknotes are a notable progressive change,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

 

“By upgrading our currency, we are making sure that every hard-earned peso stays safe, whether it is saved, whether it is spent, or whether it is invested,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na tatanggapin at kakalat ang polymer banknotes kahit pa Ito’y may lupi o tiklop.

 

 

 

Giit ng Pangulo na ang paper banknotes ay patuloy na kakalat at lalaganap at mananatiling balido.

 

 

 

“So, there is no need to worry about that, the cash in your wallet still has its value. The polymer banknotes are simply a step forward—stronger, more durable, better suited for today’s demands, while still preserving the essence of what makes our currency truly Filipino,” ang tinuran ng Chief Executive.

 

 

 

Aniya, ang bagong polymer banknote series ay ipalalabas bago mag-Pasko, tanggap ng Pangulo na ang ‘fresh set of bills’ “would add excitement to our kids when they come and ask for their aginaldo (gift).”

 

 

 

Samantala, sinabi naman ng BSP na ang bagong polymer denominations ay magiging available na sa Dec. 23 subalit “in limited quantities” para lamang sa ‘greater Manila.’

 

 

 

Magiging available naman ang bagong polymer banknotes sa buong bansa simula Enero 2025, kasama ang paper banknotes ng kaparehong denominasyon.

 

 

 

Ang bagong denominasyon ng polymer series ay paunang mawi-withdraw o’ver-the-counter’ sa mga bangko at sa kalaunan ay magiging accessible sa pamamagitan ng automated teller machines (ATMs).

 

 

 

Sinabi pa rin ng BSP na ipinagmamalaki sa bagong series ang “smarter, cleaner and stronger” features, sabay sabing kabilang sa practical benefits ng polymer banknotes ay “enhanced resistance to counterfeiting at improved durability.” ( Daris Jose)

Kakulangan ng deklarasyon ng holiday, nagpapakita na nais ng CPP-NPA- NDF ng karahasan – Año

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na ang deklarasyon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na walang holiday truce ay malinaw na hangad nito na pagnanais na magdulot ng kalituhan at karahasan.

 

 

“(This) simply reflects their persistent commitment to violence and armed struggle, further isolating themselves from the Filipino people’s aspirations for peace and security,” ayon sa kalatas.

 

 

Gayunman, sinabi ni Año, na ang deklarasyon ng communist insurgents ay isang “empty declaration” dahil nabawasan na sila ngayon at naging isang ‘single weakened guerrilla front.’

 

 

“Such reduction already makes them incapable of launching major operations against security forces or recruiting new members,” ang sinabi ni Año.

 

 

“This dramatic decline is the result of sustained government efforts under the banner of NTF- ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) and supported by communities to neutralize insurgency and foster inclusive development,” ang sinabi pa rin nito.

 

 

Binigyang diin nito na ang peace-building ay nangangailangan ng katapatan at ang aksyon ng CPP-NPA-NDF ay patuloy na nagpapakita ng kakulangan ng sinseridad at commitment sa kapayapaan.

 

 

“We call on the Filipino people to unite in rejecting violence and supporting programs that promote peace and development. No ideology rooted in violence and armed struggle will be allowed to threaten the progress and aspirations of the Filipino people,” ang winika ni Año.

 

 

Sa kabila nito. tinuran ni Añona ipagpapatuloy ng gobyerno na tutukan ang military operations para durugin ang mga natitirang rebeldeng CPP-NPA-NDF upang sa gayon ay maaaring I-enjoy ng mga mamamayang filipino ang mapayapa at maayos na holiday season ngayong Disyembre. ( Daris Jose)

Online shopping scams, maaari ng report sa pamamagitan ng eGov App -DICT

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI ng i-report ang online shopping scams sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App sa gitna ng holiday season.

 

 

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol na “The newest feature is e-commerce reporting for the Department of Trade and Industry’s consumer protection. The DTI Consumer Protection Office receives real-time reports and responds promptly.”

 

 

Sinabi ni Almirol na ginawang simple ng bagong e-Report feature ang proseso ng pagre-report ng scam numbers.

 

 

“By simply capturing a screenshot of the suspicious text message along with the sender’s number, users can submit it directly to the government via the eGov App,” ang sinabi nito.

 

 

Dahil dito, hinikayat ng DICT ang publiko na gamitin ang eReport at ang eTravel features ng eGov Super App sa gitna ng inaasahang pagtaas ng krimen at byahe sa panahon ng Christmas season.

 

 

“One of the standout features of the eGov Super App is the eReport system. Users can easily report different concerns with just a simple click,”ani Almirol.

 

 

“Users can report crimes, fire incidents, complaints about red tape, abuse against women and children, among others through the eReport feature of the eGov Super App,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, ang eTravel feature naman aniya ang magsisilbi bilang unified digital platform para sa mga pasahero na papasok at lalabas ng Pilipinas.

 

 

Gagawing simple naman ng feature na ito ang border control, mapahuhusay ang health surveillance, at makapagbibigay ng mahalagang pananaw para sa economic data analysis.

 

 

“It embodies the government’s commitment to efficiency and security in travel processes,” ang sinabi ni Almirol.

 

 

Samantala, June 2023 inilunsad ang eGov PH Super App na nagsilbi bilang unified platform para sa mga government services sa bansa. ( Daris Jose)

 

PBBM, inaprubahan ang 7k gratuity pay para sa COS at JO workers sa gobyerno

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtaas o karagdagang sa gratuity pay para sa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno.

 

 

Dahil dito, makatatanggap ang mga ito ng hanggang P7,000.

 

 

Ang pagtaas o dagdag ay magiging epektibo “not earlier than December 15.”

 

 

Sa apat na pahinang Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sinabi ni Pangulong Marcos na ang JOs at COS employees na nakapagsilbi ng kabuuan o pinagsamang hindi bababa sa apat na buwan ng actual satisfactory service performance ‘as of December 15’ ay may karapatan sa gratuity pay mula P5,000 hanggangP7,000.

 

 

“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang PAPs ay tumutukoy sa mga programa, aktibidad at mga proyekto.

 

 

Ang mga manggagawa na ang kontrata ay nananatiling epektibo ‘as of the same date’ ay karapat-dapat na tumanggap ng gratuity pay.

 

 

Taong 2021, itinaas ni Pangulong Marcos ang gratuity pay para sa COS at JO workers, itinaas ito sa P5,000 mula sa P3,000.

 

 

Ang mga empleyado na nagsilbi ng mas mababa sa apat na buwan ng satisfactory service ‘as of December 15’ ay puwede pang makatanggap ng FY 2024 Gratuity Pay sa isang pro-rata basis.

 

 

Ang COS/JO workers na may tatlong buwan, ngunit mas mababa sa tatlong buwan ng serbisyo ay puwede ring makatanggap ng gratuity pay na hindi hihigit sa P6,000 habang iyong mayroong dalawang buwan, subalit hindi lalagpas ng tatlong buwan ng serbisyo ay maaari namang makatanggap ng gratuity pay ng hindi hihigit sa P5,000.

 

 

Ang mga manggagawa na nakapagsilbi naman ng mas mababa sa dalawang buwan ay puwede ring makatanggap ng gratuity pay ng hindi hihigit sa P4,000.

 

 

Samantala, ang AO 28 ay kagyat na magiging epektibo kasunod ng kompletong publikasyon sa Official Gazette, o sa pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)