• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 22nd, 2025

“Paddington in Peru” wins the heart of moviegoers with a 93% Rotten Tomatoes score

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
As with the first two highly acclaimed Paddington films, Paddington in Peru has been garnering praises from audiences and film critics for its unique story, animation, and humor.
Paddington in Peru sees the iconic bear in a brand new adventure as he tries to get back to his roots and solve a mystery involving his family in hist birthplace of Peru.
Watch the trailer here: https://youtu.be/0l52k4m7GNs?si=HbMS0AixH7qiUL3A
Variety talks about how Paddington in Peru will appeal to moviegoing kids, writing, “Paddington in Peru is, as any Paddington adventure should be, fast and buoyant and disarmingly sunny in a way that viewers who weren’t alive — or at least of cinemagoing age — for the 2017 release of Paddington 2 will lap up.”
Paddington’s thoughtful and beautiful animation was noted by The Hollywood Reporter, which writes, “Although returning players Hugh Bonneville, Madeleine Harris and Samuel Joslin as the other three Brown family members make significant contributions along with Mortimer, no one can hold the screen with a hard stare like Paddington. He pulls off one his best here, a perfectly calibrated study in facial movement, lighting (particularly in the brown-gold glitter of his eyes) and comic timing.”
The BBC praises how Paddington in Peru maintains the heart of the story from previous films, even in the brand new setting. “Dotted with waterfalls and piranhas, double crosses and Inca riddles, the Browns’ jungle quest is the subject of a wholesome, well-constructed, richly coloured adventure yarn with just enough of the eccentric charm, animated interludes and musical numbers that make the Paddington series what it is.”
Slant mirrors these sentiments, while also acknowledging the film’s message about familial roots and finding what home truly means. “While it’s never didactic or heavy-handed about its messaging, Paddington in Peru also offers an idea of Britishness that’s multifaceted and modern, as the titular bear celebrates his official status as a citizen of the U.K. while reconnecting with his Peruvian roots.
Set off with friends, family, and the wonderful Paddington, as Paddington in Peru arrives in Philippine theaters on January 29.
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)

Malapit na raw magkaayos ayon kay Gladys: ANGELU, hoping na magkita at magkausap sila ni CLAUDINE

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
MASAYANG ibinalita sa amin ng premyadong aktres na si Gladys Reyes na may bago na naman siyang baby.
Ito raw ang tiyak na pagkakaabalahan niya sa susunod na mga araw.  Ang tinutukoy ng primera kontrabida ay ang pagkaroon niya ng bagong Vlog.
“Makikilala nyo na ang bago kong baby! Eto ang inyong gen C! As in Generation Clara!!! Chikahan na masaya, habang me masarap na kainan at totoong totoo lang! Namiss kong gawin to!,” pagmamalaki ni Gladys.
“Ang “GladToBeWithYou on my YouTube channel nag premiere na the other day at 8pm!!” pahabol pa rin ng esposa ni Christopher Roxas.
Isa pa rsa ibinalita sa amin ni Gladys ay ang natapos na Netflix films.
“May 2 pa rin po akong Netflix film na baka lalabas this year and bagong teleserye pa,” sey pa niya.
Happy rin si Gladys sa takbo ng kanyang negosyong “That’s Diner” na meron nang dalawang branches ngayon.
“The other day din eh, may dinner concert si Christophe sa ‘Thats Diner’ namin, hands on ako siyempre.
“Daming mga kaibigan at supporters ng anak ko ang dumating.
“Siyempre may mga friends din kami ni Christopher na dumating din para sa support na sa anak namin,” lahad pa rin ni Gladys.
Tunay ngang maganda ang pasok ng January 2025 sa mag-asawang Gladys at Christopher.
“Tuwang-tuwa kami kasi may nga regular customers at ang dami na kumakain sa Thats Diner Sta. Lucia branch meron din kami weekend buffet na dinadayo nila,” sey pa ng premyadong aktres.
Marami raw mga delicious foods at very affordable prices.
“Pero pambato talaga namin ang iba-t-ibang klase ng bulalo namin.
“Nakapunta na rin si Vice Ganda at favorite niya ang Dinakdakan. Sila Ate Uge (Eugene Domingo) at Carmi (Martin) naman ung Bulalo plain.
“Very affordable ang presyo, 300 pesos up at meron pang student meals,” sambit pa ng aktres.
***
MALAPIT na raw magkaayos ang mga kaibigan niyang sina Claudine Baretto at Angelu de Leon, ayon kay Gladys Reyes.
Matatandaang sa 20th wedding anniversary ng mag-asawa nag-umpisang napag-usapan ang gusot kina Angelu at Claudine.
Isinawalat kasi ni Claudine at paulit-ulit na binanggit ng aktres ang napipintong pagsasama sa isang project nila ni Gladys at Judy Ann with Claudine minus Angelu.
Kumbaga papayag lang daw si Claudine na matutuloy ito kung walang Angelu De Leon sa eksena.
Parehong bisita ni Gladys ang dalawa sa party na yun at wala na ring nagawa ang asawa ni Christopher sa tuloy-tuloy na pagsambulat ni Claudine dahil sa sinasabing galit nito kay Angelu.
Pero lately ay may pahayag naman ngayon si Claudine na pinagsisihan niya ang ginawa niyang yun at nag-reach out na raw ang aktres para makahingi ng sorry kay Angelu.
Pero mariing itinanggi naman ito ng huli.
“There hasn’t been an opportunity, but I’m still hoping that time will come,” sey pa ni Angelu sa interbyu sa kanya ng King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda”.
Dagdag pa ni Angelu na mula raw noon ay hindi pa raw nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sila ni Claudine.
“She lied, she didn’t reach out to me. But I’m still hopeful that time will come,” sey pa ng aktres.
Well, with Gladys Reyes around in malapit nang magkakasundo ang dalawa.
Pero ang tanong matutuloy pa kaya ang pagsasama nilang apat sa isang movie?
Well let us all hope and see…
(JIMI C. ESCALA)

Newest global pop idol, sisibol sa ‘Be the NEXT: 9 Dreamers’: SANDARA, excited sa challenge bilang main host ng K-pop survival show

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
INIHAYAG na ng TV5 at MLD Entertainment PH ang ‘Be the NEXT: 9 Dreamers’ sa isang star-studded media launch na ginanap noong Enero 20 sa Novotel, Quezon City.
Minarkahan sa naturang event ang opisyal na pagsisimula ng countdown sa premiere ng inaabangang K-pop survival show sa ika-8 ng Pebrero 8.
Pinagsama-sama sa show ang 75 aspirants mula sa global auditions na ginanap noong 2024, bawat isa ay mag-aagawan para makapasok sa isang bagong 9-member boy group.
Ang mga ‘dreamers’ ay dadaan sa isang matinding paglalakbay, na ginagabayan ng isang kagalang-galang na panel of mentors at mga hurado upang makamit ang kanilang mga pangarap na maging mga idolo sa buong mundo.
Ang mga dumalo sa media launch ay binigyan ng eksklusibong pagsulyap sa programa, na hino-host ng K-pop icon ng Sandara Park ng 2NE1.
Aminado naman si Dara, na big challenge sa kanya na mag-host ng survival show, lalo pa na busy siya sa pagto-tour kasama ang girl group.
“Actually, I’m really excited and nervous at the same time,” say niya.
“It’s a new challenge for me, because I find a lot on stage, acting, being on musical show but being a main host, it is a first time and I’m very excited.
“I don’t know what I gonna do, alam n’yo naman na krungkrung ako.  But I will do the hosting, will go to the studio and I have to come back to Manila twice a month for this.
“So, I’m really busy, no more friends, no alcohol, no rest, no vacation.
“I’m just focus on my work, but I work out if have time and find time to get a massage.  Because it is really important to stay healthy, so I can do all these work, the best I can do.”
Happy si Dara na makatulong sa dreamers at magbigay ng advise ng kinakailangan. Inalala rin niya ang Pinoy na bumoto sa kanya sa ’Star Circle Quest’ at ngayon muli silang magkakaroon ng power para maging part ng mananalong dreamers.
Sinamahan siya ng isang mahuhusay na line up of mentors, kabilang sina Park Woojin ng AB6IX, Bang Ye-dam, Vinci ng HORI7ON, Hyebin (dating MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee, at acclaimed producer na si Bullseye.
Isa sa mga pangunahing highlight ng event ay ang Parade of Trainees, kung saan ang 75 contestants ay ini-reveal sa media sa unang pagkakataon.  Ang bawat indibidwal ay may kakaibang talento at kwentong sasabihin habang sila ay naglalaban-laban para sa isang puwesto sa huling 9 na miyembro ng grupo.
Hindi pa nga lang puwedeng ilabas ang kanilang mga mukha habang hindi pa ito naipapakilala sa show na magsisimula nga sa February 8.
Kaya markahan ang iyong mga kalendaryo at saksihan ang pagsibol ng newest global pop idol sa ‘Be the NEXT: 9 Dreamers’. Mapapanood ito tuwing Sabado ng 7:15 PM at Linggo ng 8:15 PM, na weekday catch-ups tuwing 11:30 PM.
Para sa pinakabagong update sa Be the NEXT: 9 Dreamers, sundan ang @TV5manila sa social media.
(ROHN ROMULO) 

Isa namang pangarap niya ang natupad: JUDY ANN, kinilig nang husto nang maka-bonding ang world-renowned chef na si GORDON

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
DREAM come true para kay Judy Ann Santos ang pagkikita nila ng world-renowned chef at TV personality na si Gordon Ramsay.
Super proud nga si Juday sa ilang moments, bilang naka-bonding niya rin ito sa meet-and-greet event ng iconic chef dito sa Pilipinas.
Sa kanyang Instagram post kasama ang short video, “Kinikilig ako kapag iniisip ko. Thank You, Lord, sa pagkakataong ito, I’m happy to be here.  I want my kids to be proud of me.  Pangarap ko ’to.”
Say pa ni Juday, hindi pa rin siya makapaniwala, tatlong araw daw siyang ‘di nakatulog.  Para raw isang game show tulad ng pinapanood nila.
Sayang lang at wala sina Lucho at Yohan, pero nandun naman si Luna.
Isa nga si Judy Ann sa celebrity guests ni Gordon, kasama ang food influencer na si Ninong Ry at sila ang sumabak sa mala-Masterchef challenge kung saan ay ipinagmalaki nila ang sarili nilang bersyon ng Halo-Halo.
“It was Chef Juday’s honor to prepare her version of halo-halo for Gordon Ramsay to taste and know of,” sabi naman ng premyadong aktes sa kanyang Facebook page.
Kasunod niyan ang ilang pictures na makikitang nag-uusap ang dalawa habang nagpe-prepare si Juday ng Halo-Halo.
“In action for Gordon Ramsay in Manila – our lovely Chef Judy Anne,” caption sa post.
Dagdag pa, “Preparing and conversing about a dish with Gordon Ramsay is a dream come true moment.”
Hindi naman nagpahuli ang bunsong anak ni Juday at Ryan Agoncillo na nalapitan din mismo si Gordon upang ibigay ang kanyang drawing na pinapirmahan pa sa kanya.
“Aw, Thank you Luna, I love that,” sabi ng sikat na chef kay Luna.
“Our bunso, Luna bunny, made drawings of Gordon Ramsay’s famous comments,” say pa ni Juday.
Si Gordon ay ang sikat na chef na nagmamay-ari ng ilang Michelin-starred restaurants kabilang na ang Restaurant Gordon Ramsay sa United Kingdom at ang Le Pressoir d’Argent sa Bordeaux.
Bukod diyan ay may restaurant din siya sa Singapore, UAE, Japan, at siyempre, dito sa Pilipinas.
***

SA ika-apatnapung taon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), muling tiniyak ng Board ang pagsusulong sa mandato nitong proteksyunan ang pamilya at kabataang Pilipino sa pamamagitan ng responsableng regulasyon sa media at patuloy na pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.

Ipinahayag ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang malalim na dedikasyon ng Board na maihatid sa publiko ang tamang impormasyon at responsableng paggamit ng media na siyang may malaking parte sa paghubog ng lipunan.

“Ngayong 2025, mananatili po tayong matatag sa ating misyon na maisulong ang responsableng panonood para sa kapakanan ng pamilyang Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Atin din tinitiyak ang patuloy na pagsuporta sa industriya ng paglikha sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa bawat palabas at pelikula at ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder.”

Dagdag pa ni Sotto-Antonio na mas palalakasin pa ng MTRCB ang pakikipag-kolaborasyon sa lokal na mga direktor, producer, at TV network, pati na rin sa mga streaming platform at mga kaalyadong bansa.

Sa pamamagitan nito, mas matutugunan ng MTRCB ang iba’t ibang hamon pagdating sa media regulation habang pinapaunlad ang masining at inobasyon sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Ayon pa kay Sotto-Antonio, ipagpapatuloy ng Ahensya ang pagsusulong ng kampanyang “Responsableng Panonood” na layong maturuan ang publiko sa importansya ng tama at angkop na pagpili ng mga palabas, partikular sa mga batang manonood.

At dahil sa mabilis na paglago ng digital platforms at teknolohiya sa bansa, nangako rin ang MTRCB na gamitin ang mga makabagong pamamaraan pagdating sa polisiya at regulasyon, at sa pagpapanatili ng Filipino cultural values na siyang pamantayan para sa proteksyon ng mga manonood. (ROHN ROMULO)

Kaya ‘di dapat maliitin ang taga-showbiz na pulitiko: SHYR, naniniwalang maraming magaling at mabubuti ang puso

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
BUKOD sa pagiging aktres ay nasa corporate world rin si Shyr Valdez.
Siya ang PR Consultant ng Medicare Plus Inc. na isang health maintenance organization (HMO) o health insurance company na based dito sa Pilipinas.
Bakit niya pinasok ang ganitong trabaho?
Lahad ni Shyr, “Actually, I’ve been at it for the past 4 years.
“Hindi ko lang masyadong nilalabas talaga, but you know how it is in the business, hindi naman araw-araw meron tayong show.
So you always have to have something to back to, fallback position, so that’s precisely what I’m doing and naniniwala kasi ako that it’s always nice to learn other things and we must not stop from learning.”
Paano siya nagkaroon ng koneksyon sa Medicare Plus Inc.?
“From a previous company that I used to be with, I met Ms. JayJay Viray there.”
Si Jayjay ang CEO at Presidente ng Medicare Plus Inc.
Pagpapatuloy pa ni Shyr, “I met her through another company, na nakasama namin siya with work, and then from there, nagkakausap kami, nagkakatrabaho kami every now and then.
“So one of those occasions, she spoke with me and asked me if I would like to join the bandwagon of Medicare Plus Inc. as the PR consultant, and that’s how it all began.”
Si Shyr rin ang isa sa mga celebrity endorsers ng Medicare Plus Inc., kasama ang young actress na si Jess Martinez at ang Korean actor/model na si Moon Su-in.
“Yes, I am also both PR and celebrity endorser,” wika ni Shyr.
Ikinalulungkot ni Shyr kapag nakakabalita o nakakakita siya ng mga kapwa niya artista o celebrity na nagkasakit or naaksidente, na para makabayad sa ospital ay nagpa-fundraising show, nanghihingi ng donation.
“Well, you know, of course, I feel very sad about that. “Kasi diyan mo makikita na ang hirap magkasakit, lalo na kung hindi ka nakapag-ipon, di ba?  Kahit artista yan and kahit din may naipon ka, di ba?
“Pero yung klase ng sakit mo at yung mahal ng kailangan mong tustusan pag nagkasakit ka, minsan hindi rin enough ang savings mo. So you need to be properly backed up.
“Kailangan educated ka with what you need to know about not just your health, but the benefits that you will get from companies that offers HMOs, insurance, mga ganyan. It is very important na alam natin yan lahat, kaya nga ngayon, our company, Medicare Plus Inc., something is brewing between Medicare Plus Inc. and our business, showbiz. So as soon as maplantsa namin yan and everything, you’ll all know.”
May mapapakinabang dito ang mga taga-showbiz industry?
“People from the industry.”
Ilang percent na ang chance na matuloy ito?
“Siguro mga nasa 80.”
May pinaplano na rin sila na kukuning isang malaking artista bilang bagong celebrity endorser ng Medicare Plus Inc.
“Actually, she was our very first. Natapos yung contract and then medyo inayos lang namin, may mga inayos pa kami, and now, we are again, discussing.”
Paano nila nakuhang endorser ang South Korean celebrity na si Moon Su-in?
“Si Moon Su-in was actually tapped by a friend of our CEO, Ms. Jayjay Viray.”
Ang head ng Artist Circle talent management na si Rams David naman, na manager ni Shyr, ang agent ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.
Pagbabahagi pa ni Shyr, “Si Rams is the agent here in Manila, and then, from there, we were able to find out kung ano yung mga ginagawa ni Moon Su-in and how he believes yung mga HMO, mga ganyan. He’s a believer of that. He’s a health buff person.
“He is somebody who embodies what an HMO is. He believes in taking care of oneself and being prepared about it.
“So yun, and then, luckily, with our ER Guard, which is the emergency card of Medicare Plus, pumapasok siya roon because if you are a foreigner or a tourist, you’re a foreigner, you’re visiting here in the Philippines, you can actually make use of that.
If anything happens to you, nag-emergency ka, you get into a hospital, you just bring your ER guard, i-register mo lang siya bago ka dumating dito within one week, it’s activated and you can use it in one year. “Anything happens to you, we’ll take care of you.”
Dagdag pang sinabi ni Shyr, For tourists, OFWs, even here, lalo na dito sa atin, yung mga hindi talaga maka-afford ng coverage, they can use the ER guard. One-time use yan for emergency.”
Ang Medicare Plus Inc. ang health care provider ng Phillipine National Police na nagkaroon ng contract signing nitong 2024.
Bukod kina Shyr, Moon Su-in at Jess Martinez ay celebrity endorser rin ng Medicare Plus Inc. ang aktres na si Sheryl Cruz.
Samantala, ang pamilya ni Shyr ay malapit kay dating First Lady Imelda Marcos at ngayong nalalapit na ang eleksyon, ang isa sa medyo ikinagugulat ng publiko ay ang napakaraming artistang nag-file ng COC para tumakbo sa eleksyon sa May 2025 sa iba-ibang posisyon, senador, mayor, konsehal at kung anu-ano.
Ano ang take ni Shyr dito?Aniya, “You know, I would like to…ito ha, whether we admit it or not, kasi maraming nangmamaliit sa mga artista e, ang daming nagsasabi, ‘Artista lang ‘yan’, mga ganyan.
“Pero alam niyo po, hindi lang naman sa field ng showbiz, even in other fields, di ba? It just so happens na nagkakaroon ng highlight pag artista ka kasi you’re known, kilala ka, napapanood ka sa TV, so on and so forth.
“But maraming magaling sa showbiz. Maraming marunong, maraming nakapagtapos ng pag-aaral, maraming magaling diyan, at maraming kahit sabihin mong…parang ganito, kahit na simpleng artista ka lang, kung meron ka namang mabuting puso, at meron kang puso para magsilbi sa tao, and you think you will do good, and you think you will be able to help, then go ahead.
“Sa akin lang, huwag niyong ikahiya ang industry natin because maraming magaling dito sa industriyang ito, and if you’re running and pinalad po kayong manalo, just do well because you’re representing not just your constituents but you’re also representing the whole industry.
“Kayo po, itaas ninyo po ang watawat ng mga artista na maraming magaling sa industriyang ito.”
Meron din ilan na tumatakbo kahit walang kapasidad, para lang makatakbo or sa pansariling benepisyo.
Ano ang masasabi ni Shyr sa mga ginagamit ang pagiging artista para lang sa kanilang sariling benepisyo?
“Basta ako sa akin, parang ganito yan e, for me, politics is a calling. To serve the people is a calling and again, if you think you will be able to serve well, and you think you’ll do well, do good, you have the heart for it, sige lang, walang problema.
“You cannot judge a book by its cover e, yan ang opinion ko diyan. Basta tingin mo kaya mo at magagampanan mo ng maayos, sige lang.”
(ROMMEL L. GONZALES) 

Sumama ang loob sa kaibigan at kumpare: MARC, nag-testify laban kay MAGGIE para mailayo ang anak

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments

BIGLANG nag-trend sa social media ang model-TV host na si Marc Nelson dahil nadawit ito sa gulo ng dating mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji.

Ayon kay Maggie, nag-testify si Marc “against her” in favor of Victor para mailayo sa kanya ang anak nito.

Sumama ang loob ni Maggie dahil kahit magkaibigan sila ni Marc at ninong ito ng kanyang anak, mas kumampi ito kay Victor na mas matagal na friend ni Marc.

Binash tuloy si Marc sa social media at ang comments sa kanya ay “pakialamero”, “ultimate betrayal”, “sawsawero”, “desperate” at “disgusting”.

Sana raw ay hindi na ito nag-testify para din siya nadamay sa gulo ng dating mag-asawa.

May mga Gen Zs na nagtatanong kung sino si Marc Nelson?

Dating ramp model noong ‘90s si Marc na isang Australian-Burmese at nakilala siya dahil sa 1997 music video ni Jaya na ‘Wala Na Bang Pag-ibig.’

Kinuha si Marc bilang isa sa co-hosts ni Charlene Gonzalez sa dance show na ‘Keep On Dancing’ in 1998.

Naging girlfriend ni Marc sa showbiz noon ay ang dating sexy actress na si Patricia Javier.

Isang pelikula lang ang ginawa ni Marc at ito ay ang ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’ (2000)

Isa si Marc sa unang hunks na naging endorser/models sa unang Bench Body underwear fashion show in 2006.

Naging host si Marc ng ilang sports shows tulad ng ‘Sports Unlimited, The Duke’ at ‘Dare Duo’. Nagsama sila ni Maggie sa lifestyle show na Beached.

Naging contestant si Marc ng ‘Amazing Race Asia 2’ in 2007 with Rovilson Fernandez kunsaan nag-second place sila. Kinuha naman silang hosts ng kauna-unahang ‘Asia’s Got Talent’ in 2015.

***

KAHIT isang successful actor na si Ruru Madrid sa TV at pelikula, hindi pa rin daw nawawala ang kaba sa katawan niya.

“‘Yung pressure kasi, hindi naman nawawala in every project na gagawin natin. For me, ‘yun ‘yung gusto ko laging pakiramdam. Hindi pressure sa kumpetisyon or kung ano man, kumbaga, pressure na makagawa ka ng isang programang tatatak sa puso ng sambayanang Pilipino.

“‘Yun ‘yun lagi kong gustong pakiramdam dahil ayoko rin na makampante ka, hindi mo na pag-iigihan ‘yung mga ginagawa mo. Dapat laging kasama ‘yun sa bawat proyektong gagawin natin,” pahayag ni Ruru sa media conference para sa second season ng ‘Lolong: Bayani Ng Bayan.’

New learning experience daw para sa award-winning Sparkle actor ang pagsalang ulit sa taping ng teleserye na nagbago sa buhay niya.

“Ang pinaka natutunan ko dito, hindi lang sa pagiging isang aktor na gumaganap bilang si Lolong, kundi bilang isang tao– hindi mo kailangan magkaroon ng super powers para maging isa kang bayani.

“Basta nakakatulong ka sa iyong kapwa, sa iyong pamilya, nakakapagbigay ka ng inspirasyon sa maraming mga tao, bayani ka na. ‘Yun ‘yung dadalhin ko habang buhay sa paggawa nitong programang ‘to.“

***

KAHIT nawalan ng tahanan dahil sa wildfire, nanguna si Paris Hilton na magtatag ng emergency relief fund para mga nasunugan at nakalikom na ito ng $800,000 in 72 hours.

Pinamahagi na ni Paris ang $150,000 sa GoFundMe’s Wildfire Relief Fund for cash assistance, short-term housing, and delivering essentials and supplies to evacuation centers.

“Hundreds of families will receive this assistance immediately ensuring they can address their needs and begin to rebuild their lives today. My heart is with everyone affected by this devastating situation, and my team and I at 11:11

Media Impact will continue to show up. As a mom, I can’t imagine the unimaginable pain of not having a safe place for your babies, wondering how you’ll make it through so I am mobilizing to support families in need. One of my amazing partners, @Hilton, is donating 20,000 hotel room nights to help displaced families in need! Knowing these families will have a safe, welcoming place during this devastating time means everything,” paniguro pa ng hotel heiress.

At bilang animal lover din si Paris, namahagi rin ito ng funds to helping the animals na nasa custody ng  LA Equestrian Center, Compton Cowboys and Pasadena Humane Society.

(RUEL J. MENDOZA) 

Ayala Malls Cinemas exclusively brings award-winning film “Anora”

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments

AYALA Malls Cinemas continues its run of carrying award-winning films to the big screen with “Anora,” coming exclusively to Ayala Malls Cinemas this January 22.

The film follows a young sex worker from Brooklyn. Anora gets the chance of a lifetime when she meets and impulsively marries the son of a Russian oligarch. The fairy tale comes back to reality once the news reaches Russia, and the son’s family sets out for New York to get the marriage annulled. Anora is written and directed by Sean Baker, and stars Mikey Madison, Mark Eydelshteyn, Yura Borisov, Karren Karagulian, and Vache Tovmasyan. The film has been nominated for multiple awards, including five nominations for the Golden Globes, and three nominations for the Screen Actors Guild Awards.Nominations include Best Actress, and Best Director, and Best Motion Picture for the Golden Globes, and Outstanding Performance by a Female Actor in a Leading Role for the SAG Awards. It has also won the Palme d’Or at the 2024 Cannes Film Festival.

Watch the trailer: https://youtu.be/UShV9xVzc1U

Anora was first announced as part of the QCinema line-up, much to the anticipation of film festival-goers. The film sold out most screenings for the duration of the festival, and received rave reviews from critics and the general audience. Manila Bulletin praises the film, writing, “It’s sexy, it’s disturbing, it’s laugh-out-loud funny, and it’s poignant. There are not many films around that can claim to take us successfully through so many moods and emotions.” Daily Tribune also leaves a glowing review on Anora, writing, “Anora, easily the best film I’ve seen this year, is exactly what you crave in a cinematic experience—uninhibited, wholly entertaining, yet firmly grounded in reality. Sean Baker, known for his indies that focus on the marginalized, especially sex workers, crafts a comedic anti-fairytale that won this year’s Palme d’Or, with clarity and a deep understanding of the mind and heart.”

Don’t miss the chance to watch her story unfold, as Anora arrives in the Philippines on January 22, exclusively at Ayala Malls Cinemas. Ayala Malls Cinemas continues to provide critically acclaimed films from all around the world for moviegoers, paired with  Dolby Atmos sound and luxurious seats for the  ultimate cinematic experience. Cinema patrons can also pair their experience with delicious treats and beverages from The Movie Snackbar. Take your film-watching experience to the next level at Ayala Malls Cinemas, where great cinema experience makes their home.

Keep updated with Anora and all the latest cinema experiences from Ayala Malls Cinemas by following the official Ayala Malls Cinemas FB and IG pages


(ROHN ROMULO) 

Isusulong ang pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho: Mga artista at influencers ni LENI, todo-suporta kay BAM bilang senador

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULING nagsama-sama ang iba’t ibang artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022.
Ito ay para magpahayag ng kanilang suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating Senador Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo.
Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja.
Dumalo rin sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs, Jim Paredes, Elha Nympha, Jeli Mateo, Chef Jeng Flores, at marami pang iba.
Nagbahagi si Bam ng mga larawan ng event kasama ang caption na, “Gising at mas handa na tayo ngayong 2025! LET’S DO THIS! Para sa Pilipino. Para sa Bayan!”
Suportado rin ng iba pang artista ang kandidatura ni Aquino, kabilang sina Bodjie Pascua, Lance Oca, Mama Loi Villarama, at mga miyembro ng The Company na sina Moy Ortiz, Sweet Plantado Tiongson, OJ Mariano, at Teacher Annie Quintos.
Samantala, pasok si Aquino sa Magic 12 ng Pinasurvey Candidate Preference Survey para sa Disyembre.  Batay sa survey, nakakuha si Aquino ng 37-porsiyentong probability na pupuwesto sa pagitan ng ikaanim hanggang ika-13 puwesto.
Lumahok sa survey, na may rolling 3-month fieldwork period, ang 1,821 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may kinatawan bawat rehiyon, urban-rural, edad, kasarian, at kita. Mayroon itong margin of error na plus-minus 2.3 percent.
Pasok din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.
Kapag nakabalik sa Senado, isusulong ni Aquino ang dagdag na pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho.
(ROHN ROMULO)