• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Top Right Box Outline’ Category

PBBM suportado ang panukalang batas na magpapalakas sa cyber security program ng gobyerno

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.

 

 

Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad ng mabilis ang panukalang batas sa Kongreso at sa huli ay makapasa sa dalawang kapulungan.

 

 

Ang tatlong bills ay na pending sa kasalukuyan sa Senado ay Cybersecurity Act, ang Anti-Mule Act at ang Online Site Blocking Act.

 

 

Ayon sa DICT, makakatulong ang Cybersecurity Act sa cybersecurity resilience ng bansa habang sa ilalim ng Anti-Mule Act ay magiging krimen na Ang pagbubukas ng account gamit ang pekeng identity at pamimili ng gamit na Hindi naman pala siya ang tunay na nagma- may ari ng account.

 

 

Ang Online Site Blocking Bill naman ay naglalayong protektahan ang industriya ng sining at mga mamimili mula sa likas na panganib ng online content piracy. (Daris Jose)

DA, pinaigting ang pagsisikap para gawing makabago ang sektor ng bigas sa Pinas

Posted on: November 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na gawing makabago ang “rice farming sector” sa bansa.

 

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinaigting ng DA ang ginagawa nito para gawing makabago ang pagsasaka, magtayo ng mas  maraming agricultural infrastructure at i-adopt  ang pinakabagong teknolohiya para i-improve  ang rice production, dagdagan ang ani sa sakahan at suplay ng palay, bawasan ang pag-angkat at ibaba ang presyo ng national food staple.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ugnay Palay: The 35th National Rice R4D Conference sa Nueva Ecija na binasa ni Laurel, winika ng Pangulo na ina-adopt niya ang science-based approach sa rice farming para itaas ang ani at makapagtatag ng “a sustainable rice value chain.”

 

 

“I am optimistic that all concerned government agencies, partners, and stakeholders will continue to explore ways to enhance existing agricultural technologies to improve and strengthen the rice industry, in line with our goal of a food-secure nation,” ayon pa rin sa naging talumpati ni Pangulong Marcos na binasa ng Kalihim.

 

 

“Rest assured that the government shall continue to give primacy to research and development to ensure a sustainable rice value chain. We will also continue to support the initiatives undertaken by the PhilRice in introducing modern agricultural biotechnology to improve rice production,”  ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Gayunman, sinabi ni Laurel na ang pamahalaan ay  “is moving, with a sense of urgency” para palawakin ang irrigation coverage, maglagay ng mas maraming  drying facilities at iba pang imprastraktura na kailangan para malakas ang ani ng bigas.

 

 

“Ultimately, our aim is to minimize rice importation to achieve food security and sufficiency,” ayon kay Laurel.

 

 

Ang pagsusulong naman para sa  agricultural modernization ay nakatuon sa equally important sectors gaya ng “livestock, poultry, fisheries at high value crops” para matiyak na ang abot-kaya na  food items ay “available at accessible” sa mga  Filipino consumers.

 

 

Tinukoy ang  data ng DA, sinabi ni Laurel na “that with improved rice harvest so far this year, the country has imported around 2.8 million tons, “one million tons less than the volume of grains bought from abroad last year.”

 

 

Sinabi pa ni Laurel na ang pagbabawas sa pag-angkat ng bigas  at iba pang agricultural products ay dapat na makatulong  sa kita ng magsasaka at mangingisda, makalikha ng mas maraming hanapbuhay sa sektor na nakapagbibigay  sa isa sa apat na Filipino at baligtarin ang lumiliit na kalakaran sa ambag ng agrikultura  sa paglago ng ekonomiya. (Daris Jose)

PBBM pinangunahan ang sectoral meeting, sumentro sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUMENTRO  sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown ang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakayang kaninang umaga kasama ang economic cluster.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sina Finance Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director, General Arsenio Balisacan at DBM Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Bukod sa mga bumubuo ng economic cluster ay nasa pulong din ang ilan pang mga miyembro ng gabinete.

 

 

Kasama sa meeting sina DPWH secretary Manuel Bonoan, DICT secretary John Ivan Uy, DOLE Secretary Bienvendio Laguesma, DSWD Rex Gatchalian at si Agriculture Department secretary Francisco Tiu- Laurel. (Daris Jose)

PH handang makipagtulungan sa ibang bansa para sa rules-based order

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING  iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga regional at global partners nito para sa isang rules-based order at maituloy ang pag-uusap sa mga hindi pagkakaintindihan.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang pahayag nitong Huwebes sa pagsimula ng ika-31 Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), kung saan ang Pilipinas ay nagho-host.

 

 

Lumahok sa naturang forum ang mga parliamentarian mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.

 

 

Muling pinagtibay ni Speaker Romualdez ang pangako ng Pilipinas sa UN-centered multilateralism sa pandaigdigang pamamahala at ang mga prinsipyo ng sentralidad ng ASEAN at mga organisasyong pang-rehiyon katulad ng APEC, kasabay ng pagbibigay nito sa resolusyon ng Pilipinas upang palakasin ang mga parliyamento para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

 

Kasabay nito ay hiniling din ni Romualdez sa mga kasaping bansa sa APPF na magkatuwang na tugunan ang transnational crimes kasama ang trafficking in persons, lalo na ng mga kababaihan at kabataan.

 

 

Nanawagan din ang lider ng 300 kongresista ng Kamara de Representantes sa mga mambabatas sa Asia-Pacific na pagtulungang solusyunan ang mga problemang kinahaharap ng rehiyon lalo na ang kahirapan ng nasa 4.8 bilyon nitong mamamayan.

 

 

Binanggit din ni Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa pagtaguyod ng isang matatag at sustainable na Asia-Pacific region.

 

 

Para naman makamit ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, iginiit ni Speaker ang pangangailangan na matagumpay na resolbahin ang mga hindi pagkakaintindihan at pagibayuhin ang seguridad at kakapakan ng mga tao.

 

 

Tinukoy din ng House leader ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na niratipika ng Senado ng Pilipinas kamakailan, bilang halimbawa ng kooperasyon sa ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng mga bansa.

 

 

Sinabi pa ni Romualdez na ang pagpasok ng RCEP ng isang estado ay malinaw na pagpapakita ng pagsuporta nito sa isang bukas at malayang pang-rehiyong ekonomiya na tumatalima sa rules-based multilateral trading system

 

 

Aniya, aabot sa $32.6 trilyon ang pinagsamang GDP ng mga bansa sa Asia-Pacific.

 

 

Nanawagan din si Romualdez na isama sa APPF ang young parliamentarians.

 

 

Aniya, ipinanukala ng delegasyon ng Pilipinas sa APPF na amyendahan ang panuntunan ng Forum upang maisama na ang young parliamentarian sa kanilang taunang pulong.

 

 

Hiniling din ni Speaker sa mga miyembro ng APPF- na suportahan ang Pilipinas para maging non-permanent member ng United Nations Security  Council para sa mga taong 2027-2028.

 

 

Sinabi pa ng lider ng Kamara na handa na ang Pilipinas para balikatin ang responsibilidad ng naturang posisyon dala ng maigting na pagnanais nito na maitaguyod ang kapayapaan at paglaban sa terorismo.

 

 

Sa kanyang pagsalubong sa mga kasamahang mambabatas sa rehiyon ay hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga ito na saksihan at damhin ang mainit na pagtanggap at pakikipagkaibigan ng mga Pilipino.

 

 

Inaasahan ang pagkakaroon ng courtesy call kay Speaker Romualdez ng mga kalahok sa forum gaya ng parliamentarian mula sa Vietnam, Canada, Russia, Cambodia, Japan, Malaysia, at Chile. (Ara Romero)

Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.

 

 

Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.

 

 

Ang mataas na koleksyon ng buwis sa sektor ng turismo ay dahil na rin sa mataas na bilang ng mga bumisita dito sa PIlipinas.

 

 

Batay kasi sa datos ng naturang ahensiya, umabot na sa 4.63 million katao ang naitalang bumisita sa bansa mula Enero hanggang nitong buwan ng Oktubre.

 

 

Ito ay katumbas na ng 96% ng kabuuang target ng ahensiya na maabot na bilang ng turista para sa buong 2023.

 

 

Batay sa datos ng pamahalaan, ang sektor ng turismo ang ikalawang economic driver ng Pilipinas para sa unang kalahating bahagi ng 2023. (Daris Jose)

Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Posted on: November 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIPAMAHAGI  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa  P11 milyong halaga ng  tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.

 

 

Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng  food packs sa munisipalidad ng Don Marcelino at Sarangani sa Davao Occidental habang may 2,800 food boxes  naman ang naipamahagi na sa bayan ng Glan, at General Santos City sa  Sarangani.

 

 

Nagbigay din ng pinansiyal na tulong sa 2,317 residente mula sa bayan ng  Glen at Malapatan, at General Santos City.

 

 

“The DSWD remains steadfast in our mission to provide timely and efficient assistance to communities affected by the earthquake,” ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez.

 

 

“Food packs and other essential items have been strategically prepositioned and are ready for immediate distribution,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, makikita sa pinakabagong data mula sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa siyam ang naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes.

 

 

Ayon sa NDRRMC, walo sa naiulat na nasawi ay mula sa Soccsksargen at isa naman sa Davao Region.

 

 

Umabot naman sa 15 indibidwal ang naiulat na sugatan.

 

 

May kabuuang 12,885 indibidwal o 2,489 pamilya sa 43 barangay sa Soccsksargen at Davao ang apektado ng lindol.

 

 

Napinsala rin sa lindol ang 826 tahanan—729 partially at 97 totally—maging 118 imprastraktura, base sa NDRRMC.

 

 

Apektado rin dito ang kabuhayag ng 50 magsasaka at mangingisda sa Soccsksargen.

 

 

Naibalik naman ang power supply sa 21 apektadong lugar.

 

 

Dahil sa lindol, suspendido ang 14 klase at limang work schedules.

 

 

Naipaabot naman ang P11,612,558 tulong sa mga biktima, ayon sa NDRRMC.

 

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo (PH time) ang Philippine government officials na tiyakin ang patuloy na pagbuhos ng relief efforts para sa mga biktima ng nasabing lindol. (Daris Jose)

Dating Unang Ginang Imelda Marcos, gustong sumama sa kanyang anak na si PBBM sa Hawaii trip nito

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na nais ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos na sumama sa kanyang working visit sa Hawaii.

 

 

“Oh yes, oh yes she would. She would love to have come just to see all of the people. If she cannot travel, sabi ko nga kay Manong Joe, ikaw na lang pumunta doon pasusundo ka namin,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si Joe Lazo ay kaibigan ng mga Marcoses.

 

 

Winika ng Pangulo na malapit si Joe  sa kanyang mga magulang lalo na noong panahon ng kanilang exile.

 

 

Sinabihan aniya siya ng kanyang una na makipagpulong at pasalamatan ang lahat ng mga  Filipino na tinulungan sila para maka-survive noong kanilang exile noong 1986.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nang dumating ang kanyang pamilya sa Hawaii noong 986,  walang-wala aniya sila at tanging ang  Filipino community  ang nagbigay ng kanilang mga pangangailangan.

 

 

Inamin ng Pangulo na kung hindi dahil sa tulong ng Filipino community ay malamang na wala na sila ngayon. (Daris Jose)

APEC, mahalaga para makaiwas sa labanan, i-promote ang kapayapaan sa rehiyon-PBBM

Posted on: November 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kahalagahan ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) para makaiwas sa labanan at i-promote ang kapayapaan sa rehiyon.

 

 

“I wish to emphasize once more that global and regional economic governance platforms such as APEC are geared towards averting conflict because sustained prosperity and progress are only possible in a world that is at peace, which in turn must be a peace that is built on a solid economic foundation,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa  APEC CEO Summit.

 

 

Aniya, dapat din na kumilos o umaksyon ang mga APEC member economies sa  core value propositions ng bloc  bilang  “premier regional forum sa  Asia-Pacific, incubator ng innovative ideas, pathfinder para sa collaborative solutions para sa umuusbong na usapin sa mga kalakal at  magsilbing platform para sa forward-looking at responsive economic at trade policies.”

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na dapat ding ipagpatuloy ng  member economies  na bumuo ng  APEC’s partnership sa  private sector at mas makasabay sa  APEC Business Advisory Council (ABAC) at iba pang  stakeholders.

 

 

“We must act regionally; we must also shrink our intentions globally by finding coherence in our workstreams with those of other economies of the world and other regional and international organizations,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, sinalubong at sinabayan naman ng mga kilos -protesta ang 2023 APEC Summit  mula sa iba’t ibang grupo sa San Francisco.

 

 

Karamihan sa mga raliyista ay nagprotesta sa labas ng The Pickwick Hotel kung saan tumutuloy ang  Philippine media delegation. (Daris Jose)

DFA, palalawakin ang e-visa sa India; system test sa China, nagpapatuloy

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-roll out  ang  e-visa sa India matapos na palawakin ang beta system test sa lahat ng foreign service posts (FSPs) sa China.

 

 

“Further to the President’s policy directive on the implementation of the e-Visa system, the DFA is preparing to expand e-Visa operations to India before the end of the year in view of reciprocity in visa policies and the economic potential of the Indian tourism market,” ang pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

 

 

Lumabas kasi sa pinakabagong data  ng Department of Tourism  na naka-puwesto ang  India sa  pang-12 sa hanay ng  top foreign visitors noong  2023, na may  58,504 na naitala “as of October 2023.”

 

 

Nauna rito, sinasabing palalawigin ng pamahalaan ang implementasyon ng electronic visa para sa foreign travelers na nasa bansa.

 

 

Ito’y matapos hilingin ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang extension ng e-visa para sa Indian nationals na nananatili sa Pilipinas.

 

 

Ang e-visa ay travel permit in electronic form. Pinabibilis nito ang proseso ng pagkuha ng visa dahil imbes na mag-apply nang personal sa embassy o consular offices, pwede na itong gawin sa kanilang gadgets. Maaari nang magpa-book ng schedule online ang mga nais bumisita sa Pilipinas gamit lang ang kanilang passport numbers, phone number at email address.

 

 

Nagkaroon ng soft launch ang e-visa noong August 24, 2023 sa Philippine Consulate General in Shanghai, China. China ang ikalawa sa may pinakamaraming turista na pumupunta sa Pilipinas bago pa man ang pandemya kaya naman dito napiling gawin ang pilot testing.

 

 

Winika ni Daza  na ang operasyon ng system  ay nagsimula nang palawakin sa lahat ng Philippine FSPs sa China sa ilalim ng beta testing parameters.

 

 

“Under the said parameters, walk-in and remote e-Visa applicants are assisted by Post’s personnel to address inquiries and technical issues in navigating the system,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, mula Agosto 24 hanggang Nobyembre 6,  ang lahat ng Philippine embassies at consulates sa China ay nagpalabas na ng kabuuang  1,739 Philippine e-visas.

 

 

“The DFA gathered that the e-visa applicants can navigate the e-visa system with general ease, and received the necessary support for minor technical difficulties,”  ayon kay Daza sabay sabing  “Refinements to the system are continuously being deployed with the assistance of the Department of Information and Communications Technology based on the feedback of clients and issuing FSPs.”

 

 

Bukod sa e-visa initiative,  inaayos na ng DFA  na mas pmapahusay pa ang consular services para sa mga Filipino. (Daris Jose)

Ika-400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, ipinagdiwang

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BILANG pagpupugay sa kasaysayan at pag-unlad, ginunita ng Lungsod ng Valenzuela ang ika-400th Founding Anniversary nito sa ilang mga programa at pagdiriwang para sa Pamilyang Valenzuelanos na ginanap sa makasaysayang San Diego de Alcala Church at Casa de Polo, nitong Nobyembre 12, 2023

 

 

Ito ang pinakaaabangang araw para sa Lungsod ng Valenzuela, na nag-ugat sa Pueblo de Polo – na unang nakilala sa lungsod bilang – petsa ng pagkakatatag noong Nobyembre 12, 1623.

 

 

Bilang pasasalamat at karangalan sa 400 mabungang taon ng lungsod, isang concelebrated mass ang naganap sa simbahan ng San Diego de Alcala kaninang umaga, na nagbigay sa araw ng anibersaryo ng isang mapagpalang simula.

 

 

Sa kabilang banda, ang international sister city ng Valenzuela mula noong 2008, Bucheon City of South Korea, ay may mga delegado na bumisita sa lungsod para sa Commemoration of 15 Years of Sisterhood at makiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo noong Nobyembre 11, 2023.

 

 

Maglibot sila sa mga makasaysayan at iconic na lugar ng Valenzuela City tulad ng Casa de Polo, Tagalag Fishing Village, Valenzuela City Library, at Museo ni Dr. Pio Valenzuela. Ang study tour na ito ay tatagal ng tatlong araw, mula Nobyembre 11 hanggang 13.

 

 

Kasabay nito, opisyal na binuksan ng Valenzuela City Library ang espesyal na seksyon nito, ang “Bucheon Special Lounge” na nagtatampok ng resource collection courtesy of Bucheon City. Si Bucheon Mayor Cho Yong-eek at iba pang mga delegado mula sa kapatid na lungsod ay nakibahagi din signing of the Agreement on Promotion of Friendship Exchange, na nagpapatibay sa ugnayan at pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga lungsod.

 

 

Sa araw ng anibersaryo nito, nakiisa si Mayor Cho Yong-eek at iba pang delegado ng Bucheon kay Mayor WES Gatchalian at sa mga opisyal ng lungsod sa basbas ng Casa de Polo at sa pagpapasinaya ng Museo de Polo para sa Araw ng Valenzuela. Ang Casa de Polo ay isang heritage-themed event space na umaakma sa mga makasaysayang istruktura ng lumang bayan ng Polo.

 

 

Nagbahagi naman sina Vice Mayor Lorie at Senator WIN Gatchalian ng isang welcoming message para sa mga Valenzuelano. Samantala, ipinahayag din ni Mayor Cho Yong-eek ang kanyang adhikain na palakasin ang partnership ng Valenzuela City at Bucheon City sa hinaharap.

 

 

“Ako nga po ay lubos na naga-galak, dahil ang pagdiriwang natin ng once-in-a-lifetime na 400th Founding Anniversary, ay naganap sa aking unang termino bilang Alkalde ng ating mahal na Lungsod. Talaga nga pong nakaka-taba ng puso, dahil ako ay naging bahagi ng nata-tanging kaganapang ito. Kaya kami po sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, ay ibinuhos ang lahat ng aming maka-kaya upang maging espesyal, at hindi malilimutan ang selebrasyong ito.” pahayag naman na mensahi ni Mayor Wes.

 

 

Kasabay anibersaryo, idinaos din ang Paggawad ng Gawad Dr. Pio Valenzuela sa sampung kilalang Valenzuelano sa iba’t ibang larangan. Ang pagpaparangal sa mga Valenzuelano sa kanilang napakahalagang kontribusyon at namumukod-tanging trabaho sa kani-kanilang propesyon. (Richard Mesa)