• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2020

9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, nasa Camp Crame na

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilipat na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.

 

Saad ni Banac, personal na hinatid ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General Manuel Abu ang siyam na pulis sa Camp Crame.

 

Lulan aniya ang mga ito ng Cebu Pacific flight.

 

Maaalalang noong June 29, nasawi ang apat na sundalo sa pamamaril ng mga pulis.

 

Kasalukuyan naman itong iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation.

Mga laro sa Major League Baseball tuloy na

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas na ang Major League Baseball (MLB) ang mga schedule ng laro ngayong 2020 season.

 

Magsisimula ang nasabing laro sa July 23 matapos ang ilang buwang pagkaantala dahil sa coronavirus pandemic.

 

Unang sasabak agad ang World Series champion Washington Nationals laban sa New York Yankees.

 

Makakaharap naman ng Los Angeles Dodgers ang kanilang mahigpit na karibal na San Francisco Giants.

 

Ang 60-game regular season ay lalaruin sa apat na season kung saan 10 beses na maghaharap ang magkaribal na koponan at 20 games naman sa mga interleague opponents.

 

Magugunitang noong Marso 26 sana magsisimula ang mga laro subalit dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya ito itinigil.

Nagsimula na rin ang mga koponan na magsagawa ng training at may mga mahigpit na health protocols na ipinapatupad.

Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill.

Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council.

Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na magsagawa ng konsultasyon sa mga lider ng BARMM, pero hindi nga lang umano full membership.

Ang council ani Sec. Roque ay binubuo ng national security adviser at mga kalihim ng foreign affairs, defense, interior, finance, justice, at information and communications technology, kasama ang executive director ng Anti-Money Laundering Council na siyang bubuo ng implementing rules and regulations ng bagong batas.

Magugunitang, una nang umapela ang mga lider BARMM kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto ang Anti-Terrorism Bill, dahil sa hindi malinaw na depenisyon ng terorismo, surveillance sa mga suspek, interception at recording ng communications, at pagkulong nang walang judicial cause of arrest. (Daris Jose)

MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.

 

Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, Laguna.

 

Naganap umano ang insidente dakong alas-11:05 kahapon ng umaga sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St Paco nang dikitan ng suspek ang sasakyan ng biktima.

 

Ayon sa ulat ang mga suspek ay nakasakay umano sa kulay itim na SUV na may Plate number na ABG 8133.

 

Huli umanong nakita ang suspek sa westbound ng Quirino papunta sa Roxas Boulevard nang tumakas.

 

Samantala,kinondena naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ,ang ginawang pag ambush kay Senados.

 

Inatasan rin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na kaagad magsagawa ng sariling imbeatigasyon sa pagpatay kay Senados.

 

“we are shocked by the audacity of this attack. it highlights once again the grave peril that our prosecutors face each day in the discharge of their duties. i have ordered the NBI to immediately step in and investigate this horrible murder,”ayon kay Guevarra.

 

Nalaman na isa sa kontrobersiyal na kaso na huling ini-inquest kay Senados ay noong Oktubre 2019 na may kaugnayan sa ginawang pamamaslang kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Vito Cruz ,Sampaloc,Maynila.

 

Nabatid na iniutos umano ni Senados ang pagpapalaya sa apat na suspek na sina Bradford Solis, Juanito de Luna, Junel Gomez at Rigor de la Cruz kung saan “referred for further investigation” ang naging resolusyon ni Senados. (GENE ADSUARA)

QC MAYOR JOY, POSITIBO SA COVID-19

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sa Facebook post ng Quezon City Government kahapon, July 8 ay nagbigay ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte ukol sa resulta ng kanyang Covid-19 test. Narito ang kanyang nagging pahayag.

 

“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures.

 

Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.

 

Dahil sa pagdalaw sa ating mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.

 

Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.

 

Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City.

 

Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.”

 

Ads July 9, 2020

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments