• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 10th, 2020

Drive thru at pick-up sa lahat ng supermarket, iminungkahi

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Iminungkahi ni ACT-CIS Party List Rep. Niña Taduran ang pagtatayo ng drive through at pick-up service sa lahat ng mga supermarket sa bansa upang mabawasan ang pagkakalantad ng publiko sa Covid-19. 

 

“Speaking not as a lawmaker but as a homemaker who has the task of making regular grocery runs, I sympathize with the people standing in line for their turn to enter the supermarket,” ayon sa mambabatas.

 

Paliwanag nito, kahit na may physical distancing sa pila ay may pangamba pa na mahawa dahil sa panahon na itinatagal sa pila, na minsan ay inabot pa ng isang oras.

 

May una nang panukala mula kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na magkaroon ng drive through services para sa lahat ng frontline services ng PNP tulad ng gun registration at vehicle clearances para mabawasan ang exposure sa naturang sakit.

 

“Taking the cue from the PNP,  I thought it was a good idea to implement the same for daily essentials like grocery shopping as well” ani Taduran.

 

Aniya, mas magandang bumuo ng isang online portal ang mga may-ari ng supermarket kung saan mamimili ng kanilang bibilhin ang publiko at puwedeng doon na rin nila bayaran online ang kanilang pinamili. Makaraan ito at kukunin na lang ng mamimili ang kanilang pinamili sa drive thru na nakaayos na.

 

Ang mga wala namang sariling sasakyan ay maaaring kunin ang kanilang pinamili sa counter ng grocery store na nakahanda na rin. Sa pamamagitan nito ay mababawasan  ang mahabang panahon ng paghihintay para lang makapasok sa tindahan at makapili ng kanilang bibilhin.

 

“Tanggapin na natin na ganito na ang ‘new normal’ and the only thing we can do to save ourselves from Covid is to adapt”, pagdidiin ni Taduran.

 

Ayon pa sa mambabatas, hindi na kailangan ng batas para ipatupad ito. Ang kailangan lang aniya ay ang kooperasyon ng mga may-ari ng supermarket sa buomg bansa.

 

Maaari rin aniyang makatulong ito sa pagsulong ng ekonomiya dahil mas magiging madali na para sa mga taong bumili ng produkto. Dahil dito, ang mga tao ay mas maengganyong bumili tulad ng nangyari sa dumaraming online retailers.  (Ara Romero)

ABS-CBN sinubukang ‘manuhol’ ng P200-M para sa franchise vote — solon

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nauwi na raw sa paninilaw ng pera ang kampo ng Kapamilya Network makabalik lang sa ere, paglalahad ng isang mambabatas, nitong Miyerkules.

 

Ngayong linggo inaasahang tatapusin ng Kamara ang botohan para sa franchise renewal ng ABS-CBN matapos nitong mapaso noong ika-4 ng Mayo, bagay na naidulot ng pagkakabinbin nang mahigit isang dosenang panukalang batas sa Konggreso.

 

“May tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng P200 milyon,” sabi ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap

 

“Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko.”

 

Wala pa namang pahayag ang ABS-CBN patungkol sa naturang paratang ng “pagpapadulas” sa mga konggresista. Bukas naman ang pahina ng PSN para sa panig ng network.

 

Wika pa ni Yap, natanggap niya ang tawag dalawang linggo na ang nakalilipas. Hindi niya raw agad ito isiniwalat sa dahilang ‘di pa raw niya natitiyak kung taga-Dos talaga ang nag-utos sa tumawag.

 

Una nang sinabi ng network na nanganganib ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado’t manggagawa kung tuluyang hindi makakapagbalik serbisyo sa publiko.

 

Si Yap ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang nagsabing hindi niya ipare-renew ang prangkisa ng istasyon kung siya ang masusunod. Hindi kasi naiere ng himipan ang kanyang mga political ads noong kumakandidao pa siya sa pagkapangulo noong 2016.

 

“Now, ABS-CBN, their franchise is due for renewal… But I will never also intervene. But if I had my way, I will not give it back to you,” sabi ni Digong noong 2018.

 

Sa kabila niyan, napatawad na raw ng presidente ang kumpanya matapos humingi ng tawad ni ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Carlo Katigbak. Gayunpaman, hindi raw siya mangingialam sa botohan at hahayaan ang lehislatura.

(Daris Jose)

Munhoz nagpositibo sa COVID-19

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa bago ang laban nito kay dating UFC lightweight world champion Frankie Edgar sa darating na Hulyo 15.

 

Dahil sa pangyayari ay hindi na matutuloy na sasabak ang Brazilian bantamweight fighter.

 

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Fight Island sa Abu Dhabi.

 

Nagbigay naman ng panghihinayang at asam na lamang ang mabilis na paggaling kay Munhoz mula sa kaniyang makakalaban na si Edgar.

LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.

 

“Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring applicants to go through 15 hours of theoretical session first,” wika ni Galvante.

 

Ito ay ayon sa isang Memorandum No. 2019-2176 na nilabas ng LTO kung saan nasasaad na ang nasabing theoretical course ay kinakailangan matapos sa loob ng dalawang taon mula sa date ng enrollment.

 

Ayon kay Galvante ang nasabing 15-hour theoretical course ay tatalakay sa mga driving laws at regulations na ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

 

Kaya simula sa August 3, ang lahat ng LTO sites ay tatangap at mag-proseso ng mga applications para sa student permits (SP), bagong driver’s licenses, at additional Restriction Code transactions mula sa mga aplikanteng nakakuha na ng course completion certificates.

 

“All student permit applicants, including those for Foreign SPs and those with expired SPs who will be applying for new SPs beginning 03 August onwards, are required to secure the Theoretical Driving Course (TDC) Certificate,” dagdag ni Galvante.

 

Bago makapagmaneho ang isang bagong driver ay kinakailangan munang mag-apply ng student permit sa LTO na siyang pre-requisite sa pagkuha ng non-professional or professional driver’s license.

 

Para sa non-professional, ang isang aplikante ay kinakailangan munang may student’s permit bago mag-apply ng driver’s license.  Sa mga gustong kumuha ng professional license, sila ay kailangan mag-train ng five months upang makapagmaneho legally ng isang sasakyan.

 

Pinanukala ang pagkuha ng Theoretical Driving Course upang mabawasan at maibsan ang mga traffic violations at aksidente sa lansangan.

 

Nagbigay naman ng datos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may 12,000 drivers sa National Capital Region ang naitalang nagkaroon ng average na tatlong violations kadalinggo.

 

Noong nakaraang taon, mayroon kabuuhang 377,429 na traffic violators ang nahuli  ng MMDA mula January hanggang May sa pamamagitan ng non-contact apprehension.

 

Ayon din sa MMDA, may mga nahuling  272,440 na motorists na lumabag sa yellow lane policy; 41,641 para sa hindi pagsunod  sa  loading and unloading zones; 20,070  disregarding traffic signs; 12, 604 sa illegal parking; at 11,588 sa hindi pagsunod sa number coding scheme. (LASACMAR)

       

BI MAGLALAGAY NG KARAGDAGANG CCTV SA MGA AIRPORTS

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maiwasan ang korapsiyon  sa loob ng mga ports, naglagay ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang Closed Circuit Television (CCTV) cameras sa lahat ng international airport sa bansa.

 

Sa report na ipinadala kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  BI Port Operations Acting Chief Grifton Medina na mahigit nang  isandaan na mga CCTV cameras ang naikabit  sa Terminals 2 at  3  ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan-Cebu International Airport (MCIA), at  Clark International Airport (CIA).

Dagdag pa ni Medina na gumagana ang CCTV ng 24 hours sa lahat ng immigration counters sa arrival at departure ng apat na airports kung saan lahat ng galaw at aktibidades ng mga tao ay  malinaw na na nakukuha at nare-record.

 

Isususunod din aayusin ang pagpapalit ng mga lumang CCTV  sa NAIA Terminal 1 at paglalagay ng camera para sa second phase ng proyekto.

 

Ikinatuwa naman ni Morente ang nasabing proyekto  kasuod sa kautusan ng Pangulong Duterte na ma-monitor ang galaw ng mga pasahero sa loob ng mga airports.

“These CCTVs are effective deterrents against corruption as our officers will now be wary and discouraged to commit irregularities as all their actions will surely be caught on camera,” ayon sa BI Chief..

Ayon naman kay BI Acting Spokesman Melvin Mabulac, acting chief of the Bureau of Immigration National Operations Center (BINOC), na maglalagay din ng mga CCTV’s sa tanggapan ng  BI’s satellite at extension offices sa  SM North at  Student Visa Section sa  Quezon City; BI PEZA at  SM Aura  sa  Taguig; at  BI Makati. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)