NAKATAKDA palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans.
Ayon kay Nanding Josef, Artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film on the 67-year-old Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the March 2021 celebration of National Women’s Month.
Sa ngayon daw ay sinusulat na ang script ng short film at pumayag naman si Nora na gawin ito. Mula rin kay Nanding Josef, igagawa rin daw ito ng full-length film ng TP with a partner producer.
Sa ngayon naman ay hinihintay na ng mga fans at televiewers ang pagbabalik-taping ng Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit na pinagbibidahan ni Nora Aunor sa GMA Network.
***
HABANG naghihintay pa ng balik-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit si Kyline Alcantara, nag-enrol na ang 18- year-old actress as a college freshman in Tourism.
Ito ang ipinahayag ni Kyline sa interview niya sa 24 Oras, na na-inspire siya na magkaroon ng enough knowledge about the Philippines, para pagdating niya sa ibang bansa, kayang-kaya niyang ipagmalaki kung gaano kaganda ang Pilipinas. Kyline hails from Sorsogon in Bicol.
Dahil quarantine, online muna ang classes ni Kyline at inamin niyang nakakatakot dahil bagong school, pero excited daw siya at challenge sa kanya kung paano niya ima-manage ang kanyang oras.
Napapanood si Kyline sa rerun ng Kambal, Karibal na nasa finale week na simula ngayong Monday hanggang Friday, after ng Encantadia and soon sa All- Out Sundays pag nag-live na ito.
***
NAGBALIK na rin sa taping sa new normal ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at ang isa sa bida rito na si Kate Valdez ay inamin na magkahalong kaba at saya ang naramdaman niya sa pagbabalik nila ng taping, dahil naka-lock in sila.
“Sa totoo po, medyo nangangapa ako,” sabi ni Kate.
“Para kasi akong bumalik sa umpisa muli ng serye namin. Nakadagdag pa sa pressure naming lahat iyong kailangan naming tapusin ang mga eksena nang maaga alinsunod sa new normal taping protocols.
“Kaya po pinaghahandaan ko naman ang lahat bago ako dumating sa set, para hindi ako magkamali, matapos ang take para hindi kami magtagal sa set, nakakakaba po kasi talaga.”
Malapit na ring bumalik sa GMA Telebabad ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na nagtatampok din kina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Migo Adecer at Jay Manalo. (NORA V. CALDERON)