PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.
Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.
Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng preparasyon iyon ng national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 sa Jakarta, Indonesia sa August 16-28.
Iminungkahi ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa PBA sakaling walang masalihan international tournament o exposures ang Gilas papunta sa Asia Cup tournament proper bunsod pa rin ng pandemyang COVID-19.
May ilang beses ng naging guest squad ang PH quintet sa pro league pero hindi nanalo ng titulo, maliban sa NCC na naghari sa 1985 Reinforced Conference na ginayahan nina Fil-Ams Arthur Engellan, Jeffrey Moore at Dennis Still.
Kasabay nito, tatlo hanggang limang player ang hiniling ng SBPI sa pro league sa special draft ng 36th PBA Draft 2021 sa March 14. Isusumite ang mga pangalan ng mga player kay Marcial sa mga susunod na araw. (REC)