• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2021

POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.

 

 

Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.

 

 

Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak, cycling, MTB, BMx, dancesport at men’s dancesport at maraming iba pa.

 

 

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na isinumite na nila ang listahan na sasalihan ng bansa sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.

 

 

Ibinasi nila ang listahan sa mga nakuhang tagumpay noong Asian Games na ginanap sa Jakarta kung saan nakasungkit ang bansa ng apat na gold medals noong 2018.

 

 

Kinabibilangan ito nina Hidilyn Diaz sa weightlfting, Margielyn Didal sa skateboarding, Yuka Saso sa golf at Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa women’s team golf.

 

 

Itinalaga ng POC si Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou Games.

 

 

Sinabi naman nito na nagsimula na ang preparasyon ng bansa noon pang nakaraang linggo para sa Asian Games.