• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 8th, 2021

VIN at SOPHIE, aminadong ngayon lang nagsi-sink-in na magiging parents na

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BABY Girl pala ang magiging first baby ng mag-sweethearts na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

 

 

Hindi naman kami nagulat dahil ang ganda at ang blooming na buntis ng Kapuso star. Aminado itong ngayon na lang talaga nagsi-sink-in daw sa kanilang dalawa ni Vin na in a few months ay magiging mga mommy at daddy na sila.

 

 

“Actually ngayon na lang siguro kami naging happy kasi, nag-sink-in na lahat. Pero before, sobrang kabado talaga namin ni Vin kasi ang dami rin mga bagong responsibilities.

 

 

    “You’ll be living in a new place, e, ako, bunso ako so, beybing-beybi talaga ko sa pamilya and now, I’m having my own baby.

 

 

“I’m really scared, pero sabi naman, everything will be alright. Being a parent is a happy experience, so I’m looking forward to that.”

 

 

Engaged na rin sila at naka-planong magpakasal.  Pero sabi nga ni Sophie nang makausap namin, eight years na rin ang relasyon nila ni Vin at pareho raw kasi silang career-driven kaya parang hindi talaga naiisip na ilagay sa next level ang eight years relationship nila.

 

 

Kaya feeling daw niya, baka si Lord na rin daw ang kumilos at nangyari ang lahat. Though, sabi ni Sophie, siyempre, ideally, marriage muna raw sana ang gusto nila before baby.

 

 

Happy si Sophie at nagpapasalamat sa GMA-7 dahil ramdam daw niya kung paano siya suportahan sa new phase na ito ng buhay niya.

 

 

***

 

ISA na naman sa dating pangarap lang ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang natutupad.

 

 

Simula na nga ng shooting nila ni Bea Alonzo.

 

 

Ang movie nila na galing sa dalawang adaptation, ang Pure Soul ng Japan at ang A Moment to Remember ng Korea.

 

 

Mixed-emotions daw ang nararamdaman ni Alden dahil finally, magsisimula na ito. Dati ay nasa wish list lang din ni Alden si Bea among actresses na gusto niyang makapareha.

 

 

As for his role, sey nito, “Wala akong natututunan kung laging do’n lang ako sa comfortable roles pero ngayon, after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang yung kaba kasi hindi biro yung role.”

 

 

Co-production ng VIVA, GMA Films at APT Films ang pagsasama ng dalawa na ang balita, hihintayin pa rin naman talaga na open na talaga ang mga sinehan kapag ito ay ipinalabas. (ROSE GARICA) 

Cast and Crew of ’Spider-Man 3’, Pestering Marvel for a Special Screening of ’Black Widow’

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ACCORDING to Tom Holland, the cast and crew of Spider-Man: No Way Home is “pestering” Marvel Studios for a special screening of Black Widow.   

 

The Scarlet Johansson’s solo film, is the first installment in Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe.

 

 

As filming winds down on the Spider-Man threequel swinging into theaters in December — bringing an end to Holland’s six-movie Spider-Man deal he hopes to renew for Homecoming 4 and beyond — the actor is attempting to use his Spidey status to convince Disney-owned Marvel to preview Black Widow, the thrice-dated spy thriller led by his three-time MCU co-star Johansson in the character’s first standalone movie:

 

 

Tom told Screen Rant ahead of the Cherry release, “We’ve been pestering Marvel for weeks to see if they’ll set up a screening for Black Widow for us, but they haven’t.

 

 

“So if you’re watching, Marvel, sort it out, because we want to watch it (laughs).”

 

 

2020 became the first year without a Marvel Studios movie since 2009 when Black Widow moved from November to its current slot on May 7, 2021, one year after its original May 2020 release date.

 

 

“I mean, confidence is meaningless in today’s world because nobody knows anything. Hope springs eternal,” Marvel Studios chief Kevin Feige told ComicBook.com in January when asked if the studio believes it can keep Black Widow on May 7.

 

 

“A year delay you hope would be enough, there’s a vaccine out there now. We’ll see. I certainly hope so. I want to be back in the theater with people.”

 

 

After Black Widow, currently set to open May 7 only in theaters, Marvel Studios has set Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings for July 9 and the Chloé Zhao-directed Eternals for November 5.

 

 

Sony Pictures will release Marvel Studios co-production Spider-Man: No Way Home only in theaters on December 17. (ROHN ROMULO)

Tourism at food business workers, sunod bakunahan

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananawagan ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

 

 

Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, kung gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, tu­rismo ang pinakamabilis na paraan.

 

 

“Isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else,” sabi ni Mayormita.

 

 

Aniya, kapag may pasyalan may mga kainan kaya kailangan din mabakunahan yung mga nasa food sector.

 

 

Magpapadala ng liham ang grupo sa Inter-Agency Task Force (IATF) nga­yong linggo para iparating ang kanilang kahilingan. Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mga tao ang mga tou­rist destinations sa bansa lalo’t papalapit na ang summer, dagdag pa ni Mayormita.

 

 

Ang Turismo Isulong Mo ay kinabibilangan ng libu-libong manggagawa mula sa tourism industry, mula sa tourist guides hanggang sa mga bankero at mga masahista.

‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon.

 

 

Hindi isinantabi ng health expert ang posibleng kagagawan ng mga natuklasang bagong variant ang pagtaas ng mga kaso.

 

 

Sa kabila ng mga tagumpay na nakamit ng pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng virus, maaaring bumabalik naman ang COVID-19 na mas ma­lakas dahil nga sa mga variants.

 

 

Sa datos ng OCTA Research Group, higit na mataas ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nga­yon kumpara noong Hulyo-Agosto 2020.

 

 

Nakapagtala ng ave­rage 1,025 bagong kaso sa NCR mula Pebrero 28 hanggang Marso 6. Tumaas ito ng 42 porsyento kumpara sa datos ng sinundang linggo at tumaas ng 130 por­syento kumpara sa nakalipas na dalawang linggo nito.

 

 

Umakyat din ang reproduction rate ng NCR sa 1.66 na huling naitala noong Hulyo 2020.

 

 

Aminado rin ng OCTA Group na ma­aaring dulot nga ito ng bagong strain ng virus tulad ng South African, United Kingdom at iba pang mutations na higit na nakakahawa kumpara sa orihinal na variant.

 

 

Umakyat rin ang positivity rate sa NCR ng 8% sa nakalipas na isang linggo habang ang hospital occupancy ay nasa 44% na at ang ICU occupancy rate ay nasa 53%.

 

 

Apat na lugar sa Metro Manila ang tinukoy ng OCTA Group na may pinakamataas na mga kaso. Kabilang dito ang Pasay City, Makati City, Malabon City at Navotas City.

Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso 8).

 

 

Napagkasunduan sa naging pulong ng Metro Manila Council nitong Sabado na pansamantalang ipasara muna ang mga sinehan dahil sa pagtaas na naman ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.

 

 

“Ang ginawa ng mga mayor…medyo wala munang sinehan. Ang term is ‘temporarily suspended’ ang mo­vies, cinemas, and the arcades,” ani Abalos.

 

 

Nilinaw ni Abalos na pansamantala lang naman ito at kung gumanda-ganda na ang sitwasyon ay posibleng pabuksan muli.

Malakanyang nagsimula nang mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na inalisan ng presensiya ng New People’s Army (NPA).

 

Lumipad si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City, araw ng Biyernes para dumalo sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na nakatanggap ng P19 bilyong piso sa ilalim ng 2021 budget.

 

Sa ilalim ng alokasyon, may kabuuang 822 barangay ang inaasahan na makakakuha ng P20 million kada isa sa development assistance.

 

“We have 822 barangays under NPA influence cleared from 2016 to 2019. One hundred nineteen of these are in Region 10, iyong mga barangay captain, they are here to symbolically receive,” ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon.

 

“These barangays will have P20 million each. This is for farm-to-market roads, classrooms, electricity, health station, water system, irrigation…pag hindi kayo pumalakpak, hindi ko titigilan ito,” dagdag na pahayag ni Esperon.

 

Ang armed wing ng Communist Party of the Philippines, ang mga rebeldeng NPA ay palaging binabansagan ni Pangulong Duterte bilang terorista.

 

Nananatili namang nakabinbin sa Manila Regional Trial Court ang petisyon ng gobyerno na ideklarang terorista ang mga komunista.

 

Ayon kay Esperon, nakagawa na ang Department of Budget and Management ng circular para sa pagpapalabas ng budget, at nang sa gayon ay makapagsumite na ang Department of Interior and Local Government ng mga requirements sa lalong madaling panahon.

 

“We are ready to start on March 15, or upon your orders,” ayon kay Esperon.

 

Nanawagan naman si Pangulong Duterte sa mga rebeldeng nakikipagaban sa pamahalaan na ibaba ang kanilang armas at abandonahin ang kanilang pinaglalaban.

 

“You want to fight me, the government? I have plenty of tanks, I have many policemen, and I have many soldiers. You’re just trying to hold on to this war. In one of the encounters, maybe you will get shot and die for nothing,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Mandato ng NTF-ELCAC’s ay labanan ang komunismo sa pamamagitan ng “prioritizing and harmonizing the delivery of basic services and social development packages by the government”.

 

Sinasabing ang P19 billion budget ng NTF-ELCAC sa ilalim ng 2021 national budget ay napaliit dahil naglaan an pamahalaan ng ng P2.5 billion para pambili ng COVID-19 vaccines.

 

Kaagad namang naghanap ang mga kritiko ng gobyerno ng audit  ng multi-billion anti-insurgency fund.

 

“These are very large sums of money that we cannot afford to waste on potentially partisan political spending,” ayon kay Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite. (Daris Jose)

38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.

 

 

Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang 38,400 doses ang kukumpleto sa 525,600 doses na unang alokasyon ng COVAX facility para sa Pilipinas.

 

 

Kung maaalala, noong Huwebes, March 4, nang unang dumating ang 478,200 doses ng AstraZeneca vaccines.

 

 

“Itong pinangako sa ating first tranche na 525,600, itong (38,400) yung naiwan kasi commercial flight ito. Yun lang ang magkakasya sa cargo bay (487,200),” ani Vaccine czar Carlito Galvez.

 

 

“Ito yung kakulangan (38,400),” dagdag ng opisyal.

 

 

Una nang sinabi ni Galvez na hindi na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng ikalawang batch ng mga bakuna. Makakasama na lang niya si National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon.

 

 

Una nang sinabi ng WHO na 4.5-million doses ng British-Swedish vaccine ang inaasahang makakarating sa bansa hanggang sa buwan ng Mayo. (Daris Jose)

Pangulong PDu30 muling binira ang ABS-CBN

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network.

 

Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang ginawa ng may-ari ng ABS-CBN network na nagpalabas ng paumahin subalit kalaunan ay itinanggi naman ang kanilang pagkakamali.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Cagayan de Oro City ay inalala ng Chief Executive kung paano humingi ng paumahin ang ABS-CBN para sa kanilang pagkukulang noong nakaraang taon bago pa sapilitang ipatigil ang kanilang free-TV operations bunsod ng kanilang expired franchise.

 

“Sila pay ga-apologize. Headline, nasa front page,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“Oh og di ka guilty, nganong mo-apologize ka man? Mao pud ng ABS-CBN, si Gabby [Lopez]. Naghimo siya og front page. Nangayo pud siya’g pasaylo. Ngano man? Sa ilang mga sayop. Karon, di na moangkon (Kung hindi ka guilty, bakit kailangan mong mag- apologize? Gaya rin ni ABS-CBN, Gabby. Gumawa pa ito ng headlines. Nagpalabas din siya ng apology. Bakit? Para sa kanilang pagkakamali. At ngayon ay itatanggi nila lahat),” dagdag na pahayag nito.

 

Ayon sa Pangulo, nang ibalik ng pamahalaan ang ABS-CBN sa may-ari nito matapos na i-sequestered ng Marcos administration ang network, ay naibenta ng kompanya ang lahat ng kanilang assets, bumalik sa murang presyo at muling ibinenta sa mataas na halaga.

 

“They sold all their assets to the DBP (Development Bank of the Philippines). All of it – lock, stock, and barrel. They resumed business and when their business was doing well, they bought back their assets at a cheap price and sold it for a higher price,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa Bisaya.

 

“I said, ‘Ah t*** i**.’ ABS-CBN? I’ll shut you down,” giit ng Pangulo.

 

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na hindi naman siya kontra sa ginagawa ng ABS-CBN na pasayahin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga programa.

 

“ABS-CBN nakalingaw sa tao, walay problema na. Nakalipay sa mga bata, way problema na (ini-entertain ng ABS-CBN ang mga tao at pinapasaya nito ang mga bata at wala akong problema dyan),” ayon sa Punong Eekutibo.

 

Noong nakaraang buwan ay sinabi ng Pangulo na ipag-uutos niya sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag pagkalooban ang ABS-CBN ng lisensiya para mag- operate kahit pa kaya nitong makakuha ng bagong prangkisa maliban na lamang kung magbabayad ang nasabing kompanya ng kanilang buwis matapos na taxes matapos na kumilos ang mga mambatas na bigyan ang naturang broadcast giant ng bagong prangkisa. (Daris Jose)

ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.

 

 

Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.

 

 

     “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview.

 

 

“Ilang taon ko rin iyong pinag-isipan. Noon ko pa tinatanong ang sarili ko, bakit ko pa ginagawa at pinapagod ang sarili ko? Naisip ko na six years old pa lamang ako, pinapagod ko na ang sarili ko, kaya natanong ko rin ang sarili ko, kelan ka titigil?”

 

 

Napakarami na ring nagawang TV shows and teleseryes si Angelica kaya siguro napapagod na rin siya.

 

 

“Hindi naman sa nawawalan na ako ng gana, kaya lang pwedeng dumating na rin ako dun sa oras na hindi ko na gusto ang ginagawa ko, at iisipin ng mga manonood na nilalaro ko na lamang ang character ko kasi ayaw ko na. 

 

 

Siguro ngayon, naibigay ko na ang 100 percent ng kaya kong gawin sa  mga teleserye, sa bawat character na gampanan ko. Kaya ibibigay ko na sa mga susunod na artista sa akin ang mga nagawa ko nang roles.”

 

 

Sa ngayon, gusto raw ni Angelica na gumawa na lamang ng movies, tulad ng ginawa niya with Coco Martin, ang Love or Money.

 

 

Hindi kaya gusto na ring mag-concentrate ni Angelica sa kanyang lovelife, sa non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan, a businessman from Subic, Zambales?

 

 

***

 

 

KASUNDO lahat ni Gabby Concepcion ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya, simula pa sa lock-in taping nila ng serye sa San Fernando, La Union.

 

 

At lalo niyang kasundo ang first time na leading lady na si Sanya Lopez.

 

 

Bukod sa naging solid ang samahan ng buong cast ng serye, nakita ni Gabby kay Sanya na madali itong pakisamahan at hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role, na isa ngang yaya ang actress.

 

 

“Mapagmahal siya sa kapwa, madali siyang barkadahin. At saka marami  siya laging dalang pagkain sa set.

 

 

Nakakatuwang walang member ng cast na hindi ko kasundo, walang negative sa set namin, okay lahat.”

 

 

Ang gusto naman ng cast kay Gabby, “mahilig siyang magluto, lagi niya kaming tatanungin, ano ang gusto naming kainin, tapos magluluto na siya. Masarap siayng magluto, mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”

 

 

Hindi na maiinip ang mga televiewers dahil mapapanood na simula sa March 15, ang First Yaya na may world premiere na sa GMA Telebabad, GMA-7.

 

 

***

 

 

INIP na ang mga fans at supporters ng bagong magka-love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco ng upcoming GTV series na Heartful Cafe, kaso next month pa pala, sa April, ang simula nito.

 

 

Feel daw ng mga fans na papatok ang team-up nila kaya tuwing may socmed post sila, lalo na iyong mga behind-the-scenes, napupuno ito ng magagandang comments.

 

 

At excited na raw silang mapanood sa kanilang TV screen ang ‘JulieVid.’ May chemistry raw ang dalawa at hindi ito maikakaila kahit sa mga photos pa lamang nila.

 

 

“She’s very nice, very talented,” sabi ni David.

 

 

“Hangang-hanga ako sa kanyang mood na from 8 AM hanggang sa last scene, ganoon pa rin siya, di ko siya nakita ever na sumimangot.” (NORA V. CALDERON)

Bulacan, tumanggap ng 900 doses ng Sinovac na bakuna

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang maingat na pagpaplano at paghahanda para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III ng 900 doses ng COVID-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong araw.

 

 

Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center kung saan naroon din ang main vaccination site.

 

 

Kabilang sa pangunahing tatanggap ng mga bakuna ang 833 health workers mula sa Bulacan Medical Center kung saan 86% sa kanila ang pumayag magpabakuna habang ang mga natitirang bakuna ay ilalaan sa mga health worker mula sa mga district hospital, at mga empleyado ng Provincial Health Office – Public Health (PHO-PH) at iba pang mga frontliner.

 

 

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na layon ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagbakuna ng 300 indibidwal kada araw.

 

 

“Lahat ng mga plano na inihanda ng ating lalawigan ay unti-unti nang maisasakatuparan. Sa pagdating po ng mga COVID-19 vaccine, inaasahan na makakapagbakuna ng may kabuuang 300 indibidawal bawat araw sa tulong ng ating mga itinalagang vaccination teams. Magtiwala po tayo sa Maykapal at humingi ng gabay para sa kaligtasan at ikabubuti ng ating mga kalalawigan at ng buong bansa,” anang gobernador.

 

 

Magsisimula ang aktwal na pagbabakuna sa Lunes, ika-8 ng Marso, 2021 kaya naman patuloy pa rin ang PHO-PH sa pagsasagawa ng information drive upang hikayatin ang mga Bulakenyo lalo na ang mga health worker at frontliner na magpabakuna.

 

 

Mayroon ding mga itinalagang safety marshal at officers sa vaccination center upang gabayan ang mga indibidwal na magpapabakuna at upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.

 

 

Kamakailan lamang ay bumisita ang mga kinatawan ng Central Luzon Center for Health Development sa lalawigan upang suriin ang vaccination plan na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan at pinuri ang kahandaan nito sa pagdating ng mga bakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)