• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 8th, 2021

Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon.

 

 

Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization (EUA)’ buhat sa Food and Drugs Administration (FDA).

 

 

Bukod sa 13 mil­yong doses sa pagitan ng pamahalaan, inaasahan din na magkakaroon ng hiwalay na kasunduan ang Moderna para suplayan ng pitong milyong doses ang pribadong sektor.

 

 

Kasalukuyang ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Sinovac vaccines pa lamang ang nabibigyan ng FDA ng EUA para magamit ang kanilang mga bakuna sa bansa kahit nasa development stage pa rin ang mga ito.

 

 

Isa pang manufacturer, ang Chinese firm na Sinopharm ang nag-aplay na para sa EUA sa FDA sa kabila na nabig­yan ito ng ‘compassio­nate permit’ makaraang ilang tauhan ng pamahalaan at militar ang unang mabakunahan nito.

PSG tiniyak ang safety ni Duterte

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Para masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte, lilimitahan ng Presidential Security Group (PSG) ang bilang ng mga tao na lalapit sa Pangulo sa mga event na dadaluhan nito sa Malakanyang.

 

 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi basta-basta makakalapit ang mga tao sa Pangulo at kabilang sa safety measures na ipinapatupad ng PSG ay ang pagbabawal sa pagkuha ng litrato kasama ang Pangulo at pagsasailalim ng mga bisita sa COVID-19 test at symptoms checks gayundin ang pagsusuot ng face masks at social distancing.

 

 

Noong nakaraang linggo ay limang events lang ang dinaluhan ng Pangulo kabilang dito ang pagdalo sa turnover ng Sinovac at AstraZeneca vaccines, inauguration ng school buildings sa Bulacan at Valenzuela.

 

 

Gayundin ang meeting ng anti-insurgency regional task force sa Cagayan de Oro at ang meeting sa go­vernment’s pandemic task force at sa mga miyembro ng gabinete.

Tourist arrival sa Boracay kahit pandemic pa, higit 16-K sa ‘love month;’ pinakamarami mula sa NCR

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang 16,487 ang naitalang tourist arrival sa Boracay noong nakaraang buwan na nasa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemya.

 

 

Batay sa datos mula sa Malay Municipal Tourism Office, 63.36 percent o 10,446 sa kabuuang bilang ng mga nagbakasyon sa isla ay mula sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sumunod dito ang CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) na may 2,984 tourist arrival; at sa Western Visayas na umabot sa 1,741.

 

 

Kabilang sa Top 10 visitors ng Boracay ay mula sa Central Luzon na may 966 tourist arrival; Central Visayas na may 78; Ilocos Region, 52; Northern Mindanao at Cagayan Valley na may tig-34; Cordillera Administrative Region, 33; Bicol 31; at Davao na may 22 tourist arrival.

 

 

Dagdag pa nito, majority sa mga turista ay may edad na 22 hanggang 59-anyos na may kabuuang bilang na 14,019 arrivals; habang 2,174 tourists naman ang may edad mula zero month old hanggang 21-anyos; at nasa 294 ang mga senior citizen.

1.4-million doses ng Sinovac vaccines, darating sa PH ngayong Marso: Galvez

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ni Vaccine czar Carlito Galvez na madadagdagan pa ng 1.4-million doses ang supply ng Pilipinas sa coronavirus vaccines na gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac.

 

 

“Mayroon nang parating, na-procure na 1-million (doses) na darating sa March 21; and with the generosity of the Chinese government, another 400,000 (doses) will be given to us,” ani Galvez.

 

 

Noong nakaraang Linggo nang unang dumating sa bansa ang 600,000 doses na donasyon ng Chinese government.

 

 

Sa ngayon matagumpay na raw na nai-deliver ang unang 331,000 doses sa lahat ng regional offices ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

 

 

Nakatakda namang ipamahagi ang natitirang doses kapag sinimulan na ang pagbabakuna para sa second dose.

 

 

“Yung dito sa Metro Manila, yung Sinovac na first dose, almost deployed at consumated na. Yung next nila is yung second dose.”

 

 

“Nakita natin na mabilis yung rollout kasi once dumating sa kanila (hospitals), kinabukasan nagro-rollout agad sila. So I don’t think there’s no confusion.”

 

 

Sa ilalim ng rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), ibibigay ang ikalawang dose ng Sinovac vaccine matapos ang apat na linggo.

 

 

Ayon kay Galvez, pumapalo na ng hanggang 15,000 doses ng bakuna kada araw ang naro-rolyo ng gobyerno sa higit 100 ospital.

 

 

Target ng pamahalaan na maturukan ang nasa 1.7-million healthcare workers, na pinaka-una sa priority list ng National Vaccination and Deployment Plan for COVID-19 vaccines.

 

 

Para magawa ito, kakailanganin daw ng 4-million doses ng bakuna para pa lang sa hanay ng medical frontliners.

 

 

Ngayong gabi may nakatakda pang dumating na 38,700 doses ng AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX facility ng World Health Organization. (Daris Jose)

1 kaso ng South African variant naitala sa PGH

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naalarma ang mga healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) makaraang biglaang sumirit ang kaso ng COVID-19 kabilang ang isang kaso ng South African variant.

 

 

Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nakapagtala na ng 105 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakaraang Sabado. Ito na ang pinakamalaking bilang na naitala sa nakalipas na apat na buwan sa naturang pagamutan.

 

 

Sa impormasyon na ipinarating ng Philippine Genome Center (PGC) sa PGH, sa 30 samples na kanilang sinuri ay isa ang nagpositibo sa South African variant. Nasa 15 healthcare workers na rin umano ang infected ng COVID-19 mula Marso 1 hanggang 4.

 

 

Dahil dito aniya, nagsasagawa na ang PGH ng malawakang contact tracing, testing at pag-qua­rantine sa kanilang mga empleyado na na-exposed sa mga pasyente.

 

 

Sinuspinde na rin ang ‘clinical rotations’ ng mga medical clerks at interns para maiwasan na mahawa rin sila ng virus.

 

 

Ang lahat naman ng kanilang eligible staff ay pinayuhan nang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang madagdagan ang kanilang proteksiyon laban sa virus.

 

 

Pansamantala na ring sinuspinde ang elective surgical procedures habang ang outpatient consultation ay dapat isagawa sa pamamagitan ng telemedicine. Hindi rin muna tatanggap ngayon ng ‘walk-ins’ ang kanilang outpatient department.

3 timbog sa buy bust sa Malabon

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, 48, kapwa ng Alupihang Dagat St. Brgy. Longos at Susan Enamno, 57 ng NAIA Pasaya city.

 

 

Ayon kay PSSg Salvador Laklaken Jr., dakong 11:05 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano ng buy bust operation sa Alupihang Dagat Street.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ni Amano at Dela Cruz ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.57 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P105,876.00 ang halaga at marked money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Matapos na aminin ni GERALD ang kanilang relasyon: JULIA, ipinagsigawan na kung gaano kamahal at proud sa bf

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER na aminin ni Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto sa exclusive interview ni Kuya Boy Abunda, marami nga ang naghihintay sa ipo-post ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

 

 

Noong Linggo, March 7, birthday ni Gerald, ang masasabing first public appearance nila kung saan namigay sila ng ayuda sa Aeta community sa San Agustin, Iba, Zambales.

 

 

Pero bago natapos ang special day ni Gerald, hindi pinalampas ni Julia na mag-post ng sweet photo nila na halatang masayang-masaya.

 

 

Caption ni Julia na maraming kinilig, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

 

 

Anyway, sa interview nga ni Kuya Boy na in-upload sa YouTube last March 5, buong ningning na inamin ni Gerald na masayang-masaya siya sa piling ni Julia.

 

“You are happy,” sabi ng premyadong TV host.

“Yes, Tito, I am,” sagot ng aktor.

“Are you happy because of Julia?”, tanong kay Gerald na sinagot nga niya ng, “Very happy. Very happy, Tito Boy. It’s a yes.”

Hindi naman nakaiwas si Gerald na balikan kontrobersyal na hiwalayan nila Bea Alonzo.

Inamin niya na grabe ang huling isyu na pinagdaanan, “Ang pangit, ang lala. Ang pinakamasakit pa is what I’ve heard even behind the cam.

‘Yung mga nakarating sa akin, ‘yung intimate moments namin bilang boyfriend-girlfriend. Parang, kailangan ba talaga umabot sa ganito?”

Nagalit din siya sa nanay niya, na nagsalita sa hiwalayan nila ni Bea.

Sabi niya na talagang nahusgahan na siya ng maraming tao, “At that point nu’ng pumutok, I’ve had my moments na parang, ‘Oh my God. Paano ko nalagay ‘yung sarili ko sa ganitong sitwasyon?

“‘What did I do?’ I try to be a good person. Bakit? I’m not gonna say na wala akong mali. I know. Pero kailangang umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?”

Natanong din siya ni Kuya kung nagkaroon sila ng formal break-up ni Bea, o nauwi talaga sa ‘ghosting’ sa dating girlfriend.

“I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can’t… I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ‘yung image ko or ‘yung side ko.

Ganito lang po ‘yun. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition?

“Or is it walking away from a very unhealthy, toxic, not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic. Hindi narerespeto ‘yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap.

“After months and months and months and months of being on the rocks and puro away, I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that.

Dagdag pa niya, Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two,”   

Sa huli, ipinagdiinan ni Gerald na,

Wala po akong ghinost.”

Inamin ni Gerald na sobra siyang nasaktan sa mga nangayari.

“Wala na po akong magagawa Tito Boy, eh. Again, hindi rin ako ‘yung tipo ng tao na, kahit ang daming nagsasabi, ‘Hindi, magsalita ka.’

I couldn’t look at myself in the mirror kapag nagkwento pa ako about my relationship at kung paano kami naghiwalay or hindi naghiwalay. No.” (ROHN ROMULO)

Ads March 8, 2021

Posted on: March 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments