• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 9th, 2021

NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta.

 

 

Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung saan bago ang All-Star Game ay gaganpin ang Three-point contest habang ang slam dunk contest naman ay gaganapin sa halftime.

 

 

Maglalaan ang NBA at National Basketball Player Association ng $2.5 milyon na pondo at resources sa Historically Black Colleges and Universities at ang pag-suporta at awareness sa equity access sa COVID-19 care, relief and vaccines.

 

 

Magpapatupad din ang NBA ng “mini bubble” sa event kung saan ang mga players, staff at lahat ng mga manonood ay dadaan sa testing.

 

 

Magiging labanan sa team LeBron James at team Kevin Durant.

 

 

Napili ng dalawa ang kanilang koponan sa pamamagitan ng draft format.

 

 

Makakasama ni James si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, Golden State Warriors guard Stephen Curry, Dallas Mavericks guard Luka Doncic at Denver Nuggets center Nikola Jokic.

 

 

Sa team Durant ay napili ang Nets team mate nito na si Kyrie Irving, Sixer center Joel Embiid, Clippers forward Kawhi Leonard, Washington Wizards guard Bradley Beal, Boston Celtics forward Jayson Tatum, Utah Jazz players Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

 

 

Hindi naman makakapaglaro si Durant dahil sa left hamstring strain kung saan papalitan siya ni Indiana Pacers forward Domantas Sabonis.

Ads March 9, 2021

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Saso PSA Athlete of the Year

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagawa ni Asian Games champion Yuka Saso na magning­ning upang tanghaling PSA Athlete of the Year para sa taong 2020.

 

 

Dalawang korona ang nasungkit ni Saso sa Japan LPGA habang pumang-13 ito sa prestihiyosong US Open para bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nito na magdiwang.

 

 

Namayagpag ang 19-anyos Pinay golfer sa dalawang sunod na torneo sa Japan — ang NEC Karuizawa Championship at Nitori Ladies Golf Tournament.

 

 

Bago matapos ang taon, nakipagsabayan ito sa pinakamahuhusay na women’s golfers sa mundo sa US Open na pinagreynahan naman ni South Korean Kim A-Lim.

 

 

Kasalukuyang nasa ika-45 puwesto si Saso sa world ranking.

Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa.

 

 

Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning activities.

 

 

Sa mga rehiyon naman na nasa labas ng NCR kung saan tumataaas din ang COVID-19 cases, maaari aniyang magdesisyon ang mga hospital directors kung sususpendihin din nila ang face-to-face rotation alinsunod sa anunsyo ng APMC o impormasyon mula sa national government, Department of Health(DOH), Inter Agency Task Force o local government units.

 

 

Para naman sa clinical clerkship programs, sinabi ng APMC na wala itong partikular na direktiba para sa Commission on Higher Education (CHEd), kaya ang suhestyon nito ay ang mga deans ng mga ospital ang magdedesisyon kung dapat na rin ba nilang suspendihin ang face-to-face rotation.

 

 

Nagpaalala naman ang APMC sa lahay na sundin ang Universal Pandemic Precaution (UPP) kaugnay ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng mga kamay, at disinfection.

 

 

Inabisuhan na rin nito ang mga indibidwal na maaaring magpabakuna laban sa COVID-19 na magpaturok na bilang dagdag proteksyon mula sa nakamamatay na virus. (Gene Adusuara)

Paglobo ng COVID-19 ikokonsidera sa quarantine status sa Abril

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakasalalay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging quarantine status sa Abril.

 

 

Sinabi ni Nograles na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga nangyayari ngayon sa pagtaas ng bilang sa Pasay City at iba pang areas ng Metro Manila.

 

 

Ang genome sequencing ang kaila­ngan ngayon lalo na sa Metro Manila para ma-detect ang South African at UK variants at ang sinasabi pang dalawang worrisome na variants.

 

 

Kaya ayon pa kay Nograles ay patuloy nilang imo-monitor ang mga kaso ngayong buong Marso para siyang maging basehan para sa gagawing rekomendasyon ng quarantine status sa Abril.

 

 

Nitong nakaraang mga araw ay nakapagtala ang Department of Health ng mahigit na 3,000 na kaso ng COVID-19, dahil dito kaya pinulong na rin umano ng kagawaran ang mga ospital sa Metro Manila para talakayin ang pagtaas ng kaso.

 

 

Pabor naman si Nograles na co-chairman din ng Inter Agency Task Force (IATF) on emerging infectious disease, sa desisyon ng Metro Manila Mayors na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan at arcades sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng coronavirus sa bansa.

PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  pagpapatupad ng  health protocols sa kalsada at mga Barangay .

 

Kasunod ito sa  ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang  tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

 

Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay  na patuloy ang paglobo ng COVID-19.

 

Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay  Francisco para sa security plan.

 

Inatasan din ng alkalde na umikot  ang mga  tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing taga sita o COVID-19 Marshals at magsasaway  ng mga pasayaw sa kalsada.

 

Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.

 

Dagdag pa ni Domagoso  sa ibang departamento ng pamahlaang lungsod na ihanda ang  pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)

MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng MRT-3.

 

 

Mula sa dating 10-15 operational trains noong Mayo 2019, ay naging 23 na ito simula Enero, 2021.

 

 

Anang DOTr, mala­king tulong ang pagdami ng mga bumibiyaheng tren upang madagdagan ang mga pasaherong naisasakay ng MRT-3 kahit pa limitado ang kapasidad nito dahil sa umiiral na health protocols laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, nadag­dagan din ang operating speed ng mga tren ng MRT-3 na aabot na ng hanggang 60kph pagsapit ng Disyembre 2020 sanhi upang mabawasan ang headway o waiting time ng mga pasahero ng apat na minuto hanggang 3.5 minuto mula sa dating 8-9.5 minuto. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

ALOK NA AMBAG NG ELECTRIC COOPS SA BAKUNAHAN PINURI NI NOGRALES

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinapurihan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga electric cooperatives sa ilalim ng pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) para sa pagboboluntaryong tulungan ang nationwide Covid-19 campaign, na nagsabing “tayo ay nagpapasalamat sa ating mga ECs na iniisip muna ang national interest at para sa pagiging aktibo nilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno. “

 

Ito ang naging pahayag ni Nograles, co-chair ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), sa virtual NEA-EC Communicators’ Conference noong March 6, 2021.

 

“Ang aktibong suporta ng 121 electric cooperatives sa buong bansa ay lubos na magpapagaan sa ating pagsisikap na maabot ang mga malalayong komunidad. Nangako rin ang mga ECs na papahintulutan ang paggamit ng kanilang multi-purpose facilities at iba pang mga resources upang makatulong sa vaccination drive,” dagdag pa ng opisyal ng Malacañang.

 

Ang mga electric coops ay nangakong susuportahan ang mga healthcare professionals, local government units at medical frontliners habang niro-rollout ang vaccine sa kani-kanilang coverage areas.

 

Sinabi ng Kalihim ng Gabinete na ang mga ECs ay mahalaga sa pagpapanatili ng matatag na supply ng kuryente sa kanayunan, partikular sa pagpapanatili ng maayos na daloy sa crucial infrastructure ng mga ospital at healthcare facilities sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

 

Pinasalamatan nito ang NEA at ECs sa pagsunod sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang pagpapatupad ng “no disconnection” policy para sa mga lifeliners o “low-income consumers.”

 

“Agad na gumawa ng aksiyon ang Pangulo sa panukala ng Department of Energy hinggil sa no disconnection measure. Para sa ating mga economically-depressed kababayans, ang kuryente ay isang lifeline na kinakailangan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dapat tulungan sila ng gobyerno sa kanilang mga pangangailangan sa kuryente.”

 

 

Isang advisory ang inilabas ng DOE noong Pebrero 5, 2021 na nag-aatas sa lahat ng distribution utilities kabilang ang mga ECs na ipatupad ang “no disconnection policy” para sa mga hindi makapagbayad ng kanilang electricity bill noong Marso 2021, hangga’t ang kanilang kinukonsumo ay nasa loob ng lifeline rate na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC) for the distribution utilities’ franchise area.

 

Ang ECs para sa kanilang bahagi ay muling binigyang diin ang kanilang matatag na pangakong itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, na iginiit na sana ay makatulong ang pag-mobilize ng kanilang mga resources sa Covid-19 vaccination drive, isa sa pinakamalalaking hakbangin sa kalusugan sa kasaysayan ng bansa. (Daris Jose)

Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.

 

 

Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa Cattleya St. Libis Nadurata, Brgy. 18, Caloocan city na nagresulta sa pagkakaaresto kay Roy Santos alyas “Taroy”, 39, at Sevier Christian Ambida alyas “Tantan”, 39, kapwa ng PNR Compd. Samson Road, Brgy. 73.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at 9 piraso P500 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, nasakote din ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega si Paulo Rejuzo, 26 ng Bagong Sikat, Purok 4 Mapulang Lupa matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa buy bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas dakong 11:50 ng gabi.

 

 

Kasama ring nadakip sa operation si Alexander Calub, 38, Richmon Laguna, 27, Aeriel Vincent Corneta, 22, at ang na-rescue na Grade 8 student na itinago sa pangalang “Popoy” matapos maaktuhan na sumisinghot umano ng shabu.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakuha sa mga suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00 ang halaga, apat na cellphones, buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)