• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 12th, 2021

DEVON, mukhang nakipag-break na kay KIKO dahil kay HEAVEN

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGAMOY hiwalayan o hiwalay nga nga ang magkarelasyon na sina Devon Seron at Kiko Estrada.

 

 

Naka-off ang comment section ng Instagram post ni Devon sa post niyang “The tounge may hide the truth but the eyes never.” Marami ang naka-get na patama ito ni Devon sa boyfriend.   Nasundan pa ng post din ng kapatid ni Devon na nag-post ito ng picture ng heaven at may caption na “This doesn’t suit you” at kasunod ang picture ng hell na “This suit you.”

 

 

Ipinagpapalagay ito ng netizens na give-away ang clue. Ang picture ng heaven bilang si Heaven Peralejo raw na siyang kasama sa lock-in taping ni Kiko at balitang-balita na ngang third party sa mukhang break-up na nga nina Kiko at Devon.

 

 

Naku ha, una, mukhang marami ang nagaganap din na “milagro” sa lock-in taping. Pangalawa, pagkatapos ng chakang isyu kay Heaven kaugnay ng diumano’y panghihingi nito ng tulong/pera kay Manny Pacquiao (ama ng ex-boyfriend niya) at kahit paano, medyo na-redeem siya dahil itinanggi ito ni Jinkee Pacquiao, heto’t kontrabida ang tingin sa kanya ng netizens bilang lumalabas ngang third party raw.

 

 

Eh, once you’re the reason of any break-up, parang maka-recover man, matagal sa galing at pagka-imbyerna ng netizens huh.

 

 

At pangatlo, strike two na rin si Kiko dahil bigla rin nabuhay ang short-lived romance nila ni Barbie Forteza noon at si Kiko rin ang tinuturong dahilan bakit hindi ito nagtagal.

 

 

In short, medyo nakakabawi sana siya ngayon sa relasyon nila ni Devon na kaya naman pala niyang mag-alaga ng relasyon, and yet here it is…

 

 

Pero sa lahat ng ito, kuhang-kuha ni Devon ang simpatiya ng netizens. At karamihan sa comments sa kanya, “Love yourself Devon.” “So many people love you. Remember that.” “You will get through this. Hindi mo deserve ang ganyang lalaki.”

 

Naging kapansin-pansin na rin kasi na bigla raw nawala na ang mga pictures nila ni Kiko sa Instagram nito.

 

 

***

 

 

PURING-PURI ni Direk LA Madridejos si Sanya Lopez sa siyang gumaganap na nga bilang Yaya sa bagong primetime series ng GMA-7 na First Yaya.    

 

 

Alam naman ng lahat na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera talaga ang orihinal sana sa role, pero ito na mismo ang nag-beg-off.

 

 

Sabi nga ni Direk LA, “Una po, hindi naman po talaga siya kung sino ang gaganap na First Yaya. Kumbaga, ang kuwento ni Melody ay kuwento ni Melody. Hindi ni Marian o kung sino man.”

 

 

Isa rin naman daw siya sa mga unang tinawagan ni Marian na hindi niya ito magagawa at bumilib daw siya kay Marian do’n, lalo na sa dahilan kung bakit hindi nito magagawa.

 

 

Sey pa ni Direk, “Kay Sanya, masaya ako sa kung ano napanood niyo at sa performance ni Sanya. Masaya ko hindi lang sa kung paano siya umarte kung hindi kung paano siya tumatanggap. 

 

 

“I’m really happy with Sanya. Minahal niya yung trabaho at wala siyang mentality na hindi naman ako yung una sa project, wala siyang ganun. Basta siya, ibibigay niya yung best niya.”

 

 

Masaya rin daw si Derek LA sa nakita niyang chemistry sa pagitan nina Sanya at Gabby Concepcion na siyang gumaganap naman bilang Presidente ng bansa.

 

 

Sa Lunes, March 15 na sa GMA Telebabad ang pagsisimula ng First Yaya.

 

 

***

 

 

TATLO sa mga Kapuso stars ang pinarangalan ng 2nd VP Choice Awards (VPCA) ng Village Pipol Magazine noong March 6.

 

 

Sa pamamagitan ng isang virtual ceremony ginanap ang awarding. At sina Alden Richards, Jennylyn Mercado at Sofia Pablo ang nakatanggap ng karangalan.

 

 

Nagwagi ang December 2020 Village Pipol cover ni Alden na “The End/The Start: A Decade of Reflections with Alden Richards” ng cover of the year.

 

 

Si Sofia naman, panalo naman ang February 2020 issue niya sa exclusive feature bilang “In the Making” ng Spotlight of the Year.

 

 

At si Jennylyn bilang TV Actress of the Year dahil sa pagganap niya bilang Dra. Maxine sa Descendants of the Sun.

 

 

     Bukod sa mga artista, kinilala rin ng VPCA ang mga patok na brands at mga individual na namumukod-tangi sa kani-kanilang karera. (ROSE GARCIA)

KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan. 

 

 

Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city.

 

 

At ang balak niya, ay bibisitahin na lamang niya every six weeks ang panganay niyang si Josh, na nakatira na sa Tarlac, kasama ni former President Noynoy Aquino, at ayaw nang sumama sa kanila ng bunso niyang si Bimby.

 

 

Ngayon ay nag-desisyon na si Kris na gusto na niyang permanently, manirahan na sa kanila sa Tarlac. Marami na siyang kinu-consder na locations doon, dahil gusto na rin niya talagang lumayo sa city.

 

 

   “Cards on the table, I was readying to switch my voter’s registration to Sitio Alto, Barangay Central, Tarlac,” Instagram post ni Kris last Monday, March 8.

 

 

Magbago pa kaya ang plano ni Kris?

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ang aktor na si Gerald Anderson ng kanyang 32nd birthday kasama ang 300 Aeta families sa Lupang Pangako Resettlement Area in Barangay San Agustin in Iba, Zambales, at siyempre pa, kasama ang kanyang love na si Julia Barretto.

 

 

Ang relief operation ay pinost ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Facebook account, dahil sila ang tumulong kay Gerald sa pagdi-distribute ng mga basic commodities tulad ng bigas, canned goods, instant noodles, biscuits, coffee, chocolate drink at supplies for personal hygience.

 

 

Sumapi pala si Gerald sa Philippine Coast Guard on December, 2016, may rank siyang Lieutenant Commander, at officially part of the agency’s K9 Special Support Squadron.

 

 

Nagpasalamat si Gerald sa PCG Public Affairs led by Commodore Armand Balilo, PCG Logistics Systems Command, PCG Station Subic, and the World Vision Philippines na siyang naglipat sa may 300 Aeta families from Botolan, Zambales to Lupang Pangako Resettlement Area, sa maayos at matagumpay na relief operations.

 

 

***

 

 

SUNUD-SUNOD nang nagtatapos ang mga GMA afternoon prime at primetime teleseryes, kaya naman excited na rin ang mga netizens na malaman ang mga kaganapan sa bawat serye na magtatapos na.

 

 

Tinututukan tuwing 2:30 PM ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales dahil gusto nilang malaman kung paano ipagtatanggol ni Clarisse (Klea) ang karapatan niya sa asawang si Jio (Jeric) at patunayan ang mga kasalanan ni Veron (Sheryl) sa kanya at sa kanyang inang si Laura (Sunshine).

 

 

Kasunod na ring magtatapos ang Bilangin ang Bituin Sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasseer Marta at Isabel Rivas.

 

 

Maraming revelations na magaganap sa mga tauhan ng serye na dinidirek ni Laurice Guillen, na napapanood at 4:15 PM sa GMA-7.

 

 

At sa dami rin ng mga bagong teleseryes ng GMA Network, anu-ano kaya ang ipapalit sa dalawang afternoon prime at sa dalawang primetime telebabad na Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday na magwawakas na ngayong gabi at Love of My Life na nasa last two weeks of airing na? (NORA V. CALDERON)

PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  pa rin  maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO).

 

 

Sa virtual  Kapihan session ng Department of Health (DOH)  sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan hindi aniya nangyari ang pagbaba sa  National Capital Region (NCR) kung saan naitala ang pagtaas ng impeksyon kada linggo .

 

 

Sa datos ng DOH, nakita ang biglaang pagtaas ng kaso  ng dalawang linggo sa mahigit  na 40 percent kada linggo.

 

 

Ito ay naobserbahan sa Quezon City, Makati, Taguig, Parañaque, Caloocan, at Mandaluyong.

 

 

“We always knew that there was quite a big chain of transmission although the numbers went down at some stage to 300-400 on a daily basis,”  pahayag ni Abeyasinghe

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing numero ay  sumasalamin pa rin ng makabuluhang antas ng transmission sa pamayanan.

 

 

“So, it would rather be another spike in the ongoing wave. There’s actually no value in classifying it as a second wave,” paliwanag pa ng WHO official .

 

 

Binigyang diin niya na sa loob ng ilang  buwan, naobserbahan ang “community level transmission” ng Covid-19 virus sa NCR, Region 3 at Region 4A.

 

 

Gayunpaman, kumpara sa  6,000 na mga kaso na naitala noong nakaraang taon, ang higit sa 3,000 na impeksyon na naitala araw-araw sa nakaraang apat na araw ay makabuluhang mas mababa.

 

 

Una nang inihayag ng UP-OCTA Research team na  ang paglobo ng kaso ngayon ay maaring dahil sa mga pumasok na variant sa bansa. (GENE ADSUARA)

LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon.

 

 

“Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line 2 East Extension will finally commence operations on 27 April 2021,” wika ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

 

 

Ang dalawang (2) bagong estasyon – ang Marikina station na nasa tapat ng Sta. Lucia Mall at Robinsons at ang Antipolo station na katapat naman ng SM Masinag – ay magkakaron ng soft opening sa darating na 26 April 2021 at kinabukasan ay magkakaron na ng buong operasyon.

 

 

Noong January 31, 2021 sinabi ng LRTA na mayron na itong naitalang 93.42 percent na completion kaya’t sa loob lamang ng halos dalawang ay magsisimula na ang buong operayon ng LRT 2 East Extension.

 

 

“The Package 1 of the project which involves the construction of the eastbound and westbound viaducts has been finished. The Package 2 which involves the design and construction is also substantially complete. Meanwhile, works are ongoing for Package 3 which covers the project’s electro-mechanical system, rails, power supply, telecommunications, and signal,” wika ni LRTA spokeperson Hernado Cabrera.

 

 

Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na kinakailangan na itong matapos sa lalong madaling panahon upang mabigyan ang mga pasahero ng magandang serbisyo.

 

 

“These two (2) stations must be finished immediately so that the riding public can benefit from the project at the soonest possible time,” saad ni Tugade.

 

 

Ang 2 bagong estasyon ay ang karagdagang estasyon pagkatapos ng huling estasyon sa depot sa Pasig kung saan ito ay magtutuloy-tuloy na papuntang Masinag sa Antipolo. Kung kaya’t ang mga pasahero ay magkakaron na ng derechong paglalakbay mula Recto hanggang Masinag sa Antipolo.

 

 

Inaasahang ang travel time mula Recto papuntang Masinag sa Antipolo ay tatagal lamang ng 40 na minute.

 

 

Kapag natapos na ang proyektong ito ay inaasahang makapag sasakay pa ito ng karagdagang 80,000 na pasahero kung saan ang kabuohang ridership ay magiging 240,000 kada araw. (LASACMAR)

Ravena inalok na maglaro sa liga ng Japan – Guiao

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinunyag ni NLEX head coach Yeng Guiao na inalok ang kanilang point-guard na si Kiefer Ravena na maglaro ng basketball sa Japan.

 

 

Sinabi nito na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Ravena noong Disyembre tungkol sa nasabing alok.

 

Dagdag pa nito na makailang beses na siyang kinausap ni Kiefer tungkol sa offer.

 

Bagamat ayaw niya na sayangin ni Ravena ang alok subalit binalaan nito sa mga legal na kakaharapin lalo na at nakakontra ito sa NLEX.

 

Base sa kontrata ni Ravena noong Oktubre na mayroong hanggang tatlong taon ito mananatili sa koponan.

4th EDDYS, mapapanood worldwide sa FDCP channel at sa iba’t-ibang platforms

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagsanib-pwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22.

 

 

Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng pamunuan ni Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Virtual idaraos ang 4th EDDYS kung saan magtatagisan ng galing at husay ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic. Labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor.

 

 

Worldwide ito pwedeng mapanood sa pamamagitan ng streaming sa iba’t ibang platforms, tulad ng SPEEd Facebook page, sa YouTube channel ng mga miyembro ng SPEEd at sa official FDCP channel (fdcpchannel.ph).

 

 

Bukod sa FDCP, magiging katuwang din ng SPEEd sa pagdaraos ng 4th edition ng Entertainment Editors’ Choice bilang major sponsors ang Toktok courier service/delivery app at ang Beautederm Corporation ni Rhea Anicoche-Tan.

 

 

Makikipagtulungan din sa awards night ng SPEEd ang San Miguel Corp., Tiger Crackers at Smart Shot, kasama rin sina Speaker Allan Lord Velasco, Raffy Tulfo, Willie Revillame at si Cong. Nina Taduran ng Patrylist na ACT-CIS.

 

Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS.

 

 

Sa Lunes, Marso 15, lalabas ang listahan ng mga nominado sa acting at technical categories. Bukod dito, ilulunsad ng SPEEd ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng grupo na si Isah V. Red.

 

 

“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” ayon sa SPEEd President na si Ian Fariñas.

 

Unang tatanggap ng IVR award sina Senator Ramon ‘Bong Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rhea Anicoche-Tan at Claire de Leon-Papa para sa kahanga-hanga at walang katulad na pagbabahagi ng tulong sa mga Filipinong naapektuhan ng global health crisis.

 

 

Ang EDDYS Icon awardees naman ngayong 2021 ay sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan at Ricky Lee.      Samantala, ang recipients ng EDDYS special awards na Joe Quirino Award ay ang TV-radio host-columnist na si Lolit Solis; Manny Pichel Award, entertainment columnist Mario Bautista; Rising Producers’ Circle, Blacksheep Productions; Producer of the Year, The IdeaFirst Company.

 

 

Bibigyan naman ng posthumous recognition sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr. at Tony Ferrer.

 

 

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula. Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa. (ROHN ROMULO)

Gobyerno, mas gugustuhin pa na magpatupad ng localized o granular lockdowns

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAS gugustuhin pa ng pamahalaan na magpatupad ng localized o granular lockdowns kaysa ibalik ang buong bansa sa strict lockdown sa gitna ng pagtaas ng coronavirus cases.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdown sa isang specific o tiyak na lugar kung saan may naiulat na pagtaas ng COVID-19 transmission.

 

“Hindi po. Ang ating istratehiya pa rin ay localized lockdown,” ang tugon ni Sec. Roque sa tanong kung advisable ba na magpatupad ng city-wide o barangay-level lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

Kamakailan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang LGUs na ilagay ang mga maliliit na lugar gaya ng gusali, kalsada o maging ang barangay sa ilalim ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng transmission.

 

Layon ng granular lockdown na balansehin ang pangangailangan na protektahan ang public health mula sa pagkalat ng virus na hindi mapipinsala ang malaking bahagi ng ekonomiya.

 

Maliban sa granular lockdowns, sinabi ni Sec. Roque na ang local government units ay kailangan na paigtingin ang prevent-detect-isolate-treat-recovery strategy para mapigilan ang outbreak sa kanilang komunidad.

 

“Bagama’t ang obligasyon talaga ng ating mga lokal na pamahalaan ay paigtingin iyong kanilang isolation, detection at siguraduhin lalung-lalo na iyong mga positibo ay mailipat sa mga quarantine facilities at maiwasan po ang home quarantine ,” anito. (Daris Jose)

‘Dito at Doon’, Proceeds With March 31 Online Release

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TBA Studios’ upcoming film Dito at Doon starring JC Santos and Janine Gutierrez, proceeds with its scheduled online release on March 31, 2021. 

 

 

The theatrical nationwide release on March 17 is on hold due to health and safety concerns, amid rising cases of COVID-19.

 

 

The change comes after careful decision among the film’s producers.

 

 

According to Mr. E. A. Rocha, TBA Studios’ CEO, “We have decided to release ‘Dito at Doon’ exclusively online for the time being. This was a very difficult decision for the whole team, but one that has everyone’s best interest in mind.

 

 

The contemporary love story was set during the pandemic, Dito at Doon revolves around political science graduate Len (Gutierrez) and her online/offline frenemy Caloy (Santos).

 

 

With polarizing views and challenges of not being physically together, will their relationship survive?

 

 

Watch the official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=EQSv5DL-CsA

 

 

Directed by JP Habac (I’m Drunk, I Love You), Dito at Doon also features Victor Anastacio and Yesh Burce, with the special participation of Lotlot de Leon. 

 

 

The film was developed and shot during the pandemic, and was slated to be the first big local movie to be released a year since the pandemic started.

 

 

“We know how much it means for a lot of people to finally share this experience together on the big screen and we feel positive that there would still be a chance for us to do so. But for now, we are happy to offer an accessible and convenient alternative for Filipino movie fans eagerly waiting to see ‘Dito at Doon’,” Rocha added.

 

 

Fans can catch the much-anticipated romantic film at ktx.phCinema ’76 @ HomeiWant TFC, and Ticket2Me.

 

 

Book now to avail of the on-going early bird promo and enjoy “Dito at Doon” for only Php300. This special offer is for a limited time only. Regular price is at Php350.

 

 

Overseas audiences will have a chance to see “Dito at Doon” (“Here and There”), too. TBA Studios prepares a worldwide release via TBA Play, the company’s premium video-on-demand (PVOD) platform soon.

 

 

To know more about the movie, visit https://www.facebook.com/TBAStudiosPH, follow TBA Studios on Twitter, Instagram, and Youtube.

 

 

Join the conversation online using the hashtags #DitoAtDoon #ProudlyTBA. (ROHN ROMULO)

Eala sablay sa ‘Sweet 16’

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi.

 

 

Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic scholar at Globe ambassadress, ng 20-taong-gulang at WTA No. 283 sa pamamagitan ng liksi’t bangis sa baseline game.

 

 

Bigong masundan ni Eala ang 6-1, 6-4 na pagsibak kay Walterts sa ITF W25 Manacor World Tour nitong lang Marso 2 sa Round-of-32 match.

 

 

Ito ang pang-anim na professional netfest ni Eala sa taong ito. Ang unang career win ay nito lang Enero. (REC)

Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.

 

Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Karamihan po ng barangays, drug free. Hindi pa 100% pero may isang taon pa naman. Iyong corruption, nariyan pa pero andun ang takot sa isip at damdamin ng mga kurakot. Sa mas kumportableng buhay, nariyan ang Build, Build, Build,” ayon kay Sec.Roque.

 

“Halos lahat po ay nagawa na niya. I’ll give it a 1.5. Not 1 which is the perfect but not 2 which is mediocre,” dagdag na pahayag nito.

 

Para kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte ay transformational President at isinasantabi ang mga pambabatikos mula sa kanyang mga kritiko.

 

“It is political will, and that is the kind of President we need,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, nagulat ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.

 

Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kahapon, sinabi rin ni OHCHR Spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.

 

Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.

 

“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.

 

“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.

 

Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)