• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 24th, 2021

JERALD, pinuri ng netizens sa IG post na ‘letter to self’ dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 cases

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINUPURI ng netizens ang pinost ni Jerald Napoles sa kanyaang Instagram account na dinaan ang kanyang saloobin sa pagtaas na naman Covid-19 cases sa bansa sa pamamagitan ng isang liham sa kanyang sarili.

Post ng aktor:

 

“Dear Jerald,
“Linggo, maganda sikat ng araw, palabas ka na pero naisip mo. Mataas ang covid cases, dumadami rin ang nahihirapan dahil sa pandemya, may pamilya kang inaalagaan at sinusuportahan. May matatanda at bata sa bahay. Mahal ang gastos pag may sakit. At higit sa lahat ayaw mo mahawa di ba. At ayaw mo rin maka sagap ng virus at dalhin sa tahanan.

“Alam ko matagal ka na naiinip, napapagod ka na mag tiis. Pero sa mga oras na to. Sarili mo na lang din ang aasahan mo sa krisis na to. Ikaw na lang rin ang tutulong sa sarili mo, isa pa, gagastos ka rin sa labas. Wala ka rin gagawin sa pupuntahan mo. Wala naman din sine. Kakain ka lang naman at mag window shopping.

“In-short. tatambay ka lang sa labas. Bahay ka na lang muna. Pag pahingahin mo na rin ang sarili mo sa facemask. Nakaka irita rin mag bitbit ng face-shield. Tignan mo mukha ng mga mahal mo. Ikaw kasi malakas ka, eh sila matitiis mo ba sila. Kakayanin mo bang mag hirap sila. Oh diba.
“Kaya hanggang parking ka lang. umakyat ka na sa taas. Hubarin mo lang sapatos mo tutal mukha naman nang pambahay ang #ootd mo. Iniisip lang kita. Iniisip ko lang ang sarili ko. Iniisip ko lang rin tayo. Isipin mo mga mahal mo.

“Nagmamahal, Jerald.”

Reaction ng ilang netizens:

“Nice post. Tama. Stay na lang sa bahay kung wala naman essential na lakad.”

“Tama ka Jerald! Good job! Yan din ang sasabihin ko sa sarili ko. Salamat sayo idol!”

“Eh bakit ako naiiyak sa post mo balong hehe laban lang at stay safe and inlove lagi kau ni gandang kim. always watching ur posts.”

“Sana lahat ganito mag isip. Yung iba basta’t may pang pcr at gastos, g lang eh. Kebs na lang sa iba. Basta sila nagsasaya.”

“Tama tapos naka save ka pa ng pera.”

“Tularan si Jerald! Paki-tag ang mga nagpaplanong magbakasyon this coming holy week.”

May nagkumpara naman kay Jerald kay Enchong Dee na mahilig daw mag-rant.

“This actor is more sensible than de forever whining enchong d.”

“Ha? Ano namang konek?”

“DDS lang galit kay Enchong at galit kayo kay Enchong dahil nagsasabi siya ng totoo. Wala kasi kayong ginawa. Oo kasama ka dahil suportado mo lider mong walang ginawa.”

“Hindi bagay mag rant ni Enchong lalo na nung napanuod ko siya na dancer ng noontime sunday show.”

 

 

***

 

 

BILANG pasasalamat sa mga loyal customer, may diskwentong ibibigay ang Globe Rewards na maaaring ipagpalit sa 10 Rewards points lang.

 

 

Maaaring gamitin ng mga Globe customer ang mga voucher na ito sa kanilang mga paboritong tindahan tulad ng The SM Store, Shopee, Zalora, 0917 Lifestyle, at online grocery shopping platform, PureGo simula sa araw na ito, Marso 24, 2021.

 

 

Gamit ang 10 Rewards points, maaaring makuha ng mga customer ang isang The SM Store GCash voucher na nagkakahalaga ng P100. Ang mga gustong mamili online ay maaaring mag-access ng mga voucher ng Shopee at Zalora. Ang mga customer ay maaaring makakuha ng isang P100 Shopee voucher para sa 80 na Rewards points, o makakapag-enjoy ng isang P500 Zalora voucher kapalit ng 50 Rewards points.

 

 

Maaari ring makakuha ang mga customer ng P50 na discount voucher para sa Globe 0917 Lifestyle shop gamit ang 25 Rewards points o kaya ay magkaroon ng 20 percent discount sa alinmang paninda nito na walang points na kailangan.

 

 

Ang mga indibidwal at pamilya ay pwede ring makatipid kapag namimili sa PureGo kapag tinubos nila ang P1000 na voucher gamit ang 100 na Rewards points.

 

 

Mayroon ding iba’t ibang mga shops at retail partners ang Globe Rewards na pwedeng-pwedeng pagpilian ng mga konsyumer kung saan nila pwedeng ipagpalit ang kanilang Rewards points.

 

 

“Pinahahalagahan namin ang aming mga tapat na customer na patuloy na sumusuporta sa aming mga produkto at serbisyo. Bukod sa madali nilang magagamit ang mga voucher na ito sa pamimili kahit nasa loob ng bahay, makatutulong din ito sa kanilang budget,” sabi ni Joey Kilayko, Head ng Globe Rewards.

 

 

Ang Globe Rewards ay nakapagpapasaya sa maraming mga customer sa tulong ng mga freebies at diskwento na nakukuha mula sa kanilang mga puntos.

 

 

Maaaring makaipon ang mga Globe prepaid subscribers ng Rewards points sa bawat paglo-load habang ang mga Postpaid subscribers naman ay binibigyan ng points kada buwan. Ang mga naipong points ay maaaring gamitin hanggang Marso 31 ngayong taon.

 

 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe Rewards at iba pang mga eksklusibong alok, i-download ang Globe Rewards, Globe One o Globe sa Home app mula sa App Store para sa iOS at Play Store para sa Android o bisitahin ang http://globe.com/GRewardsApp. (ROHN ROMULO)

Fonacier babalik sa NLEX

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni Joseller ‘Yeng’ Guiao, na puntiryang magbalik sa laro sa North Luzon Expressway ni Larry Alexander Fonacier.

 

 

Sa pagkaandap sa Cooronavirus Disease 2019 sa nakalipas na taon, hindi lumaro ang 38-anyos, 6-2 ang taas na veteran guard-forward sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa Clark Freeport bubble sa Angeles, Pampanga.

 

 

“Nagpapakundisyon. He’s hoping to be back in the second conference (PBA Governors’ Cup). One-year siyang bakante. So, parang gini-gauge niya yung sarili niya kung he can still make a contribution,” pahayag ni Road Warriors coach Guiao.

 

 

Hinirit niyang kundi naman makapasok sa lineup ng Road Warriors, maaaring bigyan na niya ng puwesto sa coaching staff si Fonacier. (REC)

Ads March 24, 2021

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates.

 

 

Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng rekomendasyon upang sila ay maghain ng plunder complaints.

 

 

Subalit sa mga nakaraang hearings na ginawa ng committee sa mga katiwaliang pangyayari sa dalawang ahensiya lumalabas na may sapat na ebidensiya upang makasuhan ng heinous crime ang mga nasabing opisyales.

 

 

“The act of making people suffer- whoever causes damage to third parties and other agencies that violates anti-graft law. Now, since a huge amount of money is involved, they may be liable for plunder. That’s what we’re looking at now,” wika ni Gordon.

 

 

Ang plunder ay isang non-bailable offense simula sa P50 million.

 

 

Dagdag pa ni Gordon na ang mga opisyales mula sa dating admistrasyon ng Aquino at ang mga kasalukuyan opisyales ng DOTr at LTO na nakagawa ng ibat-ibang paglabag sa batas simula noong 2013 nang ang DOTr ay nagsimulang gumawa ng bidding para sa pagbili ng license plates ng walang appropriation ay maaring makasuhan ng plunder.

 

 

Ang dating transportation secretary na si Joseph Emilio Abaya at undersecretary ng legal affairs na si Jose Perpetuo Lotilla ang silang lumagda sa multi-year contract para sa joint venture PPI-JKG ng hindi muna kumuha ng Multi-Year Obligational Authority mula sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Tinawag ng Commission on Audit ang transaksyon na “irregular at illegal” at hindi rin pinapayagan ang advanced payment na ginawa sa PPI-JKG na nagkakahalaga ng P478 million.

 

 

Dahil dito ang Supreme Court ay nag issue ng isang restraining order na siyang nagpahinto sa pagagawa ng mga plates ng mga motor vehicles at motorcycles noong 2016.

 

 

“PPI-JKG then could not deliver their vehicle plates because another supplier Trojan to whom LTO consistently awarded the contracts for the supply of license plates since 2018 had monopolized LTO’s Order Management System and the digital signature, which is important feature of the new plates,’ dagdag ni Gordon.

 

 

Hanggang sa lalo nang maantala ang paggagawa ng mga license plates na tumagal na ng tatlong taon hanggang sa pumasok na ang bagong administrasyon. Patuloy pa rin na humihingi ang mga motorista ng kanilang mga plates. Kung kaya’t sinisi ni Gordon ang DOTr at LTO.  (LASACMAR)

Pagsasara sa lahat ng mga negosyo sa bansa, “disaster” sa Phil. economy- PDu30

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking “disaster” o sakuna sa ekonomiya ng Pilipinas kung isasara ang lahat ng mga negosyo sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay matapos niyang aprubahan ang rekumendasyon ng Inter-agency Task Force (IATF) na ilagay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bubble hanggang Abril 4 para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

 

Inamin ng Pangulo na ang pagsirit ng Covid-19 cases ay maaaring dahil sa katotohanan na maraming lugar sa Metro Manila ay sobrang matatao kabilang na ang Divisoria.

 

“Nanonood ako ng TV and every time Covid is being discussed they play a certain footage dun sa Divisoria. How can you control the people there? It’s such a small place, there are so many thousands there trying to wriggle in and out of…’yan ang mahirap because of the space na wala kasi tapos dumating itong pandemya dito tayo nahirapan ,” ayon sa Chief Executive.

 

Gayunpaman, wala naman siyang plano na magpatupad ng panibagong lockdown dahil maaapektuhan ang pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga tao.

 

“Kung sarahan mo naman ‘yan lahat medyo tagilid na ang ekonomiya and that’s a problem. Kung sarahan mo talaga lahat , it would be disaster for the country. So balance balance nalang tayo,” aniya pa rin.

 

Dinepensahan naman ng Pangulo ang kanyang naging desisyon na magpatupad ng karagdagang restriksyon sa Metro Manila at sa Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

 

Giit ng Pangulo ay kontrolado ng pamahalaan ang galawa ng mga tao lalo na habang nananaig ang health crisis.

 

“The curtailment of your freedom to travel is always subject to the power of the state to control the movement of its citizens especially if there is a pandemic. The state has that kind of power although hindi ‘yan sa  martial law. It’s just putting you in the right places at this time,” anito.

 

Nauna rito, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid 19 ay nagkaroon ng emergency meeting ang IATF kamakalawa kung saan nagkaroon ng mga bagong rekomendasyon na naaprubahan naman ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

DIETHER, itinangging naging mapili kaya natagalang magka-project; naging abala sa flying school

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING netizens ang nagulat nang malaman nilang balik-showbiz muli si Diether Ocampo. 

 

 

Matagal din siyang nawala sa limelight, akala ng iba ayaw nang mag-artista ni Diether at namimili na raw siya ng role.

 

 

Pero ngayon nga sa kanyang pagbabalik ay kasama siya sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba ng Dreamscape Entertainment.

 

 

Ayon kay Diether hindi siya namimili ng role kaya matagal siyang hindi tumanggap ng project.  Hindi raw lamang talaga magtugma ang kanyang schedule noon at ayaw din naman niyang tanggapin kung hindi talaga bagay sa kanya ang role.

 

 

Isa pa, that time ay nag-aaral siya sa flying school, pero nahinto ito dahil sa pag-iral ng pandemic.

 

 

Ngayong libre na siya, muli siyang tumanggap ng offer para muling mag-artista.

 

***

 

 

MUKHANG nakakuha ng bagay sa kanyang leading man si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose kay David Licauco.

 

 

First time magtatambal sina Julie Anne at David, pero ngayon pa lamang kinikilig na ang mga netizens sa mga lumalabas na behind-the-scene photos ng romantic-comedy series na Heartful Cafe.

 

 

Nag-post pa si David ng sweet selfie nila ni Julie Anne na may caption na “ay, yung crush ko,” kaya sabi ng mga netizens may chemistry raw silang dalawa at sana raw ay mapanood nila ang eksenang iyon sa rom-com series.  Umani ng libu-libong likes ang Instagram post na ito ni David.

 

 

Ang Heartful Cafe ay mapapanood na simula sa April 5, sa GTV.

 

 

***

 

 

FINALE week na ngayon ng Bilangin ang Bituin Sa Langit, at marami pang aabangan ang mga tagasubaybay sa GMA Afternoon Prime series.

 

 

Isa sa nag-trending sa social media at umani ng papuri ang revelation scene nina Maggie (Kyline Alcantara) at Jun (Yasser Marta). Dati silang mag-sweetheart, pero umiwas na sila sa isa’t isa nang malaman nilang si Ansel (Zoren Legaspi) pala ang tunay na ama ni Maggie dahil nagkaroon ng relasyon noon sa ina ni Maggie na si Nolie (Mylene Dizon).

 

 

Pero isang malaking revelation nga na hindi naman pala tunay na anak ni Ansel si Jun dahil anak siya sa ibang lalaki ng inang si Margaux (Ina Feleo) at ipinaako siya kay Ansel.

 

 

Kaya maraming netizens na sumusubaybay sa serye ang napaluha sa awa nila kay Jun na siyang nakaalam ng pagtataksil ng ina sa kinilala niyang ama.  May nga natuwa naman dahil libre na raw ipagpatuloy nina Maggie at Jun ang relasyon nila.

 

 

     “Bumilib ako kay Yasser dito,” comment ng isang netizen.

 

 

“First lead role niya ito pero magaling na siyang magdala ng mga eksena niya, may lalim na ang acting nya.  Kudos kay Yasser, magaling ang team-up nila ni Kyline, dahil mahusay na siyang young actress noon pa man.”   Marami pang revelations ang magaganap this week sa Bilangin ang Bituin sa Langit, pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Perang hiniram ng gobyerno para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout, nananatiling nasa bangko- PDu30

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING nasa bangko ang perang hiniram ng pamahalaan para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout.

 

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nananatili ang pera sa lending bank at hindi ito hinahawakan ng gobyerno ang anumang pera bilang cold cash.

 

“The money is still in the hands of the bank, and they collect, ‘yung nagpabili sa atin ng bakuna , from the bank,” paliwanag nito.

 

It’s the bank that will pay, upon our advise, na na-deliver na ‘yung bakuna,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Nauna rito, sa ulat, kinuwestiyon kasi ng ilang mambabatas kung paano gastusin ng pamahalaan ang inutang nito lalo pa’t donasyong bakuna pa lamang mayroon ang bansa sa ngayon.

 

Maliban sa mga donasyong bakuna mula sa China, ang bansa ay nakabili ang bansa ng milyong doses ng Sinovac’s COVID-19 vaccine, na nakatakdang i-deliver ngayong katapusan ng buwan, ayon naman kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

 

“Yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso akala nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash. Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending bank… still. So we have not used a single centavo,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

“About the vaccines that we are going to buy, well donated ito lahat sa ngayon…Ngayon itong darating, darating na ‘yung babayaran natin. Doon pa dapat sila magtanong kung nasaan na ‘yung pera,” anito.

 

Sa ulat, nasa mahigit P126 bilyon na ang aprubadong utang ng bansa para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Pero bukod sa donasyon ng Tsina at COVAX, nasaan ang mga bakunang dapat ay nabili sa pamamagitan ng naturang pondo?

 

Tanong ito ni Senador Panfilo Lacson matapos tingnan ang impormasyon mula sa World Bank (WB), Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastracture Investment Bank, at ng Department of Finance (DOF).

 

“Magpakatotoo sana, doon muna sa basic. Sabihin lang ang totoo. So long as the concerned authorities do not recognize the problem, we cannot come up with a solution. Bigyan talaga ang lowdown sa Pilipino at maging decisive sana,” paliwanag ni Lacson

 

Ayon kay Lacson, inaprubahan na ng WB, ADB at AIIB ang utang sa Pilipinas, kasama na ang:

* April 20, 2020: US$100M
* May 28, 2020: US$500M
* Dec 16, 2020: US$600M
* Mar 12, 2021: US$500M
* March 2021: US$400M
* March 2021: US$300M
* P10B – DOH Bayanihan budget

 

“Nasaan ka bakuna?” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.

 

Nilinaw ng mambabatas na hindi niya hinahanap ang naturang pondo dahil naging tiniyak naman ng DOF na ang perang inutang ay diretsong mapupunta sa mga supplier.

 

Ayon pa kay Lacson, naging maagap umano ang DOF sa paghahanap ng pondo upang makuha ng bansa ang tsansang mapabilang sa mga mapapauna sa mga bakuna subali’t hindi naman ginawa ng ibang naatasan ang kanilang responsibilidad.

 

“Finance Secretary Carlos Dominguez III had repeatedly said we have enough funds and the DOF should be commended for having the foresight in taking the initiative to negotiate for the loans much ahead of time. However, no matter how efficient the DOF team is, why did the other team not act early?” banggit ni Lacson.

 

Pero kung hindi rin lamang matutupad ang mga ipinapangako, dapat na iwasan ng mga kinauukulan na magsiwalat ng mga detalye dahil nakakadagdag lamang ito sa pagkadismaya ng mga tao.

 

Sa usapin ng target ng gobyerno na makapagbakuna ng 450,000 katao araw-araw umpisa sa Abril, nakahanda ang mambabatas na pangunahan ang pagsasampa ang resolusyong naglalayong magdeklara kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. bilang makabagong bayani, kung ito ay matutupad.

 

“Let’s make this happen and I will spearhead the adoption of a Senate resolution hailing those in charge of the country’s vaccination program as modern day heroes,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.

 

Pero malayo umano sa katotohanan ang naturang senaryo kung pagbabatayan ang mga nakaraang pangyayari.

 

Ipinaalala ng senador sa pamahalaan na ituring na katuwang ang pribadong sektor laban sa COVID-19 para bumilis ang pagdating ng bakuna sa bansa dahil ang pag-alalay ng naturang sektor ay una nang nasubukan sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda, kung saan ay tumayo siya bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR).

 

Dagdag pa niya, bagama’t parehong may pagkukulang ang pamahalaan at ang publiko ngayong panahon ng pandemya, mas malaki umano ang responsibilidad na kailangan na balikatin ng una.

 

Marami pa umanong kailangang gawin para malagpasan ng bansa ang banta ng COVID gaya ng ginagawa ng Estados Unidos na halos kada 10 segundo ay nakakapagturok sila ng isang bakuna. (Daris Jose)

Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.

 

 

Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.

 

 

Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.

 

 

Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Yee: Hindi pagresbak ang panalo namin sa Knights

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI itinuturing na pagresbak ng ex-pro na si Mark Yee ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang pagbulaga sa San Juan Knights Go For Gold sa apat na laro upang mapanalunan ang natapos nitong Linggo, Marso 21 na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball LeagueLakan Cup 2019-20 National Championsip sa Subic Bay Gym bubble sa Zambales..

 

 

“Hindi naman siguro bawi. Sa amin, naging gutom lang kami saka naging humble kami lagi, kasi nga hindi naman talaga namin intensyon kung sino ang makalaban namin. Focus lang kami. Basta ang goal namin kunin ang championship,” bulalas ng 39 na taong-gulang, tubong Sagay City at 6-3 forward team skipper.

 

 

Bukod sa titulo, hinirang si Yee na Game 4 best player, Finals Most Valuable Player, Best Defensive Player of the Year at kabilang sa Mythical First Team.

 

 

Ang triple niya sa endgame ang bumulilyaso sa Knights na makapuwersa pa ng winner-take-all Game Five makaraang talunin sila ng Metro Manila-based squad sa Davao sa national championship game five din sa second season ng semi-professional league. (REC)

BEAUTY, inaming nagkabati sila ng kanyang mommy dahil sa teleserye; nakatulong ang advice ni MARICEL

Posted on: March 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGTATAPOS na in two weeks ang Paano ang Pangako? but Beauty Gonzales is looking back at it with fondness.

 

 

Welcome na welcome para sa kanya na naging bahagi siya ng pinag-uusapang serye ng TV 5 na dumami ang viewers, lalo na sa parteng Visayas at Mindanao.

 

 

“We are living in uncertain times. Di ba parang abnormal ang takbo ng utak natin because of the pandemic. Kasi wala tayong trabaho at hindi natin alam kung kailan tayo magkakatrabaho pero it was a good thing tumawag ang production team ng Paano ang Pangako kaya may work na uli,” masayang kwento ni Beauty.

 

 

Dahil sa seryeng ito ay nagkabati sila ng kanyang mommy. Ayaw na ni Beauty na magbigay ng detalye sa naging tampuhan nilang mag-ina. Sapat na raw ‘yung sabihin niya na she and her mom become close while ginagawa niya ang serye. At sabay daw nila itong pinanood.

 

 

“Huwag na ninyo tanungin why kami nagtampuhan, kung bakit for some time ay hindi kami in good terms ng mom ko. What is important now is magkasundo na kami. Malapit na ang birthday ko and I am happy na okay na kami ng mom ko.”

 

 

Malaki raw ang nagawang tulong ng mga advice sa kanya ni Ms. Maricel Laxa-Pangilinan para magkasundo sila ng kanyang mommy.

 

 

“She told me na dapat ako ang mag-reach out sa mom ko, which I did kaya I am very happy na magkasundo na kami,” pahayag pa ni Beauty.

 

 

Ayon pa kay Beauty, marami raw siyang magandang realizations about life while doing the show.

 

 

“It has really helped me learn a lot of lessons. I am normal again. I realized I can make people happy with what I do. Kaya kahit na I was away from my family while taping the series, okay lang kasi I am happy to be working. I am also thankful na I have a very supportive husband. I am happy and thankful for this show,” wika pa niya.

 

 

Beauty said that through Paano ang Pangako? ay na-realize niya what is her purpose in life and that is to bring joy, to make people through her craft as an actress.

 

 

***

 

 

KONTRABIDA naman ang role ni Karel Marquez sa Paano ang Pangako? pero gusto niya ito kasi maganda ang role niya.

 

 

“Kahit na kontrabida ang role ko, I can relate to it kasi nanay din ako. Kahit sinong nanay will be very protective of her son. Kung nagiging kontrabida man ako, dahil iyon sa matinding pagmamahal ko sa anak ko. A mother would do anything for her son,” pahayag ni Karel.

 

 

Parang nagkaroon daw siya nang totoong pagmamahal kay Kyle Valino, who plays her son in Paano ang Pangako?

 

 

Kahit na ilan beses na rin naman siyang gumanap na kontrabida, Karel says there is always a challenge doing another kontrabida role.

 

 

“I mean, you have to make it different from the last role that you did. Pero I must say my role in Paano ang Pangako? as Karen Dominante-Cruz is one of my favorite among the many kontrabida roles na nagawa ko na.”

 

 

Sabi ni Karel na ang maganda sa role niya ay lagi itong may kakabit na surprise sa bawat eksena. Minsan medyo may pagkakomedi ang dating. Masaya rin siya nag-viral ang eksena kung saan sinalpak ng cake ni Beauty ang mukha niya.

 

 

“We are happy na mataas ang viewership naming. Kaya sana huwag silang bibitiw sa last two weeks dahil marami pang mangyayari na sorpresa,” dagdag ni Karel.

 

 

Ang finale ng Paano ang Pangako? ay magkakaroon ng special marathon on April 3, Black Saturday, from 2pm-7pm on TV5.  (RICKY CALDERON)