• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2021

Russell Crowe Joins the Cast of Marvel’s Thor: Love and Thunder

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANOTHER A-list celebrity joins the cast of Marvel’s Thor: Love and Thunder with the addition of Gladiator star Russell Crowe.

 

 

Joining Chris Hemsworth, who is reprising his role as the God of Thunder; Natalie Portman; and Christian Bale, who will be playing the villain.

 

 

Crowe’s role is being kept under wraps and the hope was to surprise fans with this fun cameo when the film was released, but following recent photos of Crowe hanging out with the cast all over Australia, Deadline has confirmed he is in the movie.

 

 

Insiders say Crowe is one of many surprises to come out of the film, with Matt Damon also confirmed to reprise his cameo as Loki from Thor: Ragnarok. 

 

 

A host of set photos from the fourth Thor film in the Marvel Studios franchise have spoiled surprise cameos that are scheduled to take place.

 

 

Photos released at the beginning of March revealed Melissa McCarthy will make her Marvel Cinematic Universe debut as Hela in Thor: Love and Thunder.

 

 

McCarthy will take on the role of Cate Blanchett’s Hela. McCarthy was also joined by her husband Ben Falcone and Luke Hemsworth as the trio re-enacts their take on the star-studded play scene.

 

 

There have also been rumors that Jeff Goldblum’s Grandmaster may also return in Love and Thunder. Goldblum was seen with Love and Thunder director Taika Waititi and Thor actor Chris Hemsworth at Stadium Australia as the group watched a National Rugby League match between the South Sydney Rabbitohs and Sydney Roosters. Coincidentally, the group took in the festivities from Russell Crowe’s private box.

 

 

Directed by Taika Waititi, Thor: Love and Thunder stars Chris Hemsworth as Thor, Tessa Thompson as Valkyrie, Natalie Portman as Jane Foster, Jaimie Alexander as Lady Sif, Chris Pratt as Star-Lord, Dave Bautista as Drax, Karen Gillen as Nebula and Christian Bale as Gorr the God Butcher.

 

 

The film arrives in theaters May 6, 2022. (ROHN ROMULO)

Phil. Football Federatpom iniurong ang pagbubukas ng 2021 season

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon ang Philippine Football League (PFL) na buksan ang 2021 season sa Hulyo 17.

 

 

Unang itinakda ang nasabing pagbubukas ng season mula Abril hanggang Mayo 2021 sa pamamagitan ng bubble format.

 

Sinabi ni PFF president Mariano Araneta Jr na dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay minabuti nilang kanselahin ang Copa Paulino Alcantara cup at iurong na rin ang pagbubukas ng 2021 season.

 

 

Target rin nila na dagdagan ang mga matches gaya ng mga iminungkahi ng ilang mga football clubs.

 

 

Nakabili na rin ang PFF ng COVID-19 vaccines para sa mga manlalaro at mga opisyals ng PFL Teams.

Training camp ng Gilas sa Calambubble tigil muna!

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling bubuwagin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Ito ay dahil na rin sa nakakaalarmang pagdami ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na siyang dahilan upang ibalik sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble.

 

 

Isa ang Laguna na pinagdarausan ng training sa bubble kasama ang National Capital Region, Rizal, Bulacan at Cavite.

 

 

Mismong si second window Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico ang nagkumpirma na lilisanin na ng Gilas Pilipinas pool ang Calambubble kahapon.

 

 

Wala pang linaw kung kailan muling babalik ang Gilas Pilipinas sa ensayo.

Ensayo ng Gilas Pilipinas apektado dahil sa ECQ

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis na naapektuhan ang pagsisimula ng training ng Gilas Pilipinas para sa Asia Qualifiers matapos na tuluyang kanselahin ng Phlippine Sports Commission ang mga training dahil sa paglalagay sa enhanced community quarantine ng National Capitla Region, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

 

 

Base sa naging abiso ng PSC sa National Sports Association (NSA) na kanilang sinusupendi ang lahat ng mga indoor at outdoor training sa nasabing lugar.

 

 

Kasalukuyan kasing nagsasanay ang Gilas Pilipinas a Inspire Sports Academy sa Laguna at dahil apektado ng ECQ ay pansamantala nila itong itinigil.

 

 

Magugunitang naghahanda ang Gilas para sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers at ang FIBA Olympic Qualifiers na gaganapin sa Hunyo.

 

 

Kasama ring kinansela ng Games and Amusement Board ang mga professional sports competitions at group trainings.

PVL sunod na target ni Santiago

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabangan na ang pagbabalik ni Jaja Santiago sa Pilipinas para palakasin ang Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) na inaasahang masisimulan sa Mayo.

 

 

Galing si Santiago sa impresibong kampanya sa Japan.

 

 

Tinulungan nito ang Ageo Medics na maibulsa ang korona sa Japan V.League Division 1 V Cup noong Linggo sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

 

 

Pinataob ng Saitama Ageo Medics ang NEC sa finals sa bendisyon ng pukpukang 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 desisyon.

 

 

Sa naturang laro, nagtala si Santiago ng 11 puntos tampok ang siyam na attacks.

 

 

Masayang uuwi si Santiago sa Pilipinas tangan ang gintong medalya na bunga ng paghihirap at pagtitiyaga nito sa Japan.

 

 

Si Santiago ang kauna-unang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa isang international competition bilang import.

 

 

Ito ang ikalawang me-dalya ni Santiago sa Japan matapos makasikwat ng tanso noong nakaraang taon kasama ang parehong team.

QC Mayor Belmonte muling nagpositibo sa COVID-19

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo sa ikalawang pagkakataon si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

 

 

Sinabi nito na nakaranas siya ng mild symptoms at kasalukuyang naka-quarantine sa isang pasilidad ng lungsod.

 

 

Dagdag pa nito na hindi niya akalain na magpositibo siya ulit matapos ang walong buwan ng unang nagpositibo sa nasabig virus.

 

 

Tiniyak naman niya na sumusunod ito sa protocols na ipinapatupad ng Department of Health, IATF at maging ang sariling Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

 

 

Patuloy din ang panawagan niya sa mga kababayan na mahigpit na sundin ang mga panuntunan na ipinapatupad ng mga gobyerno para hindi na dumami pa ang bilang ng mga nadadapuan ng virus.

Ads March 31, 2021

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.

 

 

Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.

 

 

Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong ‘70s and ‘80s tulad ng Sayang,” “Nakaw na Pag-Ibig” and “Minsan, Minsan.” Nabigyan din si Claire ng titulong “Asia’s Sweetest Voice” at “Queen of Tagalog Songs”.

 

 

Tinanghal ding Jukebox Queen si Claire at ang mga kasabayan niyang sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Didith Reyes.

 

 

Nadiskubre si Claire sa edad na 15 noong manalo siya ng grand prize sa isang singing contest. Ang head ng judges na si George Canseco ang nagbigay ng unang break ni Claire sa pag-awit ng commercial jingle ng Hope.

 

 

Kinasal si Claire sa businessman na si Moises “Boy” de Guzman noong 1978 at meron silang dalawang anak na sina Gigo at Mickey. Pumanaw si Boy noong 2006 dahil sa sakit na cancer.

 

 

In 1993, pinasok ni Claire ang transportation business sa pamamagitan ng King of Kings Transport. Naging president si Claire ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA) noong 1999. At pinag-aralan niya ang transport management sa PUP noong 2003.

 

 

Naging successful na businesswoman din si Claire. Nagkaroon siya ng restaurants at cosmetic business. Nagtapos siya ng Masters in Business Administration at the University of Western Australia in 2005.

 

 

Huling recording ni Claire ay noong 2010 with Michael Bolton sa duet ng “The Christmas Song”. Ni-release ito sa kanyang Christmas album under Viva Records.

 

 

***

 

 

NABUHAY ang fans nila Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix dahil sa pagsasamahan nilang episode sa hit mini-series na I Can See You: #Future.

 

 

Kinagiliwan ng KyGuel fans ang photo ng dalawa na nakahiga at magkayap. Tinawag ng fans ang picture na “burger” dahil nakasuot si Miguel ng burger costume habang yakap si Kyline.

 

 

Napagkatuwaan na rin ng fans na gumawa ng Twitter account na pinangalanan nilang “Burger” na kung saan ay nagpu-post sila ng mga updates tungkol kina Miguel at Kyline.

 

 

Sa isang virtual interview, tinanong si Kyline tungkol sa “burger” photo nila ni Miguel.

 

 

Sagot ni Kyline: “‘Yong eksena na ‘yan mapapanood n’yo ‘yan sa medyo dulo-dulo part so dapat n’yo talagang tutukan ‘yang eksena na ‘yan. Lahat nung nasa set nung time na ‘yon sobrang kinilig sa nangyari sa eksena na yon.”

 

 

Mapapanood na ang I Can See You: #Future sa April 5. (RUEL J. MENDOZA)

Tiniyak na may libreng sakay

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

 

Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa mga nasabing lugar.

 

“Hindi kagaya noong unang ECQ. Ngayon tuloy po ang mga pampublikong sasakyan, kaya nga lang istrikto na 50% capacity at saka iyong seating capacity. So hindi totoo na dapat maging problema iyan, dahil unang-una halos lahat ng industriya, kaunti lang po iyong industriyang pinayagan nating bukas, lahat po tayo ngayon homeliners,” ayon kay Sec. Roque.

 

At kahit aniya pa nagbawas ng public transportation ay masasabing sapat pa rin ito dahil ipinagbawal na ring lumabas ang 18 years old pababa at ang 65 years old pataas.

 

“Natuto na tayo noong leksiyon noong unang ECQ na naglalakad ang ating mga kababayan. So pinayagan natin ang halos lahat ng pampublikong transportasyon,” aniya pa rin.

 

“Ito nga iyong mga transportation na allowed nasa screen, iyong mga domestic flights hindi natin pinatigil, ang international flights, ang inbound 1,500, allowed ang mga sea vessels, 50% capacity, ang mga tren allowed, ang ating PUVs allowed, ang ating traditional jeepneys allowed. Tapos allowed iyong ating MV express, taxi, TNVS, tricycle, allowed din, iyong ating angkas at saka provincial buses. At siyempre, iyong ating mga frontliners, magpakita po kayo ng ID,” litanya ni Sec. Roque.

 

Tiniyak din ni Sec. Roque na mayroon ding libreng sakay ang gobyerno.

 

Napaulat na walang masakyan ang mga pasahero patungo sa kanilang mga trabaho sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-probinsya nito.

 

Sa katunayan, halos nasa gitna na ang mga tao sa  kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City dahil sa madalang na pampublikong sasakyan. (Daris Jose)

Pinakamatinding kalaban tinukoy ni Pacquiao

Posted on: March 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinukoy ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang pinakama­tinding kalabang nakaharap nito sa kanyang buhay — ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Masuwerte ang Pinoy champion dahil hindi ito kasama sa mga tinamaan ng COVID-19 maging ang sinumang kapamilya nito.

 

 

Subalit nawasak ang puso ni Pacquiao dahil sa epektong dulot nito sa mga kababayang lubos na nalugmok sa hirap dahil sa pandemya.

 

 

“Hindi man ako lumaban sa boxing ring, ito ang pinakamabigat na laban na nakaharap ko dahil nadama ko ang hirap na binibigay nito sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mahihirap na tao, sa mahihirap na pamilya,” ani Pacquiao.

 

 

Alam ni Pacquiao ang ganitong karanasan dahil galing ito sa hirap.

 

 

Ikinuwento pa nito ang kanyang naging buhay noong nakalubog pa ang ka­nilang pamilya sa kahirapan.

 

 

May pagkakataon na halos hindi na kumakain ng sapat ang kanilang pamilya dahil sa kakulangan sa pera.

 

 

Kaya naman nais ni Pacquiao na makatulong sa mga kababayan nito partikular na ang mga mahihirap na dumaraan sa pagsubok.

 

 

Ikinuwento pa nito ang kanyang naging buhay noong nakalubog pa ang ka­nilang pamilya sa kahirapan.

 

 

May pagkakataon na halos hindi na kumakain ng sapat ang kanilang pamilya dahil sa kakulangan sa pera.

 

 

Kaya naman nais ni Pacquiao na makatulong sa mga kababayan nito partikular na ang mga mahihirap na dumaraan sa pagsubok.