• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 13th, 2021

Nadal ibinahagi na ang kahandaan sa Monte Carlo Masters

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda na si World Number 1 Rafael Nadal para sa Monte Carlo Masters.

 

 

Sinabi ng Spanish tennis star na naging naghanda na ito at bumuti na ang kaniyang kalusugan.

 

 

Target din nito na makuha ang ika-12 na titulo sa Monte Carlo.

 

 

Huling nakapaglaro mula ng natalo ito sa Australian Open quarter-finals loss laban kay Stefanos Tsitsipas.

 

 

Mula noon ay hindi na ito nakapaglaro dahil sa back injury na kaniyang natamo sa Australian Open.

DINGDONG at MARIAN, nagpakilig na naman sa viral Sunday kulitan; may nagwi-wish ng Baby #3

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI na naman ang kinilig sa pinost ni Dingdong Dantes sa nakaka-good vibes na Sunday bonding moment nila ni Marian Rivera.

 

 

Na-capture nga ang sobrang saya ni Marian, habang nakatitig naman si Dingdong, may caption ito ng, Sunday kulitan in her new office. Naaaks…new office daw o!!

 


     “Sometimes all we have to do is just rearrange what is there to make things feel and look new. Kahit hindi naman.


Kaya ayun, good vibes tuloy.
 

 

Mas nakakakilig naman ang pinost na photo ni Marian sa kanyang IG account at may caption na, Quality time with my husband tonight. Thank you for always putting a smile on my face.”

 

Marami nga ang nag-like at nag-react sa viral photos nina Dingdong at Marian, ilan nga sa reaction ng netizens sa pinost ng mag-asawa na marami talagang pinasaya:

 

“Awww sweet and forever inlove #DongYan lang sapat na.”

 

“Apaw n apaw n nman puso ko sa happiness so kiliiig DongYan.”

 

“Hayyyy DongYan lang talaga ang malakas ang KILIG.”

 

“Parang mag jowa lang. Ka inggit!”

 

“Literal na SANA ALL.”

”Ay grabe sa inyo lang talaga aq kinikilig ng sagad sa buto. Yun puso ko nagwawala na naman sa kilig.”

 

“One of my favorite celebrity couple.. Napaka consistent ni Marian sa pagiging simple but effortless yung ganda.”

 

”That’s the secret to your happy marriage.”

 

May nagwi-wish na sana raw ay magkaroon raw sila ng bagong baby.

 

Sabi ng netizen, “I can’t. Kinikilig ako ng sobra! Sixto is turning 2, guess Baby #3 is in the works.”

 

Bakit nga ba hindi, kung ipagkakaloob ng Diyos, magkakaroon ng kapatid sina Zia at Sixto na magbi-birthday na sa April 16.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Dingdong ang kanyang fitness journey na nagsimula pa noong February upang makapagbawas ng timbang para na rin sa kanyang kalusugan.

 

 

Post niya, It is April 9 and, coincidentally, I am entering my 9th week into this wholistic, transformative and challenging exercise of trying to stay physically, emotionally and mentally healthy.


     “Buying a bike trainer is probably the best investment that i made when the lockdown started last year. It has become a morning ritual, where good friends and i would share workouts—and even ideas on how to survive this Pandemic. In fact, my decision to pursue @dingdong.ph happened in one of these sessions.


     “But more than its physical benefits, I truly look forward to my morning routine because it is something that i did not have the privilege of doing for the past 20 years due to the nature of my work. I also used this time to have the opportunity to listen to audiobooks, watch masterclasses, and reflect on spiritual videos.


     “However, I found myself gradually missing my morning sessions that my weight reached an all-time high of 210 lbs or 95 kgs. Because of this, there were days when i would feel kinda sluggish, down and unmotivated.


     “Last February, I decided to recommit myself to a lifestyle change with the help of some friends. And in 9 weeks, I have lost 21 pounds. I am still on my way though to achieving my goal in the coming months.


     “It is definitely not easy, and it will definitely not get easier. But with the proper motivation— my loved ones and my work who truly deserve my best self— i know i will be able to reach my target.


     “At the end of the day, this fitness journey is not only about looking good, but more importantly of feeling strong, sharp and of course…happy. #FORTY.”

 

Pagkaraan naman ng ilang araw, nag-post uli ang Kapuso Primetime King ng, First interval run of the week after injuring my foot last Saturday. Glad to be back on track with the usual suspects in Zoom. Have a safe and blessed Sunday everyone!

 

 

Paliwanag naman niya sa nagtanong kung ano ang nangyari, A piece of heavy wood fell right on my foot as i was clearing the garden last week… right in time for some simple egg-hunting activities, haha. It’s a good thing na walang fracture so am good to go!(ROHN ROMULO)

SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko .

 

Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9 bilyong pondo  para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.

 

Binigyan diin ng DOH na ang nasabing pondo  ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories at ang pagpapalawak ng kapasidad ng hospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t ibang medical equipment.

 

Sa P4.4 bilyon na inilaan sa ilalim ng Bayanihan I, P 4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at  biomedical microcentrifuges at iba pang medical equipment essential para sa pagtitiyak na na maalagaan ng mga ospital ang mga COVID-19 patients.

 

Samantala, ang inilaan naman na P4.5 bilyong sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon  nagamit hanggang  December 31, 2020 para konstruskyon ng temporary medical isolation at  quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at  expansion ng  government capacity sa buong bansa

 

Ang natitira namang P617 milyon at P 308 milyon ay nagamit  para sa pagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratory.

 

Sinabi rin ng DOH na magbibigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador nA humihiling para sa nasabing datos.

 

Binigyan diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang ang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

 

Binigyang diin pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon ng pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)

Ancajas alpas sa puntos vs Mexican, hari pa rin

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALEWALA ni Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas ang may 16 na buwang pagkakaburo dulot ng Covid-19 para tatlong beses itumba si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa eight round at hablutin ang unanimous decision upang mapanatili pa rin ang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight Linggo sa Mohegan Sun Casino and Resort sa Uncasville, Connecticut.

 

 

Bumagsak sa nabanggit na banatan, pinagpagpag iyon ng 25-taong-gulang na Mehikano at naging matibay na wakasan ang 12-round bout na pinakamahirap ni Ancajas sapul noong 2016.

 

 

“This the hardest ,” habol ang paghingang namutawi sa 29-anyos Pinoy na ipinanganak sa Panabo, Davao del Norte sa ninth title defense at umasenso ang  professional ring record sa 33-1-2 win-loss-draw na may 22 knockouts.

 

 

Dinale ni Ancajas ang score card ng tatlong Amerikanong sina Tony Paolillo, Tom Schreck at Don Trella na nagbigay ng 15-112, 116-111, at 117-110 para ibagsak sa 22-2-0 na may 16 Kos ang marka ng Mexican boxer.

 

 

Inagaw ng Davaoeño fighter ang titulo via UD victory rin kay Puerto Rican McJoe Arroyo ng Puerto Rico noong Setyembre 2016 sa Philippine Navy Gymnasium sa Taguig. (REC)

‘A4 priority list’ baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng abutin ng isa hanggang dalawang buwan pa ang dapat antayin ng mga nasa A4 priority list bago maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ang balitang ‘yan ang binanggit ni NEDA Undersecretary Rose Edillon, Lunes, habang tinatalakay ang mga sektor na masasama sa A4 priority list — o yaong mga sunod na babakunahan matapos ang healthcare workers, senior citizens at may comorbidities.

 

 

“Hindi pa kasi ganoon ka-definite ‘yung pagdami ng supply of the vaccine. But I think the best case scenario is we can start in May,” ani Edillon sa media forum ng Department of Health (DOH) kanina.

 

 

“Pero we can actually slide to June. And I think, of course, there’s that first and second dose, so it can be June, July, August.”

 

 

Marso nang sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na Abril matuturukan ng COVID-19 vaccine ang “general public,” kasama ang mga vulnerable at mahihirap na komunidad. Hindi pa ‘yon nasusunod.

 

 

Sa huling ulat ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 864,868 ang tinatamaan ng COVID-19. Patay na ang 14,945 sa bilang na ‘yan.

 

 

Ani Edillon, tumutukoy ngayon ang A4 priority sa mga “economic sectors” na madalas makisalamuha sa publiko. Kadalasan, ito raw ang mga sektor na kailangan para matiyak ang “seguridad, consumer at worker safety at mga nagtratrabaho sa priority government projects.”

 

 

Kasama sa naturang priority list ang sumusunod:

 

  • A4.1: Nasa commuter transport (lupa, himpapawid at karagatan), kasama ang logistics
  • A4.2: Frontline government workers sa justice, security at social protection sectors
  • A4.3: Tindero’t tindera sa mga palengke; nagtratrabaho sa grocery, supermarket; nasa delivery services
  • A4.4: Manggagawa sa pagmamanupaktura ng pagkain, inumin, gamot at pharmaceutical products
  • A4.5: Manggagawa sa food retail, kasama ang food service delivery
  • A4.6: Frontline workers ng gobyerno
  • A4.7: Frontlines workers mula sa serbisyong pinansyal
  • A4.8: Guro at iba pang kahalintulad na kawani sa medical at allied medical courses ng mga kolehiyo/unibersidad, kasama ang mga personnel na nag-aasikaso ng laboratoryo
  • A4.9: Frontline workers sa hotels and accomodation
  • A4.10: Mga pari, pastor at iba pang lider relihiyoso ng iba’t ibang paniniwala
  • A4.11: Construction workers sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno
  • A4.12: Gwardya/kawani na nakatalaga sa mga establisyamento, opisina, ahensya at mga organisasyon na tinukoy ng pamahalaan
  • A4.13: Overseas Filipino workers na wala sa ibabaw at yaong mga itatalaga sa ibayong dagat sa darating na dalawang buwan

 

 

Samantala, umabot na sa 1.13 milyon na ang natuturukan ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ayon sa ulat ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong araw.

 

 

Sa bilang na ‘yan, narito ang nabigyan na ng una at ikalawang dose ng gamot:

 

  • 1,007,356 (first dose)
  • 132,288 (second dose)

 

 

“Importanteng achievement po ito dahil lumapas na tayo ng 1 milyon na nabakunahan,” sabi ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang media briefing.

 

 

Si Roque ay positibo rin ngayon sa COVID-19 at sinasabing kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH).

Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executives ay itinuturing na essential frontliners na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

“Matagal niyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution niyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor REX matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.

 

 

“Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.

 

 

Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health workers na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.

 

 

As of April 7, Valenzuela City records 1,006 active COVID-19 cases Total of confirmed cases in the City are at 13,883 with 12,537 recoveries and 340 deaths.

 

 

Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligats na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan niyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.” (Richard Mesa)

‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC

Posted on: April 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have yet to be implemented,” ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19.

 

 

Ayon sa grupo, tila wala pa ring plano ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya dahil masyado umano itong kampante sa mga “short-term” o pang-madalian na hakbang tulad ng paghihigpit sa publiko.

 

 

Bagamat napapabagal naman daw ng mga quarantine ang pagkalat ng sakit, hindi pa rin umano maikakaila na nananatiling mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus.

 

 

“This ECQ may have slowed down the spread, but the numbers are still perilously high.”

 

 

Ilang rekomendasyon ang inilatag ng HPAAC bilang tugon sa iba’t-ibang problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nabibigyan ng karampatang tugon.

 

 

Nais ng grupo ng magtayo ang pamahalaan ng Incident Management Team para sa command at control ng NCR.

 

 

“There is inefficiency in allocating patients to the appropriate facility because there is no unity of command and effort between LGU-led and DOH-guided responses. This is why the sick and their families desperately find their own way across overflowing hospitals in the NCR hotspots, crowding out services in neighboring provinces and cities.”

 

 

Hinimok din ng medical experts ang gobyerno na magpasa ng batas para mas maging epektibo ang daloy ng datos ng mga nagkakasakit. Sa ganitong paraan daw magiging maayos ang referral network sa mga ospital at isolation facilities.

 

 

Pinabibilis din ng grupo sa gobyerno ang vaccine rollout sa pamamagitan ng aktibong pag-oorder ng supply.

 

 

“Adopt APAT Dapat and emphasize stronger messaging on ventilation measures… allocate adequate investment in social safety nets and support to populations at risk.”

 

 

Ayon sa grupo, kung mababalewala ang kanilang rekomendasyon, hindi malabong maulit lang ang sitwasyon at marami pa ang mamatay at magdudusa sa bansa dahil sa COVID-19.

 

 

“As the government inevitably lifts the ECQ, HPAAC asks: have critical bottlenecks to long-term solutions proposed been addressed? Are our systems and processes ready to protect the people from this surge?”

 

 

Batay sa huling tala ng Department of Health, aabot na sa 864,868 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.