• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 17th, 2021

DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria.

 

 

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke.

 

 

Napag-alaman na mismong  ang  Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station ang nagsuspinde ng  Divisoria Night Market vendors mula C.M. Recto corner Juan Luna hanggang C.M. Recto corner Ilaya.

 

 

 

Ayon kay Domagoso, sinuspinde ng tatlong araw ang mga nasabing vendor dahil sa naiiwan umano nilang “cluttered waste” katulad ng hasang at kaliskis ng isda at mga plastik.

 

 

 

Sa  loob aniya  ng tatlong araw na pagkakasuspinde ng night market ay nagsagawa naman ng declogging operation ang Barangay 7 at inasistehan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni P/SMS Gerardo Tubera. “

 

 

 

Pinabalik din naman umano ang mga vendor sa Divisoria Night Maret matapos ang tatlong araw kung saan sila ay nangakong lilinisin na ang kanilang mga estasyon bago at pagkatapos ng oras ng pagtitinda upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan dito, ayon sa alkalde.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Tubera ang mga manininda sa nasabing night market na panatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga pwesto dahil hindi umano ito mangingiming suspendihin ang mga susuway sa nasabing polisiya. (GENE ADSUARA)

Ads April 17, 2021

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Latest ‘Fast & Furious 9’ Trailer, Packed with High-Octane Action

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUCKLE up because Universal Pictures has unveiled the latest trailer for Fast & Furious 9.

 

 

In the ninth installment of the Fast & Furious Saga, Dom Toretto (Vin Diesel) must turn his back from a peaceful life with Letty and their son.

 

 

This is after a world-shattering plot is devised by a dangerous assassin and Dom’s own forsaken brother, Jakob (John Sena).

 

 

Watch the film’s new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=fEE4RO-_jug

 

 

The four-minute F9 trailer plays out like a movie clip for the first minute, before switching into more traditional trailer fare. It then sets up the stakes: Dom’s brother Jakob Toretto has got his hands on some MacGuffin that will apparently go into space to launch itself.

 

 

Yes, Fast & Furious 9 is going into space. That brings everyone back, including a certain someone from the dead: Han Lue (Sung Kang).

 

 

Directed by Justin Lee, who has helmed the third to sixth installments of the franchise, Fast & Furious 9 brings Vin Diesel back into the driver seat as the lead character Dom in Universal Pictures’ new high-octane action film.

 

 

This time, the stakes will take Dom and his crew to different parts of the globe– from London to Tokyo, from Central America to Edinburgh, and from a secret bunker in Azerbaijan to the teeming streets of Tbilisi.

 

 

In addition to Diesel, Cena and Kang, Fast & Furious 9 also stars Michelle Rodriguez as Dom’s wife Letty Ortiz, Tyrese Gibson as Roman Pearce, Ludacris as Tej Parker, Jordana Brewster as Dom’s sister Mia Toretto, Nathalie Emmanuel as Megan Ramsey, Helen Mirren as Magdalene Shaw, Charlize Theron as Fast & Furious 8 villain Cipher, Lucas Black as Sean Boswell, Bow Wow as Twinkie and Jason Tobin as Earl Hu (from The Fast and the Furious: Tokyo Drift), Anna Sawai as Elle, Michael Rooker as Buddy, and Cardi B as Leysa. Finn Cole, Vinnie Bennett, Ozuna, and Francis Ngannou have undisclosed roles on F9.

 

 

Fast & Furious 9 is set to be released on June 25(ROHN ROMULO)

GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs.  

 

 

Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung saan naghubad ito sa harap ni Yam Concepcion.

 

 

Dagdag pa ni Gerald, Dito sa bahay nakaganyan lang ako. Kumbaga parang normal lang sakin, nagulat ako ba’t nagustuhan pa ng mga tao yan.

 

 

Sinundan ito ng host na si Alora Sasa kung ano naman ang naging reaksyon ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto nang makita ang pinagpiyestahang boxer briefs scene niya.

 

 

“Naku, Alora. Ikaw talaga.

 

 

“Ang masasabi ko lang, napakainit ng comment niya do’n,” pag-amin pa ng yummy 32 year-old actor.

 

 

Natanong naman ang male cast ng Init sa Magdamag na sina JM de Guzman, Albie Casiño, at Nikko Natividad kung gaano ‘kainit’ ang estado ng kanilang mga puso ngayon.

 

 

“Baguio,” mabilis na sagot ni JM na ibig sabihin ay nanlalamig.

 

 

“Zero” naman ang mabilis na sagot ni Albie.

 

 

Tugon naman ni Hashtag Nikko, “Para na lang siguro sa bata yung pagsasama namin.

 

 

“Masaya naman po ang aming relationship.”

 

 

Huling tinanong si Gerald at tinanong muna ang naging sagot co-star niya sa serye bago sinabing perfect 10 ang init ng kanyang lovelife.

 

 

“Yung zero ni JM lagyan mo ng 1,” sambit niya.

 

 

Sa Lunes, Abril 19 mapapanood na ang ang Init sa Magdamag pagkatapos ng sinusubaybayan naming Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.  Mapapanood din sa TFC, iWant TFC, WeTV, at iflix.

 

 

***

 

 

LAST Wednesday, nag-issue nga ng statement ang Star Magic para warningan na may legal action na haharapin ang mga bashers na nagbabanta sa buhay ng anak ng Kapamilya stars sa social media.

 

 

Ayon sa Kapamilya talent management arm, “Those irresponsible and unnecessary, but they are also downright heartless and cruel.”

 

 

“We stand with our artists in calling out these people who may be liable for violating the law against child abuse (Republic Act 7610) and existing libel laws.

 

 

“We will not hesitate in seeking legal action to make sure these individuals, whose posts have already caused undue hurt and trauma, will learn their lesson,”

 

 

Matatandaan na ni-reveal nina Carlo Aquino at Trina Candaza sa kanilang IG account na pinagbantaan ng netizen ang buhay ng panganay na anak na si Baby Enola Mithi.

 

 

Kaya naman bilang mga magulang ay galit na galit sila sa pambu-bully ng walang pusong bashers sa walang kalaban-laban na sanggol.

 

 

Pinost niya ang statement ng Star Magic at nilagyan niya ng caption na, “Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban?

 

 

“Wala ba kayong mga anak? Pamangkin? Huwag sana ganun kawalang puso

 

 

“Ingatan natin ang mundong kakalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa mga anak ng artista, pero para sa lahat.”

 

 

Bukod sa anak ni Carlo, biktima rin ng online bashing ang cute baby ng young celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude Trevor.

 

 

Wish lang namin na sa tulong ng NBI ay may managot sa ganitong klase ng pamba-bash sa social media. (ROHN ROMULO)

Mga brgy officials na tatangging tulungan ang mga residenteng may Covid-19, kakasuhan ng DILG

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay personnel na hindi reresponde sa concerns ng mga residente na infected ng COVID-19

 

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr. na hinihikayat nila ang publiko na i-report sa kanila kung mayroon silang mararanasang ganoong pagtrato.

 

“Aming aaksyunan ‘yan at kakasuhan natin kung talagang hindi sila tumutugon sa kanilang responsibilidad,” anito.

 

Ani Florece, marami na silang natatanggap na report na may ilang barangay personnel ang tumatangging tulungan ang kanilang mga residente na infected ng Covid -19 sa takot na mahawaan sila ng virus.

 

Aniya, ipinag-utos na ng DILG sa mga barangay officials na pangasiwaan ang COVID-19 situation sa kani-kanilang lugar.

 

Tinukoy din nito ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Health Events of Public Health Concern Act para bigyang diin ang pananagutan ng barangay personnel.

 

Samantala, ang mga barangay personnel ay bahagi rin aniya ng barangay health emergency response teams o BHERTs.  (Daris Jose)

P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila.

 

 

Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong  at Marissa Manansala.

 

 

Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit  kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang  367.6 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P2,499,680.

 

 

Nakumpiska naman kina Manonog at Manansala  ang  18 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 160 gramo nang maaresto naman ng mga tauhan ng Barbosa Police Station- MPD PS 14.

 

 

Tinatayang aabot sa P1,088,000 ang halaga ng iligal na droga na nasamsam sa dalawang babaeng suspek.

 

 

Ayon sa MPD, matagal nang minamanmanan ang mga suspek na pawang mga target sa operasyon dahil sa kanilang iligal na aktibidad.

 

 

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang supplier ng mga suspek  ng iligal na droga. (GENE ADSUARA)

Moratorium sa pagmimina, binawi na ni Duterte

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na moratorium sa pagmimina.

 

 

Sa inilabas na Executive Order No. 130 ng Malacañang na pirmado ni Pangulong Duterte kahapon, Abril 14, 2021, nakasaad na maaari nang pumasok muli ang pamahalaan sa bagong mineral agreements alinsunod sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang mga batas.

 

 

Dahil dito, maaari nang ipagpatuloy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbibigay at pag-iisyu ng exploration permits sang-ayon sa umiiral na batas at mga panuntunan.

 

 

Inaatasan din ang DENR na bumuo ng terms and conditions sa bagong mineral agreements kung saan magagamit nang husto ng gobyerno ang kita at shares nito sa produksyon, kabilang na ang posibilidad na ideklara ang mga lugar na ito bilang mineral reservations para makakuha ng kaukulang royalties.

 

 

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan din ang DENR na i-review ang existing mining contracts at mga kasunduan para sa posibleng renegotiation sa terms and conditions na magiging katanggap-tanggap sa gobyerno at sa mining contractor.

 

 

Nakasaad din sa EO 130 na kailangang magpatupad ang DENR ng mahigpit na mines safety and environmental polices at mga patakaran ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) para sa lahat ng mining operations na naglalayong maoobserbahan ang environmental protection at maging responsable ang pagmimina.

 

 

Ang pagbawi na ito ni Pangulong Duterte sa moratorium sa pagmimina ay matapos makapagpatupad na ng mga bagong batas ang pamahalaan para sa pag-rationalize ng existing revenue sharing schemes and mechanisms kasama na ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act na nagtatakda ng dobleng rate sa excise tax sa minerals, mineral products at quarry resources sa 4 porsyento mula sa dating 2 porsyento. (Daris Jose)

Business groups sa China: ‘Igalang ang soberenya ng Pilipinas’

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumama na rin ang ilang malalaking grupo ng mga negosyante na umaapela sa China na lumayas na ang mga barko nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

 

 

Kabilang sa mga business groups na nanawagan ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Management Association of the Philippines (MAP), Iloilo Business Cluib, Inc., Makati Business Club (MBC) at iba pa.

 

Hiling nila sa China na sana igalang ang soberenya ng Pilipinas at kalapit na mga bansa.

 

 

the sovereignty of the Philippines and other neighboring countries for it is only through peaceful co-existence that we can achieve prosperity for all.”

 

 

Binigyang diin din ng business groups na sinusuportahan nila ang panawagan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, DFA at iba pang pang government officials na paalisin na ng China ang kanilang mga sasakyang pandagat sa Julian Felipe Reef.

 

 

Inungkat din ng grupo na ang naturang bahagi ng karagatan ay malinaw na pag-aari ng Pilipinas batay na rin sa 2016 ruling ng UN Convention on the Law of the Seas.

 

 

“China and the Philippines share many things in common including being subjugated by colonizers and having their natural resources plundered. Now that China is strong economically and militarily, we call on China to refrain from becoming an imperial power. In 1974, Deng Xiaoping said “If one day China should change her color and turn into a superpower, if she too should play the tyrant in the world and everywhere subject others to her bullying, aggression and exploitation, the people of the world should expose it, oppose it and work together with the Chinese people to overthrow it,” bahagi pa ng joint statement ng business groups.

WHO, PH vaccine experts inirerekomenda pa rin ang AstraZeneca vaccines: FDA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirerekomenda pa rin ng mga eksperto ang paggamit sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.

 

 

Ito’y kasunod ng pansamantalang suspensyon sa pagtuturok ng naturang bakuna dahil sa “very rare side effect” na pamumuo ng dugo at mababang  platelet counting.

 

 

“Dumating na yung recommendation ng WHO, vaccine expert panel, at adverse event committee (National Adverse Events Following Immunization Committee) atsaka mga expert natin at unanimous naman lahat na yung paggamit ng bakuna overall ay talagang the benefit outweighs the known and the potential risk,” ani FDA director general Eric Domingo.

 

 

Nilinaw ng opisyal na sa ngayon wala pang naitatala ang NAEFIC na mga kaso ng blood clotting at mababang platelet count mula sa mga nabakunahan ng AstraZeneca vaccines.

 

 

Kung maaalala, ilang kaso ng naturang side effects ang iniulat sa Estados Unidos at Europa kamakailan, pero nilinaw ng European Medicines Agency na “very rare” lang ito at may benepisyon pa rin sa paggamit ng British-Swedish vaccine.

 

 

“Nangyayari (yung very rare side effect) sa one is to every 150,000 or one is to 1-million vaccinees, so kung titingnan natin mas malaki pa rin ang benepisyon kung gagamitin ang bakuna.”

 

 

Sumulat na raw si Domingo sa kalihim ng Department of Health para ipaalam ang posisyon ng mga kinonsultang dalubhasa.

 

 

“Tamang-tama naman dahil paparating yung next vaccine (supply) natin within two to three weeks… magkakaroon ng panahon yung DOH na gumawa ng bagong guidelines kasi kailangan lang paalalahanan ang mga magbabakuna that there’s the possibilty of these rare side effect at ano ang gagawin; at kung sino ang pwedeng bigyan ng bakunang ito,” ani Domingo.

 

 

Dahil sa rekomendasyon ng FDA, tiyak umanong makakatanggap ng ikalawang dose ang populasyong nakatanggap na ng unang dose ng AstraZeneca vaccine. (Daris Jose)

OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR.

 

 

Mayroon daw silang ginagawang dalawang vaccine models na may iisang layunin para mapabuti ang pagsasagawa ng vaccination program.

 

 

Maari aniyang magreklamo ang ibang rehiyon subalit dapat isipin na ang malaking bilang ng kaso ng COVID-19 ay naitatala sa NCR at Calabarzon, Rizal at Bulacan.

 

 

Kapag aniya na natugunan ang nasabing problema sa nabanggit na mga lugar ay tiyak na mayroong epekto ito sa ibang mga rehiyon.

 

 

Dapat daw nakatuon ang gobyerno sa lugar kung saan mayroong mataas na kaso ng COVID-19 na ito ay ang NCR at Calabarzon.