• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 17th, 2021

EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India.

 

Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may isa pang dokumento na hindi pa rin nito naisusumite.

 

Ani Domingo, kailangan lamang na mapatunayan ng Indian pharma company na nasusunod ng kanilang factory ang mga good manufacturing practice.

 

Ngunit hanggang sa kasalukuyan  ay bigo pa rin itong makapagsumite ng sertipikasyong ito na kukunin nila sa inspecting body.

 

Sinabi pa ni Domingo na kung sakali’t makakuha na nito ang bharat biotech ay makasisiguro aniya ito na agad na gugulong ang proseso ng FDA para sa pagkakaloob ng EUA.

Ilang health expert, may paalala sa mga may high blood at sakit sa puso na nagnanais na makatanggap ng bakuna kontra Covid-19

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ni Philippine Heart Association at Cardiologist Dr. Orly Bugarin ang mga mamamayang Filipino na may akit sa puso at high blood na nais magpaturok ng Covid-19 vaccine.

 

Sa Laging Handa briefing ay sinabi ni Bugarin na hindi ipinagbabawal sa kanila ang tumanggap ng bakuna subalit kailangan aniya na siguraduhin ng mga ito na iniinom nila sa tamang oras ang kanilang mga maintenance na gamot, maingat sa mga kinakain at tiyakin ang pagkakaroon ng Healthy lifestyle habits.

 

Kung sakali naman aniya na nandoon na sila sa mga vaccination area ay kailangan lamang na manatiling kalmado, maging pasensyoso sa pag-aantay, itigil ang pag-inom ng kape, huwag uminom ng mga pain relievers at gawin ang lahat ng paraan upang hindi tumaas ang presyon ng dugo.

 

Importante aniya talaga ng buo ang mga sarili kung nais na magpabakuna kontra Covid19.

 

Samantala, muli namang inulit ni Bugarin na hindi dapat na maging hadlang ang pagkakaroon ng high blood o cardiovascular diseases para maturukan ng vaccine laban sa virus. (Daris Jose)

DONITA ROSE, corporate chef na sa isang sikat na Filipino supermarket chain

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG binalita ni Donita Rose na siya na ngayon ang corporate chef para sa sikat na Filipino supermarket chain sa United States na Island Pacific.

 

 

Sa kanyang Instagram, heto ang post ni Donita: “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together with @gtongi & @maricelaguilar2010 to bring Philippine Cuisine to the next level.”

 

 

Nagdesisyon na bumalik sa US si Donita last year dahil mas gusto niyang malapit siya sa kanyang pamilya ngayong may pandemic.

 

 

Wala ring permanenteng trabaho si Donita sa Pilipinas kaya binalikan niya ang kanyang pagiging chef sa US.

 

 

***

 

 

PAUSE muna ang Centerstage sa kiddie biritan simula ngayong Linggo.

 

 

Pansamantala munang hindi mapapanood sa telebisyon ang original reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na Centerstage.

 

 

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantala munang ititigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.

 

 

Wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil sa May ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.

 

 

Samantala, balikan naman ang nakakabilib na performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 na pansamantala munang mapapanood sa timeslot ng Centerstage. 

 

 

***

 

 

NAG-AGREE sa joint custody sina Kim Kardashian at Kanye West sa apat nilang anak na sina North, Chicago, Saint and Psalm.

 

 

Sa kanilang divorce files, nakasaad pareho ang “irreconcilable differences” na cause ng paghiwalay nila.  Nag-agree din sila na hindi nila kailangan ng spousal support.

 

 

According to Kardashian’s filing, they kept their property separate throughout their marriage because of the terms of a pre-nuptial agreement.

 

 

Isa ring dahilan kung bakit hiniwalayan ni Kim si Kanye ay dahil sa erratic behavior nito dala ng bipolar disorder.

 

 

“Kanye is a brilliant but complicated person, sey ni Kim sa isang interview. (RUEL J. MENDOZA)

YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito.

 

 

Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special.

 

 

Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi.

 

 

“Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that you came up to me. Dont lose that.

 

 

Lots of people don’t do that. Don’t lose that.  When you see someone who’s your senior, do that,” sabi ni Sharon kay Yassi.

 

 

“Of course,” sagot naman ni Yassi.

 

 

“That’s what I used to do,” sabi ni Sharon.

 

 

“Respect,” sagot naman ni Yassi.

 

 

“Love you. That’s good,” huling sabi ni Sharon.

 

 

May 202,802 views na ang nasabing video. Sabi pa ni Ate Shawie, hindi niya malilimutan ang gesture iyon ni Yassi.

 

 

Marami ang pumuri sa ginawang iyon ni Yassi. Marami rin ang natuwa nang i-upload ni Sharon ang nasabing video.

 

 

Marespeto raw talaga sa kanyang mga katrabaho si Yassi, na dapat niyang ipagmalaki.

 

 

Sa comments section nga ay may mga humihiling na sana raw ay magkasama sa isang project sina Sharon at Yassi.

 

 

***

 

 

SI Ben Hur Abalos na ang bagong MMDA chairman at nakipagpulong na siya sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival.

 

 

Sa nasabing meeting ay napagdesisyunan nila na hindi na ituloy ang Summer Metro Manila Film Festival.

 

 

Dahil hindi pa naman magbubukas ang mga sinehan kaya ang desisyon ng Execom ay sa December na lang uli ituloy ang festival. Apektado rin naman ng pandemya ang trabaho ng filmmakers.

 

 

Dalawang movies na lang ang naiwan sa 1st Summer MMFF – Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paolo Avelino at A Hard Day ni Dingdong Dantes.

 

 

Pero puwede naman daw ito i-submit sa December film festival kung nais ng mga producer. (RICKY CALDERON)

Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic.

 

 

Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic.

 

 

Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. Magugunitang taong 2013 at 2015 ng tanghaling kampeon sa Monte Carlo si Djokovic.

 

 

Susunod na makakaharap ng ranked 33 na si Evans si ranked 11 David Goffin.

Nasa 1.5-M manggagawa nawalan ng hanapbuhay dahil sa ECQ sa NCR plus – Sec. Lopez

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang nasa 1.5 million manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Sa isang briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang hanapbuhay matapos na ibinaba sa Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR Plus.

 

 

Ayon kay Lopez, makakabalik lamang ang nalalabing isang million na manggagawa sa kanilang hanapbuhay sa oras na ilagay sa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

 

 

Sa pagluluwag ng quarantine status sa NCR Plus, mas marami kasing mga establisiyemento ang pinayagan na muling makapagbukas pero sa skeleton workforce on-site. (Daris Jose)

Injuries ng mga players isinisi sa ‘brutal’ na games scheduling ng NBA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isinisi ngayon ng mismong ilang mga NBA managers ang mahigpit na scheduling na siyang dahilan umano ng maraming injuries ng marami nilang mga players.

 

 

Ayon sa ilang general managers na tumangging isapubliko ang mga pangalan, mas matindi pa ngayon ang torneyo kumpara sa ginanap na NBA bubble noong nakaraang taon sa Florida.

 

 

Sinabi naman ng iba, ito na ngayon ang worst scheduling sa kasaysayan ng liga dahil sa mga dikit dikit na mga laro at magkakasunod pa.

 

 

Naghahabol din kasi ang NBA na tapusin ang torneyo bago ang Tokyo Olympics sa Hulyo.

 

 

Samantala, tinawag naman ng ilang team managers na masyadong “brutal” ang sistema ngayon sa mga laro na dulot ng krisis sa pandemya.

 

 

Liban sa mga injuries, may mga players din na biglang inaalis sa court dahil sa isyu sa contact tracing sa mga nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Kung maalala ilan lamang sa maraming superstar na injured ngayon ay sina LeBron James, Anthony Davis, Fil Am player Jordan Clarkson, Kevin Durant, James Harden, LaMarcus Aldridge, Blake Griffin, Jamal Murray, Trae Young, Kawhi Leonard, Gordon Hayward, Marc Gasol at marami pa.

Gobyerno, naghahagilap pa ng mapagkukunan ng pondo

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINAHANAPAN pa ng gobyerno ng source of funding ang posibleng panibagong cash assistance na ipagkakaloob sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa naging pahayag ni Finance Sec. Sonny Dominguez, humahanap pa sila ng potensyal na mapagkukunan ng pondo upang hindi tumaas ang budget deficit ng bansa ngayong 2021.

 

Aniya, ang gusto ng pamahalaan ay magkaroon ng fiscal deficit na hindi lalampas ng 8.9% para sa kasalukuyang taon.

 

Ito ang dahilan kung bakit tahimik pa ang executive branch kaugnay sa isinusulong na Bayanihan 3 sa Kongreso.

 

Sa kasalukuyan, tanging pakiusap nila sa Kongreso ay ang makipagtulungan ito sa paghahanap ng mapaghuhugutan ng pondo para sa posibleng panibagong ayuda na ibibigay sa mga lugar na apektado ng MECQ. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binatikos ng ilang PBA play­­-­­­ers at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu.

 

 

Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players.

 

 

“Sad to see people/players playing the sport that gives livelihood to a lot of athletes. Wish they could treat it with respect and integrity,” ani Ravena sa kaniyang Twitter post.

 

 

Hindi rin maitago nina San Miguel guard CJ Perez, Magnolia Hotshots star Paul Lee, Magnolia veteran Marc Pingris, Bacon Austria, Robert Bolick at Gilas Women standout Jack Animam ang kanilang pagkadismaya.

 

 

Nakiisa rin sina Mighty Sports coach Charles Tiu at coach Allan Gregorio sa mga bumatikos.

 

 

“Binababoy niyo ang laro. Maraming player ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic at gustung-gustong maglaro, kayo ‘yung mga pinagpala para makapaglaro tapos ganyan. Hindi ako perfect sa laro pero madaming questionable dito para sakin,” ani Lee.

 

 

Nag-ugat ang lahat nang mapansin ang kakaibang laro sa pagitan ng Lapu-Lapu at Siquijor noong Miyerkules kung saan kitang-kita ang lantarang “sablay” na tira kabilang na ang isang wide-open layup na namintis pa ng isang player.

 

 

Lumutang pa ang videos ng sadya ang pagmintis sa free throw ng ilang players na tila pinaglalaruan lamang ito kung saan sa unang tira ay kaliwa ang gamit habang sa ikalawang attempt, ay kanan naman ang gamit.

 

 

Kaya naman napaulat na nagdesisyon ang pamunuan ng liga na itigil ang laban para imbestigahan ang posibleng game-fixing issue.

 

 

“Seeing this video just infuriates me. I mean seriously? Respect the game. Being given a chance to make a living during this pandemic when people are jobless should not be taken for granted,” ani Tiu.

Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect.

 

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya itong inuman ng simpleng gamot na analgesics o kaya’y paracetamol.

 

Pero dapat niyang iwasan ang pag-inom ng mga tinatawag na prophylaxis o iyong mga pain reliever o NSAIDs dahil maaari  itong magpataas ng dugo o high blood pressure.

 

Ayon pa kay Bugarin, hindi rin nila hinihikayat ang pag-inom ng anumang gamot bago magpaturok ng bakuna.

 

Subalit, kung may mararamdamang sakit makaraang tumanggap ng vaccine ay doon lamang aniya dapat na uminom ng analgesics o paracetamol at agad na uminom ng maraming tubig at magpahinga. (Daris Jose)