• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 22nd, 2021

Clinical trial ng Ivermectin, inutos ni Pdu30

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikakasa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin at sleep-inducing drug na Melatonin upang mabatid ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa Department of Science and Technology (DOST) na magkasa ng clinical trial para sa Ivermectin para masubukan kung pupuwedeng gamot sa mga Pilipino.

 

 

Una nang sinabi ng DOST na hindi na kailangan ang clinical trials para sa Ivermectin dahil sa may 20 trials na malapit nang matapos at 40 pang isinasagawa ang iba’t ibang bansa.

 

 

Sa Pilipinas, nakarehistro ang Ivermectin bilang gamot ng mga beterinaryo at ginagamit lamang laban sa mga parasitiko.

 

 

Isasailalim din sa clinical trial ang melatonin na gamit naman ng mga nahihirapan na makatulog.

 

 

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ibinibigay din kasi ang melatonin sa mga pasyente na severe ang kaso at nakakabuti umano sa kundisyon ng mga pasyente.

 

 

Inaprubahan rin ang trials sa isang uri ng steroid na methylprednisolone na posibleng makatulong rin sa mga pasyente na malulubha ang kundisyon. (Daris Jose)

Guce sumalo sa ika-40 Puwesto, sinubi P48K

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIRIT ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamagarang hampas sa apat na araw sa one-under par 71 para sa two-over 290 sa pagtabla sa lima sa ika-40 katayuan na may $993 (P48K) sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic nitong Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.

 

 

Buwenamanong gana ito ng 2016 two-time  ST leg titlist sa kasalukuyang taon mula sa magkasunod na kamalasan, mintis sa finals ng unang dalawang yugto ng ‘Road to the Ladies Professional Golf Association Tour’ nitong Marso.

 

 

Iwan nga lang ng 17 palo sa kabuuan ang 30 taong-gulang na Pinay na hineta ang ama at nakabase na sa Estados Unidos, kay Ruixin Liu ng China, kinopo ang ang ikalawang sunod na korona sa pagdaig kay Morgane Metraux ng Switzerland sa second hole playoffs dahil sa identical 215 ng dalawa sa regulation play.

 

 

Pipiliting malampasan ni Guce ang finish na ito sa muling pagsalang sa fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Abr. 23-25 sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah. (REC)

Meet The New MCU Hero: Shang-Chi

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL Studios’ Shang-Chi and The Legend of The Ten Rings drops its first trailer and poster just in time for actor Simu Liu’s birthday!

 

 

Liu plays the film’s lead character Shang-Chi, a master of martial arts and the latest hero to arrive in the Marvel Cinematic Universe.

 

 

Titular star expressed excitement in his recent interview at EW about introducing the new MCU hero Shang-Chi on a global scale, “The most exciting thing about stepping into this character was that his backstory has never been told before.”

 

 

The actor added, “We know Peter Parker, who was bitten by a radioactive spider, and he loses his uncle. Shang-Chi’s story is very much unknown to most of the world, so we had a lot of freedom and creative liberty to make it the way that we wanted to.”

 

 

Check out the action-packed trailer for the upcoming film below: https://www.youtube.com/watch?v=giWIr7U1deA

 

 

Aside from the trailer, the actor also debuted the first teaser poster through social media.

 

 

And not only are we celebrating the release of the first teaser trailer but also star Liu’s birthday, too!

 

 

The actor shared a first look at the brand new poster for the movie across his social channels as a special birthday gift.

 

 

In the film, Shang-Chi will have to face the mysterious Ten Rings organization and its leader, the Mandarin. A popular villain in the comics, the Mandarin was thought to be the big bad in Iron Man 3, but the person Tony Stark came face-to-face with turned out to be a fraud.

 

 

In Shang-Chi and The Legend of The Ten Rings, however, the new hero will be facing the real deal.

 

 

The film also stars Tony Leung as Wenwu, Awkwafina as Shang-Chi’s friend Katy, and Michelle Yeoh as Jiang Nan, as well as Fala Chen, Meng’er Zhang, Florian Munteanu, and Ronny Chieng.

 

 

Shang-Chi and The Legend of The Ten Rings is directed by Destin Daniel Cretton and set to hit theaters on September 3, 2021.

 

 

It is the second MCU film slated for a release this year, following Black Widow‘s May 7 release date. (ROHN ROMULO)

36 DAYUHAN, INARESTO SA ILLEGAL GAMBLING

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO  ang 36 banyaga sa isang malaking pagsalakay  sa illegal online gambling companya sa Double Dragon Plaza  Tower 3 sa Pasay City.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang bureau ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho  nang walang kaukulang permit sa lugar.

 

“We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” pahayag ni  Morente.

 

Napag-alaman na ang nasabing kumpanya ay walang otoridad na mag-operate at hindi nag-aplay ng lisensya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na isang kailangan para sa mga online gaming company upang makapag-operate sa bansa.

 

Ayon naman kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang nasabing kumpanya ay nadiskubreng sangkot sa illegal live studio gaming kung saan ang mga operatos at management  ay binubuo karamihan ng mga Korean national.

 

“Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” ayon kay  Manahan.

 

Ang mga naarestong dayuhan ay walang mga visa at mga dokumento.

 

“We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” ayon pa kay Manahan.

 

“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” dagdag pa nito.

 

Kabilang sa mga naaresto ang 31 lalaki, 5 babae .

 

Dalawa sa kanila ang Chinese, 2 Indonesian at 32 ang Korean national.

 

Pansamantalang nakadetine sa   BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang mga banyaga habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR.

 

Muli naming nagbabala si Morente sa mga illegal aliens na huwag panamantala sa pandemya para gumawa ng iligal na aktibidad sa bansa.

 

“We call on all foreigners to legalize your stay,” ayon sa opisyal.

 

“Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws,” babala pa ng BI Commissioner. (GENE ADSUARA)

PDu30, duda na kasama si Lorenzana sa nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa anumang pagkilos para patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government.

 

Para kay Pangulong Duterte, isang malaking kalokohan na isipin pa ni Lorenzana ang magtatag ng revolutionary government at manguna na patalsikin siya sa puwesto.

 

“Do you think that he would still tinker with the kung ano-anong mga revolutionary government, revolutionary government? Kalokohan ‘yan ,” ani Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Sa kabilang dako, tinawag naman ni Presidetial Spokesperson Harry Roque na ‘kuwentong kutsero’ ang sinasabing balak umano ng ilang retiradong heneral laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kawalan nito ng aksiyon sa isyu ng West Philippine Sea.

 

“Kuwentong kutsero lang po iyan. Naniniwala po kami na lahat ng ating kasundaluhan ay tapat sa Republika at alam po nila na hindi po talaga panahon para sa pulitika ngayon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Binanggit din ni Roque na dapat ay hintayin na lamang ang eleksiyon dahil isang taon na lamang sa puwesto ang Pangulo.

 

Kung sa tingin aniya ng mga hindi naniniwala sa polisiya ng Pangulo ay hindi ito tama ay huwag na lamang iboto ang susuportahan nitong kandidato.

 

Sinabi rin ni Roque na hindi nababahala ang Pangulo kahit pa itinanggi na ng Department of National Defense at ng AFP ang sinasabing pagbawi ng suporta kay Duterte ng mga heneral.

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na kung sakali nga na ituloy ng militar ang plano ng mga ito ay uuwi siya ng Davao City at hahayaan ang military na magpaliwanag sa dahilan nang pagkakatalsik niya sa puwesto.

 

“If we cannot work together with just buy medicines, then maybe we cannot work together on bigger things. So what’s the point? Sinabi ko talaga sa kanila. I do not work where I am not needed. And then kayo na mag-explain, explain to the Filipino people bakit ganoon,” anito.

 

“If I cannot have the cooperation of the Armed Forces, then there’s no point in working for this government,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, labis namang nagdamdam ang Pangulo nang mabalitaan niya ang usap-usapang maglulunsad ng kudeta ang ilang military officials, sabay sabing “many things for the Armed Forces.”

 

Tumanggi naman ang Pangulo na palawigin pa ang usaping ito.

 

“Anytime, kalabitin lang ako ni (Defense Secretary) Delfin (Lorenzana) ng apat ayaw na pati ako, o ‘di sige. Maghanap tayo,” ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)

3.2-M estudyante naka-register na para sa susunod na school year – DepEd

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Halos 3.2 milyong mag-aaral na ang naka-rehistro para sa school year 2021-2022 base sa lastest data na hawak ng Department of Education (DepEd).

 

 

Batay sa Early Registration Monitoring Report, may kabuuang 3, 227, 244 learners mula sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakiisa sa nagpapatuloy na registration ng DepEd para sa nalalapit na school year.

 

 

Ang early registration ay taunang aktibidad ng education department na layuning tiyakin na naka-pre register na ang mga mag-aaral sa parehong grades mula pampubliko at pampribadong paaran bago magsimula ang susunod na school year.

 

 

Tanging ang mga Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 lang ang nakalista sa naturang early registration. Ang bilang naman ng mga bagong mag-aaral sa mga nabanggit na grade level ay magbibigay pahintulot sa DepEd na magsagawa nang paghahanda at plano sa nalalapit na pasukan.

 

 

Upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante, mga magulang at mga guro ay inatasan ng kagawaran ang mga field offices nito na gamitin ang online platforms at drop boxes sa isinasagawang early registration.

 

 

Base rin sa datos ng DepEd, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng registered learners ay nasa Calabarzon na may 328,620; Region 7 (313,899); at Region 6 (239,427).

 

 

Sa mga grade levels naman, Grade 1 ang may pinakamaraming bilang ng early registrants na may 1, 245, 903; Grade 7 (727, 726); Kinder (702, 098); at Grade 11 (Senior High School) na may 551, 517.

 

 

Mandatory para sa mga pampublikong paaralan ang early registration habang optional naman ito sa mga private schools sa basic education level.

 

 

Maaaring isagawa ang remote application sa pamamagitan ng online o text. Kailangan namang tiyakin ng mga otoridad na nasusunod ang public health at safety protocols sa physical registration sa mga paaralan at barangay na itinuturing na low-risk mula sa deadly virus.

Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries.

 

 

Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa.

 

 

Ayon sa Obispo, dapat suportahan ng pamahalaan ang magagandang inisyatibo ng mamamayan upang mabawasan ang paghihirap ng mga nasasakupan.

 

 

“Sa halip na ito’y tulungan, sa halip na isulong nandiyan na naman ang red-tagging; ganoon ka-insecure ang ating pamahalaan, ang ating kapulisan na kapag may ginagawa para sa tao sinasabi nila na iyan ay laban sa gobyerno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

 

 

Iginiit ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis na maganda ang hangarin sa pagtatayo ng community pantries para tulungan ang mga labis naapektuhan ng pandemya.

 

 

Nitong Abril 20, pansamantalang itinigil ang operasyon sa Maginhawa Community Pantry na sinimulan ni Patricia Non dahil sa pangamba sa seguridad ng mga kasamahang volunteers makaraang tatlong kawani ng Philippine National Police ang nag-iimbestiga kung anong grupo ang nasa likod ng community pantry.

 

 

Lantaran din ang red-tagging sa mga community pantries sa mga social media pages sa pangangasiwa ng ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

 

 

Panawagan ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at militar na gamitin ang malaking halaga ng pondong alokasyon sa pag-iimbestiga hinggil sa terorismo.

 

 

“Iyong mga pulis, militar at pamahalaan, malaki ang kanilang budget, mga anti-subersive funding dapat gamitin ito sa pag-iimbestiga, hindi iyong basta-basta mag redtagged ng mga tao o grupo,” ani Bishop Pabillo.

 

 

Una nang pinabulaanan ni PNP Chief Debold Sinas ang profiling at tiniyak na paiimbestigahan ang naturang insidente.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Non kasunod ng paghingi ng tulong sa lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.

 

 

Suportado ng alkalde ang community pantries sapagkat makatutulong ito sa pangangailangan ng mamamayan at pagpapakita ng bayanihan sa panahon ng higit nangangailangan ang kapwa.

 

 

Bago maging patok sa mga komunidad ang community pantries, una nang naglunsad ang Caritas Philippines noong Marso 2020 nang ‘Kindness Station’ na kahalintulad na konsepto sa community pantry.

Ads April 22, 2021

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sec Año itinangging inutusan ang PNP na puntahan ang mga community pantry

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinagulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang community pantries upang magsagawa umano ng profiling sa organizers nito.

 

 

Ayon kay Año, wala siyang inutos sa PNP na magsagawa ng profiling at hindi na bago ang mga nagsulputang community pantry dahil matagal na itong ginagawa ng mga Pilipino para buhayin ang diwa ng bayanihan.

 

 

Suportado raw ng kalihim ang community pantry at sa katunayan hinimok nito ang publiko na tularan ang ganitong magandang gawain basta’t hindi ito ginagamit bilang propaganda o ‘di kaya’y maging daan para sa pamumulitika.

 

 

Apela na lang ni Año sa mga organizer, tiyakin lang na nasusunod ang minimum health protocols sa paglalatag ng mga paminggalan kontra COVID-19.

 

 

“As long as the intention is good and without political color, it should be encouraged and supported. Since this is a purely voluntary and private initiative, we should not interfere except to ensure that minimum health standards are complied with,“ mensahe pa ni Sec Año. (Daris Jose)

Tanod, 4 pa timbog sa drug buy bust sa Valenzuela

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang barangay tanod sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay PCpl Christopher Quiao, dakong 9:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na kinabibilangan nina PCpl Jhun Ahmard Arances, PCpl Mario Baquiran at PCpl Jocem Dela Rosa sa pangunguna ng kanilang hepe na si PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa Blk 10 Building 13 208 Disiplina Village, Bignay.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba sina Melchor Evangelista alyas “Melvin”, 52, Tanod ng Karuhatan, Maribel Wolfee, 35, at Robert Aguilar, 54 matapos tanggapin P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang schet ng shabu.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga, buy bust money, P500 cash at apat na cellphones.

 

 

Dakong 8:45 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU na kinabibilangan nina PSSg Gabby Migano, PSSg Alvin Olpindo at PCpl Ed Shalom Abiertas sa buy bust operation sa Esteban South corner Chapoco St. Dalandanan sina Carlos Dela Peña, 59, pedicab driver at Angelito Nacor, 42.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,000 ang halaga, P500 buy bust money, P350 cash, dalawang cellphones at itim na pouch.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5, 26 at Section 11 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)