• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 24th, 2021

PDu30, hindi personal na dadalo sa ASEAN summit sa Jakarta

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na hindi personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa Jakarta ngayong linggo.

 

“Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Hindi naman binanggit ni Sec. Roque kung bakit at anong dahilan.

 

Sa kabilang dako, nakatakda namang pumunta si United Nations special envoy Christine Schraner Burgener sa Jakarta para makipagkita sa mga senior members ng Southeast Asian governments na naghahanap ng daan para tapusin na ang pagdanak ng dugo at ibalik ang katatagan ng Myanmar.

 

Sa idinaos na closed-door meeting ng Security Council noong Abril 1, nagbabala si Burgener na kung ang “collective action” ay hindi nagawa ng international community para baligtarin ang kudeta ay hindi malayong nalalapit na ang “bloodbath.”

 

“Myanmar’s army seized power from the democratically elected civilian government on Feb.1, plunging the Southeast Asian nation into turmoil and cracking down on mass protests and a nationwide civil disobedience movement with brutal force, killing more than 700 people, a monitoring ayon sa ulat.

 

Samantala, dahil sa krisis, huminto ang banking system, nagsara ang maraming sangay, naiwan ang mga negosyo na hindi makapagbayad habang ang mga customers naman ay hindi makapag-withdraw ng cash. 

 

Samantala, nananawagan naman ang gobyerno ng Pilipinas na palayain si Myanmar’s detained leader Aung San Suu Kyi. (Daris Jose)