• December 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 28th, 2021

Duque pabor sa ‘posibleng’ MECQ extension sa NCR Plus

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sang-ayon si Health Sec. Francisco Duque sakaling ma-extend ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa mga lugar na sakop ng NCR Plus bubble.

 

 

Kasunod ito ng nalalapit na pagtatapos ng ipinatupad na MECQ sa NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan sa April 30.

 

 

Ayon kay Sec. Duque, baka kailangan pa ng hanggang dalawang linggong extension ng MECQ dahil hindi pa tuluyang humuhupa ang sitwasyon sa mga ospital.

 

 

Nababahala ang kalihim na kung luluwagan na ang quarantine classification ng NCR Plus, kung saan naitatala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID sa nakalipas na mga buwan, ay sisirit na naman ang numero ng impeksyon.

 

 

“Ipagpatuloy muna natin ang MECQ para kitang-kita o malaki ang pagbaba ng mga bagong kaso at magkaroon ng reversal ng trend,” ani Duque sa interview ng Teleradyo.

 

 

Binigyang diin ng Health department na malaki ang papel ng healthcare utilization rate sa magiging desisyon ng pamahalaan sa susunod na quarantine status ng buong bansa.

 

 

Sa ngayon, hindi pa raw masyadong nagbabago ang sitwasyon sa mga ospital, bagamat may pagbaba na sa bilang ng mga naka-admit sa mga pagamutan.

 

 

“Kailangan kasi nakaka-manage na ‘yung healthcare system natin bago tayo unti-unting magbukas and this would be paramount in our decision that would be made by IATF by tomorrow,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa interview ng ANC.

Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021.

 

 

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi mapipigil ng pandemya ang pamahalaan sa pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon para sa mga nasasakupan nito.

 

 

“Kahit na tayo po ay nasa gitna ng pandemya, may mga paraan po tayo upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Libre po ito, walang bayad. Ngunit maaari po natin itong maibalik sa ating bansa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagtatapos, at paggamit ng ating mga natutunan upang mapaunlad ang ating sarili, ang ating pamilya, at ang ating komunidad,” anang gobernador.

 

 

Kailangang magsumite ang mga bagong estudyante at transferees ng kopya o larawan mula sa cellphone camera ng mga requirements kabilang ang isang  2×2 colored picture na may puting backgroundreport card o Transcript of Record o Certificate of Grades; at PSA Certificate of Live Birth. Kailangan ding magpasa ang mga transferee ng Good Moral certificate bilang karagdagan sa mga binanggit na requirements.

 

 

Mayroong iba’t ibang degree at mga kurso ang Commission on Higher Education (CHED) na iniaalok sa lokal na kolehiyo ng lalawigan sa pamamagitan ng blended learning kabilang ang Bachelor of Science in Information Systems (BSIS), Bachelor of Science in Office Management, Bachelor of Science in Accounting Information System, Bachelor of Technical Vocational Teacher Education, at dalawang taong Associate in Computer Technology na maaaring i-ladderize sa BSIS.

 

 

Nagtuturo rin sila ng mga kursong technical at vocational kabilang ang dalawang taong Computer Secretariat with Competency in Bookkeeping NC III; dalawang taong Hotel and Restaurant Services (HRS) with competency in Food and Beverage Services NC II and Cookery NCII with integration of Bread and Pastry; isang taong Contact Center Services; isang taong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCII; at isang taong Electrical and Installation Maintenance (EIM) NC II.

 

 

Iniaalok din ng BPC ang mga strand ng Senior High School na Accountacy, Business and Management; Humanities and Social Science; Technical-Vocational Livelihood; at General Academic Strand.

 

 

Para sa iba pang katanungan, maaaring dumirekta sa BPC Admission Office sa telepono bilang (044) 802-6716, cellphone number 0917-7111-690, Facebook page @bpcMalolosMainCampus, at website https://bulacanpolytechniccollege.com.

 

 

Mayroong walong campus ang BPC sa buong lalawigan kabilang ang Malolos Main, at mga campus sa Angat, Bocaue, Pandi, Obando, San Rafael, San Miguel, at Lungsod ng San Jose del Monte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads April 28, 2021

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP).

 

 

Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career.

 

 

At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras.

 

 

Nais ni Sotto na makatuwang si Paras sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap sa mundo ng basketball.

 

 

“Sobrang excited ako to work alongside Kobe and to help each other na mag-succeed sa sari-sarili naming mga path,” ani Sotto.

 

 

Si Paras ang isa sa pangunahing defender ni Sotto sa mga bashers.

 

 

Matatandaang naglabas ito ng saloobin sa Twitter para depensahan si Sotto sa mga bumabanat na netizens matapos ma-bigo ang NBA G League stint nito.

 

 

Bagong buhay ang tatahakin nina Sotto at Paras kasama ang EWP.

 

 

Nagdesisyon si Paras na linasin na ang University of the Philippines (UP) at tuluyan nang iwan ang kanyang final playing year sa UAAP para isentro ang atensiyon sa EWP.

 

 

Sa kabilang banda, tutulak sa Australia si Sotto para maglaro sa National Basketball League (NBL) kasama ang Adelaide 36ers.

 

 

Ibubuhos muna ni Sotto ang buong panahon nito sa NBL habang naghihintay na maging eligible sa NBA Draft.

 

 

Hindi pa maaaring lumahok si Sotto sa NBA Draft dahil kaga-graduate lamang nito sa high school.

 

 

Isa sa requirement ng NBA na kailangang isang taon nang high school graduate ang isang applicant para mapasama ito sa opisyal na listahan ng mga rookie draftees.

Pagtatayo pa ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi pipigilan ng Malakanyang

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG balak ang Malakanyang na pigilan ang itatayo pang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, ‘let a thousand community pantries bloom’ dahil ito aniya ay bayanihan.

 

Sumasalalim aniya ito sa kagalingan ng mga Filipino sa pinakamasamang panahon.

 

Nauna rito, sinabi kasi ni treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na malaki ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa ibat ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

 

Kaya nga, inulit ni Sec.Roque ang naging pahayag nito na na kinakailangan sumunod din sa minimum health standards kung saan ay kasama aniya rito ang pagbabawal sa mass gathering.

 

“Dahil kapag tayo po’y nagkumpul-kumpulan, iyan po ang pinaka-sure na pamamaraan para kumalat ang COVID. Baka naman sa pagbibigay ng tulong natin, pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayan eh iyan naman ang maging dahilan para sila po’y mag-COVID at magkasakit,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So ang panawagan po natin, ipatupad po natin ang ating mga minimum health standards at lahat po ng mga nagsisimula ng community pantry, kinakailangan po makipag-ugnayan kayo sa inyong barangay at sa lokal na pamahalaan para naman masiguro lalung-lalo na iyong social distancing, mask, hugas at iwas,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, sinabi ni Usec. Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.

 

Malaki aniya ang posibilidad na magkapag- ambag sa mga bago at aktibong kaso ng covid 19 ang mga community pantry sa dami ng tao na lumalabas at pumipila lalo na  kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing.

 

Dahil dito, ang panawagan ng opisyal sa mga organizer, mga lokal na pamahalaan at mga pumipila sa community pantry, kailangang seryosohin  at nasusunod ang social distancing at minimum healh standards sa pila. (Daris Jose)

HEART, may hamon na pangalanan ang doktor na nagki-claim na nag-retoke ng ilong

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-REACT si Heart Evangelista sa tweet ng netizen na may isang doctor na nagki-claim na nag-retoke ng kanyang nose.

 

 

Tweet ni @earthgodd3ss, “the dr who did heart evangelista’s nose is going to do mine.  I am so EXCITED!”

 

 

Sinagot ito ni Heart ng, “Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you . Please give me the name. You can actually sue him for lying to you.”

 

 

Tweet pa niya, “To anyone who claimed the same to you pls message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so so wrong. I’d rather a rumor then someone actually claiming they did my nose (I did not).”

 

 

Dagdag pa ni Heart, “To anyone out there who wishes to get cosmetic surgery- I am for making yourself a better version but DO NOT BELIEVE if they said they did my face etc – for the record I didn’t. when I’m older and di na kaya tiisin I don’t mind doing some procedures and I will refer who is good.”

 

 

May nakatutuwa pang tweet si Heart, na parang sinasabi niya kung bakit niya pinatulan ang sinabi ng netizen.

 

 

Pahayag ng aktres, “Mainit ulo ko kasi day 2 ako ng cleanse. So I am will to eat patola.  anyway take care people sorry I’ve been a bit absent I promise I’ll be sending more dms soon.”

 

 

Narito naman ang naging reaction ng netizens sa kanyang mga tweet na yun iba ay ayaw talagang maniwala na wala siyang pinagawa:

 

“Guiltyng guilty?”

“That’s how you see and understood it?! She was protecting someone from someone bogus!”

“NO. Di naman talaga tama na mag claim ng ganun? Just to build your reputation as a cosmetic surgeon.”

“Unang una, hindi dapat pinapagkatiwalaan yung doktor na nagsisinungaling. Delikado yun. Doesn’t mean she’s guilty at all. Ganun ja ba kahina magisip? Lol”

“Ikaw ipagkalat ng dr na ginawa niya ilong mo, kahit di naman, matutuwa ka? Parang chismis lang yan baks, minsan nakakagalit lalo na pag di tlga totoo and baseless.”

“Gurl magbasa ka nga. The doctor is using her name to attract clients. Jusko reading comprehension left the room.”

“Guilt ba un? If someone spreads a wrong rumor about you magagalit ka din.”

“Ay wow, willing iconfront yung doctor guilty pa din? LOL! Mga hater tlga.”

“i would get angry also if they will tell me i did my nose which is not true. parati na lang yan pinipilit na nagpagawa kahit hindi. asar talaga and sabi nga ni Heart kung alam mo name ng doctor sue him or her for telling a lie. simple as that.”

“tlaga nman guilty.patola nga eh…di maigilan emotion daming wrong grammar sa tweet nya regarding dyan… kung di nman totoo.. sna maayos nyang sabihin.”

“Well magagalit din ako pag may nag cclaim na ginawa ang ilong ko kahit hindi naman.”

“Aminin na natin gawa ung mata nya.. yung parang may hukay. Actually pareho cla ni kim chu ung may hukay sa mata.. diko alam tawag? Uso kc un date.”

“Grabe yung hukay sa mata haha, baka sa talukap ng mata. Eyelid surgery/Blepharoplasty.”

“Wala nga daw siyang pinagawa. All natural nga daw siya because she’s scared daw to go under knife. HAHAHAHAHHAHA OK HEART.”

“Bakit ba affected kayo kung may pinagawa siya o wala? Sa sinabi niyang wala eh. Mukha naman niya yan.”

“Defensive much?”

“no, i don’t think so. concerned lang siya kasi may mga taong naloloko dahil sa pagsisinungaling nung doktor.”

“Di mo gets. Nasagot niya na yang issue na yan. I think na trigger si heart sa idea n may gunagamit ng name niya na “doctor” to trick customers and boost his business. Scam yan teh.”

“Ang gulo nyang mag-english.”

“Actually mahaba lang sinabi niya, pero mabilis lng maintindihan. May problema lang kayo sa reading comprehension.”

“that’s because she uses English most of the time so she’s fluent but she’s not articulate. Masakit talaga sa bangs pakinggan si Heart.”

“But when she talks in person, (actual conversation) she’s articulate and can carry on the convo.. ako naman, I can express my words in writing, but in public speaking, I can’t.”

“Bakit ang affected nya? Lol, ang tagal na ng issue nya na ganito.”

“She’s trying to stop someone from being scammed especially the scammer is using her name.”

“I didn’t do my nose” talaga? Hindi “I didn’t have my nose done”?

“Nobody touched my nose” dapat.”

“Either way is acceptable. You should hear how Americans actually speak.”

“Tama naman. How i wish you were here sa UK so youll know how we play with words.”

“Heart is correct. Her english is an American way of playing with words kungbaga slang. Parang kagaya satin dito sa pinas may iba mahilig magsabi ng ‘sanaol’ pero sa filipino language walang ganun.”

“Mga artista talaga ang hilig mag deny.”

“Pangalanan mo Baks kung sino gumawa at ano pinagawa niya.”

“Galit na galit gustong manakit.”

“Bakit walang naniniwala ke Heart? Need ba talaga pa niyang magpasampal ke Marian para maniwala mga utaw?”

“No offense kay heart but I refuse to believe she didn’t have anything done to her face. It’s 2021, no shame in admitting it.”

“merong mga non invasive procedures , like ung mga turok turok to define the nose, to make the shape of the face defined. so hindi sya guilty , if there was anything done that could be it. look at ur pics before. Di rin nman ganyan ka defined mga mukha nyo. as we grow older, nagbabago yan , we lose fats here and there lalo sa mukha pwera nalang kung talagang we are on the chubby side. nuong bata ako dark ang skin ko ang tawag sakin ulikba, I didnt do anything, naglighten ang skin ko. My nose , walang katangos tangos, wala akong ginawa din. I grew older, tumangos bigla. Give that benefit of the doubt. wala syang sinabing di maganda, she was there to warn that person to be careful with that doc , and may patient doc confidentiality.”

“Lol at the doctor. Lahat sasabihin magka client lang. Very unethical yun. Unless may permiso ng pasyente mo, hindi ka pwede magreveal.”

“How can u say that she is guilty? Eh she is giving warning to everyone nga eh as a precaution. Nakakatakot kaya magpa surgery to a doctor who have a false claim.”

“Ang daming di maka intindi dito. Hindi siya guilty. It’s just that kawawa naman ung maloloko nung doctor na nag claim and it’s illegal too!”

“Kung ako sa kanya get to the bottom of this kasi di to simpleng tsismis may panloloko na involve sana nga malaman nya sino yung doctor and make him pay for his/her lies.”

“Wala naman nabago sa mukha ni heart eh nag mature lang face niya kaya nga may confidence siya na mag post ng throwback pics eh kasi natural beauty siya. Kung nagpa retoke siya di kakayanin yun kasi mahahalata yung pina retoke niya. She’s actually saving a person from being victimized by a fake doctor. Sa mukha pa naman yan kaya dapat sa trusted doctors ka lang dapat magpa retoke.”

“ang kaibahan lang naman, cute si heart noon, ngayon pretty na. sana all ganyan kabata tingnan at 36.”

“Hindi naman cguro defensive more on since she endorses a lot of brands and known na sya internationally. Maingat lang sya san na drag name nya.”

“Kayo naman talagang Heart didn’t get a nose job. It wasn’t her nose ;)”

“Her body, her choice!”

(ROHN ROMULO)

COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao.

 

 

Sinabi ni OCTA member Prof. Guido David na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at 75,000 sa ibang panig ng bansa. Maaari naman umanong ibaba ito kung hindi na kakikitaan ang NCR Plus ng surge ng mga bagong kaso.

 

 

“What we’re seeing is mataas pa rin ang hospita­lization. Maganda ‘yung trend na nagi-improve and we want to sustain the downward trend. May uncertainty pa rin dito because the positivity rate is still high,” ayon kay David.

 

 

Nitong mga huling arw, sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon na may average na 55,000 tests kada araw ang isinasagawa ng pamahalaan sa buong bansa. May pinakamataas ito na 60,000 lamang.

 

 

Iginiit rin ni David ang importansya ng dagdag na mga nurses na mag-aalaga sa mga COVID-19 patients. Ang kakulangan sa mga nurses umano ang bottleneck sa ngayon sa mga pagamutan.

Door-to-door pantry inirekomenda

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Suportado ng Phi­lippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organi­zers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19.

 

 

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-ii­ngat ay kailangang gawin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at ng bawat sibilyan upang hindi na kumalat pa ang virus.

 

 

Sinabi ni Olay na han­dang magbigay ng seguridad ang pulis sa pagdadala ng mga pa­ngangailangan ng mga Filipino. Hindi na kaila­ngan pang pumila  sa mga community pantry at iwas aksidente.

 

 

“Maganda rin yung suggestion na yan na i-bahay-bahay na lang para hindi na maglabasan ang mga tao sa daan,” ani Olay.

 

 

Binigyan-diin din ni Olay na pabor din sila sa suhestiyon na payagan ang mga kamag-anak ng mga senior citizens na kuhanin ang mga basic goods sa community pantries dahil hindi pa rin pinapayagan na lumabas ang mga nasa 18-anyos pababa at 65- anyos pataas.

 

 

“Tama ‘yan nasa MECQ pa rin tayo at batay sa pa­nuntunan ng IATF, ang mga 18 years old o mas bata, 65 years old o mas matanda hindi muna lalabas sa ta­hanan,” dagdag pa ni Olay.

 

 

Samantala, sinabi ni Olay na dapat na tiyakin ng mga pantry organizers na may koordinasyon ang kanilang community pantry sa mga local government units.

 

 

Aniya, dapat na maging aral ang nangyaring  insidente sa isinagawang community pantry ng actres na si Angel Locsin. Humingi na ng paumanhin ang aktres sa nasabing pangyayari. (Gene Adsuara)

Red tagging sa mga organizer ng community pantries, gawain ni satanas-obispo

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang red-tagging at pag-aakusa ng walang batayan sa mga organizers ng community pantries sa bansa ay maituturing na gawa ni Satanas. Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa red-tagging at profilling laban sa nagsasagawa ng mga community pantries sa bansa ngayong panahon ng pandemya na may batayang biblikal sa ginawang pagpapakain ni Hesus sa mahigit 5,000 indibidwal sa disyerto.

 

 

“Sa totoo lang palagay ko lang ito, yan [red-tagging sa mga community pantry organizers] ang gawa ni Satanas, yan ang gawa ni Satanas sapagkat alam mo yang community pantry na yan mayroon ng biblical roots yan talaga, ang unang biblical roots niyan alam mo yung feeding of the 5,000 [in the desert]” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Ayon sa Obispo, gawain ni Satanas o ng demonyo na sirain at pigilan ang gawang mabuti ng Panginoon tulad ng mabuting layunin ng community pantry na nagsilbing inspirasyon upang magkaroon ng halos 350 iba pang mga community pantries.

 

 

Sinabi ni Bishop Bacani na ang ipinapamalas ng mga Filipino na bayanihan at pagtutulungan ay ang nais ng Panginoon na makitang tugon mula sa sambayanang Kristiyano sa oras ng pangangailangan at kagipitan. “Si Satanas ang gagawin niya sisirain niya yan, akalain mo naka-350 hindi ko naman sasabihin na copies o imitation but mga nainspire na dito [sa community pantry] at yung balita ko pati daw sa Timor Leste ibang bansa na yan umabot na. Gusto ng Panginoon ipakita na sa oras ng pangangailangan ang mga Kristiyano na rin ang magtutulungan at syempre nais ng demonyo na sirain yan at takutin pati na yung mga nagpapalaganap ng tamang ideya ng pamumuhay bilang isang sambayanang Kristiyano.”

 

 

Dagdag pa ni Bishop Bacani. Ibinahagi ng Obispo na ang ipinapamalas na pagtutulungan at pagkakaisa ng mga simpleng mamamayan para sa lahat ng mga nangangailangan ay isang magandang pagpapamalas ng Kristiyanismo na inihandog ng Panginoon sa mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas. Partikular din kinilala ni Bishop Bacani ang mabuting inisyatibong sinimulan ni Ana Patricia Non na siyang organizer ng unang community pantry sa Maginhawa, Quezon City.

 

 

Ikinalugod din ng Obispo na malaman na nagtapos si Non sa Paco Catholic School na isa sa Katolikong paaralan na mariing nagtuturo ng kabutihang asal at mga turo ng Panginoon sa mga mag-aaral.

 

 

“Yan ang isa sa pinakamagandang handog ng Diyos sa mundo, dito sa Pilipinas pinakamagandang handog yan sa mundo at tamang-tama sa 500 years of Christianity itong mga ganito ang mga kitang-kita natin biyaya ng Diyos at alam mo pinagmamalaki ko din na itong si Ana Patricia Non graduate pala ng Paco Catholic School wow tuwang tuwa ako nung malaman ko yan sapagkat that is how a Christian and a Christian leader should act, mahiya naman ang mga nag-re-red-tagging sa mga community pantries,” ayon pa kay Bishop Bacani. Binigyang diin naman ni Bishop Bacani ang patuloy na pagpapamalas ng disiplina ng bawat isa at pagsunod sa mga ipinatutupad ng mga safety health protocol upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya. 

 

 

Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than 1.6 million views online as of writing.

 

 

Napuno rin ng papuri ang comments mula sa mga netizens.

 

 

“First teleserye na nag-no.1 Trending sa YT this 2021! Kudos sa lahat ng bumubuo ng First Yaya! Filipinos are now enjoying this show!”

 

 

“From Sangre Danaya to Yaya Melody!”

 

 

“The next big star ng GMA Network! Sanya’s beauty and charm is really different!”

 

 

“Grabe lakas ng dating at karisma niya, and she’s acting naturally!”

 

 

“I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too.  Sobrang galing ng cast!”

 

 

Ang First Yaya na nagtatampok din kay Gabby Concepcion, ay napapanood gabi-gabi after ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

MANANATILI pa ring isang  Kapuso ang 23-year-old actress na si Bea Binene, kahit tapos na ang exclusive contract niya sa GMA Network.

 

 

Inamin ito ni Bea sa isang interview, at ipinaliwanag niyang desisyon niya na huwag na munang tumanggap ng offers ngayong panahong ito.

 

 

“Panahon po ng pandemic at nakakatakot na tumanggap ng assignments at mag-lock-in taping,” sabi ni Bea.

 

 

“Kaya nagho-host muna ako ngayon sa DZBB radio program at sa GTV show na OMJ (Oh My Job).  Produced po ito ng DOLE na napapanood every Saturdays, kasama ko po si Arnell Ignacio.”

 

 

Kaya ngayong hindi muna siya active sa showbiz, mas tutok siya sa studies niya, at hopefully, maka-graduate na siya this year dahil last year, nahinto siya dahil sa pandemic.

 

 

Enrolled ngayon si Bea sa online courses at Northwestern Kellog and London Business School.

 

 

“Magpapatuloy pa rin ako sa business ko.  Siguro po, contract lamang ang nawala sa akin sa GMA,  but I know I am still a Kapuso and will always be forever grateful sa GMA.”

 

 

Si Bea ay produkto ng Starstruck Kids, hindi man sila ang nanalo ni Miguel Tanfelix noon, pero sila ang nakilala dahil ipinagpatuloy nila ang pag-aartista at nakagawa ng malalaking proyekto.

 

 

Last teleserye ni Bea sa GMA Network ang action-drama series na Beautiful Justice kasama sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia in 2019.

 

 

***

 

 

BUSY pa rin at excited na si Kapuso actress Thea Tolentino na magsimula sila ng lock-in taping para sa upcoming GMA drama series na Las Hermanas na first time niyang makakatrabaho si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith da Silva.

 

 

Masaya si Thea dahil simula pa noong 2012 na nanalo silang grand champions ni Jeric Gonzales sa talent search na Protege, halos hindi siya nababakante sa mga proyekto.

 

 

Ipinagpapasalamat daw niya na hindi siya nagpabaya na gamitin niya ang talents niya para magampanan ang bawat role na ibinibigay sa kanya.

 

 

Wala raw siyang tinatanggihang role dahil gusto niyang matutunan lahat ng characters na ibinibigay sa kanya, maliit man o malaki ito.

 

 

Bago ang Las Hermanas, naging bahagi rin si Thea ng primetime soap na The Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa GTV. (NORA V. CALDERON)