• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 8th, 2021

PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions.

 

 

“Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, we wanted to honor our athletes who made the country proud, within boundaries of the safety protocols of course,” sabi ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Bumuhat ang national weightlifting team ng kabuuang dalawang gold, anim na silver at tatlong bronze medals sa Asian Weightlifting Championships at bagama’t walang nakuhang medalya ay pormal namang nasikwat ni 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang tiket para sa quadrennial event sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Ramirez na tatanggap si weightlifting prodigy Vanessa Sarno, kumolekta ng dalawang ginto at isang pilak, kasama sina Mary Flor Diaz, Elreen Ando at Kristel Macrohon ng cash incentives base sa Republic Act No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’. No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’.

 

 

Samantala, walang napitas na Olympic berth ang mga national fencers na lumahok sa Asia-Ocea-nia Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Si Samantha Catantan lamang ang nakahirit ng bronze medal sa nasabing torneo sa Uzbekistan.

 

 

Nakasama ni Catantan sa nasabing kampanya sina Nathaniel Perez, Jylyn Nicanor, Noelito Jose, Hanniel Abella at CJ Concepcion.

JANINE, sumabak agad sa iconic drama anthology na ‘MMK’ kasama si JM

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAMAKAILAN lamang pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN pero may guesting na agad siya sa top-rating and iconic drama anthology na Maalaala Mo Kaya this Saturday.

 

 

Katambal pa niya ang mahusay na actor na si JM De Guzman.

 

 

Maagap ang ABS-CBN sa pagbibigay agad ng acting assignment sa Gawad Urian Best Actress winner for Babae at Baril. Gusto agad nila na maisalang agad sa isang magandang palabas si Janine at perfect na perfect ang MMK.

 

 

Widely-followed ng mga manonood ang MMK which gives interesting stories tuwing Sabado ng gabi.

 

 

Tiyak na isang special na episode ang handog ng MMK para pagbidahan ni Janine. For sure ay acting piece ito. Idagdag pa ni si JM, na isa ring mahusay na actor, ang kasama ni Janine sa episode kaya tiyak na pabonggahan ito sa acting.

 

 

Pero kung light romance naman ang tema ng kanilang MMK episode, tiyak na maraming kilig moments sina Janine at JM.

 

 

Kaya huwag kaligtaan panoorin ang MMK ngayong gabi.

 

 

***

 

 

ISANG taon since nawala sa ere ang ABS-CBN.

 

 

Dahil lamang sa kapritso ng isang matandang president na vindictive. Ang kakatwa, kahit na walang napatunayang violations laban sa Kapamilya network, isinara pa rin ito. Maraming empleyado ng network ang nawalan ng trabaho.

 

 

Napakahirap na sitwasyon ito dahil nangyari sa panahon ng pandemya. Pero nawala man sa ere, ipinagpatuloy pa rin ng ABS-CBN ang paglilingkod nila sa bayan. Nandito pa rin sila sa ating piling, kahit na wala silang prangkisa.

 

 

Ipinagtibay ng ABS-CBN ang pangako nitong patuloy na paglilingkuran ang mga Pilipino sa mensahe nitong “Andito Kami Para Sa ‘Yo” noong Mayo 5, na ika-unang taon mula nang nawala ang network sa ere.

 

 

Ipinaabot ng ABS-CBN ang mensaheng ito sa social media sa tulong ng iba’t ibang programa, plataporma, at artista ng kumpanya. Paalala nila sa mga Pilipino, narito pa rin ang ABS-CBN upang sumuporta, at magbigay liwanag at ligaya sa kanila sa pamamagitan ng mga programa nitong napapanood sa free TV, cable, online, at sa streaming platforms.

 

 

Makikita sa bidyo na isinalin sa iba-ibang lenggwahe ang “Andito Kami Para Sa ‘Yo” upang mas personal na maipahatid ng ABS-CBN ang mensahe nito sa mga patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kumpanya para sa balita, public service, at entertainment, sa kabila ng mga pagsubok.

 

 

“Kayo po ang tanging dahilan kung bakit naglilingkod ang ABS-CBN, mula noon hanggang ngayon. Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong nakakapaghatid ng mga kwento, nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa Pilipino,” sabi ng ABS-CBN sa social media posts.

 

 

Patuloy ang ABS-CBN sa paghahanap ng paraan upang maabot at mahatiran ng serbisyo ang mga Pilipino nasaan man sila sa mundo.

 

 

Ngayon, napapanood na muli ang iba-ibang entertainment programs ng ABS-CBN sa buong bansa, kabilang ang primetime block nito, sa free TV at gamit ang digital box sa A2Z Channel 11 at TV5.

 

 

Sa cable, nakakukuha rin ng aliw, saya, at kaalaman ang mga Pilipino sa Kapamilya Channel, Cinemo, A2Z, TV5, Jeepney TV, CinemaOne, Metro Channel, MYX, at Knowledge Channel. Habang maiinit na balita naman ang  hatid ng TeleRadyo at ANC, the ABS-CBN News Channel.

 

 

Sa online, lalo pang mas maraming pagpipilian ang mga Kapamilya, dahil ipinapalabas din ng ABS-CBN ang iba-iba nitong offerings sa mga opisyal na social media pages at digital platforms nito, sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa streaming service ng ABS-CBN na iWantTFC, at kamakailan lang, maging sa WeTV iflix.

 

 

Maging ang mga nasa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ay naabot pa rin ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV5 at mga programa ng MOR Entertainment sa Facebook, kumu, Spotify, at YouTube.

 

 

Patuloy ring binibida ng ABS-CBN ang talento ng Pilipino sa pamamagitan ng Star Music at Star Cinema, samantalang tulong ang dala ng ABS-CBN News Public Service at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan.

 

 

Para sa mga impormasyon at balita sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

(RICKY CALDERON)

MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

 

Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na mga kaso sa lungsod ay sumadsad sa 33.

 

 

Ang estadistikang inilabas ng OCTA ay batay sa seven-day average mula Abril 25 hanggang Mayo1 kumpara sa peak seven-day average ng mga lokal na pamahalaan.

 

 

“We attribute this milestone to the hard work of all our frontliners as well as the aggressive contact tracing, testing, isolation, treatment and monitoring of our patients–from the time they become close contacts to the time we receive their test results or they complete their isolation period,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ayon sa OCTA, ang ADAR na higit sa 10 percent ay itinutuing pa ring mataas at dapat na maibaba ito ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa mas mababa sa 10 percent sa loob ng dalawang linggo para umusad sa moderate risk classification.

 

 

Ang Navotas ay nagtala ng 1,456 active cases noong Abril 5, ang pinakamataas sa buong taon. Hanggang Mayo 3, nakapagtala ang lungsod ng 413 active cases at 9,783 recoveries. (Richard Mesa)

Travel ban, pinalawig ng Pilipinas dahil sa Covid -19

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng Pilipinas ang travel ban nito sa mga byahero na magmumula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa gitna ng muling pagkabuhay ng bilang ng COVID-19 cases.

 

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang mga biyahero mula sa mga nasabing bansa ay hindi papayagan na makapasok ng Pilipinas mula Mayo 7 hanggang Mayo 14.

 

Sakop ng nasabing travel ban ang mga biyaherong nanggaling sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka “14 days bago pa ang pagdating ng mga ito sa Pilipinas.

 

Nauna rito, ipinagbawal na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga manlalakbay na galing sa bansang India dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng namamatay sa COVID-19 sa naturang bansa.

 

Inanunsiyo nitong Abril 27 ng Malakanyang na ang lahat ng mga biyahero mula India o ‘yaong may mga travel history sa India ay pagbabawalan makapasok sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo.

 

Epektibo ang travel ban simula Abril 29 hanggang Mayo 14.

 

Sa kabilang dako, nakasaad sa memo na ipinalabas ni Medialdea

 

 

:
“Filipinos and foreign passengers merely transitioning through  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka and  Bangladesh will not be considered as having come from or having been to these countries.”

 

Ito’y kung mananatili ang mga ito sa paliparan ng buong araw at hindi “cleared” na makapasok sa mga bansang nabanggit ng kanilang immigration authorities.

 

“Likewise, Filipinos and foreign passengers merely transitioning through  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka and  Bangladesh covered by the said exemption are also not required to complete a full 14-day facility-based quarantine provided that they complied with existing testing and quarantine protocols of the national government,” ang nakasaad pa rin sa memo. (Daris Jose)

Philippines taekwondo jins ready nang sumalang sa Olympic qualifying

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handang-handa na ang apat na national taekwondo jins na lumaban sa qualifying tournament sa hangaring makakuha ng Olympic Games slot sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

 

 

Tatarget ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora, 2019 Southeast Asian Games medalists Pauline Lopez, Kurt Barbosa at Arven Alcantara sa Asian Olympic qualifiers sa Mayo 14-16 sa Amman, Jordan.

 

 

“Sa stage namin ngayon, emotionally and physically they are all ready,” wika kahapon ni national head coach Carlos Padilla sa People Sports Conversation program ng Philippine Sports Commission (PSC). “Parang hinihintay na lang namin na mapunta kami sa court para lumaban eh.”

 

 

Lalaban si Alora sa women’s +73-kilogram at sasalang sina Lopez, Barbosa at Alcantara sa women’s -57kg, men’s -58kg at men’s -68kg. ayon sa pagkakasunod.

 

 

Awtomatikong makakalaro sa 2021 Tokyo Games ang dalawang finalists sa bawat weight division, ayon kay national training director Dindo Simpao.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

“I think we’re ready, they are all upbeat, they are positive. Thankful for this opportunity and grateful for all this blessings. Talagang ready na sila,” sabi ni Simpao.

 

 

Noong Enero pa pumasok ang mga national taekwondo jins sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghandaan ang Olympic qualifying.

 

 

Umaasa sina Alora, Lopez, Barbosa at Alcantara na mapapabilang sila sa national delegation sa Tokyo Olympics kasama sina 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), Ernest John Obiena (pole vault), Carlos Edriel Yulo (gymnastics) at sina boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

4 sangkot sa droga nalambat ng maritime police

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu at nag-aabutan ng droga sa Navotas city.

 

 

Sa report ni PCpl Jan Israel Jairus Rhon Balaguer kay Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice, dakong 2 ng madaling araw, nagsasagawa ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ng foot patrol na may kaugnayan sa pagpapatupad ng MECQ sa corner alley ng BGA Compound, Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN.

 

 

Dito, naispatan ng mga pulis si Rowena Ramirez alyas “Weng”, 46, at Suzette Cariño, 49, na nag-aabutan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang agad silang arestuhin ng mga parak.

 

 

Nauna rito, dakong 7:30 ng gabi, nagsasagawa din ang mga tauhan ng MARPSTA ng foot patrol sa kahabaan ng Kadamay St., Market 3, Navotas Fishport Complex nang maaktuhan nila si Eme Abadiano, 50, at Jenny Abrancillo, 38, na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo.

 

 

Kaagad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at ayon kay PSSg Marcelo Agao, nakumpiska sa kanila ang tatlong transparent plasticsachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

VICE, tahasang sinabi na mga ‘ganid’ at ‘masasamang loob’ ang nasa likod ng pagpapasara ng network

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI sa mga Kapamilya stars, mga taga-news at mga empleyado ng ABS-CBN ang nag-post sa kanilang social media noong May 5.

 

 

Isang taong anibersaryo na kasi simula nang tanggalan ng free TV ang network at hindi i-renew ang prangkisa.  Libo-libo ang nawalan ng trabaho habang ang iba ay piniling magpatuloy at ang mga shows ng network ay napapanood sa online, sa A2Z channel at TV5 ngayon.

 

 

Si Vice Ganda sa mga Kapamilya stars ang pwedeng sabihin na isa sa banner ng network na sa kabila ng lahat, nanatiling Kapamilya. Araw-araw rin na napapanood sa It’s Showtime at nagpapahayag ng kanyang saloobin.

 

 

Isa rin si Vice sa nag-tweet sa kanyang Twitter account noong May 5. At sa kanyang tweet nga, tahasan nitong sinabi na mga ganid at masasamang loob ang mga taong nasa likod ng pagpapasara ng network.

 

 

Ayon kay Vice, ang sinumpaang linyang In the service of the Filipino worldwide. Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!

 

 

     “Isang taon na ang nakalipas ng tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay.”

 

 

Nag-caption din siya ng “Liwanag sa Dilim” sa ni-retweet na, “Hindi nagtagumpay ang mga kontra sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN dahil patuloy itong tinatangkilik at sinusuportahan ng mga Pilipino, ayon sa isang media law professor. “

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD na muli ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Pansamantalang hindi napanood ang Centerstage, kasabay halos ng pagde-deklara ng ECQ sa NCR+.

 

 

Pero ngayong Linggo, balik na muli si Alden bilang host ng  Centerstage. Along with Betong Sumaya na ka-tandem niya bilang host.  Gayundin ang mga judges ng show na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos at Maestro Mel Villena.

 

 

So far, nananatiling defending champion ang young ukulele player mula sa Obando, Bulacan na si Oxy Dolorito.  Pero anything can happen simula sa Linggo dahil siguradong magpapakitang-gilas din ang ibang aspiring Bida Kids sa Centerstage,  bago ang KMJS.

 

 

Sa isang banda, magiging busy na nga si Alden dahil ngayong May, naka-schedule na itong mag-quarantine sa isang hotel, then, kapag nag-negative ang swab test, diretso na siya sa location ng lock-in taping ng The World Between Us serye nila ni Jasmine Curtis-Smith.

 

 

***

 

 

MOTHER’S Day na sa Linggo at marami man sigurong bashers, pero isa sa magandang katangian ni Julia Barretto ay kung gaano nito kamahal at gaano siya ka-close sa kanyang ina na si Marjorie Barretto.

 

 

Ayon kay Julia, “If there’s anything that I’m also thankful, it’s my mom who taught us to find the good in all the situations.

 

 

     “So no matter what kind of situations that I am in, I always try to find the lesson on it and then, move forward. Just always become the better person after the hard time in your life. Don’t let it stop you, just keep moving forward.”

 

 

     Hindi rin daw niya makalilimutan ang pag-uusap nila ni Marjorie kunsaan, ang mga sinabi nito ang nagiging reminder niya sa sarili.

 

 

Sey niya, “I just wanna share and I think, these are the things that stuck with me, especially during one of the toughest years of my life.

 

 

     “I remember at the height of all of those things taking place, I remember my Mom just saying one thing to me. She said, ‘Julia, no matter what happen, I want you to come out of the situation a better person and kinder.

 

 

“I don’t want you to become an angry person out of the situation. I want you to become a better person out of the situation.  I think, basically, what’s she’s trying to tell me, she doesn’t want me to stop seeing the good in people and life.  That’s still up to these days, one of the things I keep close to my heart. In every situation that I have, just come out kinder and wiser.”

(ROSE GARCIA)

Ads May 8, 2021

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tennis star Nadal at Osaka nanguna sa Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napili sina tennis star Rafael Nadal at Naomi Osaka ng Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year.

 

 

Ito ang pang-apat na award ng world number 2 na si Nadal kung saan kinilala siya dahil sa pagkapanalo niya ng kaniyang ika-13th French Open na mayroon ng 20 major title.

 

 

Pangalawang beses naman ni Osaka ang Laureus award na kinilala dahil sa panalo sa US Open at nakuha nito ang ikaapat na majors.

 

 

Isa rin dahilan kaya napili si Osaka ay dahil sa pagsuporta nito sa anti-racism.

 

 

Nakuha naman ni Formula One champion Lewis Hamilton ang Laureus Athlete Advocate of the Year award habang ang football star na si Mo Sala ay nabigyan ng Sporting Inspiration Award dahil sa pagtulong niya sa iba’t-ibang charities.

Mga pasaway na hindi magsusuot ng maayos na face mask, huhulihin ng pulis

Posted on: May 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan na hulihin at i-detain sa istasyon ng pulis ang mga pasaway na hindi isusuot ng maayos ang face mask sa publiko.

 

Nais din ng Pangulo na imbestigahan ng mga ito at panatilihin ng 9 na oras sa police station.

 

Sa kanyang Talk To The People, sinabi ng Chief Executive na ang face mask ay “a critical need” para mapigil ang pagsirit ng bilang ng COVID-19 cases.

 

“My orders to the police, those who are not wearing their masks properly in order to protect the public… to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Yung ayaw maniwala, gusto mo, ayaw mo usapan na maganda, ah di ayan hulihin mo. Imbestigahin mo. Nine hours stay in station,” dagdag na pahayag nito.

 

Makailang ulit ng napapaulat na marami pa rin ang nakakalimot magsuot ng face mask, may suot nga, ngunit nasa ilalim naman­ ng baba.

 

Hindi malaman kung nakalimutan lang ang face mask o talagang sinasadya na huwag magsuot.

 

Malinaw na binabalewala ang mga tagubilin at ipinatutupad na protocol laban sa Covid-19. (Daris Jose)