• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 11th, 2021

Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan.

 

 

Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina.

 

 

Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging cover siiya ng Sporting News noong March 1983 kung saan idineklara bilang NCAA player of the year si Jordan.

 

 

Ang parehas na jersey ay unang nabili sa halagang $63,500 ng ito ay ini-auction noong 1999.

 

 

Ang unang pinakamahal na jersey ni Jordan na naibenta sa auction ay ang Chicago Bulls uniform noong 1986-87 nito naibenta sa halagang $480,000.

Ads May 11, 2021

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 400 atleta dumalo sa test event ng Tokyo Olympics

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dinaluhan ng ilang dang mga atleta sa test event sa Olympic Stadium sa Tokyo.

 

 

Isinagawa ng organizer ang nasabing hakbang para malaman nila ang ilang gagawin nilang adjustments tatlong buwan bago ang pagsisimula ng nasabing Tokyo Olympics.

 

 

Walang mga inimbitahan manood na audience sa nasabing stadium kung saan doon gaganapin ang opening at closing ng torneo.

 

 

Nasa 420 atleta kabilang ang siyam na galing sa ibang bansa ang sumali na ito ay hinati sa morning at evening sessions.

 

 

Kabilang na nakibahagi si 2004 Olympic gold medalist US sprinter Justin Gatlin.

 

 

Nauna rito ilang daang petitioners ang pumirma sa online petitions sa pagpapaliban ng torneo dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

PNP muling nagpatupad ng balasahan; bagong command group ni Eleazar pormal nang umupo sa pwesto

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pag bakante ng ilang ilang pwesto sa PNP matapos magretiro sa serbisyo si retired Gen. Debold Sinas.

 

 

Sa direktiba na pirmado ni newly-installed PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, nasa 11 Police Generals and Colonels ang kabilang sa panibagong rigodon.

 

Epektibo ngayong araw May 10, 2021 ang reshuffle.

 

 

Ito ay sina MGen Bernabe Balba ang PNP SAF Director na ngayon ay itinalaga bilang commander ng DIPO- Visayas, BGen Nelson Bondoc itinalagang PRO4B regional police director; BGen. Eliseo Cruz regional police director ng PRO4A; BGen Jose Hidalgo inilipat sa NCRPO mula sa DIPO Western Mindanao; BGen. Jimili Macaraeg mula sa Directorate for Logistics inilipat sa NCRPO; BGen Pascual Muñoz mula sa PRO4B itinalaga sa Directorate for Logistics; BGen. Felipe Natividad mula sa Calabarzon itinalagang bagong SAF Director; Col Gregory Bonagbal sa Office of the CPNP; Col. Neri Vincent Diego Ignacio mula sa mula sa SAF itinalaga sa Directorate for Comptrollership; Col Cesar Pasiwen mula sa PRO1 itinalaga sa SAF; Col Randy Peralta mula sa Office of the CPNP itinalaga bilang bagong DIPO- Western Mindanao.

 

 

Ito ang kauna-unahang rigodon na ipinatupad ni Eleazar matapos maupo sa pwesto nuong Biyernes.

 

 

Samantala, pormal nang umupo sa kani kanilang mga pwesto ang mga opisyal na bumubuo sa command group ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

 

 

Sa kanyang unang flag raising ceremony bilang PNP Chief, pinangunahan ni Eleazar ang panunumpa nina: Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na bagong Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Ephraim Dickson na bagong Deputy Chief for Operations at Lt. Gen. Dionardo Carlos na Chief of the Directorial Staff.

 

 

Si Vera Cruz at Dickson ay mga kaklase ni Eleazar sa PMA Hinirang Class of 1987 habang si Carlos naman ay myembro ng PMA Maringal Class of 1988.

 

 

Dahil sa magandang trabaho sa nakalipas na hinawakang posisyon, ginawaran muna ng medalya ng Pambihirang Paglilingkod si Eleazar.

 

 

Medalya ng Kasanayan sina Vera Cruz at Dickson.

 

 

Habang ginawaran din ng pagkilala sa  Pambihirang paglilingkod si Carlos.

 

 

Samantala, pormal nang umupo sa kani kanilang mga pwesto ang mga opisyal na bumubuo sa command group ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

 

 

Sa kanyang unang flag raising ceremony bilang PNP Chief, pinangunahan ni Eleazar ang panunumpa nina: Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na bagong Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Ephraim Dickson na bagong Deputy Chief for Operations at Lt. Gen. Dionardo Carlos na Chief of the Directorial Staff.

 

 

Si Vera Cruz at Dickson ay mga kaklase ni Eleazar sa PMA Hinirang Class of 1987 habang si Carlos naman ay myembro ng PMA Maringal Class of 1988.

 

 

Samantala, dahil sa magandang trabaho sa nakalipas na hinawakang posisyon, ginawaran muna ng medalya ng Pambihirang Paglilingkod si Eleazar.

 

 

Medalya ng Kasanayan si Vera Cruz at Dickson.

 

 

Habang ginawaran din ng pagkilala sa  Pambihirang paglilingkod si Carlos.

 

 

Kasabay ng assumption sa kanilang mga opisina, itinurn over din sa kanila ang mga office symbol.

 

 

Dahil naman umiiral pa ang MECQ, wala pa ring formation sa harap ng National Headquarters at limitado lang din ang bilang ng mga dumalo.

DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.

 

 

Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.

 

 

Ayon sa kalihim, ngayong araw nila ipapasa ang aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA), na nangangasiwa sa mga aplikasyon ng emergency use authorization.

 

 

“Ang DOH maga-apply ng EUA sa FDA para sa Sinopharm dahil nga mayroon ng emergency use listing na inilabas ng WHO,” ani Duque sa interview ng Teleradyo.

 

 

Noong Biyernes nang ianunsyo ng WHO na kasali na rin sa kanilang emergency use listing ang naturang Chinese vaccine. Ibig sabihin, pwede nang i-rolyo ng mga bansa ang bakuna ng Sinopharm.

 

 

Tulad ng sa Sinovac at Bharat Biotech, gawa sa inactivated virus ang bakuna ng Sinopharm.

 

 

Ayon sa WHO, may efficacy rate na 79% ang naturang vaccine brand sa mga symptomatic at hospitalized COVID-19 patients.

 

 

Ito rin daw ang kauna-unahang bakuna na mayroong “vaccine vial monitor,” na isang uri ng sticker na nakakabit sa vial o lalagyan ng bakuna.

 

 

“It is the also first vaccine that will carry a vaccine vial monitor, a small sticker on the vaccine vials that change color as the vaccine is exposed to heat, letting health workers know whether the vaccine can be safely used,” ayon sa WHO.

 

 

Bukod sa Sinopharm vaccine, ginawaran na rin ng emergency use ng WHO ang COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, at AstraZeneca na gawa ng manufacturer sa South Korea at India.

 

 

Una nang sinabi ng FDA na bukod sa vaccine manufacturers, pwede ring mag-apply ng emergency use ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DOH.

 

 

Noong nakaraang linggo nang maturukan ng Sinopharm vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito.

 

 

Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang deadline para sa voter registration.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi palalawigin ang voter registration period kahit suspendido ito sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine status.

 

 

“Unfortunately, mukhang hindi na siya puwedeng i-extend because the day after the close of registration [is] filing of COC (certificates of candidacy), which means we have to start preparing for election day documents na,” ani Jimenez.

 

 

Gumagawa naman umano ng mga hakbang ang Comelec para palawakin ang pagkakataon ng publiko para magparehistro habang sinusunod ang health protocols laban sa COVID-19.

 

 

Kabilang dito ang ‘pre-online registration’ para mabilis na ang proseso pagtungo ng aplikante sa Comelec office.

Sec.Roque, ibinala ni Pangulong Duterte sa ‘debate’ laban kay Carpio

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kumasa sa debate na tinanggap ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ay si Presidential Spokeperson Harry Roque ang makakaharap nito.

 

Sinabi ni Sec. Roque na itinalaga siya ni Pangulong Duterte na siyang makipag-debate kay Carpio.

 

” Pero tuloy po ang debate. eh, ang sabi po ni Presidente kung papayag si Antonio Carpio..tuloy po ang debate dahil importante po naman na marinig ang mga ideas para ang taumbayan ang makagawa ng konklusyon. Ang sabi po ni Presidente na itinatalaga niya po ang inyong abang lingkod na makipag-debate kay retired Justice Antonio Carpio at tinanggap ko naman po ang pagtatalaga ni Presidente,” pagtiyak ni Sec. Roque.

 

Sabihin lamangsa kanya ng Philippine Bar Association (PBA) kung kailan at saan ang debate at sisipot  siya doon.

 

“Pero ang pagde-debatehan po…malinaw. Unang-una, sino ang responsable sa pagkawala ng teritoryo ng Pilipinas? Si Presidente Duterte ba o ang ibang administrasyon? Pangalawa, tama ba ang sinasabi ni Antonio Carpio na binalewala ni Presidente ang panalo natin doon sa The Hague Tribunal? At kung gusto niya, pangatlo, eh tama ba po na namimigay ng teritoryo ang Presidente Duterte. Ang sabi po nila, kaya nga po natin pinapahalagahan ang debate, ang malayang pananalita dahil “the truth test of truth is the power of an idea to be accepted in the free market place of ideas,” ang pahayag ni Sec.Roque.

 

“Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, it owuld be a pleasure to debate against you. I’ll see you at the designated time and place,” an hamon ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na totoong hinamon ni Pangulong Duterte si Justice Carpio sa debate pero ang debate aniya ay dalawang bagay.

 

“Sino ba ho ang responsable sa pagkawala ng Scarborough Shoal? Eh iyong detalye po na sinabi ni Antonio Carpio sa kanyang gustong maging debate eh kung kabahagi raw po si retired Justice Carpio doon sa pagkawala ng Scarborough Shoal. Hindi naman po iyon.. hindi naman po iyon ang subject matter ng debate. Ang subject matter po ng debate ay “sino at anong administrasyon ang naging dahilan kung kelan nawala po sa Pilipinas ang possession sa Scarborough Shoal at kung gusto ninyo, itanong na rin natin.. “sino at anong administrasyon na nawala sa atin ang Mischief Reef?,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya, bagama’t handang-handa na si Pangulong Duterte sa debate laban kay Carpio ay kagabi aniya, Mayo 6 ay tinanggap naman ng Pangulo ang payo ng ilan sa mga miyembro ng kanyang gabinete kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

“Ang sabi po ng ating mga gabinete at sinusugan pa po ito ng dalawang senador.. si Senate President (Tito) Sotto at Senador (Aquilino) Pimentel (Jr.) na wala pong mabuting magiging resulta itong debateng ito para sa sambayanang Filipino,” aniya pa rin.

 

“Pangalawa po ay  nanindigan naman ang mga miyembro ng gabinete na bakit papayag sa debate eh nakaupong Presidente si Presidente Duterte at si Atty. Antonio Carpio bagama’t isa siyang dating mahistrado ay abogado na ngayon. Parang hindi naman po yata tabla ano? Na ang Office of the President o ang Presidente mismo ay haharap sa isang ordinaryong mambabatas parang.. hindi po patas,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

“At ang pangatlo at pinaka-importante ay sinabihan po ang Presidente ng ating mga miyembro ng gabinete na napakahirap po na mag-participate si Presidente sa ganyang debate. Bakit po? kasi po nakaupo pa siyang Presidente. At ibig sabihin, lahat ng masasabi ng Presidente doon sa debateng iyon ay makakaapekto po sa mga polisiya ng gobyerno. Hindi na po mababawi ang pupuwedeng sabihin ng Presidente sa debateng iyon bukod pa sa katotohanan na kaya nga po tayo may tinatawag na executive privilege noh? iyong mga bagay-bagay na hindi dapat isapubliko para makagawa ng mga tamang desisyon bagama’t hindi popular na desisyon ng isang Presidente. Mako-compromise po iyong mga bagay-bagay na ito, iyong mga impormasyon na ito… kung papayag po at ituloy ng Presidente ang pag-debate kay dating SC Justice Antonio Carpio,” litanya ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Lalong maghihigpit ang PBA

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.

 

 

Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.

 

 

Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Nais ni Marcial na ma-ging magandang ehemplo ang PBA sa pagsunod sa regulasyon ng gobyerno upang tularan ito ng iba pang liga at ng mismong mamamayan.

 

 

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, teammates, kasama sa team, pamilya nila at sa pamilya rin ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” wika pa ni Marcial.

 

 

Para mabantayan ang mga players, coaches at staff, gagamit ang PBA ng mobile app upang matunton ang galaw ng lahat.

 

 

Ang sinumang lalakad na labas sa kanyang tungkulin bilang player, official o staff ng isang team, agad itong ipatatawag ng PBA management para magpaliwanag.

CHLOE at MARCO, walang takot na pinasilip ang kanilang ‘private parts’ sa matitinding eksena sa ‘Silab’

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA kami sa mga press people na invited sa special preview ng Silab, ang maiden offering ng 3:16 Productions, na ginanap noong Sabado ng gabi.

 

 

Kasabay namin nanood sa preview si Marco Paulo Gomez, one of the lead stars of the movie. First time lang din niya na mapapanood ang obrang sinulat ni Raquel Villavicencio at dinirek ni Joel C. Lamangan.

 

 

We remember noong first time naming na-interview si Marco, inamin ng binata na nagulantang siya sa ilang maseselan na eksena na kailangan niyang gawin sa pelikula together with Cloe Baretto, na siyang lead actress ng Silab and who is being launched as a star.

 

 

Marami nga ang matitinding love scenes sina Marco at Cleo kung saan wala silang saplot. May eksenang nagpakita ng boobs si Cloe at maging si Marco ay nagpakita rin ng kanyang private part.

 

 

Hindi lang namin sure kung naroon pa rin ang mga nasabing eksena kapag ipinalabas na ang pelikula. Hindi kami sigurado kung makalulusot ang mga ito sa MTRCB kung sakaling irebyu nila ang pelikula.

 

 

Pero sabi nga ni Marco, ang kanyang tiwala kay Direk Joel at ang paniwala nito sa kanya na kaya niyang itawid ang role, pati ang mga maiinit na sexy scenes, ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na gawin lahat ng mga sexy scenes.

 

 

Hindi nga raw niya nai-imagine na magagawa niya ang mga ito pero tulad nga nang napag-usapan nila ni Cloe during the shoot, gagawin at susundin nila ang instruction ni Direk Joel para take one at hindi na kailangang ulitin.

 

 

For a newcomer, pwede at pasado na ang acting ni Marco. May promise sa acting ang binata. Kung mababantayan ng mahusay ng director at mabibigyan mga projects na bagay sa kanyang acting ability, he can improve his acting skills through time.

 

 

Pwede rin mag-excel si Marco sa mga character roles. Pwedeng ito ang landas na kanyang tahakin dahil iilan lamang ang character actors natin sa kanya na may promise sa pag-arte.

 

 

Pero kung mabibigyan pa ng break to be a leading man, pwede rin naman si Marco. Kailangan lamang ay piliin mabuti ang susunod niyang projects para mabigyan ng tamang exposure ang kanyang acting ability for him to shine.

 

 

***

 

 

AFTER watching Silab, hindi namin alam kung papayuhan namin si Cloe Baretto na ipapanood sa parents niya ang pelikula.

 

 

Masyadong mapangahas ang mga sexy scenes ni Cloe dahil may breast exposure siya several times. Frontal kung frontal ang labanan.

 

 

Kung kakayanin ng dibdib ni Cloe na makita ng parents niya kung ano ang mga sexy scenes na ginawa niya, lalo na kung proud siya at ‘di naman siya nahihiya, well pwede siguro niya ito ipapanood.

 

 

Pero dapat may warning siya na matitindi ang sexy scenes na kanyang ginawa.

 

 

Dapat sabihin niya sa parents niya what to expect if they watch the film.

 

 

Pero kung okay lang sa kanya na makita siya ng parents niya in the nude, why not?

 

 

May acting naman siyang ipinamalas sa pelikula. Masyadong complex ang role niya and she was able to do a fairly good job, acting-wise.

 

 

We trust na happy si Direk Joel sa acting ni Cloe kaya he told us then na impressed siya sa baguhan.

(RICKY CALDERON)

Marcial solong sasabak sa Asian Championships

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang po ang Olympian na sasama (sa Asian Championships),” ani Marcial.

 

 

Kasalukuyang nagsasanay sa Thailand sina Petecio, Magno at Paalam.

 

 

Nagdesisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na huwag nang ipadala sina Petecio, Magno at Paalam sa Dubai dahil sa quarantine protocols.

 

 

Plano sana ng ABAP na palaruin ang tatlo sa Dubai ngunit babalik din sila sa Thailand para doon ipagpatuloy ang kanilang training camp.

 

 

“The reason is that they plan to go back to Thailand after Dubai for more training. if they do, they will have to quarantine again and that will set them back,” ani ABAP secretary general Ed Picson.

 

 

Makakasama ni Marcial sa Asian Cham-pionships si Jun Milardo Ogayre na miyembro ng national pool at kasalukuyang nagsasanay sa Baguio City.

 

 

Nasa Zamboanga City si Marcial kung saan sumasailalim ito sa puspusang pagsasanay kasama sina ABAP coach Gerson Nietes, coach Joven Jimenez, IBF champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.

 

 

Orihinal sanang idaraos ang Asian Championships sa India subalit inilipat ito sa Dubai matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa India.