• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 17th, 2021

41 close contacts ng ‘Indian variant’ cases, mino-monitor na: DOH

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng 41 pasahero na “close contacts” ng dalawang Pilipinong nag-positibo sa B.1.617 o “Indian variant” ng COVID-19 virus.

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong anim na close contacts ang unang kaso na galing Oman. Habang 35 ang close contacts ng ikalawang kaso na galing naman ng United Arab Emirates.

 

 

Parehong seaman ang mga nag-positibo sa Indian variant, na umuwi ng Pilipinas bago ipinatupad ang travel ban sa India.

 

 

“Tini-trace na natin itong mga kababayan natin na nakasama sa eroplano. We are tracing all of them and check all of their statuses.”

 

 

Sa ilalim daw ng protocol ng ahensya, itinuturing bilang close contacts sa eroplano ang apat na pasaherong nakaupo sa harap, likod, at gilid ng isang nag-positibo sa sakit.

 

 

Nilinaw naman ni Vergeire na dumaan sa panuntunan na mandatoryong testing at quarantine ang naturang close contacts pagdating nila ng bansa.

 

 

“They were either tested on the fifth or sixth day and they have completed yung quarantine nila on the national and local government level,” ayon sa opisyal.

 

 

“The protocols were followed and hopefully hindi tayo nagkaroon ng breach sa protocols para masabi na mayroon tayong danger sa ating mga kababayan.”

 

 

Batay sa datos ng DOH, taga-Soccsksargen at Bicol region ang dalawang seaman na nag-positibo sa COVID-19 Indian variant. (Gene Adsuara)

Ads May 17, 2021

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagong taxiway, CAAP building sa MCIA nagkaraon ng inagurasyon

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaron ng inagurasyon ang bagong pinalaki at pinalawak na taxiway at building ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na nasa Lapu-lapu City noong nakaraang April 5, 2021.

 

 

Ang nasabing inagurasyon ay isang hudyat na ang pamahalaan ay sinusulong ang pagkakaron ng growth at development sa Visayas kahit na panahon ng pandemya.

 

 

Si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang siyang namuno sa inagurasyon ng pinalaking taxiway at building ng CAAP kung saan ito ay magkakaron ng mas madaming aircraft parking capacity mula sa 40 na ngayon ay 50 slots na.

 

 

“Likewise, maximum aircraft movement capacity at the taxiway is now increased from the previous 35 aircraft per hour to 40 per hour,” ayon kay Tugade.

 

 

Dahil sa upgraded na taxiway, inaasahang mas dadami pa ang mabibigyan ng trabaho dahil sa pagbubukas ng mga locators at bagong concessionaires lalo na ngayon na mas maraming malalaking aircraft ang maaring gumamit ng expanded taxiway.

 

 

Pinasiyanan rin ni Tugade ang bagong dalawang-palapag na CAAP Administration Building na nasa loob ng MCIA complex na mayroon ibat-ibang facilities upang ang CAAP ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga stakeholders.

 

 

Dagdap pa ni Tugade na marami pa na mga bagong facilities sa loob ng MCIA ang gagawin na ayon sa programa ng Build, Build, Build ng pamahalaan.

 

 

Ang iba pa na kanyang tiningnan ay ang ginagawang pagtatayo ng pasilidad ng MCIA Terminal 2 at ang MCIA Corporate Building na inaasahang magkakaron ng inagurasyon sa darating na July 31.

 

 

Sinabi naman ni presidential assistant for the Visayas Michael Dino na utang na loob nila kay Tugade at sa kanyang team ang pagsusulong na magkaron ang Cebu ng isang makabagong airport na kanilang kailangan upang ang Visayas region ay makabangon at magbukas ng ekonomiya.

 

 

Si Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) officer-in-charge Glen Napuli ang nagsabi na dahil sa pagdalaw ni Tugade sa MCIA Terminal 2, ito ang nagbigay ng moral booster sa aviation at airport frontliners na nagtratrabaho kahit na panahon ng pandemya.

 

 

“I never get tired of these programs that provide happiness and convenience to the nation, especially for Cebu… Cebu is important to us. President Duterte loves Cebu,” dagdag pa ni Tugade.

 

 

Binigyan pansin din ni Tugade ang suporta at tulong ng CAAP sa pangunguna ni director general Jim Sydiongco at ng MCIAA na pinapagpatuloy ang mga airport development projects na makakaganda sa pagunlad ng air connectivity, job opportunities at tourism sa Visayas.

 

 

Hindi lamang MCIA ang inaayos, kasama na rin ang Bantayan airport sa Visayas na ngayon ay may 94.67 percent ng tapos at inaashang magkakaron ng inagurasyon sa second quarter ng taon.

 

 

Samantala, ang DOTr at Cebu Port Authority (CPA) ay natapos na rin ang mga seaport projects sa Pilar, Malapascua at Maya. May apat pa na projects ang ngayon ay ginagawa sa Bantayan, Consolacion, Cebu Baseport at San Fernando.

 

 

Noong nakaraan buwan naman ay nagkaron din ng inagurasyon ang development project sa Calbayog airport sa Samar.  (LASACMAR)

Pulis tinodas ng riding in tandem sa Caloocan

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem na mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa katawan ang biktima na kinilalang si PCpl Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente ng No. 254 Amaya’s St. Baesa, Brgy. 161.

 

 

Base sa nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-7:47 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ignacio Compound, Brgy. 162, ng lungsod.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo habang tinatahak ang naturang lugar nang biglang sumulpot mula sa likod ang mga suspek na magkaangkas sa isang N-Max na motorsiklo at armado ng baril saka pinagbabaril si Tan.

 

 

Gayunman, kaagad namang napansin ng biktima ang mga suspek kaya’t huminto ito at tinangkang gumanti ng putok gamit ang kanyang service firearm subalit, muli siyang pinaputukan ng mga salarin hanggang tamaan siya sa katawan.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at sa agarang pagkakaaesto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.

 

Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, Huwebes ng gabi ay sinabi ni Defense Secretary Lorenzana sa Pangulo na ang Pilipinas ay mayroong 2 barko sa West Philippine Sea, na gumagala sa paligid ng Kalayaan islands at Mischief Reef.

 

“I’d like to put notice sa China. May 2 barko ako d’yan … I am not ready to withdraw. I do not want a quarrel, I do not want trouble. I respect your position, and you respect mine. But we will not go to war,” ayon sa Pangulo.

 

Hindi kailanman aatras ng kahit na isang pulgada ang Philippine ships.

 

“Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan,” giit ni Pangulong Duterte.

 

Sa ulat, hindi maitatago ng ilang mga mangingisda sa Infanta, Pangasinan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “pure campaign joke” lang ang sinabi niya noong pag-jetski sa Scarborough shoal para igiit ang karapatan ng mga Pinoy.

 

Sa Dagupan City, Pangasinan idinaos ang 2016 Presidential Townhall Debate ng ABS-CBN kung saan libo-libo ang dumalo, kasama ang mangingisdang si Carlo Montehermozo.

 

Isa siya sa mga mapalad na nakapagtanong sa mga kandidato.
“Ano po ba ang puwede ninyong gawin para sa aming mangingisda upang matulungan kami na hindi maitaboy ng Chinese Coast Guard at para makapamingwit kami nang mabuti at mayapa?” tanong ni Montehermozo.

 

Nangibabaw ang sagot noon ni dating Davao City Mayor at ngayo’y pangulo na si Duterte na sinabing magje-jetski siya para itanim doon ang watawat ng Pilipinas.

 

Pero nitong linggo, makalipas ang 5 taon, ibinunyag ni Duterte na biro lang ang sinabi niya at sinabing “istupido” ang mga naniwala dito.

 

Dismayado si Montehermozo lalo’t kabilang siya sa mga naniwala at bumoto kay Duterte noong nakaraang halalan.
“Nagsinungaling naman siya sa amin, hindi naman tinupad iyong ano niya, iyong sinabi niya sa amin… Dapat hindi joke ang sabihin niya, gawin niya iyong sinabi niya sa akin, para hindi naman kami mukhang tanga doon sa Scarborough na ganito ang ginagawa sa amin,” hinaing niya.

 

Ayon kay Montehermozo, walang nagbago sa sitwasyon sa Scarborough shoal mula nang umupong pangulo si Duterte.

 

Naroon pa rin ang Chinese coast guard at tinataboy ang mga mangingisdang pumapasok sa Scarborough.
Pinagtitiyagaan na lang nina Montehermozo ang ano mang mahuhuli sa gilid ng Scarborough para lang maitawid sa hirap ng buhay ang kanyang pamilya.

 

“Iyon nga ang masaklap doon eh, hindi kami nakakapasok doon sa loob. Pati bangka namin na malalaki… Diskarte na lang ginagawa namin para makapangisda sa loob,” ani Montehermozo.

 

Nang itaboy noong 2015 ng Chinese coast guard ang tropa nina Montehermozo, kasama niya ang pinsang si Efren na patagong kumuha ng video ng mga pangyayari.

 

Isa rin siya sa mga umasa sa pangako ni Duterte na mapoprotektahan na sila.

 

“Tuwang tuwa ako kasi ipagtatanggol ang mangingisda, pero hindi naman niya tinupad eh, hanggang sa salita lang iyan siguro… Kung ganoon nalang din po hindi na po ako boboto,” ani Montehermozo. (Daris Jose)

DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ).

 

 

Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan simula bukas, May 15.

 

 

“Base sa mga indicators na mayroon tayo, at pag-aaral ng iba’t-ibang ahensya at mga eksperto, nakikita natin na kakayanin natin kung tayo ay magkakaroon ng GCQ with heightened restrictions,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ayon sa opisyal, bumaba na ang “average daily attack rate” o tinatayang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19 kada araw sa NCR Plus, pati na ang “growth rate.”

 

 

Bukod dito, nakita rin daw ng DOH at mga eksperto na lumuwag na ang sitwasyon sa mga ospital o ang “healthcare utilization rate” ng rehiyon at mga lalawigan.

 

 

“Dati mayroon tayong ICU bed utilization as high as 88%, ngayon 67% na lang. Its an improvement pero di natin sinasabi na ligtas na tayong lahat and we can be complacent.”

 

 

“This is to balance off yung ating economic losses, dahil marami na tayong kababayang nagugutom.”

 

 

Nilinaw ni Vergeire na bagamat niluwagan ng pamahalaan ang quarantine classification sa NCR Plus, may mga panuntunan pa rin dapat sundin ang publiko.

 

 

Sa paraang ito raw makakasiguro ang pamahalaan na kontrolado ang sitwasyon ng pandemya.

 

 

“Kaya nilagyan ng “heighted restrictions” dahil ang pinapayagan ay unti-unti nating bubuksan ang mga industrya para magkaroon ng trabaho ang mga kababayan natin, pero restricted ang non-essential activities.”

 

 

Dagdag pa ng Health spokesperson, may malaking papel din na gagampanan ang local government units para hindi na muling lumobo ang hawaan ng COVID-19.

 

 

“For our LGUs to work on shortening the period from the time a person is detected with COVID-19 or with symptoms to the time they are isolated… kung maibaba natin ng 5 and a half days na bababa ang mga kaso natin in two-thirds.”

 

 

Ayon sa opisyal, dumaan naman sa konsultasyon at pag-aaral ng mga health experts at National Economic and Development Authority (NEDA) ang rekomendasyon bago inaprubahan ng Inter-Agency Task Force.

Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean region.

 

Bukod dito, hindi naman nakikipag-unahan o nakikipagkompetensya ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa rehiyon subalit kailangan lamang aniya na sabihin ang totoong estado ng vaccination program para patunayan sa mga kritiko na mali ang kanilang mga paratang.

 

Sa kasalukuyan, inuuna aniyang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang pagkakamit ng herd immunity sa NCR plus Bubble hanggang sa umabot na ito sa buong bansa.

 

Pero kahit sa Metro Manila at mga karatig lalawigan lamang muna aniya magkaroon ng herd immunity  ay napakalaking bagay na nito dahil alam naman natin na lahat na ang bulto ng mga kaso ng COVID-19 ay nasa NCR plus areas.

 

Sa ulat, pumangalawa na ang Pilipinas sa ASEAN region sa usapin ng dami ng mga nabakunahan laban sa COVID-19.
Dahil dito, naungusan pa ng Pilipinas ang Singapore sa usapin ng vaccination rollout.

 

Matatandaan kasi noong nakaraang linggo, kung saan nasa ikatlong pwesto lamang ang Pilipinas, kasunod ang Singapore, habang nangunguna naman ang Indonesia.

 

Batay sa datos na iprinisenta Ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., lumalabas na nasa mahigit 2,409,235 na ang bilang ng mga Pilipinong nabakunahan kontra COVID-19.

 

Mula sa nabanggit na bilang, 451,270 dito ang nabakunahan na ng dalawang dose habang 1,957,965 naman ang naghihintay pa na mabakunahan ng ikalawang dose.

 

Samantala, ika-15 pwesto naman ang Pilipinas sa buong Asya, habang ika-apatnaput isa naman sa buong mundo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi ang “NCR Plus” sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso ay 1.5 million Pilipino ang nawalan ng trabaho.

 

 

Bumaba ito ng hanggang 1 million nang inilagay ang NCR at mga karatig lalawigan sa ilalim naman ng modified ECQ noong Abril.

 

 

Sa ngayon, ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho ay bumaba pa sa 700,000 matapos na payagan ng national govenrment ang limited operations ng ilang mga establisiyemento tulad ng mga dine-in restaurants, barber shops at parlors sa gitna ng MECQ.

 

 

Kagabi sa isang televised address, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang NCR Plus ay ilalagay na sa ilalim ng GCQ na mayroong “heightened restrictions” mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

 

 

Kabilang sa mga economic activities na pinapayagan sa bagong quarantine classification na ito ay ang indoor dine-in services sa 20% venue o seating capacity, outdoor o al fresco dining sa 50% venue o seating capacity, at outdoor tourism. (Daris Jose)

New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film. 

 

 

Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story.

 

 

Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the ninja warrior’s origins, but it looks like Paramount, MGM, and Skydance are taking a unique approach with the film.

 

 

According to the official press release, “Upon arrival in Japan, the Arashikage teach Snake Eyes the ways of the ninja warrior while also providing something he’s been longing for: a home. But when secrets from his past are revealed, Snake Eyes’ honor and allegiance will be tested – even if it means losing the trust of those closest to him.”

 

 

The poster features the main character with a katana strapped to his back and facing away from the camera while glancing over his shoulder, off to the side, as if assessing some threat out of frame. Unlike the classic version of the character that fans know and love from TV and comic books, he’s holding his helmet at his side.

 

 

Snake Eyes also stars Andrew Koji as Storm Shadow, Úrsula Corberó as The Baroness, Samara Weaving as Scarlett, Haruka Abe as Akiko, Tahehiro Hira as Kenta, and Iko Uwais as Hard Master.

 

 

Aside from the poster, EW shown the exclusive first-look photos of Henry Golding, which delves into the beginnings of this mysterious figure.

 

 

According to the producer,Lorenzo di Bonaventura, “It was one of the reasons why we picked the backstory [of] ‘How did he become Snake Eyes?'”

 

 

It’s also beneficial to see Golding outside the Snake Eyes helmet, which is typically always fixed on the character’s head. Always. But you just don’t hide the silver-screen good looks of the 34-year-old Crazy Rich Asians star behind a feature-less mask.

 

 

“I wanted to see something different, and I wanted it to look different, to feel different,” Golding says.

 

 

“To be able to launch a franchise like that, it was just too good to be true — and especially with a character like Snake Eyes about whom a lot of people don’t know too much. They know him as this insane operator that completes missions and is an absolute weapon, but who’s the guy behind the mask and what’s his story?”

 

 

Di Bonaventura says Snake Eyes will “answer some questions” left lingering in the minds of G.I. Joe fans after all these years. Like, what is Snake’s real name?    Such details were once considered “classified” in the canon of the series. “You’ll learn who he is, where he came from,” the producer promises.

 

 

The film is directed by Robert Schwentke (RED) and based on the screenplay by Evan Spiliotopoulos (The Huntsman: Winter’s WarBeauty and the BeastHercules), Anna Waterhouse and Joe Shrapnel.   Executive producers are David EllisonDana GoldbergDon GrangerJeff G. Waxman and Greg Mooradian, and producers are Brian GoldnerErik Howsam and Lorenzo di Bonaventura.

 

 

The film sees the man who will eventually become ‘Snake Eyes’ as a scarred individual. Without getting into too many details, di Bonaventura says, “His life has now been completely and utterly affected by this scar.”

 

 

Snake Eyes is set to premiere in theaters this July 23.

 

(ROHN ROMULO)

Pagbibigay ng emergency use authorization ng FDA sa Sinopharm posibleng matapos na

Posted on: May 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng matapos na hanggang sa susunod na linggo ng Food and Drugs Administration (FDA) ang evaluation para sa emergency use authorization (EUA) application ng Sinopharm para sa kanilang COVID-19 vaccine.

 

 

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo sa ginanap na pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasalukuyan nilang pinag-aaralang mabuti ng mga vaccine experts panel ang nasabing datus ng Sinopharm.

 

 

Natapos na rin ang pakikipagpulong ng Sinopharm sa Department of Health (DOH) at FDA.

 

 

Magugunitang pinapapabalik ng pangulo ang nasabing mga bakuna sa China at humingi ito ng paumanhin matapos na magpaturok ng Sinopharm kahit wala pa itong EUA.