• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 22nd, 2021

Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.

 

 

Sinabi ni Go na kapag nabakunahan na ang la­hat ng vulnerable sa COVID-19, partikular ang front­liners, senior citizens at may mga comorbidities, uusad na ang gobyerno sa pagbabakuna naman sa iba pang essential sectors at indigents sa vaccine rollout.

 

 

Ayon sa senador, ang pagbabakuna sa priority­ sectors ay makatutulong para mapalakas ang tiwala ng publiko at maialis ang takot o pangamba ng general population sa kaligtasan at efficacy ng vaccines.

 

 

“Sa mga Local Chief Executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpa­bakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” iginiit ni Go.

 

 

Bukod sa LCEs, iginiit din ni Go sa frontline workers na magpabakuna laban sa COVID-19 para masigurong protektado na sila laban sa virus.

 

 

Muli ring tiniyak ng mambabatas na prayoridad niya ang Bayanihan 3 o kung ano ang makatu­tulong sa ating mga kaba­bayan na ayuda.

MORISETTE, nag-iisang choice para i-revive ang iconic song na ‘Shine’ na pinasikat ni REGINE

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng celebration ng 10th year niya sa showbiz ni Morisette ay ang silver anniversary naman ng awiting Shine na composition ni Trina Belamide na second prize winner sa Metropop in 1996.

 

 

Si Mori ang napili nina Trina at Jonathan Manalo, creative manager ng Star Music, para mag-record ng bagong version ng “Shine” for the song’s silver anniversary.

 

 

Sa zoom conference noong Huwebes ay ikinuwento ni Mori na madalas niya itong inaawit sa mga singing contest. When she still joining singing contests in Cebu, karamihan daw sa piyesa niya ay English songs and sa mga OPM, itong “Shine” ang isa sa kanyang paborito.

 

 

Although the song was first recorded by Ima Castro and was also sung for a commercial by Regine Velasquez, Mori believes ang bagong version ng “Shine” has her own distinct sound.

 

 

Since iconic na ang status ng kanta kaya ang sabi nina Trina at Jonathan na dapat isang mahusay na singer din ang aawit nito. And Mori was there only choice. Kasi kailangan daw na may impact ang song kapag narinig ng mga tao.

 

 

Nang malaman ni Mori na ire-record niya ang “Shine”, sinabi niya na gusto niya na magkaroon ito ng gospel flavor.

 

 

     “I want it to be sort of praise song for the Lord. Despite the pandemic, I have managed to have some achievements, little miracles that I would like to be thankful for.

 

 

I want it also to be a thank you song for my fans and family. If not for the Lord’s light, wala tayong lahat dito ngayon,” sabi pa ng singer.

 

 

***

 

 

PATULOY ang paghahatid ng ABS-CBN ng delakidad na programa tuwing Linggo sa TV5 dahil mapapanood na ang patok na mga pelikula ni Fernando Poe Jr. na Ang Padrino at Ang Pagbabalik ng Panday sa “FPJ: Da King” sa Mayo 23 at 30.

 

 

I-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus, para mapanood sa TV5 ang mga pelikulang ito.

 

 

Samahan si FPJ sa Ang Padrino sa kanyang pagganap bilang si Emong, na kinikilalang “padrino” sa kanyang bayan dahil sa kakayahan nitong ayusin ang anumang gusot.

 

 

Pero masusubok si Emong dahil may mga maimpluwensyang tao ang makakalusot sa batas na siya niyang ikagagalit at magtutulak sa kanya para ialagay sa sariling kamay ang batas.

 

 

Samantala, nagbabalik naman si Flavio para tugisin ang nabuhay na si Lizardo (Max Alvarado) sa Ang Pagbabalik ng Panday.    

 

 

Sa kanilang pagtugis sa kaaway, haharapin nina Flavio at mga kakamping Temyong (Lito Anzures) at Lando (Bentot, Jr.) ang mga demonyo at si Bruhilda (Rosemarie Gil), ang diwata bumuhay kay Lizardo at nagbigay sa kanya ng kapangyarihang kayang tapatan ang sandata ni Flavio.

 

 

Mapapanood ang FPJ: Da King tuwing Linggo mula 2 hangang 4 PM sa TV5, pagkatapos ng ASAP Natin ‘To, kung saan natutunghayan ang weekly concert experience tampok ang world class performances ng pinakasikat na Kapamilya celebrities.

 

 

Isa ang TV5 sa platforms kung saan nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Pilipino nasaan man sila.

 

 

Bukod sa TV5, mapapanood din ng mga taga-Visayas at Mindanao sa cable ang FPJ: Da King sa A2Z Channel at Kapamilya Channel.

 

 

Kung gustong manood online, pwedeng tutukan ang mga palabas ng ABS-CBN sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

 

 

Para makapanood naman ng advanced episodes, pwedeng gamitin ang iWantTFC app at website, pati na ang WeTV at iflix.

 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.

(RICKY CALDERON) 

Ads May 22, 2021

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pfizer vaccine iturok sa mahihirap – Duterte

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinatitiyak ni Pangu­long Rodrigo Duterte na ibibigay sa mga mahihirap ang COVID-19 vaccine na gawa ng US-based Pfizer-BioNTech na nanggagaling sa   COVAX Facility.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay batay sa patakaran ng COVAX facility.

 

 

“Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga mahihirap or sa indigent population dahil ‘yan po ang patakaran ng COVAX,” ani Roque.

 

 

Inaasahan na nasa 2.2 milyon bakuna pa na gawa ng Pfizer ang darating sa bansa ngayong Mayo bukod pa sa 193,000 na nai-deliver na.

 

 

Prayoridad ng COVAX facility na ma­i­bigay ang suplay sa mga health workers, matatanda at mga taong may ibang karamdaman.

 

 

Sinabi rin ni Roque na huwag ilagay sa mga mall ang Pfizer kundi sa mga vaccination sites ng mga barangay kung saan mababa ang takeup ng vaccines.

 

 

Naniniwala rin si Roque na tumataas na ang kumpiyansa ng mga tao sa bakuna (Daris Jose)

Pacquiao No. 4 sa GOAT list

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pasok si Manny Pacquiao sa Top 25 Grea­test Boxers of All Time ng isang online site dahil sa tagumpay na nakamit nito at sa kontribusyon nito sa mundo ng boksing.

 

 

Inokupahan ni Pacquiao ang ikaapat na puwesto sa ilalim ng nangunang sina No. 1 Muhammad Ali, No. 2 Sugar Ray Robinson at No. 3 Mike Tyson.

 

 

Nagkasya lamang sa ikawalo si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. habang ikalima naman si Rocky Marciano, ikaanim si Joe Louis at ikapito si Sugar Ray Leonard.

 

 

Binigyang-diin ng natu­rang site ang malaking naitulong ni Pacquiao upang muling mai-angat ang bo­xing hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.

 

 

Matatandaang halos pabagsak na ang industriya ng boksing nang umusbong ang pangalan ni Pacquiao na naging daan upang mu­ling bigyan ng ningning ang naturang sport.

 

 

“Manny transcended the sport of boxing in a time when boxing is on a decline. He is the glimmer of light in the darkness that surrounds the world of bo­xing,” ayon sa The Top Tens.

 

 

Naging armas din ni Pacquiao ang bilis at lakas nito na tunay na nagpa­hanga sa kanyang milyun-milyong fans sa mundo.

 

 

Bukod pa rito ang magandang pag-uugali ng Pinoy champion sa labas ng boxing na isa sa dahilan para makahakot ng maraming fans sa tuwing sumasalang ito sa ibabaw ng ring.

 

 

Blockbuster ang halos lahat ng laban nito.

 

 

Mabango ang pangalan ni Pacquiao na bukod-tanging boksingero sa mundo na nagkamit ng world title sa walong magkakaibang dibisyon.

PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.

 

 

Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa paghahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar at isla sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Ito’y matapos na atasan ng Pangulo ang DILG na I-supervise ang mabilis na pagdeliver ng bakuna sa gitna ng mga ulat na may mga napanis na bakuna.

 

 

Kasabay nito, inatasan din ni Eleazar ang lahat ng Police commanders na maglatag ng Security plan sa paghahatid ng bakuna at sa mga vaccination sites.

 

 

Sinabi ni Eleazar na makakaasa ang puliko na 24/7 magtatrabaho ang PNP upang makatulong na makamit ng bansa ang herd Immunity laban sa virus.

 

 

Samantala, bumuo na ang PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) ng panuntunan sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga organizer ng community pantries.

 

 

Ayon kay sa ilalim ng binuong panuntunan na ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay upang tiyakin lamang ang peace and order at nasusunod ang minimum public health safety protocols.

 

 

Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang paghingi ng paumanhin ni PNP Human Rights Affairs Office chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa mga organizer na natakot sa umano’y profiling.

Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.

 

 

Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi na magkaroon ng pilahan.

 

 

Ayon kina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na dapat pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nasabing direktiba dahil magdudulot ito kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakuna.

 

 

Sinabi naman ng Marikina Mayor na ang vaccination process ay maging deliberative at karapatan din aniya ng mga tao na malaman ang bakuna na ituturok sa kanilang katawan.

 

Magugunitang nagbunsod ang desisyon ng DILG sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

 

 

Tiniyak din ng DOH na ang lahat ng mga bakuna ay dumaan sa matinding pag-aaral kaya ito ay epektibo.

 

 

Paliwanag pa ni Ano na kanila pa ring nirerespeto ang right to information ng mga indibidwal.

 

 

Kaya sila naglabas ng nasabing desisyon ay para maiwasan na ang naganap na pagdami ng mga tao na pipila sa mga vaccination center.

 

 

Magugunitang dumami ang pumila sa mga vaccination site matapos na ianunsiyo ng mga LGU na ang gagamitin na mga bakuna ay galing sa western brand. (Gene Adsuara)

‘Instant classic’ naging banggaan ng Lakers at Warriors sa play-in

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ngayon pa lamang tinawag na ng ilang sports analyst na instant classic ang naging banggaan kanina ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.

 

 

Ang dalawang team ay dati na ring naging kampeon.

 

 

Makapigil hininga pa ang matchup ng dalawang magkaribal na team na kabilang sa koponan ang mga best players ng liga na sina LeBron James at shooting king na si Stephen Curry.

 

 

Ang dalawa ay kapwa dating mga NBA Most Valuable Players.

 

 

Hindi naman nabigo ang mga fans sa excitement na sa huli ay nanaig ang defending champion na Lakers, 103-100.

 

 

Dahil dito umusad na ang Lakers bilang number 7 sa Western Conference upang harapin ang number 2 na team na Phoenix Suns sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven series sa first round sa Lunes.

 

 

Ang Warriors naman ay buhay pa ang pag-asa kung saan haharapin sa knockoit game para sa number 8 spot ang Memphis Grizzlies na naunang tinalo ang San Antonio Spurs.

 

 

Sinuman ang manalo sa labanan ng Warriors at Grizzlies, haharapin naman nila ang NBA top team na Utah Jazz.

Gilas 3×3 todo ensayo na!

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30.

 

 

Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa.

 

 

“In terms of effort, I really could not ask for anything more from the players du­ring our first week of trai­ning, and they also did their best to build on that with our online training sessions,” ani Magsanoc.

 

 

Itutuloy ang twice-a-day training hanggang sa Sabado bago umalis ang delegasyon sa Linggo patungong Austria.

 

 

Tiwala si Magsanoc sa magiging laban ng Gilas 3×3 kontra sa matitikas na koponan sa mundo.

 

 

Nasa Pool C ang Pilipinas kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

 

 

Kailangan ng Gilas 3×3 na makakuha ng dalawang panalo o higit pa upang umabante sa knockout quarterfinals.

 

 

“Now it’s about bringing everything together and forming a team that we can be proud of, a team that can compete against the best in the world,” ani Magsanoc.

 

 

Bibitbitin nina Joshua Munzon, Mo Tautuaa, CJ Perez at Alvin Pasaol ang bandila ng Pilipinas sa Olympic qualifiers kung saan ipaparada ng tropa ang bagong Gilas 3×3 jersey.