MAY plano raw pumasok sa showbiz si Miss Philippines Universe Rabiya Mateo.
Ayon sa isang news report ng ‘Chika Minute’ ng 24 Oras ng GMA 7, sina Cong. Vilma Santos at Ms. Maricel Soriano raw ang ilan sa gustong makatrabaho ng dalaga.
Karamihan naman sa mga nagiging beauty queen ay eventually pumapasok din ng showbiz tulad ni Miss Universe 1969 Ms. Gloria Diaz at Miss Universe 1973 Miss Margie Moran.
Sa ngayon ay aktibo pa rin si Ms. Gloria Diaz sa pagganap. Career na talaga for her ang pag-arte samantalang ilan movies lamang ang ginawa ni Ms. Margie at mas nag-concentrate ito sa private life niya.
Ang ilang pang beauty queens na pumasok ng showbiz ay si Miss World 1st Runner Up Evangeline Pascual and Bb. Pilipinas 1994 Charlene Gonzalez, just to name a few.
Maganda naman si Rabiya kaya pwedeng-pwede siyang mag-artista like other beauty queens before her. She can be an actress o kaya naman ay TV host. Maraming opportunities na pwedeng magbukas sa kanya if she enters showbiz. All that Rabiya needs is to choose wisely.
Kung hindi man siya pinalad sa Miss Universe, baka may ibang oportunidad na naghihintay kay Rabiya sa ibang larangan.
***
MAY bagong single si John Gabriel titled ‘Bakit Ba’ composed by Edwin Roxas.
Unang dinig pa lang ni John sa kanta ay nagustuhan na niya agad ito at gusto na niyang i-record. The song was sent to him via messenger by his manager Daddie Wowie at nagandahan daw siya agad sa kanta that was arranged by Albert Tamayo, with Arnie Mendaros as vocal arranger.
Agad niyang pinag-aralan ang kanta dahil naka-relate siya sa lyrics at message nung song. Na-experience na kasi ni John na may nagustuhan siya at niligawan niya pero pinaasa lang siya. It only took him a few days to learn the song at agad naman itong inaprubahan for recording ni Daddie Wowie.
“The song has two versions po. Isang ballad, and isang fast version. My management company po which is BMW8, decided to release first the fast version. Sila rin ang nagplano how we can shoot the music video of Bakit Ba? sa panahon ng pandemic,” kwento ni John.
“I consider myself lucky po dahil kahit sa mapaghamong panahon ngayon dahil sa pandemic, nakapag-record po ako ng isang song na pwede kong ipagmalaki, at isang music video na tunay naman pong pinaghirapan namin para maialay sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin. They can stream and download the song BAKIT BA now sa #spotify.”
(RICKY CALDERON)