• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2021

DAVID, handang sumubok sa sexy movies at willing ipakita ang lahat para walang mabitin

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL nauuso na naman ang mga sexy movies, handa raw ang Kapuso hunk na si David Licauco na subukan ito.

 

 

May malaking advantage si David dahil maraming netizen na parating inaabangan ang mga sexy pictorial niya for Bench Body. Kung sakaling gumawa ng sexy movie ito, tiyak na maraming beki ang manonood nito, mapa-big screen or streaming.

 

 

“Bakit naman hindi? Nag-usap naman kami ng manager ko na puwedeng iyon na ang next step sa career ko. Kung magpapa-sexy ako, gusto ko all out na. Yung ipapakita ko na lahat, ‘di ba? Para walang mabitin!” tawa pa niya.

 

 

Sa ngayon daw, pa-wholesome muna si David sa mga susunod na projects niya sa GMA.

 

 

“Gusto ko munang sagarin ang pagpapa-cute sa mga teleserye. May mga roles pa akong gustong gawin on TV at may mga gusto rin akong makatrabaho pa. Like sina Barbie Forteza and Bea Alonzo.

 

 

Si Barbie, nakasama ko siya sa Heartful Cafe. Marami akong natutunan sa kanya na paraan sa pag-arte. Si Bea naman, fan ako ng loveteam nila ni John Lloyd Cruz. Tsaka magaling umarte si Bea kaya gusto ko rin siyang makasabay sa pag-arte.”

 

 

Kabilang pala si David sa pinag-renew ng kontrata ng GMA Artist Center.

 

 

***

 

 

NAIKUWENTO ni LJ Reyes na patuloy ang communication ng panganay niyang si Aki sa biological father nitong si Paulo Avelino.

 

 

Noong magkaroon ng pandemic, parati raw nag-uusap ang dalawa na ikinatuwa ni LJ.

 

 

“Hindi na dumadaan sa akin. Diretsong tumatawag si Paulo kay Aki. Natuwa ako na nandoon ang concern niya kay Aki. Lagi silang nagkukumustahan.

 

 

Pinapabayaan ko lang kasi Aki is turning 11-years old na at kailangan makilala niya ng husto ang father niya.”

 

 

Nag-renew si LJ ng kontrata with GMA Artist Center at thankful siya sa pag-alaga at pag-intindi sa kanya ng GMA.

 

 

“It’s been 17 years since I became a talent of GMA after StarStruck 2. I am thankful sa pag-alaga ng GMA sa akin na minsan nahihiya na ako sa kanila. 

 

 

“Naging supportive sila noon pang nag-aaral ako hanggang sa naka-graduate ako. Ngayon ay supportive pa rin sila sa akin when it comes to the security and health of my family.”

 

 

May usapan daw sila ng partner niyang si Paolo Contis na hindi sila sabay tatanggap ng project para may isa sa kanilang maiwan sa mga bata.

 

 

***

 

 

PATULOY pa rin daw nakakatanggap ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin ng bashing sa social media.

 

 

Kung noon daw ay sobra siyang naaapektuhan ng mga panlalait sa kanya, ngayon ay natuto na raw siyang dedmahin ang mga ito.

 

 

“Hindi po nawawala ang bashers talaga. Kahit ano pa po ang gawin natin, may sasabihin pa rin silang hindi maganda. Ngayon po, hindi na ako masyadong apektado tulad noon.

 

 

Natutunan ko na rin po ang huwag na lang basahin yung mga comments nila sa akin. Naka-focus na lang po ako sa positive side ng buhay,” sey ni Jessica.

 

 

Ang positibo naman na nangyayari kay Jessica ay ang pagiging inspirasyon niya sa maraming tulad niya na kontesera at minamaliit. Ngayon ay maraming humihingi ng advise sa kanya para matupad ang pangarap nila.

 

 

“Nakakatuwa lang po na maraming nagme-message sa akin na humihingi ng advise, inspiration daw po nila ako para maabot ang mga pangarap nila. Yun po ang nakakabigay ng ngiti sa akin araw-araw. Knowing na may mga tao pala na napapalakas ko ang loob at lumalaban para maabot nila ang gusto nila sa buhay. Lagi ko namang sinasabi na maniwala sila sa sarili nila at magdasal sa Panginoon. Walang imposible kay God,” diin pa niya.

 

 

Isa si Jessica sa pinapirma ng GMA Artist Center bilang official talent ng Kapuso network. Available for streaming sa ilang music platforms ang kanyang dalawang singles under GMA Music na “Beautiful” and “Ako Naman”.

(RUEL J. MENDOZA)

WILLIE, nagpahiwatig sa post na posibleng iiwanan na ang daily show; ipagpatuloy sana ng GMA

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na ikalulungkot ng mga fans ni Willie Revillame at mga tagasubaybay ng daily program na Wowowin, kung iiwanan na niya ang show, tulad nang ipinahiwatig niya sa kanyang post. 

 

 

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sinabi niya na may matindi siyang pinag-iisipang desisyon, pero sana raw ay ipagpatuloy ng GMA Network ang ganoong show na tutulong sa marami nating mamamayan na nangangailangan.

 

 

May mga nagtatanong kung may sakit daw ba si Willie, dahil noong isang araw na nag-report siya sa show, sinabi niyang paggising niya ng umaga, wala na siyang boses, kahit anong pilit niyang magsalita, walang boses na lumabas, kaya maghapon daw siyang hindi nagsalita, at nagpasalamat siya sa Diyos na nang mag-report na siya sa show ay may boses na siya.

 

 

Isa rin kaya sa pinag-iisipan ni Willie ay kung tutuloy siyang kumandidato sa darating na Election 2022?

 

 

Matagal na kasi siyang kinakausap ni President Rodrigo Duterte, na kumandidato sa kanilang partido.

 

 

Kaya, hintay-hintay na lamang tayo sa magiging final decision ni Willie, kung anuman iyon, ay tiyak na sa ikabubuti ng kanyang mga kababayan.

 

 

***

 

 

KATATAPOS lamang nag-renew ng contract niya si Kapuso actress Max Collins sa GMA Network at sa GMA Artist Center.

 

 

At sinagot na rin niya ang tanong kung hiwalay na sila ng asawang si Kapuso actor Pancho Magno. Napapansin kasi ng mga netizens na hindi na tulad nang dati na laging nagpo-post sina Max at Pancho sa kani-kanilang Instagram account.

 

 

Madalas din laging sina Pancho at ang one-year old son nilang si Skye ang magkasama sa picture.  Nag-post si Max ng picture nila ni Skye nang mag-celebrate ng birthday ang anak last July 7, wala si Pancho dahil may work ang actor.

 

 

Ayon kay Max, nagdesisyon sila ni Pancho na gawing private na ang buhay nila kaya inihinto rin nila ang kanilang vlogs. Nagpasalamat din si Max na nagkaroon siya ng very supportive husband na naiintindihan kung ano ang gusto niya sa kanyang career.

 

 

Sa ngayon ay naka-lock-in taping na siya muli ng upcoming teleserye nilang To Have And To Hold na makakasama niya sina Rocco Nacino at Carla Abellana.

 

 

Sexy nga ba ang role na gagampanan ni Max sa serye?

 

 

***

 

 

NAPAPANOOD na sa The World Between Us na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smth at Tom Rodriguez ang gumaganap sa role nila bilang sina Louie, Lia at Brian, respectively, at magaganda ang feedbacks ng acting nila sa mga netizens.

 

 

Kasabay na rin na tumanggap ang show ng positive feedbacks sa pilot episode na isa sa pinuri nila ang cinematography.

 

 

sabi ni @itsmeDan, “lupet ng cinematography at video editing ng pagkabundol scene (ni Glydel Mercado), iba kayo!” @Cade “my mom was watching this new Kapuso series when I enter our house. And guess what? Namangha at nagulat ako because of its cinematography! “It’s like I am watching some K-drama series. It was awesome for its pilot episode.  Kudos to GMA and actors!”

 

 

Sabi naman ng iba, “movie feels and the texture I like,” “can we talk about the motion graphic intro ng #TheWorldBetweenUs, ang ganda!”     “pwede nang makipagsabayan sa Kdramas, pang-Netflix ang dating, yung tipong maipagmamalaki mo na gawang Pinoy.”

 

 

Nagpasalamat ang production sa patuloy na magagandang feedbacks na natatanggap nila.

 

 

Napanonood ang TWBU gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

(NORA V. CALDERON)

Isaiah 43:1

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

You are mine.

Posibleng pagtakbo ni PDu30 sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa, walang legal impediment- Sec. Roque

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG legal impediment o legal na hadlang para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung magdesisyon man itong tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections.

 

Taliwas ito sa pinalulutang ng ilang grupo.

 

“Section 4, Article VII of the Constitution is clear : The President shall not be eligible for any re-election. President Duterte is not running for the same office and same position,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kapag maingat na binasa ang Saligang Batas ay lalabas na walang ipinahahayag na probisyon para sa “sitting President” na tumkabo sa mababang public office position.

 

“Under the plain meaning rule or verba legis, if the statute is clear, plain and free from ambiguity, it must be given its literal meaning and applied without interpretation,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

Inalmahan kasi ng ilang grupo ang legalidad ng posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-pangalawang pangulo.

 

“On some groups challenging the legality of President Duterte’s Vice-Presidential bid to the Supreme Court, they may rightfully do so as long as they have the legal standing. However, it is is still premature considering the President has not made up his mind and filed his certificate of candidacy,” ayon kay Sec. Roque.

MOBILE VACCINATION GUGULONG SA NAVOTAS

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT nang mag-rollout ng mobile vaccination ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan prayoridad nito ang mga bedridden na residente o ang may mga sakit na hindi makaalis sa kanilang bahay.

 

 

“Philippine Red Cross has lent us a vaccination bus that will be used to visit and vaccinate Navoteños who are bedridden or sick and can no longer leave their homes. We will roll out the mobile vaccination as soon as we have completed the mapping of our intended vaccinees,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“We initially conducted house-to-house vaccination of our bedridden residents at Barangay Tangos North and South. However, we had to put it on hold due to limited staff. Red Cross will send vaccinators to augment our team,” dagdag niya.

 

 

Nanawagan si Tiangco sa mga pamilya ng mga nakaratay na residente na makipag-ugnayan sa tanggapan ng kani-kanilang mga barangay.

 

 

Bukod sa bus, nakatanggap din ang Navotas ng ambulansya mula sa DOH na tinanggap ito ni Cong. John Rey Tiangco at City Health Officer Christia Padolina mula kay Dr. Philip Patrick Co, Development Management Officer V ng DOH–Metro Manila Center for Health Development (MMCHD).

 

 

“We thank the DOH for this donation. This ambulance will be used to transport COVID-19 patients to hospitals or isolation facilities, and to reinforce the emergency response of the city,” ani Cong. JRT. (Richard Mesa)

Encanto’s First Trailer Promises A Magical, Musical Disney Adventure

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY released the teaser trailer for their upcoming animated musical film, Encanto.

 

 

The film from Walt Disney Animation Studios, is full of magic. The movie is set in a colorful and magical hidden village in the mountains of Colombia, and it focuses on the Madrigal family.

 

 

The Madrigals, however, are not your run-of-the-mill family, as each member possesses “exceptional, fantastical, and magical” powers such as super strength, shapeshifting, and plant manipulation.

 

 

The only exception is 15-year-old Mirabel (Stephanie Beatriz), who seems to lack any sort of unique power and is struggling to fit in with the rest of her family.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=togmdDHG3Pw

 

 

The rest of Encanto‘s cast features mostly actors and actresses of Latin American descent, including María Cecilia Botero, Wilmer Valderrama (That ’70’s Show), Adassa, Diane Guerrero (Orange is the New Black), Mauro Castillo, Angie Cepeda (Love in the Time of Cholera), Jessica Darrow, Rhenzy Feliz (Marvel’s Runaways), and Carolina Gaitan.

 

 

In Disney tradition, Encanto is also a musical, featuring songs by Lin Manuel-Miranda, the man behind Broadway musical Hamilton and In the Heights. Miranda said in a tweet that he has been writing the film’s songs for the past four years.

 

 

Encanto is directed by Byron Howard and Jared Bush, who both worked on Zootopia.

 

 

Encanto is set to hit theaters on November 24th, making it the first major animated film from Disney to not be released straight to Disney Plus since theaters first shut down due to the COVID-19 pandemic.

 

 

The studio has spent the last year and a half shifting almost all of its major animated releases from both Walt Disney Animation Studios and Pixar — including Soul, Luca, and Raya and the Last Dragon — either straight to its streaming service or with concurrent releases in both theaters and on Disney Plus.

(ROHN ROMULO)

‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa  pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar.

 

 

Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar kasabay ng paa­lala sa mga magulang na kailangan pa rin bantayan ang kani-kanilang mga anak.

 

 

Ayon kay Eleazar, dahil sa pagluluwag ng regulasyon, maraming bata ang inaasahang  makikitang lalabas at pagala-gala sa lansa­ngan. Maraming bata ang  papaalalahanan at sasawayin ng mga pulis kaya kailangan ay maximum tolerance.

 

 

Sa bagong protocols, pinapayagan nang makalabas ang mga batang nasa edad 5 taon pataas subalit hindi pa rin pinapayagan sa malls. Payo ni Eleazar kailangan na magdoble ingat sa paglabas kasama ang mga bata.

 

 

Hindi dapat magpaka-kampante ang mga magulang sa paglabas ng bahay dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at lalo pa itong bumabagsik dahil sa mga bagong variant.

 

 

Nagbabala pa ang PNP Chief sa mga magulang kung may mga paglabag sa mga panuntunan sila ang mananagot.

 

 

Ang bagong panuntunan ng IATF ay ipatutupad sa GCQ at MGCQ areas.

 

 

Hindi kasama rito ang mga lugar na nasa GCQ “with heightened restrictions,” tulad ng Laguna at Cavite.  (Gene Adsuara)

Mister timbog sa baril at P578K shabu sa Caloocan

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang hinihinalang tulak ng illegal na dorga matapos makuhanan ng baril at mahigit P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Fahad Pagayawan, 20, (Pusher) ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activity ni Pagayawan kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa kahabaan ng Sta. Rita, Brgy. 188 na nagresulta sa pagkakaresto kay sa suspek matapos bentahan ng P9,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska kay Pagayawan ang tinatayang nasa 85 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P578,000. 00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 9 pirasong P1000 boodle money, cal. 45 pistol at isang magazine na kargado ng anim na bala.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isinampa ng pulisya kontra sa naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutors. (Richard Mesa)

Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.

 

“Dini-distribute natin ang ating mga vaccine sa mga [Centers for Health Development] ang ating tinatawag na sa mga regional CHD ng DOH at the same time sa mga [local government units] at mayors ng highly urbanized [areas],” ani Galvez.

 

“Ang gusto kasi ni former Sec. Garin sa kanya ibigay namin ‘yung doses which is hindi naman tama. Kasi humihingi siya ng allocation. Maguguluhan po ang ibang mga LGUs kasi ‘di siya nasa lineage ng distribution. ‘Yung accounting mahihirapan po tayo at ang administration,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, may ilang politiko ang nais gamitin at umepal sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan para sa kanilang pansariling political agenda.

 

“‘Yung nakikita po kasi namin na gingamit ang vaccine sa politika. ‘Yun ang dini-discourage namin na please do not use the vaccine as a political weapon ang nakikita namin sa poster sila mismo kumukuha sa mga airports. It seems na parang sa kanila galing ang vaccines,” ayon kay Galvez.

 

Nilinaw din ni Galvez na may ilang LGU officials ang ipinatatawag para magpaliwanag kung bakit kailangan ng mga ito ng mas maraming bakuna sa kanilang lugar.

 

Tinukoy nito ang kaso sa Cagayan de Oro City kung saan ay umapela sa national government para sa mas maraming COVID-19 vaccine doses  dahil na rin sa nahaharap ito sa mataas na kaso ng COVID-19.

 

“We would like to contest ‘yung sinasabi ni [Congresswoman] Garin kasi wala po talagang favoritism ang ginagawa natin. Ang ginagawa natin ‘pag tumawag ang LGU and they rationalize na ‘kailangan namin ng ganitong vaccine kasi ito pa lang ang natatanggap namin,’” aon kay Galvez.

 

Ani Galvez, ibinibigay nila ang bakunang hinihingi ng LGUs upang sa gayon ay hindi ma-discouraged ito na tulungan ang gobyerno sa vaccine rollout. (Daris Jose)

Ads July 12, 2021

Posted on: July 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments