• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 22nd, 2021

DTI nilinaw na para sa international promotion ang pagluluto ng adobo standards

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan.

 

 

Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para ma-promote ito sa ibang bansa.

 

 

Paglilinaw pa ng ahensiya na bawat lugar ay may kaniya-kaniyang diskarte sa pagluto ng sikat na pagkaing Filipino.

 

 

Magugunitang bumuo ang Bureau of Philippine Standards (BPS) ng DTI ng technical committee para ma-standardize ang mga pagkaing Filipino.

 

 

Bukod sa adobo plano din ng BPS na mgkaroon ng standard na pagluluto ng ilang putahe gaya ng sinigang, lechon at sisig.

 

 

Paglilinaw pa ng ahensiya na bawat lugar ay may kaniya-kaniyang diskarte sa pagluto ng sikat na pagkaing Filipino.

 

 

Magugunitang bumuo ang Bureau of Philippine Standards (BPS) ng DTI ng technical committee para ma-standardize ang mga pagkaing Filipino.

 

 

Bukod sa adobo plano din ng BPS na mgkaroon ng standard na pagluluto ng ilang putahe gaya ng sinigang, lechon at sisig.

2 HOLDAPER NA TIRADOR NG GASOLINAHAN, TIMBOG SA CALOOCAN

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG batang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima sa mga gasoline station ang nasakote ng mga awtoridad matapos ang isang habulan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23 ng Hidalgo St., Quiapo, Manila at John Ray Goopio, 19 ng Building 7 Katuparan Vitas, Tondo.

 

 

Armado ng calibre .45 pistol at cal. 22 revolver ang dalawa nang lapitan ang cashier booth ng Shell Gasoline Station na matatagpuan sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan city dakong alas-11:30 ng gabi at tinutukan ang cashier na si Edmond Rivera, 39, sabay pahayag ng holdup.

 

 

Ayon kay officer-on-case P/MSgt. Julius Mabasa, kinuha ng mga suspek ang P7,290.00 cash at mabilis na tumakas subalit, hinabol sila ng mga operatiba ng DSOU na nagsasagawa ng surveillance operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Sinabi ni Col. Dimaandal, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay mula sa impormasyon na ibinigay sa kanila ni Lt. Col. Manny Israel at Lt. Col. Calvin Cuyag ng Northern District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong July 6, 2021 hinggil sa isang grupo ng holdaper na nagpa-planong mang holdap ng gas station sa southern area ng Caloocan City.

 

 

Matapos ang halos dalawang linggong surveillance operation, natiyempuhan ng mga operatiba ng DSOU ang mga suspek na tumatakas matapos holdapin ang gas station at narekober sa kanila ang tinangay na pera at ginamit na mga baril sa panghoholdap. (Richard Mesa)

Hiling ni PDu30 sa national at local quarters, paigtingin ang vaccine information at education campaign

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa national at local quarters na pataasin at paigtingin ang kanilang vaccine information at education campaign para mas mapataas pa ang kumpiyansa sa bakuna at marami pang tao ang magpabakuna laban sa Covid-19

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Chief Executive na dapat lamang na malaman ng mga mamamayang filipino ang kahalagahan ng bakuna.

 

“Alam mo ‘yung the importance of vaccines — ‘yang ‘yung word na “the importance of vaccines” you must get the vaccine or you die. Ilang beses na ‘yan na sinasabi na — many times,” ayon sa Pangulo.

 

Subalit, kung ayaw talaga niyang maniwala ng ilang tao sa kahalagahan ng bakuna at pagbabakuna ay mangyari na lamang aniyang huwag na lang lumabas ng bahay para walang mahawa ang mga ito.

 

“At kung ganyan ang — if that is your state of mind, actually to me you are antisocial, para kang galit sa tao. Ayaw… You are antisocial because in face of the danger confronting you and knowing fully well that it is really dangerous, you choose the path of this resistance by just not getting the vaccine at all. Ito ‘yung gusto kong — gusto ko, ito ‘yung gusto ko sila. Vaccines lang ito talaga,” ani Pangulong Duterte.

 

“Alam mo I don’t want to be ‘yung bunganga ko pero itong mga buang na ito, they not only endanger themselves, their family, but everybody they come in contact with. And everything that they touch or hold mag-iwan sila ng virus, they can spread and they called the spreader because they spread with more audacity, ika nga,” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya, wala aniyang dahilan para magalit ang mga taong hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpabakuna at wala pa ring tiwala sa bakuna sa mga pulis at sa mga military kasi utos niya na hulihin ang mga lalabag sa “health and safety protocols.”

 

“So hindi man nila kasalanan kasi ‘pag hindi nila na-implement, ‘pag may nakita ako na ano violation, sila man ang bubulyawan ko. So, in other words, they are just doing their duty. So kindly understand that. They would be the last or the least of the persons to tinker with the lives of people except that when they are called upon to do a duty, they do it with — kasi alam nila ang danger. So they themselves know that it is also to their advantage if they impose the restrictions more — hindi naman harder but more in line with the — in line with the regulations of government,” litaniya ni Pangulong Duterte. ( Daris Jose)

NAVOTAS PDLs NATURUKAN NA KONTRA COVID

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA 747 Persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas City Jail ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Sputnik vaccine kontra COVID-19.

 

 

“PDLs are at high risk of contracting COVID-19 due to limited spaces in our city jail.  Through vaccination, we hope to ensure the health and wellness of our inmates and eliminate the risk of the facility turning into a COVID hotspot,” ani  Mayor Toby Tiangco.

 

 

Naglaan din ang lungsod ng 101 doses ng Sputnik para sa mga Navoteña PDLs sa Malabon City Jail-Female Dormitory.

 

 

Nauna rito, nasa 500 fish workers sa Navotas Fish Port Complex ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine sa pamamagitan ng night vaccination ng lungsod.

 

 

“Our goal is to vaccinate 150,000 Navotas residents and workers, and in order to accommodate them, we are willing to adjust our methods and schedules,” sabi ni Tiangco.

 

 

Hanggang July 16, nasa 98,317 residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap ng kanilang unang shot ng COVID-19 vaccine. 45,827 dito ang nakakumpleto na nang dalawang doses. (Richard Mesa)

Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala.

 

 

Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito.

 

 

Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy.

 

 

Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa Jacquemot ng France sa nasabing puwesto.

 

 

Noong nakaraang Oktubre ay nakapasok ito sa ranking matapos na umabot ito sa semifinals ng 2020 French Open.

Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na sa posibilidad na makara­ting ang Delta variant sa Pilipinas.

 

 

“Currently our existing oxygen supply is sufficient but we need to add additional so that we can be more prepared,” ayon kay Vergeire.

 

 

May 35 kaso na ng Delta variant sa bansa kabilang ang 11 local ca­ses, dalawa ay sa Metro Manila.

 

 

Patuloy na inaalam ngayon ng DOH kung mayroon ng local transmission nito sa bansa.

 

 

“Our hospitals are now more guided that they should be expanding their beds already. Our local governments have been guided also they should intensify their PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response,” ayon kay Vergeire. Nabati na ang Delta variant ay higit 60 porsiyentong mas nakakahawa kaysa sa Alpha variant na nakita sa UK.

 

 

Una nang sinabi ng Pilipinas na mag-iexport ito ng oxygen sa Indonesia bilang tulong sa tumataas na kaso ng COVID-19 dahil sa Delta va­riant sa nasabing bansa. (Daris Jose)

‘Dolomite beach’ binuksan sa publiko

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang tinaguriang “dolomite beach” sa Baywalk sa Maynila kahapon ng umaga.

 

 

Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar.

 

 

Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang dolomite beach sa publiko hanggang sa Martes, Hulyo 20.

 

 

Gayunman, limitado rin ang oras ng pagbubukas nito, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Mahigpit din ang tagubilin ng mga awtoridad na tumalima ang mga bisita sa health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

Istrikto rin ang pagbabantay ng mga tauhan ng DENR na nagpapaalala sa publikong sumunod sa mga panuntunan. Nagpuwesto sila ng magkaibang entrance at exit sa beach para hindi magsiksikan ang mga tao.

 

 

Naglagay rin ng mga karatula na nagsasabing bawal ang paglangoy, pagkain, paninigarilyo, pagkakalat ng basura at pagpulot ng buhangin sa beach. Mahigpit ding ipinagbabawal ang par­king sa gilid ng Roxas Boulevard.

 

 

Pinayagan namang makapasok maging ang mga senior citizen at mga menor-de-edad na may adult companion.

 

 

Anang DENR, matapos ang tatlong araw na public viewing ay ia-assess nila kung bubuksan muli ang artipisyal na white beach.

 

 

Target ng kagawagan na matapos ang second phase ng naturang proyekto sa Oktubre, 2021.

 

 

Samantala, nag-inspeksyon si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Leo Francisco sa Baywalk para masigurong natutupad ang mga health protocols. Nagpakalat din siya ng maraming pulis sa nasabing lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

KC, walang balita kung nagkita na sila ni SHARON habang nasa Amerika, ganun sina APL.DE.AP at PIOLO

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw nang nasa Los Angeles, California si KC Concepcion, pero wala pa siyang pinu-post na photo na kasama niya ang nali-link sa kanyang singer na si Apl.de.Ap o ng dating boyfriend na si Piolo Pascual na naroon din sa LA.

 

 

Kaya nag-expect ang mga fans nila na magkikita-kita sila roon.

 

 

     Ang Instagram post lamang ni KC, ay habang naggu-grocery siya roon: “Someone made grocery shopping great again.  It feels bittersweet because for so long through this pandemic many of us avoided crowded areas. Things are back to ‘normal’ here, with precautions here and there.”

 

 

Mas nauna ang mommy niyang si Sharon Cuneta sa LA, pero wala ring balita kung nagkita na sila. Wala pa raw namang balak umuwi si Sharon dahil enjoy pa siya roon, baka raw sa August na siya babalik ng bansa dahil magso-showing na ang movie niyang Revirginized na ipalalabas sa VIVAMax.

 

 

***

 

 

ITINULAD ni Kapuso Dramatic Actor na si Dennis Trillo ng upcoming GMA family drama series na Legal Wives,  na para silang nag-aaral gabi-gabi ng mga co-stars niya, ng  Mranaw words na nasa script nila, na mine-memorize nila, habang naka-lock-in taping sila.

 

 

Binigyan daw naman sila ng production ng mga consultants para tanungin nila kung ano ang tamang gawin sa isang eksena at kung paano nila bibigkasin nang tama ang mga Mranaw words.

 

 

Kapag may mahahaba raw lines si Dennis sa shoot niya kinabukasan, gabi pa lamang bago matulog binabasa at pinag-aaralan na niya ang script at paggising niya sa umaga, muli  niyang babasahin ito para hindi niya malimutan.

 

 

Gagampanan ni Dennis ang role ng isang Mranaw royalty, si Ismael Makadatu, na ibig sabihin ay hearer of God, kaya sinusunod niya ang kanilang religion.

 

 

Si Dennis, masaya dahil marami siyang natutunan sa Islam culture.  Nasa kultura nila ang pwedeng magkaroon ng maraming asawa, kaya tatlo ang mga asawa niya, na lahat ay legal.

 

 

Nilinaw ni Dennis na ang Legal Wives ay isang family drama at ipapakita kung paano niya na-handle na maging buo ang kanyang pamilya.

 

 

Pero, maiiwasan bang mag-away-away ang tatlo niyang asawa?

 

 

***

 

THANKFUL ang gaganap na Christian legal wife ni Dennis Trillo, si Kapuso actress Andrea Torres, na tamang-tama ang pagdating ng offer sa kanya.

 

 

Hindi lingid sa atin na may pinagdaraanan si Andrea, at nawala iyon dahil naging busy siya, para maka-move-on.

 

 

First time palang makatrabaho ni Andrea si Dennis na inamin niyang dream leading man niya.

 

 

“Kaya nang magsisimula na kaming mag-taping, sabi ko, baka hindi ako maka-arteng mabuti dahil nai-starstruck ako sa kanya,” kuwento ni Andrea.

 

 

“Pero sobrang bait pala niya, very simple, nakaupo lang while waiting for the take. Never ko siya nakitang nagalit at salamat na okey agad ang first scene namin together.”

 

 

Kahit daw hindi nagkakasundo ang legal wives sa eksena na laging naiipit si Dennis, off-camera, ang ganda raw ng samahan nilang lahat sa lock-in taping, kaya nang matapos na ang taping nila, nalungkot sila pero nag-promise silang muling magkikita-kita.

 

 

Ang dalawa pang legal wives ni Dennis ay sina Alice Dixson at Bianca Umali. Sa Monday, July 26 na mapapanood ang world premiere ng Legal Wives na dinirek ni  Zig Dulay, pagkatapos ng The World Between Us.

(NORA V. CALDERON)

MAUREEN, nagpasalamat sa supporters at nag-apologize sa kanyang ‘white lies’; trending ang pagpasok nila ni KISSES sa ‘MUP’

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT ang first Filipina winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz sa kanyang mga supporters sa Instgram, kasabay ng pag-a-apologize sa ‘di pagsasabi ng totoo tungkol sa pagsali niya sa 2021 Miss Universe Philippines.

 

 

Panimula ni Maureen sa kanyang post, Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as it was, I had to keep this a secret.”

 

Dugtong pa niya, First and foremost, I would like to thank you for the overwhelming support. Please know that I very much appreciate all the love and your kind words. This is the new chapter I’ve talked about in a recent post and I humbly ask for your continued support. It’s true what I’ve said in my interviews. I’ve always considered dipping my toes in pageantry and committing to it when I felt ready. It was not until I received my sign from the Universe, that I knew I couldn’t wait for that feeling of readiness and that I’d have to take that first step in order to feel ready.    “I’ve shared the importance of getting out of your comfort zone as a means to grow as a person and that’s what I’m doing once again. This feels new and to be honest, I’m terrified but I’ve come to realize that I just fear the unknown (thank you @gerryd16). What I fear most though is living a life of regrets. I don’t want to grow old thinking that I should’ve joined, alternatively I would like to say ‘I’m glad I’ve joined’. I’ve learned to stop saying ‘one day’ and instead I say ‘day 1’. I hope through this I inspire you to reach for the Universe. It’s all up to you. You can achieve anything you put your mind to and sometimes if you believe hard enough the Universe will conspire in helping you succeed ✨

 


     “Thank you God, the Universe, Tito Rex, my Momager Chinie, Aces & Queens and the Miss Universe Philippines Organization for this incredible opportunity.”

 

 

Marami nga ang natuwa na nakapasok siya sa Top 100 na marami ang umaasa na magtutuloy-tuloy siya sa final cut na Top 30 na rarampa sa September 25.

 

 

Pati na ang mga celebrity friends niya ay excited at naggo-goodluck sa kanyang paglaban sa MUP at makuha ang inaasam na korona, tulad nina Iza Calzado, Allan K, Chie Filomeno, Thia Tomalla, Ryzza Mae Dizon at marami pang iba.

 

 

Comment naman ni Maureen Montagne na kinoronahan na Binibining Pilipinas Globe 2021, So happy for you Mau! Go get it girly! The universe is yours!

 

 

Bukod kay Maureen, pasok din sa Top 100 sina Kisses Delavin at Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Bautista.

 

 

Nag-trending pa MUP teasers nina Kisses at Maureen, na inspired ng one-eye teaser kay Bea Alonzo sa paglipat nito sa Kapuso Network.

 

 

Hindi na bago kay Kisses ang pagsali sa beauty pageants dahil nanalo siyang Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016, the same year na sumali siya sa reality TV show na Pinoy Big Brother.

 

 

Nanalo rin siya noong 2013 ng Miss Teen Masbate, noong high school, tinanghal naman siyang Miss Teen Campus at Miss Alma Mater. Naging finalist din pala siya ng Miss Teen Earth Philippines.

 

 

Ang Laguna beauty queen naman si Leren Mae Bautista ay tinanghal na 2nd runner-up sa Miss Globe 2019. Noong 2015, nakuha rin niya ang korona bilang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International at Miss Tourism Queen of the Year International.

 

 

In-announce naman ni MUP National Director Shamcey SupsupLee ang theme para 2021 edition, na “Inspire You.”

 

 

“A Miss Universe Philippines is a phenomenal woman because she has the ability to inspire others. This year, the three pillars are Roots, Transformations and Charity,” pahayag pa niya.

 

 

“Inspired by your Roots. The MUPh Associated Partners Program ensures that as many cities and provinces throughout our country are well represented. Join us as we take a deep dive into the interesting and moving parts of our culture revealed through the eyes of our contestants.

 

 

“Inspiring Transformations. With the world-renowned experience of the key members of the Miss Universe Philippines board in bringing out the best in a Filipina, the goal is for them to find their unique best self that should also move other people to seek their best selves.

 

 

“Inspiring Charity. It doesn’t matter whether it is big or small. Doing something good that can be sustainable should also inspire other people to do the same.

(ROHN ROMULO)

Ipasa ang Anti-Endo Law

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

 

Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong tutuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong panahon ng kampanya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy silang nananawagan at umaapela sa mga mambabatas na ipasa na ang anti-endo bill lalo pa’t malapit ng matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay wala pa ring naipapasang batas ukol dito.

 

“We continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the President ends,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya kahit aniya panay-panay ang pangangalampag at pagsertipikang agad na maipasa ang panukalang batas laban sa kontraktuwalisasyon kung hindi naman inaaksiyonan ng Kongreso ay wala ring magiging saysay ito.

 

“But we leave it to Congress because unfortunately no amount of certification can lead to the enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise,” ding pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang anti-endo bill subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuusad sa Kongreso.

 

At maging si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello ani Roque ay umaasang maisabatas ang naturang panukalang batas para sa mga manggagawa.

 

“When I last talked to Secretary Bello, he reiterated the anti-Endo bill continious to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the President,” anito. (Daris Jose)