• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy.

 

 

Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement ay isang kalabisan na at magiging dagdag lamang sa gastos ng mayari ng sasakyan.

 

 

“I implore them to look into it and reconsider waiving the requirement provided that the vehicle owner can show proof of comprehensive insurance,” wika ni Belgica.

 

 

Ang TPL ay isang uri ng insurance na kinailangan para sa mga registradong sasakyan upang mabigyan ng proteksyon ang mayari ng sasakyan laban sa third party incidents o pagkamatay dahil sa paggamit ng sasakyan.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang comprehensive automotive insurance ay kailangan dahil ito ay inuutos ng batas na nagbibigay ng mas malaking coverage sapagkat naglalaan ito ng magandang proteksyon laban sa third party accidents.

 

 

Dagdag pa ni Belgica na ang ARTA ay gumagawa ng paraan upang maalis ang overregulation at mga hinding kailangan mga requirements sa mga proseso sa pamahalaan upang mabawasan ang hirap na nararanasan ng mga tao sa mga transaksyon, para rin mapasimple ang proseso at magbigay ng good governance.

 

 

“This is all in line with our intensified campaign against fixers through entrapment operations,” saad ni Belgica.

 

 

Nakikipagtulungan din ang ARTA sa Department of Transportation (DOTr) upang paalalahanan ang Private Emission Testing Centers and Motor Vehicle Emission Control Technicians at ang Insurance Commission (IC) na hindi dapat sila makipagsabwatan sa mga fixers.

 

 

“They should be aware that collaborating with fixers for economic and/or other benefits or advantage is a violation of Section 21 under Republic Act 11032, otherwise known as the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018,” dagdag ni Belgica.

 

 

Ang RA11032 ay naglalayon na mapasimple ang mga proseso at mga pamamaraan sa mga serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Ayon pa rin kay Belgica ang DOTr ay sumagot na sa kanilang pakiusap na magbigay ng advisory sa mga PETCs at MVECTs sa mga serbisyong pinapayagan na kanilang ibigay. Nakipagugnayan na rin sila sa LTO at IC tungkol sa nasabing issue.

 

 

Patuloy pa ang ARTA na nakikipagtulungan sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at iba pa ahensya ng pamahalaan upang maalis ang mga fixers sa bansa.  LASACMAR

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, 2 buwan pa bago ang ‘homecoming’ sa Zamboanga

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaplano na rin ang Zamboanga City para sa isang makabuluhang homecoming o pag-uwi ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

 

 

Ito’y kahit aabutin pa ng dalawang buwan bago makauwi sa kanyang hometown ang tinaguriang golden girl.

 

 


Sa panayam kay Dr. Cecil Atilano, sports coordinator ng Zamboanga City at mentor ni Diaz, matapos mag-quarantine ay hindi naman nila puwedeng ipagdamot si Hidilyn lalo’t tiyak na marami ang posibleng makikipagkita sa kanya partikular sa mga private sector na sumuporta sa kanyang Olympic journey.

 

 

At dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na napatugtog ang Philippine national anthem sa Olympics, gusto nilang ipakita at iparamdam ang nationalism at patriotism sa pag-uwi ni Diaz sa lungsod.

 

 

Aniya, lahat ng mga establishment at opisina ay magsasabit ng bandera ng Pilipinas hanggang sa makauwi si Hidilyn maliban pa sa mga tarpaulin.

 

 

Sinigurado pa ni Atilano na matutuloy na ang matagal na planong pagpapatayo ng monumento ni Diaz.

 

 

Samantala, inihayag ni Rev. Fr. Jeffrey Mirasol, parish priest ng Holy Trinity at Parish-spokesperson ng Archdiocese of Zamboanga na naghahanda ang simbahan para sa pagbabalik ni Hidilyn sa hometown nito.

 

 

Aniya, mag-aalay ng thanksgiving mass kay Hidilyn kasama ng kanyang pamilya at pangungunahan ito ng bishop ng Zamboanga.

 

 

Una rito, sinabi ni Fr. Mirasol na likas na mapagpakumbaba at relihoyoso ang pamilya ni Hidilyn.

 

 

Batid nito na ang magandang katangian ng weightlifting champion ang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

 

 

Nabatid na posibleng hindi rin magtatagal si Diaz sa Zamboanga at babalik rin ito sa Maynila.

Marcial pasok sa Q’finals

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.

 

 

Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.

 

 

Itinigil ni Slovakian re­feree Radoslav Simon ang bakbakan dahil sa pag-agos ng dugo sa kanang kilay ng Algerian galing sa isang head butt kay Marcial.

 

 

“Masaya po ako siyempre sa pagkapanalo. Hindi pa ito ‘yung last fight, marami pang fights na darating,” ani Marcial. “Kasama ‘yung mga coaches ko, pagha­handaan pa po namin ‘yung mga susunod na laban.”

 

 

Sasagupain ng 25-an­yos na tubong Zam­boanga City sa Linggo para sa bronze medal si Armenian Arman Darchinyan na tinalo niya sa faceoff noong 2018 world meet sa Russia.

 

 

Binigo ni Darchinyan si Andrej Csemez, 5-0, sa kanilang laban.

 

 

“Tinalo ko siya doon pero siyempre, itong Olympics talagang lahat naghanda para rito. Alam ko na handang-handa siya sa laban niya,” sabi ni Marcial.

 

 

Nabigo naman si flyweight Irish Magno na ma­duplika ang panalo ni Marcial nang yumukod kay Thai fighter Jutamas Jitpong.

 

 

Samantala, makiki­pagtuos si flyweight Carlo Paalam kay three-time Olympian Mohamed Flissi ng Algeria bukas ng umaga sa round-of-16.

 

 

Nagmula si Paalam sa pagpapatalsik kay two-time Olympian Brendan Irvine sa round-of-32.

 

 

Nauna nang tumiyak ng Olympic bronze medal si featherweight Nesthy petecio matapos gibain si Colombian Yeni Arias Castaneda kamakalawa.

Balik ECQ ang NCR simula Aug.6 hanggang Aug.20 – IATF

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula August 6 hanggang 20, 2021.

 

 

Ito ay dahil pa rin sa banta ng COVID -19 delta variant na nakapasok na sa bansa at naitala na ng Department of Health (DOH) ang ilang kaso nito.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng ECQ bawal ang indoor dine-in services at al fresco dining pero papayagan naman ang take-out at delivery services. .

 

 

Pinapayagan ding makapag-operate ng hanggang 30 percent ang personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas.

 

 

Sarado muna ang mga indoor sports courts at venues pati na ang indoor tourist attractions at specialized markets na una nang inaprubahan ng Department of Tourism (DOT).

 

 

Pinapayagan naman na makapag-operate ng hanggang 30 percent ang outdoor tourist attractions na inaprubahan ng DOT.

 

 

Ayon kay Sec. Roque, tanging ang mga Authorized Persons Outside their Residences (APOR) ang pinapayagang bumiyahe sa loob at labas ng NCR Plus Area o ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

 

 

Tanging ang virtual religious gatherings ang pinapayagan.

 

 

Pinapayagan din ang necrological services, wakes, inurnment at funerals ng mga nasawi dahil sa COVID-19 pero limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya.

 

 

Samantala, mananatili sa ECQ ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province, at Cagayan de Oro City mula August 1 hanggang 7, 2021.

 

 

Isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Cebu City at Cebu Province, Ilocos Norte, Bataan, Mandaue City at Lapu-Lapu City simula August 1 hanggang 15, 2021.

 

 

Isasailalim sa GCQ with heightened restrictions simula August 1 hanggang 15, 2021 ang Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Lucena City, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod City, Capiz Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at Butuan City.

 

 

Nasa GCQ simula August 1 hanggang 31, 2021 ang Baguio City, Apayao, Santiago City, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands at Cotabato City.

 

 

Inihayag ni Sec. Roque, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) classification simula August 1 hanggang 31, 2021. (Daris Jose)

Extension ng travel restrictions sa 10 bansa, inaprubahan ni PDU30

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa sa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Hary Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, indonesia, Malaysia at Thailand.

 

Sinuportahan naman ng IATF sa 130 meeting nito ang draft Joint Administrative Order hinggil sa Revied Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of Licensure Examinations sa panahon ng Public Health Emergency and/or Pandemic na ginawa ng Department of Health, Professional Regulation Commission at Philippine National Police.

 

“The Department of Health (DOH), the Professional Regulation Commission (PRC) and the Philippine National Police (PNP) drafted this Joint Administative Order that shall govern all PRC licensure examinations for the duration of the public health emergency,” ayon kay Sec. Roque.

 

Matatandaang noong Hulyo 14, 2021 ay inaprubahan ng IATF ang ekstensyon ng travel restrictions para laamang sa 7 mga bansa gaya ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021

 

Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.

 

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekumendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.

 

Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

 

Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa.Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility ng bansa. (Daris  Jose)

Timberwolves star bumisita kay Pacquiao

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy ang pagdagsa ng mga sports personalities at celebrities sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Pinakahuling bumisita si NBA star Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na personal na pinanood ang isinasagawang ensayo ng Pinoy champion.

 

 

Nagbigay pa ng jersey si Towns kay Pacquiao.

 

 

Nagpakuha pa ng la­rawan si Towns sa ilang world championship belt ni Pacquiao gayundin sa pirmadong gloves nito.

 

 

“Had the opportunity to meet the legend work,” ani Towns sa kanyang post sa social media.

3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. T De Leon at Carmela Sanguyo, 34, ng Brgy, Ugong, pawang (watchlisted).

 

 

Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa Lamesa St., Brgy. Ugong.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Cruz ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba kasama si Ore at Sanguyo.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, buy bust money, P800 cash, 3 cellphones at pouch.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads July 31, 2021

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Vaccination program, tuloy -Sec. Roque

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY pa rin ang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan kahit pa inilagay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021 at simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Agosto 20, 2021.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, “yes definitely. Details to be provided in due course by vaz comm,” anito.

 

Sa kabilang dako, inatasan naman na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na maghanap ng mapagkukuhan ng pondo para sa ayuda.

 

“PRRD directed DBM to source funds,” an Sec. Roque.

 

Samantala, ipinaliwanag naman Sec. Roque na ang desisyon na ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5 at sa ECQ mula Agosto 6, 2021 hanggang Agosto 20, 2021 ay dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant.

 

“Kung hindi tayo gagalaw ng ganitong kaaga. So paano natin binalanse yung desisyon na ito. unang una po, kaya naman po hindi kaagaran nating inimpose ang ECQ dahil sapat naman po ang ating mga hospital para alagaan yung magkakasakit. nasa low risk pa po tayo, mga 46 percent pa po yung available nating ICU at hospital beds. Pero dahil nga po 3 times na mas nakakahawa itong delta variant, inaasahan nating sisipa po ito. kaya nga po panandalian itong isang linggong ito ay dapat maghanda na tayo kung ano ang gagawin natin para dun sa dalawang linggo sa ilalim ng ECQ,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, kung may mga negosyo aniya na hindi pupuwede magbukas sa ilalim ng ECQ ay makabubuting ngayon pa lamang ay gumawa na ng mga arrangements ang mga nagmamay-ari nito.

 

Ang panawagan pa rin ng Malakanyang sa publiko ay huwag mag-panic buying.

 

“kung kayo poy mananatili na sa inyong mga tahanan, wag na kayo mag panic buying ha, kasi meron naman tayong isang linggo para magprepara dito sa 2 weeks na ecq. wala pong dahilan para mag panic buying dahil maski ECQ po buhay naman po o bukas naman po ang aitng mga groceries. at importante lang po ngayon itong linggo na ito lahat po tayo ay makapagplano,” aniya pa rin.

 

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na walang malaking banta na kakalat talaga ang Delta variant dahil binabase naman ng gobyerno sa siyensa at sa mga projections na ginagawa ng Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) ang mga desisyon ng pamahalaan.

 

“Napakahirap po talaga nitong desisyon na ito pero sabi nga ng ating Presidente… mahirap man, mapait man ang desisyon natin, ito po ay para sa kabutihan ng lahat,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Sa sweet photo na pinost ni JULIA: GERALD, nilalait ng netizens dahil tumaba at tumatanda na

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SHARE uli si Julia Barretto sa kanyang IG post ng sweet photo nila ni Gerald Anderson, na kung saan nakatitig siya sa aktor.

 

 

May mga natuwang netizens dahil kitang-kita talaga na in love na in love sa isa’t-isa.  Meron din namang patuloy na nanglalait sa relasyon ng dalawa, pati ang hitsura ni Gerald na kita na raw ang pagtanda.

 

 

Reaction ng netizens:

 

“Inlove na inlove si Budoy.”

“Ganyan sya ma-inlove all out each time. Nothing new.”

“Lahat ng naging jowa nya may pic syang ganyan.”

“Mas super inlove siya ngayon sa truth lang.”

“mas sweet sya nun sa tagaytay candlelight dinner at dun sa pahelicopter trip with ex.”

“mas sweet magcaption mga ex kesa kay Julia. Nahawa na sa emoji style ni Gerald haha.”

“ganyan din sya sa mga movie posters nya with all his leading ladies lol.”

“Sarap ma inlove..”

“Super mamaya para sa vlog ulit to. Lams na parang yung fishing nila.”

“sabi ng basher na galit na galit at hindi makamoveon everytime na masaya at magkasama sila sa picture.”

“pag inggit? you know what to do.”

“Fake it it til you make them believe ang drama lolz.”

“Puro mga paganito! O basta pagnagkahiwalay ha! Details……”

“siya talaga ang nagpost at nagpapicture sa iba hahaha! ok stage pa more! next!”

“negatrons in love.”

“Promotion para sa business. Sa dami movie poster ginawa ni Gerald ang dali mag kunwari.”

“parang yan din ang pansin ko. I think nasa yacht business si Gerald or may connection sya dito kaya laging may youtube vlog sila dito.”

“Yup kaya si gerald nun pinost nya tinag ang business nya lol.”

“Uuuy para sabihin na ang body language give and take na. This girl is truly unaffected. Hahahahaha.”

“Well, awkward pa rin body language ni gerald. The only reason that convinces me that he is in love is the fact that they”re still together.”

“Ginawang source of income ang love life! Charaught.”

“Ganon din naman yung isang couple, pabebe datingan lols.”

“daming mga bitter mag hanap kayo ng sarili nyong love life pwe!”

“Sa umpisa lang yan. Look at his track record. But you never know maybe this time it’s for real. I don’t trust men with his caliber thou.”

“Useless couple, doing nothing.”

“They are a lot richer than you on their own. Yeah, that is useless.”

“the best feeling is to love and be loved in return.”

“He’s getting fat and old. I don’t understand how he got all these girls lol.”

“I-zoom nyo picture nila; na-shock ako sa mukha ni GE. Ang gaspang!!! Siguro dahil sa balbas na bagong ahit.”

“Ngiii Gerald looked like he needs a bath in that photo.”

 

 

***

 

 

MARAMING pasabog ang aasahan ng Kapuso viewers ngayong gabi na nabitin sa world-class performances ng mga amateurs sa pagbabalik ng reality game show ng GMA Network na Catch Me Out Philippines.

 

 

Si Jose Manalo pa rin ang host kasama ang regular Celebrity Spotters na sina Derrick Monasterio at Ai Ai delas Alas.

 

 

Ngayong gabi, makikisaya sa hulihan at hulaan ang guest Celebrity Spotter ang international stage performer na si  Mark Bautista kasama rin ang Celebrity Catchers na sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Miggy Tolentino at Jeniffer Maravilla, ka-join din ang five previous winners ng show.

 

 

Magko-compete ang two amateurs for this week – an accountant slash financial analyst who has trained to learn Wushu, and a college student who will attempt to dance on Rollerskates. They will perform separately with three professionals in their respective acts.

 

 

Using a gadget, 10 Catchers – who are present in the studio, are given the unenviable task of guessing who the amateur is among the performers in each act. The amateur who convinces more Catchers that he or she is a professional wins the competition and the P100,000 cash prize.

 

 

Ang Catch Me Out Philippines ay mula sa direksyon ni Rico Gutierrez at mapapanood na uli tuwing Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa GMA 7.

(ROHN ROMULO)