• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Pinay boxer Petecio ‘parang nanalo na’ matapos umusad sa semis sa Olympics

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang pasasalamat ni Filipino boxer Nesthy Petecio dahil sa nakatunton na ito at sumasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

 

 

Matapos kasi ang tatlong panalo nito ay tiyak na ang bronze medal nito nang umabanse na siya sa featherweight division semifinals.

 

 

Sinabi nito na hindi niya maipaliwanag ngayon ang nararamdaman dahil sa pagkamit niya ng unang medalya.

 

 

Dahil sa katiyakan na nito ng bronze medal ay ito ang unang beses na makakakuha ang Pilipinas ng ilang medalya na higit sa isa na huling nangyari noong taong 1932.

Hero’s welcome para kay Diaz

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maituturing si national weightlifter Hidilyn Diaz na isang buhay na bayani matapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kanyang tagumpay sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games.

 

 

Dahil sa kanyang kabayanihan ay ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 30-anyos na si Diaz ang Gold Medal of Valor sa nakatakda niyang pag-uwi ngayon.

 

 

Tinapos ni Diaz ang 97 taon na paghihintay ng Pilipinas, unang sumali sa quadrennial event noong 1924 sa Paris, France, para sa isang Olympic gold.

 

Isang malakihang Hero’s welcome ang inaasahang ibibigay sa tubong Zamboanga City sa paglapag ng kanyang eroplano sa airport.

 

 

Ngunit didiretso siya sa isang seven-day quarantine bilang pagsunod sa protocols ng IATF

 

 

Bumuhat si Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist ng total lift na 224 kilograms mula sa 97kg sa snatch at 127kg sa clean and jerk para ungusan si world champion at record holder Liao Qiuyun ng China sa isang faceoff.

 

 

Nagtala si Liao ng 97kg sa snatch at 126kg sa clean and jerk para sa total lift na 223kg at makuntento sa silver medal habang kinuha ni Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhs­tan ang bronze sa kanyang 90kg snatch at 123kg sa clean and jerk para sa total lift na 213kg.

 

 

Base sa Republic Act 10699 o ang  Expanded Incentives Act ay tatanggap si Diaz ng cash incentive na P10 milyon para sa Olympic gold bukod pa ang parehong bonus mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S.  Ang ng San Miguel Corporation.

 

 

Magbibigay din si Rep. Mikee Romero ng dagdag na P3 milyon habang P2.5 milyon ang ipinangako ng Zamboanga City.

 

 

Isang magarang house and lot naman sa Tagaytay City ang ireregalo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino para kay Diaz habang isang condominium unit na nagkakahalaga ng P14 milyon ang ibibigay ng property firm na Megaworld.

 

 

Tatanggap din si Diaz ng P5 milyon at lifetime supply ng free fuel, ayon kay Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation, Inc. chief at Phoenix Petroleum Philippines, Inc. chairman Dennis Uy.

 

 

Ayon kay Diaz, hindi natatapos sa Tokyo Olympics ang kanyang pagbibigay ng karangalan para sa bansa.

 

 

“Hindi pa ako mag-stop, kaya ko pa. May ibibigay pa ako sa Pilipinas,” ani Diaz. “With the help of the Philippine Olympic Committee and the Philippine Sports Commission, hindi ako susuko. I will continue to inspire the youth to dream and pursue that dream.”

 

 

Sasalang si Diaz sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na ipinagpaliban ngayong taon bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Gusto rin niyang sumali sa Asian Championships at kung posible ay sa kanyang pang-limang sunod na Olympics sa Paris, France sa 2024.

 

 

“Kung ang lakas ko nandoon pa, tuluy-tuloy pa ako,” ani Diaz.

Petecio sisiguro ng bronze medal

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasa­hang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.

 

 

Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.

 

 

Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Bo­xing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).

 

 

Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.

 

 

“We will look at the vi­deos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.”

 

 

Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.

 

 

Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.

Pinoy boxer Eumir Marcial, agad pinagbagsak ang Algerian foe sa 1st-rnd, pasok na sa quarterfinals

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na pinatagal ni Eumir Marcial ang laban at agad na tinapos sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped-contest (RSC) sa unang round pa lamang sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan ito ng refereee ng eight count.

 

 

Ang sumunod na pangyayari ay pumagitna ang referee nang magkaroon ng accidental headbutt ang dalawa at dumugo ang taas ng kanang mata ng Algerian.

 

 

Sa huli itinigil ng referee ang laban sa oras na 2:41 minuto sa opening round.

 

 

Kung maalala bago pa man umakyat ng ring ay marami na ang humuhula kay Marcial na aabot ito ng finals lalo na at sumabak na rin ito sa professional fight noong buwan ng Disyembre sa ilalim sa Hall of Famer trainer na si coach Freddie Roach doon sa Los Angeles, California.

 

 

Bunsod ng panalo ni Eumir, uusad na siya sa quarterfinals at makakaharap ang Armenian star na si Arman Darchinyan sa August 1 sa 69-75 kg division.

 

 

Kung sakaling manalo pa si Marcial ay sigurado na ang bronze medal upang sundan din ang yapak ni Nesthy Petecio na tiyak na rin ang bronze medal.

 

 

Kung maalala si Petecio ay lalaban na sa Sabado sa semifinals.

 

 

Sinasabing ang kalaban ni Marcial ay pamangking lalaki ng dating world champion na si Vic Darchinyan.

Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.

 

 

Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo.

 

 

Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano matatawag ito na ‘surge’.  Base sa pagsusuri ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng 19% sa ‘two-week growth rates (TWGR)’ at ‘average daily attack rate (ADAR) sa anim na kaso kada 100,000 populasyon na nasa ‘moderate risk’ pa umano.

 

 

“Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, and Caloocan all have positive TWGR – a trend reversal from negative two-week growth rates 3-4 weeks ago. Additionally, Makati, Las Piñas, and Pasay have high risk ADAR,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sa buong bansa, nananatiling mababa pa rin naman ang ‘utilization rate’ sa mga health care at intensive care sa mga pagamutan.

 

 

Muling nanawagan ang opisyal sa publiko na mahigpit na sumunod sa ‘minimum health standards’ dahil kung hindi ay malaki ang posibilidad na umakyat sa 11,000 kaso kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre dahil sa sinasabing 60% mas nakakahawa ang Delta variant.

Bond Is Back In An Action-packed 30-second New Trailer of ‘No Time to Die’

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UNIVERSAL Pictures just released a new trailer of No Time to Die the 25th installment of the legendary franchise.

 

 

After multiple delays, fans worldwide will once again see Daniel Craig wield his fancy gadgets and burn rubber in the latest adventure of James Bond. This is Craig’s fifth and final turn as fictional British MI6 agent and his last call for that martini.

 

 

The official synopsis from Universal reads, “James Bond has left active service and is enjoying a tranquil life in Jamaica. His peace is short-lived when his old friend Felix Leiter from the CIA turns up asking for help.

 

 

“The mission to rescue a kidnapped scientist turns out to be far more treacherous than expected, leading Bond onto the trail of a mysterious villain armed with dangerous new technology.”

 

 

In the new trailer, Craig’s Bond returns to his spy duties in an action-packed 30-second trailer that brings back new and familiar faces.

 

 

Watch the trailer below:https://www.youtube.com/watch?v=tTkJQh1_yQY

 

 

The cast includes Rami Malek as Safin, Léa Seydoux reprises her role from Spectre, Dr. Madeleine Swann, Lashana Lynch as Nomi, Ben Whishaw is back as Q and Naomie Harris returns as Eve Moneypenny.

 

 

Jeffrey Wright, as CIA agent Felix Leiter, is back for the first time since 2008’s Quantum of Solace, as is Christoph Waltz as Ernst Stavro Blofeld.     Ralph Fiennes once again playing M, the head of M16, and Rory Kinnear will reprise his role as Bill Tanner, M’s chief of staff. Ana de Armas plays Paloma, a CIA agent assisting Bond.

 

 

No Time to Die has seen multiple delays, the first being creative differences between Danny Boyle who was originally attached to direct and co-write the screenplay with John Hodge. Both left the project in August 2018; Cary Joji Fukunaga (TrueDetective and It) was announced as Boyle’s replacement a month later.

 

 

It was later pushed back twice due to the pandemic. It was pushed back so many times that the titular theme song performed by Billie Eilish, at the time, 18, she is the youngest artist to record a James Bond theme song.

 

 

Released February 13, 2020 was nominated for and won the Grammy Award for Best Song Written for Visual Media at the 63rd Annual Grammy Awards, six months before the film’s release date, being the song itself was released during the 2019-20 eligibility period.

 

 

No Time to Die will hit theaters September 30, 2021 in the UK and October 8, 2021 in the U.S. and in other countries.

(source: movieweb.com)

(ROHN ROMULO)

Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate sa Metro Manila ay maaa-ring umabot sa 100% pagsapit ng Agosto 15.

 

 

Ani Austriaco, sa san­daling magsimula ang surge ng Delta ay mabilis na itong dadami at kakalat.

 

 

Matatandaang hinihi­kayat ng grupo ang pamahalaan na agapan ang pagpapatupad ng “circuit-breaker lockdown” sa NCR upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 infections, na maaaring dulot anila ng mas nakakahawang Delta variant.

 

 

Gayunman, inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pa sa antas na kailangan ng lockdown ng rehiyon at kailangan pa itong ikonsulta sa Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Babala naman ng eksperto, maaaring ma-overwhelm ng high transmission rate ang contact tracing capacity ng mga lokal na pamahalaan.

 

 

Aniya pa, mahirap magsagawa ng contact tracing kung ang mga tao ay madalas na magpalipat-lipat sa iba’t ibang lungsod.

 

 

Samantala, nanindigan din si OCTA Research Fellow Dr. Guido David na dapat nang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan sa lalong madaling panahon habang hindi pa nagkakaroon ng surge ang Delta variant cases.

 

 

Aniya, kung magpapatupad ng early circuit-breaker lockdown sa Agosto 1, maaaring kailanganin lamang ng isa o dalawang linggo upang makabawi at magkaroon ng epektibong kontrol sa pandemya ang pamahalaan.

 

 

Gayunman, ang late circuit-breaker aniya sa Agosto 16 ay maaaring magresulta sa high case loads na lampas sa 2,500 kada araw at maaaring mangailangan ng mas mahabang lockdown period.

 

 

Nagbabala rin ang gru­po ng mga eksperto na kung mananatili ang bansa sa status quo, maaaring makapagtala ng 2,000 bagong kaso kada araw sa NCR sa Agosto 10 o uma­ot sa 3,000 kada araw pagsapit ng Agosto 17. (Gene Adsuara)

PNP chief sinibak sa pwesto ang QCPD Station 3 commander dahil sa command responsibility

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang commander ng QCPD Station 3 commander na si Lt Col. Christine Tabdi dahil sa Command Responsibility kaugnay ng pagdu-duty ng ilang tauhan nito sa State of the Nation Address ng Pangulong Duterte nuong Lunes, habang naghihintay ng kanilang RT/PCR test.

 

 

Ayon kay PNP Chief, ang mahalaga ngayon ay agad nabigyan ng atensiyon ang mga pulis na nagpositibo sa covid-19 at kasalukuyang nasa isolation facilities na.

 

 

Hinihintay na rin nila ang swab test result ng mga ito.

 

 

Aminado si Eleazar na siya ay nasasaktan sa mga batikos na ibinabato sa mga pulis na may COVID 19 na idineploy sa SONA.

 

 

Aniya, hindi makatwiran at hindi makatao na hamakin pa ang kapulisan sa kabila ng kanilang sinapit dahil halos lahat ng mga pulis na tinamaan ng COVID ay dahil naman sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

 

 

Paliwanag ni Eleazar, ang 82 pulis ng QCPD ay may mga pamilyang nag-aalala din at kaya nakikiusap sya na maging sensitibo ang lahat sa mga binibitawang salita.

 

 

Umapela rin si Eleazar sa publiko na tigilan ang espekulasyon kung Delta variant ang tumama sa mga tauhan ng QCPD.

 

 

Sa ngayon, nakatuon aniya ang kanilang atensyon sa pagbibigay tulong sa kanilang mga tauhan na tinamaan ng sakit at ang contact tracing sa lahat ng kanilang mga nakasalamuha. (Gene Adsuara)

SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz? 

 

 

Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and Martial Arts Games in Ashgabat, Turkmenistan in 2017.

 

 

Doon din sila nagkakilala ni Hidilyn, na madali niyang napansin ang willpower nito sa paglaban, “her way of really fighting towards the top, working hard, it’s such an inspiration.”

 

 

Their first meeting eventually led to a special relationship, and to Julius coaching Hidilyn, who has a goal, to get that Olympic gold medal.

 

 

“My goal is to really inspire her and help her win the medal in the Olympic, ang that’s what really drove me to set aside my own personal goals, to help her and Philippines somehow in any way I could.”      Nag-retire si Julius sa weightlifting after na magkaroon ng back injury.

 

 

Pero tulad ng mga mag-sweethearts, nag-aaway din sila, lalo na kung gagawa ng bagong style of coaching si Julius na iba sa ginagawa na nila.

 

 

Inabot din daw ng eight months si Julius bago niya nakuha ang trust ni Hidilyn, at nakita niyang mas naging stronger siya sa tulong ng kanyang coach/boyfriend.

 

 

Inamin din ni Julius na mahirap ang role niya as a coach, na kailangang intindihin niya ang emotions and physical pain ni Hidilyn, lalo kung natatalo ito at those experiences din ng girlfriend ay nararanasan din niya.

 

 

Kaya raw hindi niya pinababayaan si Hidilyn, lalo na kung may laban ito, to comfort her at alam daw niyang sa ganoong paraan nakakatulong siya.

 

 

May balak na ba silang magpakasal, tanong sa kanila in 2019?

 

 

“We agreed to wait until the Olympics.” In turn, sabi naman ni Hidilyn na confident siyang bukod sa good boyfriend si Julius, he will be a good husband and father. Willing daw siya to settle down and have a baby after winning the Olympic gold.

 

 

Ngayong nakuha na niya ang Olympic gold, tuparin kaya ni Hidilyn ang pangako niya kay Julius two years ago?

 

 

Paano iyan, kung ang paghahandaan na niya ngayon ay ang Southeast Asian Games 2022 na gaganapin sa Vietnam?

 

 

***

 

 

MAY balitang papalitan na raw si Sanya Lopez ni Andrea Torres bilang leading lady ni Bong Revilla sa book two ng fantasy-action series na Agimat ng Agila. Pero wala pang sinabi ang actor-producer kung sinu-sino talaga ang mapapalitan at madadagdag sa cast ng action-serye.

 

 

Very busy naman si Sanya ngayon sa paggi-guest sa mga GMA shows after ng Agimat ng Agila. Last week ay guest siya sa Dear Uge at ngayong Saturday ay guest siya sa episode na “To Love Again” ng Wish Ko Lang hosted by Vicky Morales. 

 

 

Makakasama niya sina Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, Yesh Burce, na mapapanood ito sa GMA-7 after Tadhana ni Marian Rivera.

 

 

At sa Sunday, August 1, makikipagkulitan naman si Sanya kina Boobay at Tekla sa The Boobay And Tekla Show after ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

 

 

Inihahanda na rin ng GMA Entertainment Group ang book two ng First Yaya bilang sagot nila sa maraming requests ng mga netizens na ituloy ang love story nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Yaya Melody (Sanya).

(NORA V .CALDERON)

‘Bagong Pantasya ng Bayan’ na si AJ, mas daring sa erotic thriller na ‘Taya; sexy scenes nila ni SEAN, mapangahas

Posted on: July 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa dalawang VIVAMAX hit movies na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Death of a Girlfriend, isang daring na role na naman ang gagampanan ng Bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval sa  pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original ang TAYA.         

 

 

At mula naman sa Anak ng Macho Dancer, nakakuha na naman si Sean De Guzman ng lead role sa pelikula kung saan maipapakita na naman niya ang kanyang magandang katawan at galing sa pag-arte.

 

 

Ang tambalan ni AJ at Sean sa TAYA ay siguradong magsisimula sa bagong henerasyon ng mga talentado at seksi na mga aktor.

 

 

Ang TAYA ay tungkol kay Sixto (Sean De Guzman), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro.

 

 

Agad-agad siyang tumaya at maswerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ Raval).

 

 

Pagkatapos ng ilang sexual encounters, na-adik si Sixto kay Nanette at nangako ito na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

 

 

Bibida rin pelikulang ito ay sina Jela Cuenca at Angeli Khang. Kasama sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.                            

 

 

Sa direksyon ni Roman Perez Jr. na siya ding nag-direk ng erotic-thriller na Adan, at sa panulat ng 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala, asahan niyo na ang TAYA ay hindi lamang ordinaryong sexy movie. Dahil bukod sa mga mapangahas na sexy scenes, mae-excite din kayo sa mga plot twist na puno ng suspense.

 

Kaya naman humanda nang isugal ang lahat pag pinanood niyo ang TAYA sa August 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX. Panoorin ang TAYA at iba pang blockbuster movies kapag nag-subscribe ka sa VIVAMAX.

 

 

Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya.

 

 

Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express.

 

 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Available din ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  Vivamax, atin ‘to!

 

 

Simula sa Agosto 1, 2021 ang Vivamax ay magiging available na sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Japan. Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panunuood sa inyong mga TV screens. Vivamax, atin ‘to!

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa ating Pambansang Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)