• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2021

3 kulong sa P340K shabu sa Valenzuela

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction worker, Darius Cabrales, 55, aircon technician, at Ernesto Savarez, 50, construction worker at pawang ng Brgy. Marulas.

 

 

Sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa No. 34 De Guzman St., Brgy. Marulas.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 at 13 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at pouch.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5, 26 at 11 under Article of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Bong Go: Bilisan pamimigay ng ‘ayuda’ sa apektado ng ECQ

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7.

 

 

Ang pondo ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis program ng Department of Social Welfare and Development na ililipat sa concerned local governments na siya namang mamamahala ng distribusyon ng ayuda.

 

 

“Nakikiusap ako sa gobyerno na bilisan na ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa lugar nila. Siguraduhin dapat na nakarating sa mga nangangailangan ang ayuda na inilaan sa kanila,” sabi ni Go.

 

 

Ang quarantine status sa mga nasabing lugar ay base sa rekomendasyon ng IATF.

 

 

Kasunod nito’y inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang national government ay magkakaloob ng ayuda sa mga apektadong LGUs.

 

 

Bilang vice chair ng Senate committee on finance, personal na umapela si Go sa lahat ng implementing agencies na bilisan ang paglalabas ng Supplemental Amelioration Program kasunod ng paglalagay sa ECQ sa mga tinukoy na critical areas.

 

 

Samantala, iginiit din ni Go sa executive department na tiyaking mabibigyan din ng ayuda ang “poorest of the poor” na labis na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula August 6-20.

Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

 

Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021.

 

“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing.

 

“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.

 

Subalit, simula muna sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.

 

“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.

 

Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ang guidelines hinggil sa cash aid, public transportation, at galaw ng mga tao sa panahon ng two-week lockdown period ay ipalalabas bago pa magsimula ang ECQ.

 

Sa ilalim ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan habang sa ilalim naman ng GCQ “with heightened restrictions” at additional restrictions protocol ay ipinagbabawal naman ang indoor at al fresco dining.

 

Ang desisyon na magpatupad ng “strictest quarantine mode” ay tugon sa apela ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng Metro Manila mayors, nang makipagpulong ito sa inter-agency COVID-19 task force ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng “stricter measures” sa rehiyon. (Daris Jose)

250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ng mga Metro  Manila mayors na maka­pagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  chairman Benhur Abalos Jr.

 

 

Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kamakalawa ng gabi, bukod sa target na maturukan ng COVID-19 vaccines, tinalakay din ang ayuda na ibibigay sa mga higit na maapektuhan at ang border controls para sa pag-iwas na lalo pang lumaganap ang kinatatakutang Delta variant.

 

 

Dumalo rin sa pulong sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at si  Interior Secretary Eduardo Año.

 

 

Samantala, tiniyak din ni Abalos na patuloy ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo habang paiira-   lin ang minimum health protocols.

 

 

Samantala, nakahanda nang talakayin ang isyu kung magpapatupad ng liquor ban, at sakaling ipatupad ay  magkakaroon ito ng uniform guidelines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pacquiao bilib kay Marcial

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.

 

 

Naitarak ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay Arman Darchinyan ng Armenia sa men’s middleweight quarterfinals kahapon sa Kokugikan Arena.

 

 

Ang panalo ang nagbigay katiyakan kay Marcial ng awtomatikong tansong medalya.

 

 

At naniniwala si Pacquiao na kayang-kaya ni Marcial na masungkit ang inaasam na gintong medalya.

 

 

“Looks like Eumir Marcial is ready for the gold rush. Congratulations on your first-round knockout victory into the medal round. #Olympics,” ayon sa post ni Pacquiao sa social media.

 

 

Si Marcial ay bahagi ng MP Promotions kung saan nagsanay ito sa Wild Card Gym sa Hollywood, California kasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.

 

 

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ni Marcial para maisakatuparan ang minimithing gintong medalya para sa Pilipinas.

 

 

Nauna nang ipinangako ni Marcial na ibubuhos nito ang lahat upang makamit ang pangarap na ginto.

BEWARE THE NEW TRAILER OF “VENOM: LET THERE BE CARNAGE” / “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE” UNVEILS SPOOKY MAIN TRAILER

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

YOU are what you eat.

 

 

Feast on the new trailer for Columbia Pictures’ upcoming action-thriller Venom: Let There Be Carnage, (https://www.youtube.com/watch?v=NPdyL1NSlto) opening exclusively in Philippine cinemas soon.

 

 

Tom Hardy returns to the big screen in Venom: Let There Be Carnage as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters.

 

 

Directed by Andy Serkis, the film also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid Scott, Stephen Graham and Woody Harrelson, in the role of the villain Cletus Kasady/Carnage.

 

 

The screenplay is by Kelly Marcel, story by Tom Hardy & Kelly Marcel, based on the Marvel Comics.

 

 

The film is produced by Avi Arad, Matt Tolmach, Amy Pascal, Kelly Marcel, Tom Hardy and Hutch Parker. The executive producers are Barry Waldman, Jonathan Cavendish and Ruben Fleischer.

 

 

From director Jason Reitman and producer Ivan Reitman, comes Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, the next chapter in the original Ghostbusters universe.

 

 

Check out the new trailer of Ghostbusters: Afterlife below and watch the film in Philippine cinemas soon: https://youtu.be/Iak1UesbiuY

 

 

In Ghostbusters: Afterlife, when a single mom and her two kids arrive in a small town, they begin to discover their connection to the original ghostbusters and the secret legacy their grandfather left behind.

 

 

The film is written by Jason Reitman & Gil Kenan. Based on the 1984 film Ghostbusters, an Ivan Reitman film written by Dan Aykroyd and Harold Ramis.

 

 

Starring Carrie Coon, Finn Wolfhard, Mckenna Grace and Paul Rudd, Ghostbusters: Afterlife’s executive producers are Dan Aykroyd, Gil Kenan, Jason Blumenfeld, Michael Beugg.

 

 

Venom: Let There Be Carnage and Ghostbusters: Afterlife will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Use the hashtags #Venom and #Ghostbusters

(ROHN ROMULO)

40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

 

 

Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 taon ng pagpanaw ni dating Pangulong “Cory” Aquino.

 

 

Tulad nang unang naiulat, virtual o sa pamamagitan lamang ng online isinagawa ang misa sa iba’t ibang dako ng mundo sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Matapos ang misa, maiksing mensahe ng pasasalamat ang ipinaabot ni Vice President Leni Robredo para sa naging kontribusyon bilang pang-15 pangulo ng bansa.

 

 

Inilarawan nito si Noynoy bilang “simple, disente, masipag, at makatwiran.”

 

 

“We say goodbye to Noy, but history will never. History will remember his bravery against China, the infrastructure he imagined, the economy he built, the international relationships he fostered, the bills he signed into law against all odds, his indifference to personal attacks. His presidency was a part of the Filipinos’ story, and proof again that we as a nation can overcome anything,” wika naman ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

Nitong June 24 nang sumakabilang-buhay si P-Noy dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

 

 

Habang ang kanyang ina naman ay binawian ng buhay sa edad na 76 noong 2009 dahil sa colon cancer.

World’s No. 1 Djokovic binigo ni Zverev na makamit ang ‘Golden Slam’

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagtapos na ang kampanya sa Tokyo 2020 ni tennis world number 1 Novak Djokovic matapos talunin siya ni Alexander Zverev (No. 5).

 

 

Nakuha kasi ng German player ang score na 1-6, 6-3, 6-1 para makapasok sa semifinals.

 

 

Target kasi ng Serbian tennis star na maging unang men’s tennis player na manalo ng “Golden Slam” na kinabibilangan ng apat na grand slam at Olympic gold medal sa isang taon.

 

 

Tanging si Steffi Graf ang tennis player na makamit ang “Golden Slam” noong 1988.

QCARES+ nagpasaklolo kay Joy Belmonte

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang ­Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES+) kay ­Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang magpatuloy ang business operations ng mga miyembro nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na iiral sa Agosto 6.

 

 

Iminungkahi rin ng QCARES na ikonsi­derang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang mga tauhan ng mga establisimiyento na “fully vaccinated” na laban sa COVID-19.

 

 

Ang QCARES+ ay may 30,000 economic movers sa grassroots level at nakapag-aambag sa ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng mga serbisyo at buwis.

 

 

“The QCARES +, whose thousands of members are not ­exempted from the mise­ries brought about by the impact of COVID-19 pandemic, remains steadfast in its resolve to support whatever programs and plans of action by the city governmet and the IATF which represents the national government to stop the spread of the corona virus,” ayon sa grupo.

 

 

“The QCARES +, with its tens of thousands lowly workers. are now in limbo or in a state of uncertainty as to what alternate economic endeavor would be possible for their survival, or government support to make their ends meet,” dagdag pa ng grupo.

Cebu Province nasa ilalim na ngayon ng GCQ “with heightened restrictions” hanggang Agosto 15

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.

 

Nire-classify din ang GCQ “with heightened restrictions status” ng Laguna at Aklan, at isinapinal na gawin itong MECQ mula Agosto 1 hanggang 15, 2021.

 

Ang Apayao ay inilagay din sa ilalim ng MECQ mula GCQ simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.

 

Samantala, inaaprubahan naman ng IATF ang pagpapaikli sa “detection to isolation/quarantine interval” ng limang araw.

 

Kabilang na rito ang pagsasagawa ng paghahanap ng mga active case sa lahat ng lugar kung saan prayoridad ang may clustering; ang pag-trace sa mga “close contacts of suspect, probable, and confirmed cases sa loob ng 24 oras ng detection ng kaso; agarang isolation /quarantine and testing ng kaso at close contacts; paggamit ng rapid antigen tests para sa confirmation ng suspect/probable case at close contacts; RT-PCR testing na nag-negatiive ang resulta sa rapid antigen testing.

 

Bukod dito, kabilang din ang pag-identify sa mga lugar na may matataas na kaso o clustering ng local government units (LGUs) at regional epidemiological surveillance units at ng kanilang agarang pagsusumite ng samples para sa sequencing; tiyakin na ang workplaces at establishments ay nagsasagawa ng daily health at exposure screening, i-report ang identified case at close contacts sa LGU, at makipagtulungan para sa imbestigasyon at pagtugon; ikinunsidera ang insentibo sa mga workplaces upang hikayatin ang mga ito na mag-report at sumunod saa isolation/quarantine.

 

Inaprubahan din ng IATF ang implementasyon ng pagbibigay prayoridad sa facility-based isolation at quarantine para mapigilan ang household transmission; siguraduhing available at accessible ang health care capacities at sistema sa paghahanda sa pagtaas ng kaso; pataasin ang pagbabakuna sa hanay ng Priority Groups A2 at A3 populations na may “parallel efforts” ng pagbabakuna sa A4 population.

 

“If resources are adequate,” ayon kay Sec. Roque.

 

Mahigpit na pagpapatupad ng border control protocols sa lahat ng ports of entry; patuloy na assessment ng COVID-19 situation sa lahat ng antas at pagpapakalat ng impormasyon ukol sa “variants of concern” at inaasahang aksyon na gagawin ng indibiduwal, establisimyento at nagpapatupad. (Daris Jose)