• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 7th, 2021

Tokyo Olympics non-medalists may bonus din

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus.

 

 

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists.

 

 

Katulong ng POC sa paghahandog ng nasabing cash incentives ang MVP Sports Foundation ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.

 

 

“Everyone on Team Philippines in these ‘Golden Olympics’ deserve all the praises, and in this case, incentives, they need,” sabi ni Tolentino. “Qualifying for the Olympics is already that difficult, what more competing in the Games themselves.”

 

 

Ang mga tatanggap ng tig-P500,000 mula sa POC at MVPSF ay sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Irish Magno, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, golfer Juvic Pagunsan, sprinter Kristina Knott at swimmers Re­medy Rule at Luke Gebbie.

 

 

Ibinigay ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas matapos ang 97 taon nang magreyna sa women’s 55-kilogram division.

ENRIQUE, kinilig nang tinanong ng diretso ni MATTEO kung kailan sila magpapakasal ni LIZA

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINIKILIG si Enrique Gil sa naging podcast interview ni Matteo Guidicelli sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Liza Soberano.

 

 

     Tinanong kasi ng diretso ni Matteo ang mga ito kung kailan daw pakakasal.

 

 

Then, nagbigay pa ito ng assurance kina Liza at Enrique na tulad nga ng experience niya ngayong mag-asawa na sila ni Sarah Geronimo, sinisigurado raw niyang ibang level.

 

 

    “It’s different level of comfort. Different level of happiness.”

 

 

     Sinegundahan naman ito ni Enrique na the way pa lang nga na mag-response sa tanong ni Matteo ay parang gusto na rin at kinikilig nga.

 

 

Pagsang-ayon ni Enrique, “I’m sure, brother. ‘Yun na, e.  Everything. It’s all.” May business venture sina Enrique at Liza, ka-partner si Ranvel Rufino. At ayon kay Liza, marami pa raw silang naka-plano na hindi pa lang nila maia-announce.

 

 

Walang duda na isa ang LizQuen sa matatag din talaga ang relasyon on and off cam.

 

 

***

 

 

POSIBLE kayang si Julia Montes na ang huling magiging leading lady ni Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano?

 

 

Kung sa totoong buhay, hindi man umaamin ng lantaran ang dalawa, pero ilang taon na rin talaga ang anumang namamagitan sa kanila.

 

 

So, not unless kahit walang forever pero sa FPJAP ay “may forever” na siguro naman nga, senyales na ngayong si Julia na ang leading lady ni Coco ay hanggang sa huli na siya.

 

 

Dahil sasabak sa action, may pa-motorcycle training na rin si Julia na shinare niya sa kanyang Instagram account.

 

 

Sey niya, “Watch this sneak peek ng motorocycle training ko for Ang Probinsyano! Madami nakakasabik na eksena ang dapat po ninyong abangan kaya sana samahan po ninyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!”

 

 

Bago ang motorcycle training, nag-post din si Julia ng video na nagta-target shooting naman siya.

 

 

Wala man sa video, hindi na kami magugulat kung nasa tabi lang niya at naka-alalay si Coco, huh!

 

 

***

 

 

MINSAN talaga sa isang teleserye, hindi mo mapi-predict agad kung sino ang magsa-shine o magma-marka.

 

 

Kaya applicable pa rin talaga ang walang malaki o malaking role sa talagang mahusay.

 

 

Imagine, sa rami ng cast ng GMA Primetime series na Legal Wives ang napapansin at napag-uusapan at madalas din mabanggit talaga sa mga post ay ang Kapuso Star na si Ashley Ortega bilang si Marriam.

 

 

Meaning, effective itong kontrabida at ang dami ng naiinis sa kanya. So, malamang very happy si Ashley sa natatanggap niyang mga galit, este, papuri.

 

 

Aba, sa female cast na lang na tatlo ang leading ladies ni Dennis Trillo na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali, heto’t nangangabog si Ashley ha.

(ROSE GARCIA)

Kelot na nanggahasa sa dalagita, timbog sa Valenzuela

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang 19-anyos na lalaking wanted sa mabigat na kasong panggagahasa matapos kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Mapulang Lupa, Ugong, Valenzuela City ay nahaharap sa tatlong bilang na kasong panggagahasa at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse sa sala ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Judge Mateo B. Altajeros ng Branch 26 na siyang naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya noong Disyembre 11, 2020.

 

 

Walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong panggagahasa habang nagtakda naman ng P80,000.00 sa kasong paglabag sa R.A 7610.

 

 

Ayon kay P/Lt. Melito Pabon ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD), nalaman nila mula sa 16-anyos na biktima ang paghihimok ng akusado na muling makipagkita sa dalagita sa kabila ng ginawang panghahalay umano sa biktima na naganap noong buwan ng Agosto hanggang Setyembre ng taong 2020.

 

 

Kaagad na nakipag-ugnayan ang DSOU kay P/Maj. Vicky Tamayo, hepe ng District Women and Children’s Protection Desk (WCPD) upang isagawa ang pagdakip kay Pasamonte sa pamamagitan ng pakikipagkasundo ng biktima na muli silang magkita ng akusado.

 

 

Dakong alas-3:30 ng hapon ng Miyerkules nang makipagkasundo ang biktima sa akusado na makipagkita sa isang bantog na convenience store sa Bagbaguin, Valenzuela City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo Jr. ang mga tauhan ng DSOU at DWCPD sa pagkakadakip kay Pasamonte na kabilang sa listahan ng mga most wanted person ng Valenzuela City. (Richard Mesa)

Laguna, Iloilo City, CDO inilagay sa ilalim ng ECQ, MECQ ang Cavite, Rizal at Lucena City hanggang Aug. 15

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang Agosto15, 2021.

 

Samantala, inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021 ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province.

 

Ang Batangas at Quezon, ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021. (Daris Jose)

Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.

 

 

Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.

 

Dagdag pa nito na umabot 15 segundo bago naka-recover ang naturang boksingero.

 

 

Kaya naman kampante sila na mana-knockout ni Pacman si Errol Spence ngayong Agosto 22, oras sa Pilipinas.

 

 

Samantala, naghihigpit ang Pacman Team sa sinumang papasok sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California, USA.

 

 

Ayon kay Concepcion, na lahat ng papasok ay dadaan sa antigen test at pagkatapos lagyan ng covid negative bracelet na nagpapatunay na negatibo laban sa virus.

 

 

Nalaman na natapos na kaninang umaga ang media day na kinabibilangan ng piling myembro ng International Media.

 

 

Sa Media day saglit lamang nagpakita si Pacquiao at sinagot ang iilang katanungan.

 

 

Wala ding pinahitulutan na kumuha ng video para hindi masilip ng kabilang kampo.

Romero tinupad ang pangako kay Hidilyn

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mismong si House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) ang personal na nag-abot ng kanyang ipinangakong P3 milyong tseke kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.

 

 

Ayon kay Romero, hindi matatapatan ang naging sakripisyo ng 30-anyos na national weightlifter para makamit ang kauna-una­hang Olympic gold ng Pinas matapos ang 97 taon.

 

 

“This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” wika ni Romero sa kanilang pagkikita ni Diaz sa Sofitel Hotel kung saan nanatili ang tubong Zamboanga City para sa mandatory seven-day quarantine.

 

 

“We are really proud of you, Hidilyn. You embody the traits of a great warrior. Hoping every Olympics may gold medal tayo,” dagdag pa ng NorthPort Batang Pier team owner.

 

 

Kumpiyansa naman si Diaz na mayroon pang susunod sa kanyang mga yapak.

Pamilya Paalam, todo dasal sa pagsabak ni Carlo para sa gintong medalya sa Tokyo Olympics

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda na ang pamilya ni Filipino boxer Carlo Paalam na pasok na finals matapos talunin ang kanyang kalaban na si Japanese Ryomie Tanaka sa Men’s Flyweight Division.

 

 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Pio Rio Paalam Sr. na nagdarasal ang kanilang buong pamilya sa laban ng anak na si Carlo Paalam na pasok na sa Finals ng Tokyo Olympics at kakaharapin nito ang boksingero ng United Kingdom ay itinakda sa August 7, 2021.

 

 

Labis labis anya ang kanilang katuwaan sa panalo ni Carlo Paalam.

 

 

Nagpapasalamat din siya sa suporta ng mga mamamayang Pilipino sa kanyang anak.

 

 

Nagdarasal anya sila na makuha ni Carlo Paalam ang gintong medalya sa kanyang laban sa araw ng Sabado.