• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 14th, 2021

Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.

 

 

Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa ginawang pag-abandona sa pamilya matapos sumama sa mas batang kinakasama subalit nagmatigas na tinanggihan ito ng ginang.

 

 

Ayon kay P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, isa sa mga umaresto sa akusado, na nagsimulang umasim ang relasyon ng akusado at ng ginang matapos magsimulang mambabae umano si Rosales ay noong taong 2019 at tuluyan umanong inabandona ng lalaki ang kinakasama sa kabila ng pagkakaroon na nila ng limang anak para pakisamahan ang mas batang kasintahan.

 

 

Noong una’y nagpapadala pa ng sustento si Rosales para sa limang bata subalit nang mawalan ng trabaho bunga ng pandemya, natigil na ang pagbibigay niya ng sustento hanggang sa sampahan siya ng kaso ni Gina noong Disyembre ng taong 2021.

 

 

Nang maglabas na ng warrant of arrest si Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 laban kay Rosales nito lamang Agosto 11, 2021, kaagad na iniutos ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Warrant and Subpoena Section head P/CMSgt. Gilbert Bansil ang pagtugis sa akusado.

 

 

Dakong alas-9 ng gabi nang maisilbi nina P/SMSgt. Joey Sia at PMsgt. De Leon kay Rosales ang arrest warrant sa kanyang tirahan sa 144 Arasity St. Brgy. Tinajeros. (Richard Mesa)

27 milyong Pinoy, target na gawing fully vaccinated ng gobyerno sa katapusan ng buwan

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.

 

Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., isa ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino kada linggo sa natitirang tatlong linggo o 15 milyon sa katapusan ng buwan ng Agosto.

 

“As of Aug.” may kabuuang 12,282,006 indibidwal o 17.19 porsiyento ng eligible target population ng bansa na ang fully vaccinated.

 

“Hopefully ma-breach natin ang 27 million [second dose] so more or less sa computation namin, if we’re able to breach five million per week, makukuha natin ang 15 million ngayong August ,” ani Galvez.

 

Gayundin, may kabuuang 4,395,263 indibiduwal naman ang nakatanggap ng kanilang first dose. Ang kabuuang bilang ng nabakunahan naman simula Marso 1 ay 26,677,269.

 

Ang pahayag na ito ni Galvez ay makaraang personal na masaksihan ang pagdating sa bansa ng 575,800 doses ng AstraZeneca vaccines na binili sa pamamagitan ng trilateral agreement kabilang na rito ang national government, private sector na nagsilbing kinatawan ng Go Negosyo Foundation, at British-Swedish pharmaceutical company.

 

Samantala, ang karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia ay inaasahang darating sa bansa mamayang alas-4 ng hapon.

 

Ang mga biniling bakuna sa pamamagitan ng private sector-led “Dose of Hope”, na dineliver via China Airlines flight CI 701 na bumaba sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lungsod ng Pasay dumating sa bansa dakong alas-9 ng umaga.

 

“These comprised the second tranche of procured vaccines under the Dose of Hope program. The first tranche — consisted of 1,150,800 doses — arrived on July 16,” ayon sa ulat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MARIAN, binigyan ng intimate pero very elegant na birthday party ni DINGDONG at ginawan pa ng tula

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pinalampas ni Dingdong Dantes ang 37th birthday ng kanyang misis na si Marian Rivera na hindi ito mabibigyan ng isang intimate pero very elegant na birthday party.

 

 

Ikalawang ECQ na nga na nagse-celebrate sila ng birthday, pero gano’n pa man, mukhang parehong happy naman ang dalawa na idinadaos kita kapiling ang dalawang mga anak nila na sina Zia at Ziggy.

 

 

Pina-set-up pa rin ni Dingdong ang bahay nila ng bonggang design, only for Marian’s birthday.

 

 

Sabi nga niya, “Basta’t gusto (at within ECQ guidelines) may paraan. At kahit tayo-tayo lang—pwede naman! Salamat @teddymanuel sa last minute na tulong sa pagbuo nitong napakagandang kainan.”

 

 

At naalala tuloy namin sa ginawang tula ni Dong ngayon para sa birthday ni Marian ang ginawa niya noong kasal nila para rito.

 

 

This time, ang laman ng tula niya sa isang Mestizang Cavitena…

 

 

“Marimar ang programa kung saan una ko siyang nakilala

“At ang tawag ko noon sa kanya’y suplada

“Pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas

“Mahal na ang tawag ko sa kaniya.

“Maligayang Kaarawan sa Mestizang Cavitena.

“Salamat sa kanya at may isang Marian Rivera… oops

“Misis Dantes na pala.”

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS ng pasabog na Instagram post ni Kris Aquino na, “Thank you for coming into my life… Happy Birthday!” na after ilang hours ay hinuhulaan at nai-link na agad na diumano’y si dating Secretary General ng Liberal Party na si Mel Senen Sarmiento nga raw.

 

 

Malaking dahilan kasi ang pagre-reply nito sa isang netizen sa IG post ni Kris na gamit pa ang mismong phone at IG account ni Kris, huh.

 

 

Pero ‘di dito nagtatapos or shall we say, simula pa lang ba ng mga susunod na kabanatang ito sa buhay ni Kris?

 

 

May bagong post si Kris kunsaan, hawak ng anak na si Bimby ang isang malaking bouquet ng roses na sey ni Kris sa caption niya at never pa raw siyang pinasalamatan ng gano’n ka big-deal sa isang birthday post niya.

 

 

At pahiwatig din ni Kris, boto ang anak sa guy na ito (kung tama nga ang hula ng mga netizens). Pero this time raw, gusto muna niyang i-keep sa pamilya at trusted friends niya.

 

 

Sabi ni Kris, posted as is, “Bimb carried this pretty awesome bouquet… 

“i have never been thanked this way for a “birthday” post… obviously he has Bimb’s yes and i’ve always been vocal, when my sons are okay, then my world’s okay… and because i want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us- my family, closest friends, and trusted team. 

“Thank you for wanting me to be happy, this time i feel even Noy in heaven will finally approve, siguro naman because we’d never have met had it not been for him. 

     “Please, wag nyo nang kulitin si @attygideon, the one with all the info, from the 1st casual introduction way back during my brother’s term to when we reconnected after his death is @rochelleahorro (sorry Rochelle but you’ve always known naughty ako)… 

#grateful #lovelovelove.”

(ROSE GARCIA)

JULIE ANNE, opisyal nang pinakilala ng GMA bilang ‘Asia’s Limitless Star’

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference ngayong Huwebes para sa kanyang LIMITLESS, A Musical Trilogy. 

 

 

Sakto raw ito sa new project ni kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas, and Luzon.

 

 

Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito at well-deserved din sa rami nang napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career. Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng mga proud and loyal fans niya!

 

 

Kasalukuyang napapanood si Julie sa All-Out Sundays at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na Still kasama ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

 

 

Samantala, available na ang  tickets para sa Limitless, A Musical Trilogy sa gmanetwork.com/synergy.

 

 

***

 

 

DAHIL the fans can’t get enough of the kilig tandem ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, wish granted sila sa bagong passion project na inilunsad ng dalawa — ang Figure It Out.

 

 

Ang podcast na ito ay para sa mga kapwa nila millennials na for sure ay makaka-relate sa kanilang life experiences at adventures.

 

 

Excited si Gabbi para sa kanilang kauna-unahang episode. Sa kaniyang Instagram post, “Our 1st podcast episode called “Figure it Out” is finally out on Spotify!!!  join us as we share our story on “How We Met!”

 

 

Dagdag naman ni Khalil, matagal na raw nilang pinaplanong gawin ito at sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng oras para finally ay maibahagi na ito sa lahat.

 

 

Mapapakinggan ang Figure It Out sa Spotify at YouTube channel ni Gabbi. Congrats and good luck, GabLil!

 

 

***

 

 

THANKFUL ang mga napiling GMA Artist Center talents sa pagiging parte nila ng bagong sublabel ng GMA Music na GMA Playlist.

 

 

Fresh at trendy tunes ang tampok sa GMA Playlist para sa new generation of listeners kaya naman swak na swak ang mga talento nina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith Da Silva, Jeniffer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Mark Herras, at Seb Pajarillo!

 

 

Sa ginanap na official launch kahapon, aminado ang lahat na looking forward na silang umpisahan ang kanilang musical journey sa ilalim ng bagong sublabel ng GMA at magkaroon ng opportunity na makipag-collaborate sa mga mahuhusay na OPM artists in the future.

 

 

Bukod dito, inihayag din nila kung gaano sila ka-thankful sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang mga talento sa bagong platform na ito.

 

 

Talaga namang kaabang-abang ang GMA Playlist kaya naman huwag palalampasin ang mga ire-release nilang awitin very soon! Tutok lang sa kanilang official YouTube channel at iba pang social media accounts para manatiling updated.

 

(RUEL J. MENDOZA)

PDU30 pinasasagot ang DOH sa P67 bilyong pandemic funds

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na sagutin ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may “deficiencies” sa P67 bilyong pandemic funds na hindi umano nagamit ng maayos ng DOH.

 

 

“Well, ang instruction po ng Presidente ay saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng observation ng COA noh? kung sa dati-rati eh mga politiko lang ang mga nagbibigay ng paratang. Ang COA po kasi ay isang constitutional body at talagang ang trabaho niyan eh bantayan ang kaban ng bayan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Sa ngayon ay hindi muna umano maglalabas ng kanyang “judgement” ang Pangulo hangga’t hindi nakakapagsumite ng komento ang DOH.

 

 

“Ngayon, premature pa po ah. Sasagot pa lang po ang DOH. Hintayin natin ang sagot. The President is keen to read the answers dahil medyo mabigat po ang mga obserbasyon,” sabi ni Roque.

 

 

Bilang abogado ay alam anya ni Duterte na matapos na sumagot ang isang pinaparatangan o isang ahensiya at nagkaroon ng pinal na obserbasyon ang COA ay saka pa lamang makakapagsampa ng kaso.

 

 

“Ang Presidente po, walang sinasanto. There are no sacred cows in this administration,” sabi ni Roque.

 

 

Ang nais ng Pangulo ay nagagamit sa kapakinabangan ng taumbayan ang bilyun-bilyong pondo na inilalabas para sa COVID response, wika pa ni Roque.

 

 

Sa inilabas na 2020 audit report ng COA, sinabi nito na nagkakahalaga ng P6.61 milyon ang mga nag-expired na gamot samantalang mayroong P20.06 milyong halaga ng gamot na malapit ng mag-expire.

 

 

Ayon sa COA, mayroon ding mga P69 mil­yong halaga ng gamot, iba pang medical at office supplies at trai­ning materials na sumobra ang binili, mabagal ang paggamit o hindi nagagamit. (Daris Jose)

LTFRB at LTO MAY DAPAT IPALIWANAG sa COA at sa TAUMBAYAN!

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kamakailan ay naglabas ang Commisson On Audit (COA) ng mga pangalan ng ahensiya ng gobyerno na may red flag findings sila. At may dapat ipaliwanag ang LTFRB at LTO tungkol dito!

 

 

 

COA FLAGS LTFRB OVER USING ONLY 1% OF P5.5 BILLION FUNDS FOR DRIVERS ASSISTANCE DURING COVID 19 PANDEMIC

 

 

 

Ayon sa COA ay P59 Million pesos lang ng P5.5 Billion pesos funds na para sa Service Contracting Program ang naipamahagi ng LTFRB. Delayed daw ng dalawa hanggang sampung linggo ang implementasyon ng service contracting program na dapat sana ay magdudulot ng benepisyo sa mga drivers at operators.

 

 

 

Sabi ng COA ay over 29,800 drivers lamang sa target nilang 60,000 ang nai-rehistro sa programa. Ang payo ng COA na gawing simple ang guidelines para mapabilis ang programa.

 

 

 

Pero heto ang matindi!!!

 

 

 

Hindi nga nakaya ipamahagi ang 99 percent ng 5.5 billion pesos ay humihingi pa ang Ahensya ng KARAGDAGAN THREE BILLION PESOS sa national government para ma-resume raw nila ang Service Contracting Program o “libreng sakay” program.

 

 

 

Marahil dapat ipaliwanag muna nila kung ano ang nangyari sa unang P5.5 Billion pesos sa COA bago himirit ng tatlong bilion pa!

 

 

 

COA FLAGS LTO: P2.1 BILLION PESOS UNDELIVERED LICENSED PLATES

 

 

 

Ayon sa COA – Various circumstances caused delays in the procurement of plates, thus resulted in the UNDELIVERED LICENSE PLATES OF THE REGISTRANTS NATIONWIDE AMOUNTING TO P2,159, 036, 340.00.

 

 

 

Dagdag pa ng COA na – lapses in the performance of LTO Management DEPRIVING REGISTRANTS OF THEIR RIGHT TO RETRIEVE THE PLATES THEY HAVE PAID FOR AND AFFECTING APPREHENDING OF TRAFFIC VIOLATORS.

 

 

 

Ibig sabihin BINAYARAN NA NGA NG MOTORISTA ANG PLAKA HINDI PA RIN NAIBIGAY. Ilang ulit na pinuna ito ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at sinabi nga natin na may naging problema sa pagbabayad sa supllier kaya hindi nadeliver ang mga plaka ng sasakyan!

 

 

 

Pero heto ka. Hindi na nga nadeliver ay humihirit pa ang LTO ng P2.5 BILLION PESOS para sa motorcycle plates.

 

 

 

Bayad na ng mga motorista ang plaka hindi pa nabigay hihirit pa ng bilyun-bilyon na pera! LTO!, ipaliwanag nyo sa COA at sa taumbayan ito!

 

 

 

Sa ating mga mambabatas bago pa kayo maglaan ng pondo sa mga ito, imbestigan po muna ang mga flags na ito ng COA sa LTFRB at LTO.

IZA, matagal-tagal din ang pinaghintay para tuluyang makalipad bilang ‘Darna’; bahagi na ng Pinoy superhero history

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas makalilipad na rin si Iza Calzado bilang Darna sa upcoming na Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.   

 

 

Si Iza ang gaganap na unang ‘Darna’ sa tv series, siya ang magpapasa ng mahiwagang bato sa kanyang anak na si Narda (Jane de Leon), na magta-transforms bilang superhero na si Darna.

 

 

Matagal-tagal din ang pinaghintay ni Iza para magampanan ang Pinoy superhero at mapasama sa history ng mga aktres na naging Darna.

 

 

Ayon sa tsika, isa si Iza na kinonsider ng GMA Network noong early 2000s, pero napunta kay Angel Locsin ang inaasam na role noong 2005.

 

 

Sakto naman sa celebration ng kanyang 39th birthday noong August 12 nang I-announce Iza ang pagganap niya bilang first Darna sa TV series.

 

 

Pahayag pa ni Iza, “Naiyak ako! It’s one of the best birthday gifts! On different levels, nakaka-lift lang ng puso at spirits.             

 

 

Dagdag pa  niya, “Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but He surely prepared me to play this Darna. Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing.

 

 

“Being a hero during these challenging times is exciting and female one at that just means so much more. Of course I do recognize that with great power comes great responsibility. As cliché as it sounds, there is truth to this.”                                    

 

 

Kuwento pa niya, there have been changes in the cast and directors and as Direk Lauren (Dyogi) said, I am the constant.                  

 

 

Nakatakda nang magsimula ang production ng Darna TV series sa September, matapos na i-announce ng ABS-CBN ang pag-exit ni Jane long-running series na FPJ’s Ang Probinsyano, na kung saan tinatapos na lang ang mga natitirang eksena. 

 

 

***

 

 

AS they say, love comes in the most unexpected of ways.

 

 

Ito ang starting point ng newest WeTV original romantic comedy series na Pasabuy, na sisentro sa isa sa biggest lifestyle trends na nag-emerge during the pandemic.

 

 

Double duty dito ang aktor na si Xian Lim, dahil nasa likod siya ng camera, bilang writer and director para sa nakakikilig na serye, nakatakdang mag-premiere sa WeTV bago matapos ang September.

 

 

Ang charismatic actor na si Gino Roque ang leading man sa delightful comedy and ang love interest naman niya ang up-and-coming actress na si Heaven Peralejo.

 

 

Ang 21-year-old PBB alumni ang pumalit sa unang nai-announce na female lead star na si Barbie Imperial na nawala sa show dahil sa personal issues.

 

 

Nakasama na si Barbie sa pre-production activities – including announcements on social media, at ang initial script-reading with Gino, Xian and the rest of the cast – when the change was made.

 

 

Ang pagkakasama ni Heaven ay nakadagdag pa sa charisma ng loveable cast at nag-join sa team sa 10-day locked-in shoot ng eight-episode series sa Batangas.

 

 

Sa latest WeTV Original series na Pasabuy, iikot ang story sa two individuals who find themselves stranded in the same place at the start of the lockdown.

 

 

Si Anna (Peralejo) na isang young executive at si John (Roque) naman ay isang artist. They meet at the community chatroom where you can order necessities “pasabuy.”

 

 

Friendship and possibly love blooms in what could be the most unromantic of settings as they try to power through life and a bevy of emotions to get through each day.

 

 

The question is, when the pandemic ends and lives go back to normal, was any of it real?

 

 

Kasama sa cast sina Ella Cayabyab, MJ Cayabyab, Ralph Malibunas, and Gail Banawis, Kim Perez, Tiktok sweetheart Nana Silayro, at may special appearance ang rock band na I Belong To The Zoo.

 

 

Ang Pasabuy na WeTV Original concept, ay co-produced ng Forza Productions, written and directed by Xian Lim.

 

 

Stay tuned to the WeTV Philippines social media accounts on Facebook and Instagram for exclusive updates and news on Pasabuy, other WeTV Originals and premium Asian content.

 

 

To stream WeTV Originals and the very best in Asian Premium Content, just download the WeTV and iflix app from the App store and Google Play and start watching! A monthly subscription rings in at only P59, quarterly at P159, and an annual subscription is only P599 for recurring subscriptions, while a one-month pass is only P149.

(ROHN ROMULO)

Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas.

 

 

Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan.

 

 

Kung maalala una nang naasar noon si Pacman sa WBA kung bakit ibinigay kay Ugas ang korona samantalang kaya hindi siya lumaban para idepensa ang title belt ay bunsod nang pandemya.

 

 

Giit ni Pacquiao, 42, sa pagkakaong ito dapat tapusin na ang usapan kung para ba kanino talaga ang titulo.

 

 

Tiniyak din ni Pacman na wala problema sa kanya kung si Errol Spence na kaliwete na kanyang pinaghandaan at ngayon ay nagbago dahil orthodox style si Ugas.

 

 

Giit pa ng fighting senator, hindi siya puwedeng magkampante dahil nasa kondisyon din si Ugas bunsod na naghanda ito ng husto dahil sa undercard din naman sana siya sa fight card.

Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, MECQ na sa Aug.16 – Aug. 22 – IATF

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang quarantine classification ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) papuntang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 16 hanggang August 31, 2021.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili naman sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang August 20, 2021.

 

 

Samantala, ang Bataan ay nasa ilalim ng ECQ hanggang August 22, 2021.

 

 

Nasa ilalim din ng MECQ mula August 16 hanggang August 31, 2021 ang Apayao; Ilocos Norte; Bulacan; Cavite, Lucena City, at Rizal sa Region 4-A for Luzon; Aklan, at Iloilo Province sa Region 6, at Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Cebu City sa Region 7 para sa Visayas.

 

 

Samantala nasa GCQ with heightened restrictions mula August 16 hanggang August 31, 2021 ang Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas sa Region 4-A at Naga City sa Luzon; Antique, Bacolod City at Capiz san Region 6; Negros Oriental at Cebu sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City sa Mindanao.

 

 

Ang Tarlac naman ay sasailalim sa GCQ simula ngayong araw, August 13 hanggang August 31, 2021.

 

 

“Also placed under GCQ from August 16 to August 31, 2021 are Baguio City in the Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela and Nueva Vizcaya in Region 2; and Puerto Princesa for Luzon; Guimaras and Negros Occidental in Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City and Zamboanga del Norte in Region 9; Davao Oriental and Davao del Sur in Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato and South Cotabato in Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur and Dinagat Islands in CARAGA and Cotabato City in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. All other areas shall be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) classification from August 16 to 31, 2021,” ani Presidential Spokesman Harry Roque. (Daris Jose)

Marvel’s Shang-Chi Confirmed To Release Only In Theaters By Disney

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings movie will release only in theaters on September 3 according to the Disney CEO Bob Chapek.

 

 

The second movie in the Marvel Cinematic Universe Phase 4 is set to introduce Simu Liu as the titular hero, Shang-Chi. As has been confirmed by the film’s title and teased in the Shang-Chi movie trailers, the Ten Rings are also set to be explored after they were first referenced in Iron Man all the way back in 2008.

 

 

Shang-Chi will also properly introduce the Marvel Comics villain The Mandarin, after the character name was used in Iron Man 3 – only for it to be revealed he was merely a figurehead for Aldrich Killian’s plans. All that’s to say, there’s plenty to look forward to in Shang-Chi.

 

 

With Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings scheduled to hit theaters on Sept. 3, the movie is gearing up for release. However, there’s been speculation about whether Shang-Chi will head to Disney+ Premier Access for a hybrid theatrical and streaming release.

 

 

Over the last year, Disney has released some of its films straight to Disney+, either for free or with the added cost of Premier Access, or opted to release films on Disney+ Premier Access the same day as in theaters – as was the case with Marvel Studios’ Black Widow in July. As COVID cases surge in the U.S. as a result of the Delta variant, many are looking to see how Disney will handle their fall releases, particularly Shang-Chi.

 

 

Today, Disney confirmed Shang-Chi will release only in movie theaters on Sept. 3. Chapek explained that it’s essentially too late to shift Shang-Chi‘s release to a combination of theatrical and Disney+ Premier Access.

 

 

He said, “We think it’s actually going to be an interesting experiment for us, because it only has a 45-day window for us.” He went on to say, “because of the practically of last minute changes it wouldn’t be possible,” to move Shang-Chi to a hybrid streaming and theatrical release.

 

 

As Chapek noted, Shang-Chi will now mark the first time Disney is releasing a Marvel Studios movie with the 45-day window, in which it’s a theater exclusive, before the studio is able to release the film on streaming and on-demand. Prior to the pandemic, the theatrical window had shrunk to about 90 days, but due to movie theaters closing around the globe during the spring and summer of 2020, studios renegotiated the theatrical window down to 45 days. Since Black Widow had a hybrid streaming and theatrical releaseShang-Chi will be the first MCU movie released with this shortened theatrical window. That means Disney could release Shang-Chi on streaming, on-demand and DVD/Blu-ray as soon as October 18.

 

 

As a result, Shang-Chi becomes a test case for Disney to see how its Marvel properties fare with this kind of release strategy. The downside to this is that moviegoers who don’t feel comfortable going to theaters at the time of Shang-Chi’s release will have to wait longer to see the latest MCU film.

 

 

And with many folks concerned by the Delta variant as well as the surging number of COVID cases, it’s unclear how the theatrical exclusivity of Shang-Chi will impact its box office returns. Since Shang-Chi is Marvel’s first Asian-led superhero film, it had the opportunity to be a major cultural event akin to Black Panther.

 

 

But with Disney opting to keep it a theater exclusive, it remains to be seen how that affects its performance and narrative within pop culture. Ultimately, everyone will get a chance to see Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings eventually – whether in theaters or once it hits streaming.  (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)