• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2021

Ads August 24, 2021

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’ Star Simu Liu Wants to Make a Marvel Musical

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings star Simu Liu wants to make a Marvel musical.

 

 

The highly anticipated next installment in the MCU, Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, is soon to be released, and early word of mouth on the picture has been highly positive. The film is Marvel Studios’ first attempt at making a classic martial arts film and is another way to continue diversifying the MCU.

 

 

Experimenting with various genres has been one of the keys to the MCU’s success, finding a way to tell superheroes stories in unique and exciting ways. Guardians of the Galaxy leaned heavily into the pulp sci-fi genre while Ant-Man was a heist film. The upcoming Doctor Strange in the Multiverse of Madness was once described as Marvel’s first horror film, and Thor: Love and Thunder is expected to be a full-blown romance, according to director Taika Waititi. One genre they have yet to tackle is the movie musical, but one of their stars would like to change that.

 

 

Liu, who stars as the titular hero Shang-Chi, is open to doing a musical. In an interview with RadioTimes, he jokingly said he would want the next Shang-Chi film to be a musical. Liu said audiences will get to see a hint of his singing in Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings in a karaoke scene.

 

 

Liu said: “Is it too early to say a musical? I’ve always been a bit of a karaoke junkie. You saw a little bit of my talent in the movie, and I think that it bodes for a very exciting future for Shang as one of the first musical heroes in the MCU. I think that you would agree.”

 

 

While most audiences associate the words superhero musical with the critically panned Broadway show Spider-Man: Turn Off the Dark, there have been recent expansions of telling superhero stories in that format. The Flash season 3 episode 17 titled ‘Duet’ was a crossover musical episode with Supergirl, which featured music from Crazy Ex-Girlfriend‘s Rachel Bloom and La La Land lyricist Benj Pasek and Justin Paul. Additionally, the upcoming MCU film Eternals will feature a Bollywood-style dance number with Kumail Nanjiani’s character Kingo.

 

 

Given the popularity of musicals with hits like La La LandThe Greatest Showman, and Hamilton in recent years, it would make a certain amount of sense for the MCU to eventually make one. They have a wide array of musical talent across various films, including Zendaya, Bradley Cooper, and Brie Larson, that could join Liu in a Shang-Chi musical sequel or another project.

 

 

Marvel Studios recently announced they are creating an entire division for animation, and What If…? is currently running on Disney+. Given Disney’s long history of successful musicals, that could be the perfect place to test the idea out. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga  ‘granular lockdowns’ ang mga local  government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay  PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

 

 

Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may mataas na kaso ng COVID-19 ay isasailalim sa granular lockdowns. Gayundin sa mga lugar na may namonitor na Delta at Lambda va­riants ng COVID.

 

 

Ang NCR ay isinailalim na sa MECQ  hanggang sa katapusan ng Agosto ng taong ito.

 

 

“We should not let our guard down as the threat of COVID-19, especially its more infectious variants, is still here. Tatalima tayo sa kautusan sa PNP na maigting na pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19,” pahayag ni Eleazar.

 

 

“I have tasked police chiefs to prepare their men for this,” giit pa ni Eleazar na sinabing ang lahat ng mga PNP personnels ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng minimum public health safety standards at quarantine protocols.

 

 

Sa ilalim ng MECQ, ang dine-in services ay ipinagbabawal habang ang mga care services tulad ng mga beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail SPAs ay hindi pinahihintulutan.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Eleazar ng kooperasyon ng publiko at hinikayat ang mga ito na huwag maging pasaway sa panahon ng pandemya. (Daris Jose)

Bulacan public health, itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa bakuna kontra COVID-19

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Sa isang taong mababakunahan kontra COVID-19, isang hakbang na mas malapit upang makamit ang herd immunity sa bansa.

 

 

Ito ang paalala ng Bulacan Provincial Health Office-Public Health na itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa kanilang opisyal na Facebook account at sa mga lugar ng bakunahan na tinawag na ‘Bulacan Accelerated Vaccine Roll-out’.

 

 

“Kung wala po ang inyong munisipyo sa listahan ay maaari ring magtungo sa mga Rural Health Unit (RHU) ng inyong lugar para makapagparehistro,” ani Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Center.

 

 

Makikita at maaaring magparehistro sa mga link para sa bakuna kontra COVID-19 ang mga nasa priority group na A1 hanggang A5 o ang mga frontlinersenior citizen, mga may comorbidityindigent population at uniform personnel sa mga bayan at lungsod ng Bulacan na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook account na https://www.facebook.com/ PHOBulacan.

 

 

Bukod dito, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magpabakuna upang maprotektahan hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi maging ang kanilang mga pamilya at mga taong nakapalibot sa kanila.

 

 

“Hindi po namin kayo pinipilit na magpabakuna but we are highly recommending that you get vaccinated. It is free and it is for your protection lalo na ngayon na nandito na ang Delta higit na nakakahawa,” saad ni Fernando.

 

 

Hiningi din ng gobernador ang pakikiisa at pasensya ng mga Bulakenyo habang naghihintay ng bakuna.

 

 

“Lahat po ng ibinibigay na bakuna sa atin ay ibinibigay natin sa mga Bulakenyo. Sa mga nakapagrehistro na at hindi pa nababakunahan, hintay lang po tayo, sinusunod po natin ang prioritization guidelines galing sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG). Kung nakarehistro na at may dumating mas madali po nating maa-allocate,” dagdag ni Fernando.

 

 

Ayon sa World Health Organization, malaking tulong ang bakuna sa paglaban sa COVID-19 at ang pagpapabakuna ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang proteksyunan ang sarili at kapwa.

 

 

Nilinaw din ng WHO sa kanilang website na nagkakaroon ng immune response ang mga taong nagkaroon na ng SARS-CoV2, na siyang nagdadala ng COVID-19 ngunit kailangan pa rin ng bakuna laban dito upang higit na mapataas ang proteksyon at mapalakas ang immune response. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga kapwa senador at local celebrities binati pa rin si Pacquiao kahit bigo kay Ugas

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumuhos pa rin ang pagbati kay Senator Manny Pacquiao kahit na hindi ito nagtagumpay sa laban kay Yordenis Ugas sa kanilang WBA “super” welterweight championship.

 

 

Sa kanilang mga social media account ay nagpost ang mga kapwa nitong mga senador ng kani-kanilang mga pagbati.

 

 

Ipinagmamalaki pa rin nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Grace Poe, Sen. Koko Pimentel, Sen. Bong Go ang kapwa nilang senador.

 

 

Maging mga local celebrities ay nagpaabot na rin ng kanilang mga pagbati sa fighting senator.

 

 

Magugunitang napanatili ni Ugas ang kaniyang titulo sa pamamagitan ng unanimous decision.

 

 

Ang korona ni Ugas ay dating hawak ni Pacman.

Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.

 

 

“Tumutok ako sa straight punches. Kada round yun ang ginagawa ko. Nung nakita ko na nasaktan ko na siya, hindi na ako tumigil,” ani Magsayo.

 

 

Umingay ng husto ang buong T-Mobile Arena dahil sa malalakas na hiyawan ng mga Pinoy fans na personal na nakapanood ng laban bitbit ang kani-kanyang bandila ng Pilipinas.

 

 

Napanatili ni Magsayo ang World Boxing Council-Asian Boxing Council feat­herweight title gayundin ang malinis na rekord ng Pinoy champion tangan ang 23-0 marka kabilang ang 16 knockouts. Nahulog naman si Ceja sa 32-5-1 baraha.

Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision.

 

 

Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban.

 

 

Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang springboard sa pagtakbo niyang president sa 2022. Pero dahil talo siya, aatras kaya siya desire niyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas bagamat marami ang may ayaw sa pagtakbo niyang president.

 

 

Natalo man si Manny, hindi naman natin dapat kalimutan ang karangalan na naibigay niya sa bayan bilang 8-time world champion.

 

 

Mahirap nang maulit ang record ni Manny kaya if ever decides to retire (na matagal na niyang dapat ginawa, nakaukit na sa kasaysayan ng history ng boxing ang kanyang achievement.

 

 

Kung maraming nalungkot sa pagkatalo ni Manny, may mga ilang nagbunyi, tulad ng some members of the LGBTQIA+, na galit sa mga naging pahayag ni Manny laban sa LGBTQIA+ community.

 

 

Hindi pa sure kung lalaban muli si Manny. Malalaman daw natin ang kanyang magiging pasya next month.

 

 

Pero sana magretiro na siya. He has done enough to bring honor to the country.

 

 

  ***

 

 

AFTER just six months since it was launched, masayang-masaya ang Viva Entertainment group sa tagumpay ng streaming service nila na Vivamax.

 

 

Ito ang pahayag nina Vincent del Rosario, President at COO ng Viva Comm., Inc. at Ronan K. de Guzman, Chief Operating Officer ng Vivamax.

 

 

Base sa kanilang data, kabilang sa most watched movies sa kanilang streaming platform ay ang Gusto Kong Maging Porn Star at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

 

 

Kasama rin sa most-watched list Revirginized na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta at ang bagong sexy film na Nerisa.

 

 

Mukhang si Darryl Yap ang box-office director ng Vivamax dahil tatlong pelikula ang kasama sa most-watched list.

 

 

Ayon pa kay Vincent, committed sila na mag-provide ng 15 new movie titles a week at sisiguraduhin nila na they will meet the quota.

 

 

Available na rin ang Vivamax sa Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, the Middle East at Europe.

 

 

Pero kahit na may Vivamax na, umaasa pa rin sina Vincent na magbubukas ang mga sinehan para maipalabas na nila ang mga nakaimbak nilang pelikula.

 

 

***

 

 

  BUKOD kay Julia Montes, si John Estrada ang bagong dagdag sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano as it enters its sixth year on television.

 

 

Excited nga si John na makabalik sa ABS-CBN at makatrabaho si Coco sa top-rating action-drama series na napapanood gabi-gabi.

 

 

Tiyak na isang markadong papel ang gagampanan ni John sa serye. In fairnes sa programa, kapag may dagdag na miyembro ng cast ay maganda ang role na ibinibigay ng production rito.

(RICKY CALDERON)

Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi kahapon ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo ang pangalan ng nasabing para athlete.

 

 

“It is unfortunate for us to inform the public that some officials, coaches and a para athlete of our Philippine delegation bound for Tokyo to participate in the 2020 Paralympic Games have tested positive for COVID-19,” ani Barredo sa isang statement.

 

 

Sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taek­wondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at po­werlifter Achele Guion ang bumubuo sa Team Philippines.

 

 

Bilang pagsunod sa health and safety protocols ay hindi na nakasama sa biyahe ng delegasyon kahapon ang nasabing mga COVID-19 positive.

NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).

 

Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalm ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang paghawa ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.

 

Dahil sa economic concerns, ang Kalakhang Maynila ay kalaunang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang 31 gaya ng Laguna habang ang Bataan naman ay nasa ilalim din ng kahalintulad na restriksyon mula Agosto 23 hanggang 31.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na hanggang ngayon ay wala pa ring update ukol sa ayuda distribution sa Bataan at Laguna na isinailalim din sa ECQ noong nakalipas na 2 linggo.

 

Ang bawat low-income individual sa ECQ hit areas ng NCR, Bataan at Laguna ay binigyan ng P1,000 cash aid habang maximum financial assistance naman na P4,000 sa bawat pamilya.

 

Ngayon naman at nasa ilalim na ng MECQ ang NCR, Bataan at Laguna ay marami pa ring mahihirap na pamilyang filipino ang nananawagan sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang ayuda lalo pa’t hndi naman lahat ng negosyo ay nagbugs.

 

Tikom naman ang bibig ni Año kung ibibigay pa rin ang ayuda sa mga qualified recipients sa MECQ areas lalo pa’t operational na ang ilang negosyo. (Daris Jose)

HEART, nagawang ire-enact ang shopping scene ni JULIA ROBERTS sa ‘Pretty Woman’ after gayahin si AUDREY HEPBURN

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAPAGLARO ang #CharaughtChronicles ni Heart Evangelista-Escudero sa Instagram dahil nagawa niyang ire-enact ang the famous “shopping scene” sa Pretty Woman ni Julia Roberts.

 

 

Sa original 1990 movie, ginampanan ni Julia si Vivian, isang Hollywood hooker at naghahanap ito ng dress sa isang Rodeo Drive shop, pero inalipusta siya ng mga nagtatrabaho sa shop dahil hindi raw bagay ang tulad niya na isuot ang mga damit nila.

 

 

Noong bumalik si Vivian, nakapustura na siya at ‘di siya nakilala ng mga nanlait sa kanya sa dress shop. Ang immortal line ni Vivian ay: “You people work on commission, right? Big mistake. Big. Huge. I have to go shopping now.”

 

 

Sa version ni Heart, siya si Vivian at ang stylist niyang si Kat Cruz-Villanueva ang mataray na shop assistant.

 

 

Hindi ito ang first video ng #CharaughtChronicles ng bida ng I Left My Heart in Sorsogon. Nauna yung gayahin niya si Audrey Hepburn sa famous scene nito sa tapat ng Tiffany’s New York sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s. Naaliw ang netizens na ang iniinuman na kape ni Heart at mula sa garapon ng Nescafe!

 

 

***

 

 

ANG boyfriend ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na si Jake Cuenca ang nag-push sa kanyang beauty queen girlfriend na tanggapin ang pelikulang The Housemaid.

 


Ang The Housemaid ay remake ng Viva Films sa isang 2010 South Korean erotic thriller.

 

“Jake was the one who convinced me to do this project. He told me, ‘Gawin mo ‘yan. Magandang project ‘yan.’ Sobrang supportive niya sa career ko. I believe he will even go with me to watch this.

 

 

Kami ni Jake, when were at home, we always talk about acting. Ang dami kong nakukuha na information at natutunan sa kanya. Sobrang swerte ko na partner ko siya and we work in the same industry,” sey ni Kylie.
Big challenge daw kay Kylie ang mag-shoot ng movie dahil sa mahigpit na COVID-19 quaratine protocols.
“The circumstances we were shooting in, very careful kaming lahat sa set. Sobrang grateful, but very difficult because it was a very heavy role for me. I needed to unload after every shooting each day. Parang lahat talaga naging challenge for me. The challenges in my character, the intimate scenes. I had to take note of everything.
“Direk Roman is an actor’s director. He was very hands-on all throughout the shoot. When we all reported to the set, ready na siya sa lahat ng dapat gawin. Ready siya sa questions on the set, while shooting, after the take, 24/7. There were times I doubted myself compared to the past year, I’m really new. Like my character Daisy, she is always doubtful of herself. No confidence.”

 


Kasama rin sa The Housemaid ay ang mga award-winning actors na sina Jaclyn Jose at Albert Martinez. Kasama rin sina Louise de los Reyes at Alma Moreno.

 

 

***

 

 

ISANG family day para kina Jennifer Lopez and Ben Affleck ang makasama ang kanilang mga anak sa pagpanood nila ng musical na Hamilton sa Los Angeles.

 

 

Bitbit ni J.Lo ang kanyang twins na sina Max at Emme. Si Ben naman ay dala sina Violet at Seraphina.  Bonus na sinaman ni Ben ang kanyang mother na si Chris.

 

 

Hindi nakasama ang anak na lalake ni Ben na si Samuel dahil kasama nito ang inang si Jennifer Garner.

 

 

Hindi ito ang first time na nakasama ng Bennifer ang kanilang mga anak. Nagkasama sila sa Magic Castle a few weeks ago.

(RUEL J. MENDOZA)