• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2021

39, nagpositibo sa COVID sa Senado; 168, naka-quarantine

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balik muna sa online ang karamihang aktibidad ng Senado.

 

 

Kasunod yan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasa 39 na staff ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

 

Maliban dito, may 168 na iba pang naka-quarantine makaraang ma-expose sa mga kasamahang infected ng nasabing sakit.

 

 

Ayon kay Senate President Tito Sotto, naghain ng rekomindasyon ang Medical-Dental Bureau (MDB) na mula sa 50 percent na pumupunta ng personal, gawin muna itong 25 percent.

 

 

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mahahalagang function ng Senado, kasama na ang hearings at paghimay sa 2022 P5.024 trillion proposed national budget. (Daris Jose)

Pagbubukas ng ilang negosyo para lang sa bakunado, plano ng DTI

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan  na ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang pagbubukas ng  ilang mga negosyo at ibang aktibidad na hindi pinapayagan habang nakataas ang enhanced community qua­rantine (ECQ)  at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, subalit para lamang sa mga bakunado.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang panayam. kabilang sa pinag-aaralan ang pagbubukas ng mga restaurants para sa indoor at outdoor na dine-in.

 

 

“Para lang po sa vaccinated workers at vaccinated clients. So ito rin po ay para sa proteksyon din ng mga unvaccinated. ‘Yun po ‘yung gusto natin. Pero dito lamang po sa mga negosyo na nananatiling sarado,” ani Vizmonte.

 

 

Kabilang sa posibleng pabuksan ang health personal care services gaya ng salon, gym, at spa, maging ang mga arcade at indoor sports venue, para lang din sa mga bakunado.

 

 

Maaari anila,  silang mag-operate kahit naka-ECQ o MECQ basta’t bakunado ang mga empleyado at pagsisilbihan lang ang mga fully-vaccinated na guests. (Gene Adsuara)

ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021. 

 

 

 

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ipatutupad ang lockdown sa mga apektadong bahagi ng Barangay 123 matapos makapagtala ang City Health Department sa nasabing barangay ng anim na aktibong kaso ng COVID-19 at hindi bababa sa 119 close contacts na kabilang sa nasa 27 mga pamilya.

 

 

 

Samantala, ipatutupad naman ang lockdown sa mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate at Victoria sa H. Dela Costa Homes sa Barangay 179 matapos makapagtala sa mga lugar na ito ng 16 aktibong mga kaso ng sakit at hindi bababa sa 103 close contacts.

 

 

 

Batay sa kautusan, sa buong panahon ng lockdown, mahigpit na pagbabawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang mga tahanan at tanging medical frontliners, essential government employees, mga pulis, mga opisyales ng barangay at mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal lamang ang papayagang lumabas ng kanilang tahanan.

 

 

 

Layunin ng isasagawang lockdown na magsagawa ng mass swab testing at contact tracing sa mga residente, kasabay ng malakawang misting at disinfecting operations sa lugar.

 

 

 

Tiniyak din na mamamahagi ng food packs ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa mga apektadong residente. (Richard Mesa)

DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway.

 

 

 

“While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the Sub-section 5 or 5.14 kilometers Silang East Interchange to Sta. Rosa-Tagaytay Interchange component of Cavite Laguna Expressway or CALAX Project was completed and will now be operated to public use,” wika ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

 

 

 

Ang pagbubukas ng Sub-section 5 ay may tinatayang 5,000 na motorista ang makakagamit kada araw na makakaragdag sa 10,000 na motorista na ngayon ay dumadaan sa bukas ng CALAX Sub-sections 6,7 at 8 mula sa Sta. Rosa hanggang Mamplasan.

 

 

 

Sinabi rin ni Villar na sa ngayon ay tinatapos na rin ang iba pang sub-sections ng kanilang concessionaire na MPCALA Holdings upang maging fully-open ang kabuohang 45 kilometers CALAX na siyang magdudugtong sa CAVITEX sa Kawit, Cavite at South Luzon Expressway-Mamplasan Interchange sa Binan, Laguna.

 

 

 

Inaasahang pag natapos na lahat ang konstruksyon, ang CALAX ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang travel time sa pagitan ng CAVITEX at SLEX kung saan ito ay magiging 45 minutes na lamang at makakatulong upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko lalo na sa Governor’s Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road. Makakatulong din ang pagbubukas ng CALAX upang magbigay ito ng mahusay na transport facilities para sa Ecozones sa mga probinsiya ng Cavite at Laguna.

 

 

 

“More than providing efficient transportation links, the CALAX project under public-private partnership arrangement with the MPCALA Holdings, a unit of Metro Pacific Investment Corp., will help hasten economic recovery by providing jobs and promote the Calabarzon as a preferred destination for investment and growth,” dagdag ni Villar.

 

 

 

Ang P35.68 billion na Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ay sinimulan ang konstruksyon noong July 2017 kung saan ito ay isa sa mga programa ng Build Build Build ng pamahalaan. LASACMAR

Lao, nasa Pinas pa- Sec. Roque

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM), na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na binili di umano ng gobyerno na COVID-19 pandemic supplies mula sa maliit na kumpanya.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. ay matapos na hilingin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon ang pagpapalabas ng hold departure order para kay Lao dahil sa di umano’y pagtatangka nito na umalis ng bansa.

 

“Hindi ko po alam kung nasaan siya, pero nakausap ko po siya sa telepono,” ayon ka Sec. Roque.

 

“Walang indikasyon na wala siya sa bansa,” dagdag na pahayag nito.

 

Kapwa nabanggit nina Lao at Roque na ang COVID-19 pandemic supplies ay binili mula sa Pharmally at ang Pharmally ang nakakuha ng bilyong halaga ng kontrata base sa kalidad, , affordable price at kakayahan na mai-deliver ang goods gaya ng personal protective equipment sa tamang oras.

 

Si Lao ay dating pinuno ng DBM’s Procurement Service ang siyang bumili ng pandemic supplies mula sa Pharmally kahit pa na ang kompanya ay mayroon lamang na startup capital na 625,000. (Daris Jose)

DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na umaabot na sa 10,663,537 recipients ang nakapag-claim ng kanilang social assistance mula sa mga local government units (LGUs) hanggang nitong Martes.

 

 

“As of yesterday (Martes), 94.73% na po ang ating naipamigay na ayuda sa ­ating mga kababayan,” ayon pa kay Malaya.

 

 

Ang mga residente aniya na dumudulog at humihiling sa mga grievance committees na maisama sila sa listahan ng mga benepisyaryo ang gagawing prayoridad dito.

 

 

Nilinaw naman ni Malaya na kailangan pa rin munang i-check ng LGUs kung kuwalipikado silang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

 

 

Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng ECQ noong nakaraang buwan, bilang bahagi nang pagsusumikap na mapababa ang bilang ng mga taong mahahawahan ng COVID-19 sa rehiyon, partikular na ang Delta variant nito.

Dizon pumiyok, kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMIYOK si National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa.

 

Ani Dizon, bagama’t ang peak single-day COVID-19 testing ay 80,000, na mayroong daily average na 70,000, ay masasabing hindi pa rin ito sapat.

 

“To the question is it enough? I don’t think it’s enough to be honest. But what we have to understand is we always follow the advice of our experts that we cannot just test shotgun. Meaning, we’ll just test without basis,” ayon kay Dizon.

“It needs to be risk-based, it needs to be based on the guidelines that have been approved by our experts and by the Department of Health,”dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, magpapatuloy ang bansa sa “risk-based approach” nito sa pag-detect ng COVID-19 cases, na ang puntirya ay i-test ang mga symptomatic, close contacts sa COVID-19 positive individuals, close contacts ng symptomatic, at mga taong nakatira sa lugar kung saan kinukunsidera bilang high risk.

 

“The reason is not just based in science, but this is a practical issue. It’s very easy to say let’s test 150,000 a day. However, at the current price of each RT-PCR, with the lowest probably P2,000, if we will test, for example, 10 percent of our population daily, then we would need to test 10 million Filipinos daily. P2,000 times 10 million, that’s P20 billion per day,” ang pahayag ni Dizon.

 

“At this rate already, we are already spending P160 million a day from the pockets of our citizens who are paying for the tests and from PhilHealth. Napakalaking pondo po nito,” anito pa rin.

 

Para kay Dizon, nakababahala ang ganitong situwasyon lalo pa’t wala ng sapat na pera ang pamahalaan para ipagpatuloy ang mas maraming pang covid-19 test araw-araw.

 

“Maybe we should also consider practical and on-ground implications. Every time we need to test, contact trace, isolate, vaccinate, we’re spending money,” ayon kay Dizon. (Daris Jose)

BTS, pasok na sa 2022 Hall of Fame ng ‘Guinness World Record’ dahil sa naitalang 23 world records

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST September 2, in-announce ng Guinness World Records na ang K-pop superstars and Grammy nominees na BTS ay pasok na sa 2022 Hall of Fame dahil sa nagawa ng South Korean boy group na 23 world records.

 

 

“At the moment of writing the group holds a staggering 23 world records, making them one of the most successful bands in the history of Guinness World Records,” ayon sa representative.

 

 

“Culturally, BTS jumping from strength to strength aided a global rediscovery of South Korean society. Their popularity grew hand in hand with a general awareness and passion for ‘K-culture,’ which spread across the web like wildfire. It’s hard to determine if the rise of trends such as K-beauty and K-dramas is a consequence or a cause of BTS’ ever-growing popularity, but one thing is for sure: the country is, now more than ever, one of the global trendsetters,” dagdag pa.

 

 

“The barriers BTS overcame – cultural, linguistic, and within the music industry – and the way they unified so many people across the world with the sheer power of their art is, and will continue to be, an inspiration,” ayon pa rin sa Guinness, na nagpahayag na ang BTS ay makikita o mababasa sa Guinness World Records 2022 sa mga pahina na 212 at 213.

 

 

Narito ang naitala na 23 Guinness World Records ng BTS:

 

BTS MUSIC RECORDS

  1. First K-pop act to reach No.1 on the US albums chart – First Place – June 2, 2018
  2. First K-pop act to reach No.1 on the US Artist 100 – First Place- June 2, 2018
  3. First K-pop group to reach the Top 10 on the US singles chart – First Place – June 2, 2018
  4. Highest annual earnings for a K-Pop band (current year) – $50 million – June 1, 2020
  5. Most viewers for a music concert live stream on a bespoke platform – 756,000 – June 24, 2020
  6. Most tickets sold for a livestreamed concert (current year) – 756,000 tickets – June 14, 2020
  7. Most weeks at No.1 on Billboard’s Social 50 chart – 189 weeks – August 1, 2020
  8. Most “daesang” (“grand prize”) awards won at the Mnet Asian Music Awards – 13 total number – December 6, 2020
  9. Best-selling album in South Korea – 4,440,818 units sold – March 1, 2021
  10. Most Nickelodeon Kids’ Choice Awards won by a music group – 5 total number – March 13, 2021
  11. Most weeks on the US Hot 100 by a K-pop track – 32 weeks – April 10, 2021
  12. Most weeks at No.1 on Billboard’s Digital Song Sales chart- 18 weeks – April 10, 2021
  13. Most streamed act on Spotify (group) – 16,300,000,000 total number – April 27, 2021

 

 

BTS SOCIAL MEDIA RECORDS

  1. Most Twitter engagements (average retweets) for a music group – 422,228 engagements – April 29, 2019
  2. Most Twitter engagements (average retweets) – 422,228 engagements – April 29, 2019
  3. Fastest time to reach one million followers on TikTok – 3 hours 31 min – Sept. 25, 2019
  4. Most viewed YouTube video in 24 hours – 101,100,000 views – Aug. 22, 2020
  5. Most followers on Instagram for a music group – 40,220,226 – April 22, 2021 GUINNESS

 

 

WORLD RECORDS BROKEN BY BTS’ “BUTTER”

  1. Most streamed track on Spotify in the first 24 hours – 11,042,335 streams – May 21, 2021
  2. Most viewers for the premiere of a music video on YouTube – 3,900,000 total number – May 21, 2021
  3. Most viewers for the premiere of a video on YouTube – 3,900,000 views – May 21, 2021
  4. Most viewed YouTube music video in 24 hours – 108,200,000 times – May 22, 2021
  5. Most viewed YouTube music video in 24 hours by a K-pop group – 108,200,000 – May 22, 2021

 

 

***

 

 

HABANG nagti-taping ang cast ng longest action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin  sa  mala-palasyong  bahay ni Mayor Chavit Singson sa tabing dagat sa Narvacan, Ilocos Sur  na halos katulad ng mga nagsisipaglakihang  bahay ng mga sikat na Hollywood personalities sa California, ang masipag  at galanteng alkalde naman  ay nasa South Korea  ngayon upang mag-invest ng tumataginting na 100 million dollars sa nasabing bansa.

 

 

Katatapos lang pumirma si Mayor Chavit ng memorandum of understanding para sa 1.7 billion dollars resort development project.

 

 

Kasama ng butihing mayor dito  ang Gangwon Province government, East coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai  Asset Management Co.

 

 

Kasali sa proyektong ito ang pagpapatayo ng resort centers at ocean complexes sa Donghae City, nasa 260 km silangang bahagi ang layo mula sa Seoul.

 

 

Plano rin ng LCS Group na pinamumunuan ni Mayor Singson ang bumili ng mga properties para sa mga sarili nitong business doon.

 

 

Ang LCS group ang pinakaunang Philippine company na mag-invest para sa real estate development project sa bansang South Korea.

 

 

Pagdating dito sa Pilipinas, ang group of companies ni Mayor Chavit ay nakatutok sa mining, transportation, defense, logistics at telecommunication towers.

 

 

Bukod sa pag-invest ng madiskarteng mayor sa South Korea, tinututukan din ngayon ni  Mayor Singson ang pagpapalagay ng solar panel para sa bagong parking lot ng  public market sa bayan ng Narvacan na kanyang pinamumunuan.

 

 

Ang solar panel ang pagmumulan ng supply ng kuryente para sa charging stations ng electric jeepneys sa nasabing lugar.

(ROHN ROMULO)