• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 1st, 2021

Dahil sa karangalang ibinigay sa mga filipino at sa bansa: Malakanyang, nagpasalamat kay Pacquiao na opisyal nang namaalam sa boksing

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao na opisyal nang namaalam sa larangan ng boksing.

 

“Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumps as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Isang malaking karangalan aniya na isang filipino ang tinaguriang Pambansang Kamao.

 

“We are proud that he is a filipino. and he has also made us very proud to be filipino,” ani Sec. Roque.

 

Sa ulat, emosyonal nang namaalam si Pacquiao sa larangan ng boksing.

 

Sa isang recorded video ng senador, kabilang sa pinasalamatan ni Pacquiao ang lahat ng tumulong sa kanya para magtagumpay sa boxing mula sa kanyang kamag-anak na si Zardo Mejia na nagdala sa kanya dito sa Maynila hanggang sa Amerika.

 

Pinasalamatan din niya ang asawa na si Jinkee, ang limang anak, mga magulang gayundin din si Freddie Roach na hindi lang umano niya coach kundi kaibigan at kapamilya na rin maging si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

 

Pinasalamantan din ng Senador ang Diyos dahil hindi umano siya magtatagumpay kung hindi dahil sa Panginoon, at ang media na nagsasalaysay ng kwento ng kanyang buhay gayundin sa taumbayan at sa mga boxing fans.

Team Pacquiao, ‘mixed emotions’ sa pagreretiro ni Pacman

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ni dating two division world boxing champion Gerry Penalosa na mixed emotion sila sa pagreretiro ng kaibigang si Sen. Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing.

 

 

Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, masaya sila na makakapag-focus na sa iba pang mahahalagang bagay ang Pinoy ring icon.

 

 

Pero nalulungkot din sila dahil nasanay na ang team sa malalaking laban at dibdibang ensayo, kung saan madalas nilang kasama ang tinaguriang “Pacman.”

 

 

Mawawala na rin aniya ang zero crime rate at walang traffic sa panahon ng mga laban ni Sen. Pacquiao.

 

 

“Suportado natin si Manny, pero syempre malungkot din na hindi na natin sya makikita sa mga laban na inabangan din sa buong mundo,” wika ni Penalosa.

Kahilingan na ipagpaliban ang SSS rate hike, pag-aaralan ng Malakanyang

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AARALAN ng Malakanyang ang naging panawagan at kahilingan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers.

 

“Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban nila ay ‘yung monthly contribution,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Sa tingin ko po pag-aaralan ‘yan ng Ehekutibo dahil ang isyu baka kinakailangan po ng batas,” dagdag na pahyag ni Sec. Roque.

 

Sa joint letter na may petsang Setyembre 27, sinabi ng mga grupo ng business at labor leaders na ang pagpapalabas ng EO ay kailangan para payagan ang mga nakikipaglabang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang negosyo at mabigyan ng hanapbuhay sa gitna ng humahabang hamon ng COVID-19 pandemic.

 

Ang liham ay nilagdaan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Exporters Confederation (PhilExport), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Federation of Free Workers (FFW), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro), Partido Manggagawa (PM), Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI), Makati Business Club (MBC), at Management Association of the Philippines (MAP).

 

Pinunto ng mga grupo na ang Republic Act (RA) No. 11548, na tinintahan noong Mayo ngayong taon ay binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na ipagpaliban ang nakatakdang pagtataas ng SSS premium contributions para sa durasyon o tagal ng deklarasyon ng state of  calamity.

 

Anila, ang paglagda sa batas ay “positive signal” to employers and employees that “government empathizes with business in its efforts to keep jobs and livelihoods to prevent further economic losses and the resulting social problems.”

 

“However, four months after the enactment of the law, the Executive Order implementing the Act has yet to be issued, even as the higher SSS premium already took effect last January 2021,” ang nakasaad sa joint letter.

 

Ang SSS members’ monthly contributions ay itinaas ng 13% sa kanilang kinikita sa pagsisimula ng taon, mas mataas sa kasalukuyang 12% contribution na kinukuha mula sa kanilang sahod.

 

“It is in this light that we are constrained to write to the President for urgent action on this pending request for the deferment. We have yet to fully reopen and many have already lost their income sources either permanently or temporarily,” ayon sa grupo.

 

“Postponing the implementation of the higher SSS premium will be a critical recovery measure by helping sustain the cash flow especially of the very vulnerable MSMEs. It will also serve as a very concrete government contribution to the National Employment Recovery Strategy (NERS) program that is implemented with the private sector,” dagdag na pahayag ng mga ito.

 

Ang liham a nilagdaan nina PCCI president Benedicto Yujuico, ECOP chairman Edgardo Lacson, PhilExport president Sergio Ortiz-Luis Jr., FFCCCI president Henry Lim Bon Liong, chairman of MBC Edgar Chua, at MAP president Aurelio Montinola III.

 

Ang mga signatory naman na labor leaders sa joint letter ay sina TUCP president Raymond Democrito Mendoza, FFW president Jose Matula, Sentro chairman Daniel Edralin, at PM national chairman Rene Magtubo. (Daris Jose)

PRIVATE, PUBLIC CEMETERY AT KOLUMBARYO, SARADO SA OCT 29-NOV 3

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw, isasara ang mga  pribado at pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Maynila simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

 

 

Sa nilagdaang Executive Order No. 33 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakasaad na kabilang sa mga isasarang sementeryo ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery.

 

 

Pansamantala rin isasara sa publiko ang mga kolumbaryo ngayong darating na panahon ng Undas.

 

 

Layon ng nasabing kautusan na maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo sa kani-kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

 

 

Sa nasabing kautosan , ang libing at cremation ay papayagan naman sa nasabing mga petsa ngunit kailangan ay walang kaugnayan sa Covid-19.

 

 

Kailangan ding tumalima sa umiiral na minimum health protocols partikular na ang social distancing.

 

 

“The Directors of the Manila Cemeteries, with the assistance of the Manila Police District, the Manila Health Department, the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, and the Department of Public Services are directed to ensure compliance and implementation of this Order,” saad sa nasabing kautusan.

 

 

Babala naman ng alkalde na maaring matanggalan ng mayor at bussiness permit ang hindi makasusunod sa nasabing EO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

HEART, pinatulan ang netizen na nagtanong kung bakit palagi siyang naka-bra

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINATULAN ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumuna sa kanyang Instagram post kunsaan, nag-post si Heart na naka-bra lang at naka-denim pants.

 

 

      Kinukuwestiyon ng netizen si Heart at sa suot niya.

 

 

Sabi nito, “Bakit lagi ka na lang naka bra ngayun?”

 

 

      Sinagot ito ni Heart na, “ayy hindi ka mahilig mag bra?? Good for you.”

 

 

      Pinuri naman si Heart ng ibang netizens sa naging reaksiyon niya.  Sabi ng mga ito, “perfect response!”

 

 

“mahal ‘yung bra niya eh paki mo ba kung gusto niyang ipakita.”

 

 

“such classy reply love it.”

 

 

Marami naman ang humahanga sa katawan ni Heart ngayon at may mga nag-comment na “ayoko na talagang mag-rice.”  “sana all.”

 

 

***

 

 

NGAYONG Sabado na ang pilot episode at pagbabalik ng isa sa masasabing successful singing competition sa telebisyon, ang all-original na The Clash ng GMA-7 na nasa season 4 na ngayon.

 

 

Halos iisa ang sagot ng mga hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela at ang mga The Clash Judges na sina Christian Bautista, Lani Misalucha at AiAi delas Alas.

 

 

At sabi nga ni AiAi, “Siguro ang The Clash ay hudyat na ito ay isang regalo mula sa Panginoon. Na tayo ay merong trabaho, hindi lang tayo lahat ng mga contestants. 

 

 

“At tama si Oppa friend (Christian), thank you sa aming mga bosses, lahat ng staff na maka-create na talagang original content, Filipino na hindi natin binili sa banyaga, original made ng Filipino. 

 

 

      “And yearly, kasama po ako at kami dito sa show na ‘to. Meaning, yearly until merong The Clash, meron kaming trabaho.”

 

 

Obvious naman na napamahal na talaga kay AiAi ang The Clash dahil nagbitiw na ito ng salita na tipong sa plano niya ngayon na mag-stay muna sa America kunsaan, nandoon ang kanyang mister na si Gerald Sibayan at about time na rin daw na ayusin niya ang kanyang green card, tila kapag The Clash ay uuwian niya talaga at hindi puwedeng hindi niya gawin.

 

 

Baka nga after ng show, magpu-fulltime muna si AiAi bilang misis sa kanyang mister sa U.S. Hindi rin niya itinanggi ang planong magpapa-surrogacy sila para magkaroon ng sariling anak.

 

 

      “Minsan sa buhay natin, may priority ka rin. Although babalik naman ako rito dahil ang nanay ko, matanda na. Bibisitahin ko. Kaya lang siyempre, ngayon pa lang ako na may asawa. Na ang priority ko, si Gerard.  Bukod sa ipi-petition ko siya, kailangan niya rin ako do’n.  Susme, bakit pa kami nag-asawa

 

 

“At ngayon ko lang din bubunuin ang green card ko.  Binigyan ako ng Panginoon na magka-green card, so aayusin ko ‘yun.”

 

 

At pagdating sa surrogacy nga, sinabi ni AiAi na, “Oo, lahat ‘yan planado na sa mga gagawin namin sa America. Prayers lang at everyday hope na lahat ‘to, magiging maganda.”

 

 

***

 

 

DAHIL mukhang matagal na mase-shelve ang Love. Die. Repeat dahil sa kondisyon na meron ngayon si Jennylyn Mercado, naalala namin agad, bukod kay Xian Lim na first project niya ito sa Kapuso network ay si Myrtle Sarrosa na talagang na-excite nang siya ang ipinalit kay Kim Domingo.

 

 

Nasabi pa ni Myrtle na “dream project” niya raw ito. Kaso, ‘yun lang, masasabing apektado siya at iba pang cast at production dahil stop taping muna nga raw ng matagal.

 

 

Hindi naman ikinaila ni Myrtle na medyo heartbroken siya na hindi muna matutuloy ang serye nila, pero hoping naman daw ito na matututuloy pa rin.

 

 

Sey pa niya, “I really hope that matutuloy pa rin or if this door closes, another better opportunity opens.”

 

 

At sabi niya rin, ang mahalaga raw sa lahat ay maayos ang kalagayan ni Jennylyn.

 

(ROSE GARCIA)

Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis.

 

 

Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice.

 

 

Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito.

 

 

Kaya naman bawat araw, bawat game ay aasiste raw siya para ma-push pa ang impact ni Davis sa kanilang kampanya ngayong season.

 

 

Kung maalala noong huling season ay nakitaan ng “worst percentage” sa performance si Davis at nadagdag pa ang injury.

 

 

“There’s nobody like him who can do everything he’s able to do at his size,” ani Westbrook. “And my job is to make sure I continue to push him each day, each practice, each game.”

 

 

Bilang reaksiyon, natuwa naman si Davis sa pahayag ng kanilang bagong pointguard na dati ring NBA MVP.

Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna.

 

“Ang detalye ay hihimay-himayin ngayong Thursday sa IATF meeting mamayang alas dos, pero inaasahan natin na kapag sinabi natin na general population, siyempre po meron munang ilang lugar na magsisimula kasi depende rin ‘yan sa supply availability,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binanggit ni Sec.Roque na ang bakunang Pfizer ay madadala lamang sa mga lugar na mayroong cold storage facilities.

 

Araw ng Martes nang ianunsyo ni Sec. Roque na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabakuna sa general population, at maging sa mga menor de edad laban sa COVID-19 na sisipa sa susunod na buwan.

 

Ani Sec. Roque, ang pagbabakuna ay “approved in principle.”

 

Para naman sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17, tiniyak ni Sec. Roque na prayoridad ang mayroong comorbidities.

 

“Sa ngayon ay pinapa-masterlisting na natin ang ating mga kabataan, ang ating mga bagets, para kapag full blast na ang mga kabataan nandiyan na ang ating listahan,” anito.

 

Samantala, sa pulong pa rin mamyang hapon ng IATF, tatalakayin din kung palalawigin ang Alert Level 4 na ipinatutupad ngayon sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Alert Level 4 — ay “second highest” sa bagong five-tiered alert level system ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila na mapapaso ngayong araw, Setyembre 30.  (Daris Jose)

Mga advocacy groups tutol sa pagtatayo ng P95B Pasig River Expressway

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maraming advocacy groups ang tutol sa pagtatayo ng P95 Billion na Pasig River Expressway (PAREX) na siyang tinutulak ng San Miguel Corp. (SMC).

 

 

Isa na rito ang advocacy group na AltMobility PH na siyang nagsabing mas magiging malala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kaysa mababawasan ito.

 

 

“In order for us to decongest our roads, we need to provide infrastructure that will reduce car dependence, a transport environment was taking public transportation, biking or walking are not inferior modes of transport – in fact, the preferred mode of transportation. Yet, for as long as I can remember, we have been building and widening roads, building flyovers, but still end up stranded on the road – PAREX will continue this cycle,” wika ni Ira Cruz, director at transport advocacy ng AltMobility.

 

 

Ayon naman sa Move As One Coalition, ang PAREX ay siya pang magiging sanhi upang maging malala ang situasyon ng trapiko sa metropolis sapagkat mas dadami ang gagamit nito. Mas lalakas ang demand dahil sa pagtaas ng mga sasakyan na dadaan ng nasabing expressway.

 

 

Kung mayroon isang expressway na katulad ng PAREX na ang pangunahing adhikain na ang gagamit ay ang mga pribadong sasakyan, ang magiging epekto nito ay mas mahihikayat ang mga mayari ng mga pribadong sasakyan na dumaan dito kung kayat magiging sanhi ito ng pagsisikip sa Metro Manila.

 

 

Nangagamba rin ang mga advocacy groups na ito rin ang magiging sanhi ng mas malalang air pollution sa Metro Manila kung saan magkakaron pa ng air pollution-related deaths ang mga tao.

 

 

Kung kaya’t nanawagan si Architect at environmental planner Leandro Poco na magkaron muna ng masinsinang pag-aaral sa magiging epekto nito sa mga kalusugan ng mga tao.

 

 

Ang iba namang mga planning advocates, pro-sustainability architects, at concerned citizens ay tumututol din sa proposal na ito dahil sa sinabing ang Pasig River ay isang importanteng ruta ng transportasyon noong Spanish colonial period pa at isang makasaysayang lugar na dapat ay ingatan at mapangalagaan.

 

 

“We have expressed objection to the project because the Pasig River was once an important transport route during the Spanish colonial period and it was an important piece of heritage that need to be preserved and rehabilitated. The Pasig River is the setting of may Filipino works of art, music, and literature,” saad ng advocacy groups.

 

 

Ayon naman kay Paolo Alcazaren, ito ay “lipstick on a pig” dahil ang mga bike lanes at BRTs na ilalagay sa 6-lane skyway upang matakpan ang Pasig River ay hindi rin naman makakabuti at hindi rin malulutas ang matinding trapik sa metropolis. Dagdag pa ni Alcazaren na hindi nito matutugunan ang problema ng trapiko dahil magkakaron ng induced demand at mawawala rin ang historical aspect ng Pasig River. Maglalaho rin ang cooling effect na binibigay ng Pasig River at ang open space kapalit ng kita mula sa nasabing expressway.

 

 

Samantala, pinagtangol naman ni SMC president Ramon Ang ang mga alegasyon ng mga grupo at sinabing puro kasinugalingan ang mga ito.

 

 

“Those leading others to denounce the project are manipulative and single-minded in their goal of creating distrust for PAREX for their own agenda. On the issue of number of vehicles, it will continue to rise nonetheless, with or without the upcoming project. Traffic and pollution will worsen if we do not build efficient, multi-purpose, future-ready infrastructure such as PAREX,” sabi ni Ang.

 

 

Ang proyektong ito ay kasama sa programa na Build Build Build ng pamahalaan kung saan ito mayrong 19.37 kilometers na haba at my construction table na 36 na buwan.

 

 

Magkakaron ito ng six-lane elevated expressway na dadaan sa kahabaan ng baybayin ng Pasig River, mula sa Radial Road 10 sa Manila hanggang C-6 Road o sa South East Metro Manila Expressway sa Taguig.

 

 

Ang PAREX ay isang integrated elevated road network na magdudugtong sa north, south, east at west corridors ng Metro Manila. Kapag tapos na ang proyekto, ito ay inaasahan na makakatulong upang mababawasan ang travel time mula Manila papuntang Pasig ng 15 hanggang 20 na minuto. LASACMAR